You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Schools Division of South Cotabato
Tampakan District 1
TAPLAN INTEGRATED SCHOOL

PRE TEST
ARALING PANLIPUNAN 10

Name: ___________________________________ Date: _____________ Score: _________


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik wastong sagot sa bawat bilang.
1. Ang salitang ekonomiks ay mula sa mga salitang Griyego na oikos na ang ibig sabihin ay bahay, ano naman ang
ibig sabihin ng nomos?
a. negosyo c. karunungan
b. kabuhayan d. pamamahal

2. Paano inilalarawan sa ekonomiks ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao?


a. limitado c. walang saysay
b. dumadami d. walang katapusan
3. Anoang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin upang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao?
a. suliraning pampulitika d. walang kaubusang pinagkukunang-
b. suliraning pangkapaligiran yaman
c. limitadong pinagkukunang-yaman
4. Sinong ekonomista ang nagsabi na ang ekonomiya at sambahayan ay may maraming pagkakatulad?
a. Karl Marx c. John Maynard
b. Adam Smith d. Nicholas Gregory Mankiw
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napabilang sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-
pakinabang sa lahat?
a. Ano ang gagawing produkto o serbisyo?
b. Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Magkano ang inaasahang tubo sa gagawing produkto at serbisyo?
6. Alin sa sumusunod na suliranin ang kaakibat ng buhay dahil sa pagkakaroon ng limitadong kakayahan ng tao,
likas na yaman at yamang kapital?
a. katamaran c. kakapusan
b. kahirapan d. kamangmangan
7. May mga isinaalang-alang tayo sa bawat paggawa natin ng desisyon. Sa ekonomiks, ano ang tawag sa halaga ng
isang bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon?
a. trade-off c. opportunity cost
b. incentives d. marginal thinking
8. Ano ang tawag sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isa pang bagay?
a. incentives c. opportunity cost
b. trade-off d. marginal thinking
9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng marginal thinking sa paggawa ng desisyon?
a. Inaayos ang mga suliraning maaring idulot ng napiling desisyon
b. Inaalam kung anong produkto o serbisyo ang sikat o naaayon sa uso
c. Sinusuring mabuti ang pakinabang, at maging ang gastos sa gagawing pagpili
d. Inaalam kung anong dagdag na pakinabang ang makukuha sa bawat paggawa ng pagpili
10.Alin sa mga sumusunod na sitwasyong ang HINDI nagpapakita ng pagsasaalang-alang ng isang tao sa incentive na
makuha niya sa paggawa ng desisyon?
a. Nagsisikap na makatipid sa lahat ng panahon
b. Sinusuri kung magkano ang matipid sa pagbili ng produkto
c. Mas ginagalingan ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan
d. Inaalam kung anong dagdag na benepisyo ang makuha sa paggawa ng desisyon
11.Gustong makuha ng mga tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan, dahil
dito, kinakailangang makabili muna siya ng mga produkto, sa gayun kailangan ang produksiyon. Alin sa mga
sumusnod na pangungusap ang naglalarawan sa diwa ng produksiyon?
a. Pagsasaayos ng mga pangangailangain sa wastong pagkakasunod-sunod
b. Paggamit mga produkto at serbisyo upang masiyahan ang mga tao
c. Pagpapalit-anyo ng mga input upang makalikha ng output
d. Pagpabilis sa proseso ng paglikha ng mga produkto
12.Makagagawa lamang ng produksiyon ang tao kung gagamitin niya lahat mga salikupang makabuo ng
produkto. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik na ito?
a. paggawa b. kapital c. presyo d. lupa
Suriin ang diyagram sa ibaba upang masagot ang katanungan sa bilang 3.

13.Ano ang ipinahihiwatig ng ilustrasyon sa itaas ukol sa produksiyon?


a. Ang produksiyon ay isang proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at serbisyo
ubang mabuo ang input tulad ng lupa, paggawa, kapital, at kakayahan ng entreprenyur.
b. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasasama-sama ng mga input tulad ng lupa, lakas-paggawa,
kapital, at entreprenyur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
c. Magaganap lamang ang produksiyon kung kompleto ang mga salik na gagamitin dito.
d. Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakaspaggawa kaysa sa mga
makinarya.
14.Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa pang-araw-araw na
pamumuhay?
a. Ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho
b. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-araw-araw
c. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng
produkto at serbisyo
d. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito
masasabing mas mahalaga ang produksiyon kaysa sa pagkonsumo
15.Ang isang negosyo ay nangangailangan ng puhunan o kapital upang lumago, subalit, ang kaalaman sa
entrepreyurship ay higit mahalaga upang maiangat ang negosyo. Sa ganitong sitwasyon, anong mahalagang
papel ang ginagampanan ng isang entreprenyur?
a. nagtutustos ng kalakal sa pamilihan
b. namamagitan sa alitan ng mga kawani
c. nagpapasiya ng mga estratihiya para sa ikauunlad ng Negosyo
d. nagsisilbing tagasunod sa mga patakaran ng mga nakatataas sa pwesto
16.Ang isang entreprenyur ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapatakbo ng negosyo at sa
produksiyon ng kalakal o serbisyo. Alin sa mga sumusunod ang ginagampanan ng isang entreprenyur?
a. nagtatakda ng presyo sa pamilihan
b. nag-iimpok ng malaking puhunan para sa negosyo
c. nagsasaayos ng mga kalakal na iluuwas sa ibang bansa
d. nagsasagawa ng tamang pamamaraan sa paggawa ng produkto
17.Ang bawat salik ng produksiyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo, subalit kinakailangan
paring bayaran ang paggamit nito. Alin sa mga sumusunod ang tamang kombinasyon ng serbisyo ng mga salik ng
produksiyon at kabayaran para dito?
a. Upa para sa may-ari ng lupa, sahod sa paggawa, interes para sa kapital at tubo para sa entreprenyur
b. Upa para sa kapital, sahod para sa paggawa, tubo sa may-ari ng lupa at interes para sa entreprenyur.
c. Sahod para sa entreprenyur, upa para sa paggawa, interes para kapital at tubo para sa may-ari ng
lupa
d. Tubo para sa may-ari ng lupa, sahod sa paggawa, upa para sa kapital at interes para sa entreprenyur
18.Kinakailangan ang salik ng lupa sa paggawa ng mga produkto at serbisyo. Alin sa mga sumusnod ang
kahalagahan ng salik na ito sa produksiyon?
a. dito nagmumula ang kakayahang iproseso ang hilaw na sangkap upang maging isang ganap na
produkto
b. dito nagmumula ang mga kagamitang kinakailangang upang mabuo at mapabilis ang paglikha ng
mga produkto
c. dito nagmumula ang mga sangkap at iba pang hilaw na materyales na kinakailangan upang
makalikha ng mga produkto
d. dito nagmumula ang mga taong may kakayahang pamunuan at gabayan ang buong proseso ng
paglikha ng mga produkto
19.Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng salik ng paggawa sa proseso ng produksiyon?
a. Ginagabayan ng salik na ito ang kabuuang proseso ng produksiyon
b. Nagpoproseso ng mga hilaw na sangkap gamit ang mga makabagong kagamitan
c. Nagsusuplay ng mga kagamitang kinakailangan upang ang mga hilaw na sangkap ay magbuo bilang
produkto
d. Sumusuplay ng mga hilaw na sangkap na kinakailangan upang magkaroon ng mga ipoprosesong
produkto at serbisyo
20.Gaano kahalaga ang salik ng kapital sa proseso ng produksiyon?
a. Dito nagmumula ang mga taong may kakayahang bumuo ng produkto
b. Dito nagmumula ang mga kagamitan at koneksyon na kinakailangan para mabuo ang mga produkto
c. Dito nagmumula ang mga taong may talino at kakayanan para pamunuan ang buong proseso ng
produksiyon
d. Dito nagmumula ang mga kagamitan at mga sangkap na kinakailangang para makalikha ng mga
produkto at serbisyo
21.Alin sa mga sumusunod na katangian dapat taglayin ng isang entreprenyur upang makabuo siya ng mga
produkto at serbisyo?
a. maabilidad b. inobatibo c. risk taker d. maparaan
22.Ang lakas paggawa ay mahalaga sa produksiyon dahil sila ang nagpapagalaw sa salik ng lupa at kapital.
Mayroon tayong dalawang uri ng lakas paggawa ang white collar job at blue collar job. Alin sa mga
sumusunod ang naglalarawan sa blue collar job?
a. Mga abogado, doctor, guro enhenyero at iba pa.
b. Mga mangagawa na gumagamit ng kakayanang pisikal sa pagtatrabaho.
c. Mga mangagawa na mas gumagamit ng kakayahang mental sa
pagtatrabaho.
d. Mga manggawa na nangangailangan ng mas mataas na antas ng
teknikalidad.
23.Alin sa mga sumusunod ang isa pang katawagan sa mga salik ng produksiyon?
a. output b. input c. throughput d. factor cost
24.Kung ikaw ay isang entreprenyur, alin sa mga sumusunod ang dapat mo isasaalang-alang upang maging
matagumpay ka sa paglikha ng produkto? a. lakas ng loob sa paglikha ng produkto
a. inobasyon upang mapabilis ang proseso ng produksiyon
b. pagkamasinop sa paggamit ng mga salik ng produksiyon
c. pagkamalikhain sa paggamit ng iba pang salik ng produksiyon
25.Ang isang entreprenyur ay may mahalagang papel na ginagampanan upang mapanatiling epesyente
(efficient) ang takbo ng produksiyon. Alin sa mga sumusunod na katangian ang kinakailangan niyang taglayin?
a. lakas ng loob sa paglikha ng produkto
b. inobasyon upang mapabilis ang proseso ng produksiyon
c. pagkamasinop sa paggamit ng mga salik ng produksiyon
d. pagkamalikhain sa paggamit ng iba pang salik ng produksiyon
26. Alin sa mga sumusunod na gawain ay bahagi na ng buhay ng tao simula sa kanyang pagsilang hanggang sa
pagtanda?
a. pag-aaral c. pamamahala
b. pagkonsumo d. produksiyon
27. Ano ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang pagkonsumo ng tao?
a. dahil nagkakaiba iba ang kita ng tao
b. dahil nagkakaiba-iba ang isip ng tao
c. dahil nagkakaiba-iba ang tirahan ng tao
d. dahil nagkakaiba-iba ang paniniwala at katalinuhan ng tao
28. Sa panahon na nagkaroon ng pandemic, ang presyo ng karne ay nagbago at tumaas, ano ang maaring maging
tugon ng mga mamimili rito?
a. walang magbebenta ng karne
b. walang magbabago sa pagbili ng karne
c. marami ang bibili kahit na mataas ang presyo
d. marami ang hindi bibili dahil sa mataas ang presyo
29. Sa tuwing Disyembre ay madalas ang pagbili ng mga tao ng kung ano anong bagay, ano ang dahilan ng pagtaas
ng pagkonsumo ng tao?
a. dahil sa gusto lamang ng tao
b. dahil sa may inaasahang karagdagang kita
c. dahil sa okasyon na mayroon sa buwan ng Disyembre
d. dahil sa inaasahang tataas ang presyo sa susunod na buwan
30. Dahil sa pandemic nagkaroon ng mataas na pagkonsumo ang tao, ano ang maaring karagdagang dahilan nito?
a. dahil sa may paghahandaan na okasyon
b. dahil sa inaasahan ng tao na katapusan na ng mundo
c. dahil sa magkakaroon ng limitadong paglabas ng bahay
d. dahil inaasahan ng tao na magkukulang ang suplay ng mga produkto
31. Alin sa mga sumusunod ang naglilimita sa pagkonsumo?
a. kita c. okasyon
b. presyo d. paggaya
32. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing pangangailangan?
a. damit c. pagkain
b. tirahan d. edukasyon
33. Sino ang nagpahayag na habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo
ng mga produkto at serbisyo?
a. Van Clark c. John Bruce Wane
b. Adam Smith d. John Maynard Keynes
34. Ano ang epekto ng pagkakautang sa pagkonsumo ng tao?
a. marami ang mabibili ng taong maraming utang
b. kakaunti ang mabibili ng taong maraming utang
c. walang magbabago sa pagbili ng taong may utang
d. kinakailangang mangutang ng tao upang umunlad
35. “Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng pag-aanunsiyo ay may mababang pagkonsumo lalo na sa
mga bagay na uso at napapanahon lamang.” Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay dito?
a. Tama, dahil hindi naman lahat ng tao ay nanonood ng TV.
b. Mali, dahil lahat naman ay nanonood at naapektuhan nito.
c. Tama, dahil nasa tao parin ang pagdedesisyon ng tama na naayon sa kanyang kakayahan at
pangangailangan.
36. Mali, dahil sa panahon ngayon ay madaling maenganyo ang tao lalo na sa mga Bakit nilikha ng pamahalaan
ang Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ng 1992?
a. mapanatili ang kalinisan sa ating mga pamilihan
b. upang mabigyan ng proteksyon ang mga mamimili
c. upang itaguyod ang kapakanan ng mga negosyante
d. upang maayos ang ugnayan ng mga negosyante at mamimili

37. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng Consumer Act of the Philippines MALIBAN sa isa. Alin dito?
a. pagbibigay ng proteksyon sa mga mamimili laban sa panganib na nauukol sa kalusugan at
kaligtasan
b. pagbibigay ng sapat na karapatan at pamamaraan para sa mga hinaing at reklamo ukol sa kalakal at
serbisyo
c. pakikilahok sa mga gawain ng mga negosyante upang tumaas ang kanilang magiging kita mula sa
kanilang negosyo
d. pagbibigay ng proteksyon sa mga konsyumer laban sa mapanlinlang at hindi patas na mga
pamamaraan at gawain ng mga negosyante
38. Alin sa sumusunod ang HINDI karapatan ng mga mamimili ayon sa Consumer Act na pinagtibay noong 1992?
a. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
b. Karapatan sa pangunahing pangangailangan
c. Karapatan na makapaglakbay at mamasyal sa ibang bansa
d. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan
39. Alin sa mga sumusunod na karapatan ng isang mamimili ang nalabag kapag nakaranas siya ng panganib
sa sarili at kalusugan na dulot ng pagkonsumo sa isang produkto tulad ng pagkain, gamot at maaring sumabog
na produkto?
a. Karapatan sa kaligtasan
b. Karapatan sa patalastas
c. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
d. Karapatan sa pangunahing pangangailangan
40. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa karapatan mo bilang isang mamimili na mabayaran sa mababang
uri ng paninda o paglilingkod na ipinagbibili kahit na ito ay pagkakamali at kapabayaan o masamang hangarin?
a. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
b. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
c. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili
41. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang
impormasyon?
a. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin
b. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.
c. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto.
d. Palaging gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran
42. Alin sa mga nakasulat sa ibaba ang HINDI ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mga mamimili?
a. Energy Regulatory Commission (ERC)
b. Department of Trade and Industry (DTI)
c. Department of Public Works and Highways (DPWH)
d. Philippine Oversees Employment Administration (POEA)
43. Anong ahensiya ng pamahalaan ang tumutulong sa mga mamimili laban sa mandaraya at mapanlinlang na
gawain ng mga mangangalakal? a. Department of Education (DepEd)
b. Department of Trade and Industry (DTI)
c. Energy Regulatory Commission (ERC)
d. Department of Public Works and Highways(DPWH)
44. Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang tutulong sa mga mamimili kung sakaling may reklamo sila laban sa
pagbebenta ng di-wastong timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng liquified petroleum gas? a.
Insurance Commission
b. Department of Tourism(DOT) d. Energy Regulatory
c. Provincial Municipal Commission (ERC)
Treasurer
45. Kung ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nangangalaga sa kapaligiran, anong
ahensiya naman ng pamahalaan ang tumutulong sa mga biktima ng illegal recruitment activities?
a. Department of Agriculture(DA)
b. Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)
c. Department of Transportation and Communication(DOTC)
d. Philippine Overseas Employment Administration(POEA)
46. Bakit mahalaga ang mga ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Trade and Industry(DTI), Energy
Regulatory Commission(ERC), at Philippine Overseas Employment Authority (POEA)?
a. bilang suporta ng pamahalaan sa mga biktima
b. para ipagtanggol ang karapatan ng mga mamimili
c. upang mura ang presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan
d. para parehong masaya ang mamumuhunan at konsyumer
47. Isang online seller ng mga damit si aling Marta. Malimit siyang magpost sa facebook ng naturang produkto
ng walang presyo. Kapag tinatanong siya ng presyo, sinasabi niya palagi sa mga gustong bumili na: “pm is the
key”.
Makatuwiran ba ang ginagawa ni aling Marta?
a. Hindi, dahil karapatan ng konsyumer na malaman ang presyo
b. Hindi, dahil karapatan niya bilang negosyante ang kumita ng malaki
c. Hindi, maraming konsyumer ang nagrereklamo dahil ayaw niyang magpautang
d. Hindi, dahil sa pagbabago ng presyo ng kanyang produkto kapag mababa ang suplay sa
pamilihan
48. Mahilig si Edna na magpaganda ng mukha. Marami siyang mga
produktong binibili sa mga mall maging sa mga bangketa. Ngunit isang araw, namaga ang
kanyang labi pagkatapos niyang gamitin ang bagong biling lipstik mula sa palengke. Natakot siya
sa nangyari sa kanya. Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, ano ang nararapat mong gawin?
a. pagalitan ang tinderang nagpabili ng lipstik
b. isauli ang nabiling produkto at bumili ng ibang uri
c. kumalma upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon
d. magsampa ng kaso upang makakuha ng bayad-pinsala

49. Bumili ng isda sa palengke si Robert upang may maihain sa hapunan para sa bagong dating niyang biyenang
babae. Ngunit nadismaya siya dahil walang nakasulat na presyo ang mga ipinagbibiling isda ng mga tindera.
Hindi niya tuloy malaman kung ano ang totoong presyo ng iba’t ibang uri ng isdang nakalatag sa mesa. Kung
ikaw ang nasa kanyang sitwasyon, ano ang iyong gagawin?
a. Pagalitan sila dahil hindi sumunod sa patakaran ng pamahalaan.
b. Sabihan ang mga tindera na maglagay ng presyo ng kanilang paninda.
c. Tumawag ng pulis at ipahuli ang mga tindera para hindi pamarisan ng iba.
d. Lumipat ng ibang palengke upang makabili ng ibang isda sa murang halaga.
50. Maraming karapatan ang mga konsyumer ngunit may mga karapatan na madalas na hindi napapahalagahan.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng karapatan ng mamimili na madalas ay binabalewala at
hindi lubos na pinapahalagahan?
a. may depekto ang nabiling cellphone ni Arthur
b. kulang ang sukli ng tindera ng prutas kay Nancy
c. panis ang pritong manok na nabili ni Shirly sa canteen
d. malimit makabili si aling Maria ng hindi preskong isda sa mataas na halaga anunsiyo
sa TV o social media.

You might also like