You are on page 1of 6

La Consolacion University Philippines

Catmon, City of Malolos, Bulacan


Basic Education Department
S.Y.: 2022-2023

IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ______________________________________________________ Petsa:____________

Seksyon: ___________________________ Iskor:____________

Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel sa
huling pahina.

1. Ang Pilipinas ay nasa rehiyon ng Southeast Asia at napapaligiran ng mga bansang Vietnam, Laos,
Thailand, Cambodia, Singapore, at Indonesia. Anong tema ng heograpiya ang inilalarawan sa
pahayag?
a. Absolutong Lokasyon c. Relatibong Lokasyon
b. Functional na Rehiyon d. Pormal na Rehiyon
2. Ang Baguio ay kilala sa bansa sa malamig nitong klima, sa produktong strawberry jam, at sa
magagandang tanawing matatagpuan dito. Anong tema ng heograpiya ang inilalarawan sa pahayag?
a. Interaksyon ng tao at kapaligiran c. Paggalaw ng tao
b. Lugar d. Rehiyon
3. Si Benny ay kinakailangang magpunta sa bansang SIngapore upang matugunan ang pangangailangan
ng kaniyang pamilya. Anong tema ng heograpiya ang inilalarawan sa pahayag?
a. Interaksyon ng tao at kapaligiran c. Paggalaw ng tao
b. Lugar d. Rehiyon
4. Sina Mang Berto at Mang Kardo ay nakatira sa lalawigan ng Dagupan, Pangasinan. Ang kanilang
hanapbuhay ay pangingisda. Anong tema ng heograpiya ang inilalarawan sa pahayag?
a. Interaksyon ng tao at kapaligiran c. Paggalaw ng tao
b. Lugar d. Rehiyon
5. Ang mga bansang Georgia, Armenia, Mongolia, at Siberia ay kabilang sa Hilagang Asya. Anong tema
ng heograpiya ang inilalarawan sa pahayag?
a. Interaksyon ng tao at kapaligiran c. Paggalaw ng tao
b. Lugar d. Rehiyon
6. Anong species ang natutong umakma sa kanilang kapaligiran at nag-evolve mula sa pagiging hayop
patungo sa isang komplikadong nilalang?
a. Homo Sapiens c. Homo Erectus
b. Homonid d. Homo Habilis
7. Anong species ang natutong gamitin ang kanilang mga kamay sa pangangalap ng pagkain at paggawa
ng mga kasangkapang bato?
a. Homo Sapiens c. Homo Erectus

b. Homonid d. Homo Habilis


8. Paggawa ng Paso: Panahong Neolitiko:: Nomadic: ___________________
a. Panahong Mesolitiko c. Panahong Paleolitiko
b. Panahon ng Metal d. Pananhong Neolitiko
9. Bakal: Panahon ng Metal:: ____________________: Panahong Neolitiko
a. Espada c. Nomadic
b. Pamayanan d. Paggamit ng lata
1
10. Naghabi ng Tela: Panahong Neolitiko:: _________________: Panahon ng Metal
a. Paso c. Matutulis na bato
b. Punyal d. Pagsasaka
11. Ang Greece ay mabato at bulubundukin. Naging daan ito sa mabilis na daloy ng komunikasyon at
kaisipan sa mga pamayanan.
a. Tama ang parehong pangungusap
b. Tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawang pangungusap
c. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap
d. Mali ang parehong pangungusap
12. Ang mga Mycenaean ay may mataas na antas ng kalinangan sa larangan ng arkitektura at mayroong
mahuhusay na inhinyero. May mga labi ng palasyo na nagpapakita ng kahusayan nila sa mga
nabanggit na larangan.
a. Tama ang parehong pangungusap
b. Tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawang pangungusap
c. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap
d. Mali ang parehong pangungusap
13. Maganda ang lokasyon ng Crete kung kaya ang kalakalan ay naging masigla at maunlad. Ito rin ang
pangunahing sentro ng pamahalaan at relihiyon.
a. Tama ang parehong pangungusap
b. Tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawang pangungusap
c. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap
d. Mali ang parehong pangungusap
14. Ang Athens ay isang pangunahing lungsod-estado sa baybayin ng kapatagan ng Attica sa may
hilagang-silangang bahagi ng Greece. Ang Athens ay nakilala sa pagtatatag ng pamahalaang
oligarkiya.
a. Tama ang parehong pangungusap
b. Tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawang pangungusap
c. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap
d. Mali ang parehong pangungusap
15. Militaristiko ang pamahalaan ng Sparta. Ang mga mamamayan ay nabubuhay upang maglingkod sa
estado at hindi upang paglingkuran nito.
a. Tama ang parehong pangungusap
b. Tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawang pangungusap
c. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap
d. Mali ang parehong pangungusap
16. Sino ang nagkaroon ng malaking kontibusyon sa “Ginintuang Panahon ng Greece” at tinaguriang “Ama
ng Kasaysayan”?
a. Herodotus c. Demosthenes
b. Aristopahanes d. Thucydides
17. The Discus Tower: Myron:: __________________ :Zeus at Olympia
a. Herodotus c. Phidias
b. Thucydides d. Myron
18. Zeus at Olympia: Eskultura:: ________________ :Pilosopiya
a. Iliad and Odyssey c. Antigone
b. Oedipus d. Socratic Method
19. Plato: The Republic:: Aristotle: _______________
a. Philosophy c. Socratic Method
b. Politics d. Economics
20. Sino ang pangunahing kriktiko ng edukasyon sa Athens na gumamit ng katagang pilosopo na ang ibig
sabihin ay karunungan?
a. Socrates c. Plato

2
b. Aristotle d. Darwin
21. Nang matagpuan ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas, nagkaroon ng ideya ang mga Espanyol na
sakupin ang ating bansa. Kinontrol ng Spain ang Pilipinas noong 1565 at nakinabang sa mga likas na
yaman nito. Ano ang tawag sa ginawang ito ng mga Espanyol?
a. Digmaan c. Pamamahala
b. Kolonyalismo d. Rebolusyon
22. Christoper Columbus: Spain:: Jacques Marquette:: ________________
a. America c. Netherlands
b. France d. Portugal
23. Cape of Worms: Bartolomeu Dias:: Grand Canyon:________________
a. Amerigo Vespucci c. Francisco Pizarro
b. Francisco de Coronado d. Samuel de Champlain
24. Sino ang tinaguriang “Ama ng New France”?
a. Amerigo Vespucci c. Francisco Pizarro
b. Francisco de Coronado d. Samuel de Champlain
25. Anong bansa ang nagtatag ng Dutch East India Company na may layuning agawin ang kontrol ng mga
Portuges sa daloy ng kalakalan sa Asya?
a. America c. Netherlands
b. France d. Spain
26. Isa si Martin Luther sa namuno sa pagbatikos sa Simbahang Katoliko dahil sa mga katiwaliang
nagaganap dito. Ano ang pagpaparusang ipinataw sa kaniya dahil sa kaniyang pagbatikos sa
simbahan?
a. Ekskomunikasyon c. Suspensyon
b. Pagbitay d. Pagpapaalis sa bansa
27. Ano ang tawag sa asembleya ng mga estado ng emperador ng Banal na Imperyong Romano?
a. 95 Theses c. Edict of Worms
b. Diet of Worms d. Papal Bull
28. Henry VIII: Anglican:: John Calvin: __________________
a. Anabaptis c. Presbyterianism
b. Excommunism d. Protestantism
29. Anabaptist: Huldrich Zwingli:: Calvinismo: ___________________
a. Frederick III c. John Knox
b. Henry VII d. Martin Luther
30. Southern Europe: Katoliko:: Northern Europe:________________
a. Calvinismo c. Judaismo
b. Inglesia d. Protestante
31. Kailan naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Hunyo 28, 1914 c. Hulyo 28, 1914
b. Hunyo 30, 1914 d. Hulyo 30, 1914
32. Anong pangyayari ang naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand
b. Pagtataksil ng Austria Hungary
c. Paggiging makapangyarihan ng Germany
d. Paghihimagsik ng Britanya
33. Ang mga bansa sa Europa ay nagkaroon ng kumpentensya sa pagpapalakasan ng mga armas at
sundalo upang makatulong sa kanilang bansa sa pagpapalakas ng kanilang depensa upang hindi ito
madaling masakop. Anong kaisipan ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
a. Imperyalismo c. Militarismo
b. Kolonyalismo d. Nasyonalismo

3
34. Sino ang pumaslang kay Archduke Franz Ferdinand?
a. Gracios Princip c. Gracilo Princip
b. Gravilo Princip d. Gralovi Princip
35. Allied Powers: Great Britain:: Central Powers: _________________
a. Germany c. Italy
b. France d. Russia
36. Alin sa mga sumusunod ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaidig?
I. Paglusob ng Germany sa Poland
II. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand
III. Pagsalakay ng Japan sa Manchuria
IV. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
a. I, II, III c. I, II, IV
b. II, III, IV d. I, III, IV
37. Ano ang dahilan ng pag-urong ng mga Aleman sa digmaan laban sa Britain?
a. Matinding lamig na klima
b. Kawalan ng armas
c. Pagsanib pwersa ng Amerika at Britain
d. Pagkaubos ng kanilang sundalo
38. Kailan sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. Setyembre 3, 1936 c. Setyembre 3, 1938
b. Setyembre 3, 1937 d. Setyembre 3, 1939
39. Pagsunud-sunurin ang sumusunod na kaganapan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig:
I. Sumuko ang Japan sa United States dahil sa pagbomba nito sa kanilang bansa
II. Nagdeklara ng digmaan ang Britain at France laban sa Germany
III. Nilabanan ng Britain ang France ng mag-isa at natalo rito ang Germany
IV. Nakipag-alyansa ang Japan sa Germany
V. Nasakop ng Germany ang France noong huling bahagi ng Hunyo
a. I, II, III, IV, V c. II, V, III, IV, I
b. II, I, IV, III, V d. V, IV, III, II, I
40. Axis Powers: Japan:: Allied Powers: _______________
a. Africa c. Italy
b. Germany d. Soviet Union
41. France: Edouard Daladier:: Germany: ________________
a. Adolf Hitler c. Joseph Stalin
b. Benito Mussolini d. Neville Chamberlain
42. Germany: Siegfried Line:: France: ____________________
a. Blitzkrieg c. Maginot Line
b. English Channel d. Magnet Line
43. Germany: Nazi:: Britain:: ________________
a. Abbisinia c. Luftwaffe
b. Allies d. Royal Air Force
44. Paano napasuko ng United States ang bansa Japan?
a. Sa pamamagitan ng pagpirma ng Japan sa kasunduang pangkapayapaan
b. Sa pamamagitan ng paghulog ng bombing atomika sa bansang Japan na ikinasawi ng ng
maraming sibilyan
c. Sa pamamagitan ng ultimatum na tinawag na Potsdam Declaration
d. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Amerikanong sundalo sa bansang Japan

4
45. Alin ang tama sa mga pahayag?
a. Ang pagbagsak ng Germany ang nagbigay-daan sa pagiging dominante ng United States sa
Europe
b. Walang hihigit sa pinsalang naranasan ng bansang Japan nang pabagsakin ng US ang bombang
atomika sa Hiroshima at Nagasaki
c. Kaunti lamang ang naidulot na pinsala ng Ikalawang Digmaang pandaigdig dahil sa malalakas na
depensa ng bawat bansa
d. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtamo ng kalayaan ang maraming bansa tulad
ng India, Pakistan, Indonesia, at Brunei
46. Anong samahan ang naglalayong makapagtatag ng isang malawakan at permanenteng pamamaraan
para sa pandaigdigang kapayapaan?
a. ASEAN c.United Country
b. Asian Nations d. United Nations
47. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tunay na layunin ng United Nations?
a. Hangarin ng United Nations na mapaunlad ang relasyong pagkakaisa batay sa pantay na
karapatan at sariling determinasyon ng tao
b. Tungkulin ng Cesurity Council na isaayos ang mga Gawain ng lahat ng sangay ng organisasyon ng
UN
c. Ang Economic and Social Council ay may tungkulin sa pagdinig sa mga usaping may kinalaman sa
batas at legalidad ng mga isyung pandaigdig
d. Nalutas ng UN ang krisis sa Italy noong 1956 nang pahintuin nila ang digmaan sa pagitan ng Britain
at Egypt
48. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tungkulin ng Security Council?
a. Pagsasaayos ng mga program at gawain ng UN
b. Pamumuno sa mga pagpupulong
c. Pagbibigay kahulugan sa mga pandaigdigang batas tungo sa kapayapaan
d. Pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa
49. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kagustuhang mapanatili ang kapayapaan sa
buong mundo?
a. Pagtutulungan at pagkakaisa ng mga bansa sa daigdig
b. Pagiging makapangyarihan ng mga bansang Kanluranin
c. Pagiging maunlad ng mga bansa sa Europa
d. Pagiging tahimik ng mga bansa sa Asya
50. Bilang isang mamamayan, paano ka makakatulong upang mapanatili ang kapayapaan sa iyong
komunidad?
a. Huwag makialam sa mga isyu sa lipunan
b. Manatili lamang sa iyong tahanan
c. Makiisa at sumunod sa mga batas at patakaran
d. Maging tahimik lamang sa mga nagaganap sa lipunan

5
Sagutang Papel

1. 11. 21. 31. 41.


2. 12. 22. 32. 42.
3. 13. 23. 33. 43.
4. 14. 24. 34. 44.
5. 15. 25. 35. 45.
6. 16. 26. 36. 46.

7. 17. 27. 37. 47.


8. 18. 28. 38. 48.
9. 19. 29. 39. 49.
10. 20. 30. 40. 50.

Inihanda ni: Iwinasto at Pinahintulutan ni:

Ma. Donalyn M. Alegre, LPT Gng. Ma. Jesusa C. Caparas, MAE, LPT
Guro- Araling Panlipunan SAC- Social Science and Filipino

You might also like