You are on page 1of 5

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan:_________________________________________________ Marka:____/65_=_____
Grade 5 – St. Gabriel Agosto ________, 2017

PANUTO: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.
I. Ang Pinagmulan ng Pilipinas

a. Pacific Theory c. Bottom of the Sea Theory


b. Teorya ng Tulay na Lupa d. Lost Continent Theory

_____1. Naganap noong Panahon ng Yelo


_____2. Nagresulta sa pagpapatong-patong ng magma at lava
_____3. Nagmula sa mga labi ng isang kontinente noong sinaunang panahon
_____4. Nagsasabing kailanman ay hindi naging karugtong ng Asya ang Pilipinas
_____5. Ang kapuluan ng Pilipinas ay dating nasa ibabaw ng fault line
_____6. Ang mga naiwang bahagi sa lumubog na kontinente ang bumuo sa Pilipinas
_____7. Ang Pilipinas ay nabuo mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng katubigan
_____8. Dahil sa malalakas na paglindol, natulak paitaas ang kapuluan at tinawag na Pilipinas
_____ 9. Naganap sa Karagatang Pasipiko 200 milyong taon na ang nakalilipas
_____10. Ang Pilipinas ay nakadugtong sa kalakhang lupain ng Asya

a. Teorya ng Tulay na Lupa c. Local Origin Theory


b. Teorya ng Pandarayuhan

_____11. Natuto ang mga sinaunang tao na iangkop ang kanilang paraan ng paglalakbay
_____12. Narating ng mga sinaunang tao ang Pilipinas nang bumaba ang lebel ng tubig
_____13. Sinasabing hindi lamang sa Pilipinas nandayuhan ang mga dayuhang mandaragat
_____14. Naging magkakatulad ang wika at pisikal na katangian ng mga mamamayan sa
Timog-Silangang Asya
_____15. Narating ng mga Homo erectus at Homo sapiens ang Pilipinas nang matunaw ang
mga yelo

I. Ang Sinaunang Pilipinas


 Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.

_____16. Ano ang naging batayan sa paghahati ng sinaunang panahon sa dalawang


kapanahunan?
a. lupang tulay c. kuwebang tirahan
b. kasangkapang ginamit d. paraan ng pagtatanim
_____17. Alin sa mga sumusunod na paraan ng pamumuhay ang HINDI ginamit ng mga
sinaunang tao sa Panahon ng Lumang Bato?
a. pangangaso c. pamimitas ng prutas at halaman
b. pangingisda d. pagtatanim ng mga halaman
_____18. Saan nahukay ang ilan sa pinakamatatandang kasangkapang bato at buto ng
iba’t ibang hayop?
a. Lambak ng Cagayan c. Kuweba sa Palawan
b. Isla ng Panay d. a at c
_____19. Aling parirala ang naglalarawan sa mga Homo erectus?
a. Mga lagalag c. Modernong tao
b. Makalumang tao d. Nakakakilos nang nakatayo
_____20. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa kasangkapang batong ginamit ng mga
tao sa Panahon ng Bagong Bato maliban sa –
a. mas makinis c. mas matalas
b. mas pino d. mas magaspang
_____21. Alin sa mga ito ang naging tanda ng pag-unlad ng mga tao sa Panahon ng
Bagong Bato?
a. Natutong mangaso c. Nagsimulang magkaingin
b. Namitas ng mga prutas d. Nanghuli ng maraming isda
_____22. Ano ang ipinakikita sa pagkatuto at paggamit ng metal ng mga sinaunang tao?
a. Pakikipaglaban c. Pagsuko
b. Pag-unlad d. Pagbagsak
_____23. Ito ang ginamit ng mga mandarayuhan sa pagbagtas patungo sa ating bansa.
a. yelong tulay c. lupang tulay
b. batong tulay d. sementong tulay
_____24. Aling parirala ang naglalarawan sa mga Homo sapiens?
a. Mga lagalag c. Kahawig ng kasalukuyang tao
b. Makalumang tao d. Nakakakilos nang nakatayo
_____25. Sila ay pinaniniwalaang gumamit ng apoy sa pagluluto at pagpapainit ng katawan?
a. Taong Tabon c. Taong Callao
b. Taong Kuweba d. Taong Cagayan
_____26. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa mga sinaunang tao sa Panahon ng
Lumang Bato maliban sa isa. Alin ito?
a. Sila ay lagalag o palipat-lipat ng tirahan.
b. Sila ay naghahanap ng mapagkukunan ng maraming pagkain.
c. Sila ay gumamit ng mga kasangkapang yari sa magagaspang na bato.
d. Sila ay nanirahan sa isang lugar lamang.
_____27. Ano ang ipinahahayag ng Panahon ng Bato?
a. Ang mga sinaunang tao ay mga mangingisda.
b. Ang mga sinaunang tao ay nakatira sa kuweba.
c. Ang mga sinaunang tao ay gumamit ng kasangkapang yari sa bato.
d. Ang mga sinaunang tao ay natutong magtanim at magkaingin.
_____28. Alin sa mga ito ang naglalarawan sa mga Austronesyano?
a. Pangkat ng mangangasong nakarating sa Pilipinas
b. Pangkat ng mananakop na nakarating sa Pilipinas
c. Pangkat ng maliliit na taong nakarating sa Pilipinas
d. Pangkat ng mandaragat na nakarating sa Pilipinas
_____29. Ano ang tawag sa isla ng Palawan?
a. Duyan ng Kabihasnang Pilipino c. Duyan ng Makabagong Pilipino
b. Duyan ng Kabutihang Pilipino d. Duyan ng Makalumang Pilipino
_____30. Ano ang naging epekto ng pag-unlad ng pagsasaka sa mga sinaunang tao?
a. Naging palipat-lipat ng tirahan ang mga sinaunang tao
b. Natuto silang gumamit ng mga kasangkapang metal
c. Natigil ang kanilang pagiging lagalag
d. Nagsimula silang makipag-away sa ibang nilalang

II. Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

_____31. Alin sa mga sumusunod na pangkat ang itinuturing na mga kamandirigma ng datu?
a. Alipin c. Ayuey
b. Maharlika d. Timawa
_____32. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tungkulin ng datu?
a. tagaganap c. tagapagbatas
b. tagasilbi d. tagahukom
_____33. Sino sa mga sumusunod ang may karapatang magbili sa mga alipin at magparusa sa
mga nagkasala sa kanyang nasasakupan?
a. Datu c. Bagani
b. Saguiguilid d. Lakambini
_____34. Sistema sa pag-aani ng may lupa na kung saan ginagawa sa pamamagitan ng
paghahawan at pagsusunog ng mga puno bago taniman.
a. pagbubungkal c. kaingin
b. paglilinang d. kaminero
_____35. Alin sa mga ito ang naglalarawan sa nakaugaliang batas?
a. Batay sa tradisyon c. Tuntuning ginagawa ng datu
b. Tugon sa pangangailangan d. Ipinatutupad ng konseho
_____36. Anong paniniwala ng mga sinaunang Pilipino ang tumutukoy sa mga anito?
a. Pagsamba sa Bathala c. Mga diyos-diyosan
b. Pagsamba sa iba pang diyos d. Pagpapahalaga sa kalikasan
_____37. Anong uri ng alipin ang maaaring magkaroon ng sariling ari-arian?
a. Aliping namamahay c. Aliping saguiguilid
b. Aliping tumataban d. Aliping tumarampok
_____38. Ito ang isa sa mga pinakamatatandang dokumento na nahukay ng mga arkeologo
sa bansa.
a. Laguna Copperplate Insciption c. Doctrina Christiana
b. Baybayin d. Angono Petroglyphs
_____39. Ano ang pinakamahalagang pangkat ng lipunan?
a. pamahalaan c. pamilihan
b. pamilya d. pamayanan
_____40. Paano pinahahalagahan ng ating mga ninuno ang mga kababaihan noon?
a. May pahintulot silang makipagkalakalan.
b. Maaari silang maging pinuno ang ng barangay .
c. May karapatan silang magmana ng ari-arian.
d. Lahat ng nabanggit
_____41. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isang aliping tumataban?
a. Naglilingkod sa datu isang beses sa isang taon
b. Naglilingkod sa datu kung kinakailangan lamang
c. Naglilingkod sa datu isang beses kada apat na araw
d. Naglilingkod sa datu tatlong beses kada apat na araw
_____42. Anong pangkat sa lipunan noon ang itinuturing na pinakamakapangyarihan?
a. maharlika c. saguiguilid
b. timawa d. maginoo
_____43. Ano ang tawag sa paraan ng pakikipagpalitan ng produkto ng mga dayuhan sa
mga sinaunang Pilipino?
a. pakikipagtalastasan c. pakikipagkalakalan
b. pakikipagkomunikasyon d. wala sa nabanggit
_____44. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan ng paglilitis ng sinaunang
pamahalaan?
a. pagsubok sa kumukulong tubig c. pagsubok sa kandila
b. pagsisid sa ilog d. pagkuha ng tagapagtanggol
_____45. Ano ang MALI tungkol sa sinaunang lipunang Pilipino?
a. Ang lipunan ng mga sinaunang Pilipino ay tinatawag na barangay.
b. Ang sinaunang pamayanan ay umusbong sa mga ilog at baybay-dagat.
c. Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay maunlad na ang Pilipinas.
d. Ang barangay ang pinakahuling anyo ng pamayanan ng mga sinaunang
Pilipino.
_____46. Ano ang tungkulin ng konseho sa barangay?
a. Pamahalaan ang barangay. c. Parusahan ang Pilipinong nagkasala.
b. Tulungan ang datu. d. Ibalita ang utos ng datu.
_____47. Alin sa mga ito ang naglalarawan sa nakasulat na batas?
a. Batay sa tradisyon c. Tuntuning ginagawa ng datu
b. Isinalin sa mga mamamayan d. Ikinukwento sa mga nakababata
_____48. Ano ang tungkulin ng isang umalohokan?
a. Ipatupad ang batas ng datu c. Ihanda ang mga gamit ng datu
b. Ipabahagi ang balita mula sa datu d. Ipagtanggol ang datu
_____49. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagsubok na ginagamit sa paglilitis sa
hukuman ng datu?
a. Ilubog ng mga nasasakdal ang mga kamay sa kumukulog tubig
b. Magbigay nang malaking buwis sa datu ang mga nasasakdal
c. Paglingkuran ng mga nasasakdal ang datu habambuhay
d. Ibigay ng mga nasasakdal ang lahat ng kanilang ari-arian
_____50. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isang aliping ayuey?
a. Naglilingkod sa datu isang beses sa isang taon
b. Naglilingkod sa datu kung kinakailangan lamang
c. Naglilingkod sa datu isang beses kada apat na araw
d. Naglilingkod sa datu tatlong beses kada apat na araw
_____51. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng babaylan MALIBAN sa –
a. Mamuno sa pagdaraos ng mga ritwal
b. Tagapangalaga ng kasaysayan ng barangay
c. Isalin ang kaalaman sa mga nakababata sa barangay
d. Ibahagi ang balita ng datu sa mga mamamayan
_____52. Ano ang patadyong na bahagi ng pananamit ng sinaunang Pilipino?
a. Pang-itaas na walang kwelyo at manggas
b. Telang nakapalibot sa baywang at hita
c. Telang nakabalot sa baywang o dibdib
d. Sayang maluwag ng mga kababaihan
_____53. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa mga paniniwala ng mga sinaunang Pilipino?
a. Pagpapahalaga sa kalikasan c. Pagsamba kay Bathala
b. Pag-alay ng buhay kay Bathala d. Paniniwala sa mga diyos-diyosan
_____54. Ano ang mga Pintados?
a. Mga mandirigmang maraming tatu sa katawan
b. Mga mandirigmang nagwagi sa labanan
c. Mga mandirigmang nasawi sa labanan
d. Mga mandirigmang nabihag ng mga kalaban
_____55. Sino si Mandarangan?
a. diyos ng digmaan c. diyos ng apoy
b. diyos ng kabilang buhay d. diyos ng bahaghari

 Buuin ang analohiya. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

56. datu : hukom ; _________________________ : ritwal

57. _______________________ : pinakamataas ; alipin : pinakamababa

58. tributo : _________________________ ; dote : regalo

59. umalohokan : __________________________ ; datu : pinuno

60. lakan : lalaking maginoo : _________________________ ; babaeng maginoo

61. _______________________ : kamag-anak ng datu ; timawa : aliping pinalaya

62. _______________________ : aliping naninirahan sa datu ; namamahay : may sariling bahay

63. babaylan : namumuno sa ritwal ; ________________________ : katutubong alpabeto

64. patinig : tatlo ; katinig : ___________________________

65. lalaki : tsaleko : babae : ___________________________

God Bless You, Little Icons!


T. Salie 

TABLE OF SPECIFICATION
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5
S.Y. 2017 - 2018

ITEM NO. OF
TOPIC OBJECTIVES
PLACEMENT ITEMS

I. Ang Pinagmulan ng - Natutukoy ang mga inilalarawang teorya tungkol sa 1 – 15 15


Pilipinas pinagmulan ng mga Pilipino

II. Ang Sinaunang Pilipinas - Nailalarawan at naipagmamalaki ang maayos na 16 – 30 15


sistema ng pamumuhay ng mga Pilipino
- Nailalarawan ang dalawang kapanahunan ng
sinaunang kasaysayan
- Napaghahambing ang Panahon ng Lumang Bato at
Panahon at Bagong Bato
- Nailalarawan ang mga sinaunang Pilipino at paraan ng
kanilang pamumuhay

III. Ang Sinaunang - Nailalarawan ang isang barangay at kung paano ito 31 – 55 25
Lipunang Pilipino nagsimula sa Pilipinas
- Nailalarawan ang pamahalaan ng mga sinaunang
Pilipino
- Naiisa-isa ang mga batas sa sinaunang lipunang
Pilipinas
- Nailalarawan ang lipunan ng mga sinaunang Pilipino
- Nailalarawan ang mga uring panlipunan: Ang mga
Maginoo, Ang mga Maharlika at Timawa, at Ang mga
Alipin
- Nailalarawan ang kabuhayan, kalinangan, at
paniniwala ng mga sinaunang Pilipino

- Nabubuo ang analohiya 56 – 65 10

Total 65 items

You might also like