You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 8

50 items

I. Identipikasyon. Isulat ang tamang sagot sa patlang.


Homo Habilis 1. Ayon sa teorya, sila ang unang gumamit ng batong kagamitan.
Panahon ng Metal 2. Nagsimula na ang mga tao sa paggamit ng metal sa pagyari ng mga
kasangkapan, armas, at alahas.
Continental Drift Theory 3. Teorya na binuo ni Alfred Wegener kung saan pinaninniwalaan na
ang kalupaan ng mundo ay binubuo lamang ng isang malaking kontinenteng tinawag Pangaea.
Panahon ng Lumang Bato 4. Nailalarawan ng paggamit ng mga unang tao ng mga simpleng
batong kasangkapan na nabuo sa pamamagitan ng pagtatapyas ng mga bahagi ng bato
Sibilisasyon 5. Mula sa salitang Latin na civitas na ang kahulugan ay lungsod. Ito ay
nangangahulugan ring masalimuot na pamumuhay sa lungsod.
Homo Erectus 6. Ayon sa teorya, sila ang unang uri ng unang tao na tuwid ang pagtayo at
paglalakad.
Mesopotamia 7. Ito ay nangangahulugang "lupain sa pagitan ng dalawang ilog."
Ziggurat 8. Malaking templo na itinayo ng mga Sumerian sa gitna ng lungsod para sa kanilang
mga diyos at dyosa.
Pleistocene 9. Ito ang panahon na tinatawag na Ice Age
Panahon ng Gitnang Bato 10. Ito ay nagpapakita ng mas pulido at mas kakaibang kasangkapan
kaysa sa Panahon ng Lumang Bato.
Kabihasnan 11. Mula sa salitang Pilipino na bihasa, na ang ibig sabihin ay mahusay, magaling,
o eksperto. Ito rin ay tumutukoy sa pamumuhay na kinabihasnan, pinino, at pinaunlad ng mga
tao.
Grupong Homo 12 Ayon sa teorya, tayo ay kabilang sa grupong ito.
Theocracy 13. Uri ng pamahalaan na kung saan pinamumunuan ng mga diyos at diyosa, ngunit
ang kapangyarihan upang mamuno ay nasa kamay ng mga hari.
Panahon ng Bagong Bato 14. Panahon kung saan nagsimula na rin ang pagsasaka, pag-alaga sa
mga hayop, pagpapalayok, paghahabi, at pagtira sa permanenteng mga tiraha
Homo Sapiens 15. Ito ay nangangahulugang "matalinong tao."
II. Tama o Mali. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang sinasaad ng pangungusap at
MALI naman kung hindi.
Mali 16. Ang dating Mesopotamia ay nasasakop ng kasalukuyang Iran.
Mali 17. Nagsisimula ang Teorya ng Hydraulic Hypothesis sa pagsulong ng agrikultura sa
pamamagitan ng pag-araro, irigasyon, at paggamit ng pataba
Tama 18. Ang sibilisasyong Hittite ang nakatuklas ng makabagong pamamaraan sa pagyari ng
mga kasangkapan gamit ang bakal.
Mali 19. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay sinimulan ng mga Babylonian.
Tama 20. Malaki ang naging bahagi ng mga tao sa pagbago ng kapaligiran noong yugtong
Holocene.
Mali 21. Karamihan sa lugar noong yugtong Holecene ay natabunan ng yelo kaya ito ay tinawag
na Ice Age
MAli 22. Umusbong ang mga kabihasnan noong yugtong Pleistocene.

Mali 23. Ang Panahon ng Metal ay nahahati sa dalawang yugto; Panahon ng Tansong Pula
(Bronze) at Panahon ng Bakal (Iron)
Tama 24. Ang mga sinaunang kabihasnan ay umaasa sa agrikultura para sa ikabubuhay ng mga
tao, kung kaya nagtayo ng mga pamayanan ang mga kabihasnang ito sa mga lugar na kaaya-aya
para sa agrikultura.
Mali 25. Dahil sa puno ng yelo ang mga lugar noong yugtong Pleistocene, walang nabuhay na
tao sa panahong iyon
III. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____ 26. Paano nagsimulang magsaka ang mga tao?
a. Mayroon silang nahanap na mga guhit sa kuweba na nagtuturo kung paano magsaka.
b. Nakita nila ang ilang tao na nagsasaka.
c. Napansin nilang tumatagal at tumutubo ang mga buto at butil kaya ito ay kanilang
ikinalat sa lupa.*
d. Gumawa sila ng pag-aaral at kanilang napagtanto na maaaring tumubo ang mga buto at
butil.
_____ 27. Teorya sa pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan na maaaring ihalintulad sa
'survival of the fittest' ni Charles Darwin.
a. War Finance c. Hydraulic Hypothesis
b. Success in Competition* d. Circumscription
_____ 28. Unang lumikha ng sistema ng pagsulat na cuneiform.
a. Babylonian c. Akkadian
b. Chaldean d. Sumerian*
_____ 29. Dalawang ilog na dumadaloy sa Mesopotamia.
a. Huang Ho at Yangtze c. Indus at Suez
b. Tigris at Euphrates d. Nile at Dead Sea
_____ 30. Nagsisimula ang Teorya ng ______________ sa mga pamayanan na mayroong mga
pinuno. Dahil sa pagtaas ng populasyon at kakulangan ng mga yaman, nakikipagdigmaan ang
mga pinuno sa ibang pamayanan.
a. Circumscription c. Success in Competition
b. Hydraulic Hypothesis d. War Finance*
_____ 31. Sila ang unang mga hominid na naglakad sa dalawang paa, ngunit karaniwan din
silang umaakyat ng puno.
a. Grupong Homo c. Grupong Austrolopithecus
b. Grupong Ardipithecus* d. Grupong Paranthropus
_____ 32. Ang mga katangian nito ay malapit sa mga modernong tao, ngunit mayroong pa ring
mga pagkakaiba sa kanila. Mas malalaki ang buto at mas matitipuno ang mga ito kaysa sa
modernong tao.
a. Homo Habilis c. Homo Neanderthalensis*
b. Homo Erectus d. Homo Sapiens
_____ 33. Alin ang isa sa mga paniniwala ng mga unang tao?
a. mga espiritu sa kalikasan* c. sa isang propeta
b. sa sarili nilang kakayahan upang mabuhay d. isang makapangyarihang Diyos
_____ 34. Panahon ng metal kung saan naimbento ang mga araro at gulong.
a. Panahon ng Tanso c. Panahon ng Bronse
b. Panahon ng Tansong Pula d. Panahon ng Bakal
_____ 35. Ang mga sumusunod ay ang ebolusyong kultural ng mga unang tao na nahahati sa
apat na panahon, ayon sa materyal at pamamaraan na ginamit nila sa paggawang kanilang mga
kasangkapan, maliban sa;
a. Panahon ng Pliocene c. Panahon ng Neolithic
b. Panahon ng Paleolithic d. Panahon ng Metal
_____ 36. Siya ang nagpasimula ng teoryang war finance.
a. David Webster* c. Karl Wittfogel
b. Robert Carneiro d. Vere Gordon Childe
_____ 37. Ano ang naging dulot ng pagsasaka?
a. Pagdami ng hayop sa daigdig c. Pagdami ng populasyon ng tao*
b. Pagdami ng iba’t ibang uri ng halaman d. Pagdami ng mga taong namuhay
sa kuweba
_____ 38. Nagkakaroon nito dahil malaki ang agrikultural na surplus.
a. Economical Surplus c. Social Surplus*
b. Physical Surplus d. Environmental Surplus
_____ 39. Saan palaging itinatatag ang malalagong komunidad?
a. Malapit sa mga hayop c. Malapit sa mga halaman
b. Malapit sa anyong tubig* d. Malapit sa anyong lupa
_____ 40. Marami sa sinaunang kabihasnan ay nabuo malapit sa tabi ng ilog, lawa, o dagat. na
Upang makontrol ang suplay ng tubig ay kinailangang lumikha ng __________ ang mga
sinaunang kabihasnan.
a. Dike c. Irigasyon
b. Kanal d. Dam
IV. Sanaysay. Sumulat ng sanaysay na binubuo ng limang pangungusap o higit pa ukol sa
hinihingi ng paksa.
a. Ilarawan ang pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig. Talakayin ito sa pamamagitan ng
pagkokonsidera sa pangunguha ng pagkain, paninirahan, wika, kultura, sining at relihyon.
Organisasyon ng Ideya – 5 Puntos Diskusyon – 5

You might also like