You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 9

50 Items

I. Identipikasyon. Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
Allocative Efficiency 1. Ito ay ang pagbigay ng balanseng alokasyon ng pinagkukunang-yaman
ayon sa pangangailangan ng lipunan.
Traditional Economy 2. Ang mga produktong nililikha sa lipunang ito ay batay lamang sa mga
pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng pagkain, damit, at tirahan.
Adam Smith 3. Tinaguriang “Father of Economics”.
Production Possibilities Curve 4. Isang graph na nagpapakita ng dami nang produkto o
serbisyong mapo-prodyus kung tutugunan ang dalawang pangangailangan.
Target Market 5. Ito ay tumutukoy sa partikular na grupo ng tao na gustong pagbentahan ng
produkto o serbisyo.
Productive Efficiency 6. Ito ay ang punto kung saan sa bawat dagdag na alokasyon sa isang
serbisyo ay magdudulot ng kakulangan sa isa pang serbisyo.
Command Economy 7. Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng isang sentralisadong pamahalaan.
Alokasyon 8. Ito ay ang paglalaan ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Pagkonsumo 9. Ito ang pangunahing dahilan ng produksyon na nakatuon sa pagpapabuti ng
kalagayan ng isang tao.
Kita 10. Ito ay tumutukoy sa salaping nakuha mula sa pagbibigay-serbisyo, paggawa ng
produkto, o pamumuhunan.
Produktibong Pagkonsumo 11. Nangyayari ang pagkonsumong ito kapag ang biniling
produkto ay ginamit na sangkap upang gumawa ng isa pang produkto.
Shortage 12. Ito ay tumutukoy sa kaganapan kung saan hindi sapat na natutugunan ang
pangangailangan ng mga tao sa pangmadaliang panahon.
Mapanganib na Pagkonsumo 13. Nangyayari ang pagkonsumong ito kapag ang biniling
produkto ay nagdudulot ng sakit, pinsala, o kapahamakan sa tao.
Market Economy 14. Ito ay isang uri ng sistemang pang ekonomiya kung saan ang paggamit ng
pinagkukunang-yaman, produksyon, at distribusyon ng mga produkto at serbisyo ay
ipinapasakamay sa malayang pamilihan.
Maaksayang Pagkonsumo 15. Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay hindi naman
kailangan o nakapagbibigay kasiyahan ngunit ang pagkonsumo ay impluwensiya lamang ng
isang salik ng pagkonsumo.
Mixed Economy 16. Ito ay ang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pagdedesisyon kung
paano gagamitin ang mga pinagkukunang-yaman ay nasa parehong kamay ng pamahalaan at ng
pribadong sektor.
Demonstration Effect 17. Ito ay kadalasang nakikita sa palengke, mga mall, o iba pang
matataong lugar kung saan ipinakikita kung paano ginagamit ang produkto.
Panahon 18. Ito ay nakakaapekto sa pagkonsumo ng tao dahil nakadepende rito ang mga patok
na produkto na akma sa kasalukuyang karanasan ng mga konsumer.
National Consumers Affairs Council 19. Ito ay binuo upang pag-isahin ang iba’t ibang papel
ng mga consumer protection agency sa Pilipinas.
Pagpapahalaga 20. Isa sa pinakamahalagang salik sa pagkonsumo ng tao. Dito ay matutukoy
kung ano ang mga nais gamiting produkto ng konsumer.

II. Isulat sa patlamg ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman
kung hindi.
Tama 21. Ang isang maunlad na ekonomiya ay mayroong surplus na maaaring gamitin sa
produksyon at pagbili ng mga kagustuhan.
Mali 22. Dapat mas binibigyang-pansin ang paggamit ng mga likas na yaman sa paggawa ng
mga produktong kagustuhan lamang ng tao.
Mali 23. Ang lahat ng ating kailangan at kagustuhan ay maaaring tugunan.
Tama 24. Mahalagang malaman ng mga negosyante at kumpanya kung ano ang mga produktong
itinuturing na pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan ng bansa.
Mali 25. Ang Right to Safety ay tumutukoy sa karapatan ng mga mamimili na magkaroon ng
kakayahang makabili ng kanilang mga pangangailangan sa murang halaga.
Mali 26. Ang maaksayang pagkonsumo ay nangyayari kapag ang biniling produkto ay agad na
tumugon sa pangangailangan at nagbibigay ng kasiyahan sa konsumer.
Tama 27. Tungkulin ng mamimili na magtatag ng mga samahan upang mapangalagaan at
maitaguyod ang kanilang kapakanan.
Tama 28. Limitado ang mga likas na yaman at pinagkukunang-yaman ng bansa, dapat na
maging wasto at matalino ang bansa sa paggawa ng alokasyon ng mga ito.
Tama 29. Ang Right to Consumer Education ay tumutukoy sa karapatan ng mamimili na
makakuha ng nararapat na kaalaman at kasanayan na kailangan upang magkaroon ng wastong
pamimili.
Mali 30. Mas kailangang maraming ginagawang produkto ang tumutugon sa mga kagustuhan
lamang at hindi pangangailangan ng mga mamamayan.
Mali 31. Environmental Awareness ang tungkulin ng mga mamimili na maging alerto at maging
mapagtanong sa mga impomasyon tungkol sa produkto o serbisyo. Ito ay maaaring presyo,
kalidad, at paggamit.
Tama 32. Ang social concern ay tumutukoy sa tungkulin ng mamimili na alamin ang ibubunga
ng kanyang pagtangkilik sa isang produkto lalong-lalo na sa maliliit na grupong lokal.
Mali 33. Nararapat lamang na hindi ilimita ang paggamit ng likas na yaman sa paggawa ng mga
bagay na kagustuhan lamang upang matugunan ang mga ito.
Tama 34. Ginagamit ang basic economic questions upang magkaroon ng tamang pagdedesisyon
sa pagsasagawa ng alokasyon.
Tama 35. Ang problema sa mas mataas na produkto ay kinakailangan din nito ng mas maraming
salik ng produksyon

III. Piliiang letra ng tamang sagot.


36. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman nang walang nasasayang.
a. Efficiency* c. Sufficient
b. Inefficiency d. Insufficient
37. Ang mga sumusunod ay mga salik ng produksyon na maaring gamitin sa paggawa ng
produkto at serbisyo, maliban sa;
a. Lupa c. Paggawa
b. Kapital d. Negosyo*
38. Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing tanong sa economics (basic economic
questions), maliban sa;
a. Anong mga produkto at serbisyo ang ipoprodyus?
b. Saan ipoprodyus ang mga produkto at serbisyo?
c. Gaano karami ang ipoprodyus?
d. Para kanino ito ipoprodyus?
39. Ito ay nakapokus sa ugnayan ng prodyuser at sambahayan, ang ekspresyon ng alokasyon sa
larangan na ito ay iba rin.
a. Makroekoomiks c. Alokasyon
b. Maykroekonomiks* d. Distribusyon
40. Ang alokasyon ay konektado sa kabuuang plano ng isang bansa para sa hinaharap ng
kanyang nasasakupan.
a. Makroekoomiks* c. Alokasyon
b. Maykroekonomiks d. Distribusyon

IV. Sumulat ng sanaysay na naglalaman ng lima o higit pang pangungusap ukol sa paksa.
Organisayon ng Ideya – 3 Diskusyon - 7
a. Sa aspeto ng alokasyon sagutin ang mga sumusunod na basic economic questions;
(1) Anong mga produkto at serbisyo ang ipoprodyus?
(2) Gaano karami ang ipoprodyus?
(3) Paano ito ipoprodyus?
(4) Para kanino ito ipoprodyus?
(5) Paano ipamamahagi ang mga produkto at serbisyong naprodyus?

You might also like