You are on page 1of 2

Ikaapat na Markahang Pagsusulit

Araling Panlipunan - Grade 8

Pangalan:______________________________________ Baitang/Pangkat:_________________
Guro:__________________________________________ Lagda ng Magulang:______________

I. Panuto: Isulat sa titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa hari o reyna.
a. monarkiya b. republika c. komunismo d. demokrasya
_____ 2. Ito ay ang kapirasong papel na nagsasaad at nagpapalabas na ang grasya ng Diyos ay
maaaring bilhin at ipagbili.
a. indulhensiya b. simony c. noble d. rosario
_____ 3. Uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng mga hari at reyna.
a. demokrasya b. komunista c. monarkiya d. republika
_____ 4. Nagmamay-ari o namamahala sa bangko.
a. mangangalakal b. banker c. noble d. artisan
_____ 5. Panggitnang uri ng mamamayan sa Europe.
a. bourgeoisie b. landlord c. pari d. pulubi
_____ 6. Sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng
kanyang ginto at pilak.
a. Monarchy b. Bourgeoisie c. Merkantilismo d. Kalakalan
_____ 7. Ito ay nangangahulugang muling pagsilang.
a. Renaissance b. Monarchy c. Bullionism d. Humanismo
_____ 8. Ang _______ ang may pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at doktrina sa
Simabahang Katoliko.
a. obispo b. papa c. pari d. reyna
_____ 9. Ito ang itinuturing na pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages.
a. simbahan b. pamahalaan c. pamilihan d. paaralan
b. Krusada b. Renaissance c. Digmaan d. Kontra-Repormasyon
_____ 10. Ano ang tamang pagkakasunod sunod ng pangyayari?
1. Pagpaskil ng “95 Theses” 2. Pagtiwalag ni Luther 3. Pagbenta ng indulhensiya
a. 1 2 3 b. 2 1 3 c. 3 2 1 d. 1 3 2
_____ 11. Isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa na
nagsimula sa Greece.
a. SEA Games b. Olympics c.NBA d. Palarong Pambansa
_____ 12. Sila ang itinuturing na mayayaman sa Republikang Roman.
a. Plebeian b. Senador c. Patrician d. Consul
_____ 13. Ayusin ayon sa buhay Spartan:
1. Aalagaan nang mabuti ang sanggol 2. Ipapasok sa barracks 3. Isang ganap na mandirigma
a. 123 b. 132 c. 231 d. 213
_____ 14. Siya ang pinakamatinding katunggali ni Leonidas sa Digmaang Graeco-Persia.
a. Philip II b. Alexander the Great c. Xerxes d. Haring Pyrrhus
_____ 15. Ano ang kahulugan ng salitang strategos?
a. Heneral b. Pulis c. Mamamayan d. Pangulo
_____ 16. Ang mga kababaihan noon sa Athens ay ipinapakasal sa mga lalaking pinili ng kanilang mga
magulang sa edad na ______.
a. 25 – 27 b. 14 – 16 c. 20 – 22 d. 18 – 20
_____ 17. Kilala ito bilang pamayanan ng mandirigma.
a. Athens b. Sparta c. Thebes d. Corinth
_____ 18. Nangangahulugan itong mataas na lungsod. Matatagpuan ito sa matataas na lugar o bundok at
naging sentro ng politika at relihiyon noon sa Greece.
a. Polis b. acropolis c. metropolis d. agora
_____ 19. Ito ay maaring isigaw upang na pagpapahayag ng pagtutol.
a. neto! b. seto! c. veto! d. geto!
_____ 20. Ang nagturo sa mga Roman sa pagpapatayo ng gusaling may arko, pagtatanim ng ubas at
paggawa ng alak ay ang mga ______.
a. Etruscan b. Carthegian c. Griyego d. Persyano
_____ 21. Ito ay nangangahulugang pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na
pamahalaan, ngunit dahil sa iilang pinunong umabuso, nagbago ang kahulugan nito sa ngayon
bilang malupit na pinuno.
a. tyrant b. king c. solon d. archon
_____ 22. Ang madilim na panahon o dark age ay nagtagal ng ilang taon?
a. 400 b. 600 c. 200 d. 300
_____ 23. Ayon sa alamat, ang Rome ay itinatag ng kambal na sina ________.
a. Remus at Romulus b. Yin at Yang c. Romeo at Relia d. Romus at Romie
_____ 24. Siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at ng mga tao at organismong
naninirahan dito.
a. ekonomiks b. heograpiya c. astronomiya d. agham
_____ 25. Ito ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig.
a. mantle b. core c. crust d. plate
_____ 26. Itinuturing na super continent o ang nag-iisang kontinente dati sa daigdig.
a. Pangaea b. Europe c. Asia d. Antarctica
_____ 27. Ito ang pinakamataas na bundok sa daigdig.
a. Kangchenjunga b. K-2 c. Everest d. Makalu
_____ 28. Ano pinakamalalim na parte ng Pacific Ocean?
a. Java Trench b. Mariana Trench c. Eurasia Basin d. Puerto Rico Trench
_____ 29. Tanging planeta sa solar system na kayang magpanatili ng buhay.
a. Earth b. Mercury c. Venus d. Jupiter
_____ 30. Ito ang pinakamalawak na karagatan sa buong daigdig.
a. Atlantic Ocean b. Arctic Ocean c. Southern Ocean d. Pacific Ocean
_____ 31. Itinuturing na kaluluwa ng isang kultura.
a. wika b. lahi c. pangkat etniko d. relihiyon
_____ 32. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod?
a. Taoism b. Islam c. Hinduism d. Kristiyanismo
_____ 33. Siya ang pinakatanyag na Australopethicus Afarensis.
a. Lucy b. Anthony c. Laura d. Mario
_____ 34. Alin sa mga sumusunod ang sinasabing pinagmulan ng tao?
a. homo b. ape c. hominid d. erectus
_____ 35. paleos : matanda , lithos : _________
a. lupa b. dagat c. halaman d. bato
_____ 36. Sino ang diktador ng bansang Germany noong panahon ng World War II?
a. Adolf Hitler b. Benito Mussolini c. David Lloyd George d. Winston Churchill
_____ 37. Ito ay nangangahulugang pagmamahal sa bayan.
a. Militarismo b. Nasyonalismo c. Imperyalismo d. Alyansa
_____ 38. Alyansang binubuo ng Austria, Hungary, at Germany noong World War I.
a. Axis Powers b. Triple Entente c. Triple Alliance d. Allied Powers
_____ 39. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
a. United Nations b. Nazism c. Fascism d. League of Nations
_____ 40. Siya ang bumalangkas ng Labing-apat na Puntos.
a. Vittorio Orlando b. Woodrow Wilson c. Adolf Hitler d. George Clemenceau
_____ 41. Tinatayang umabot sa ________ katao ang namatay sa labanan noong World War I.
a. 9.3 milyon b. 8.5 milyon c. 6.8 milyon d. 3.5 milyon
_____ 42. Noong 1931, inagaw ng _______ ang lungsod ng Manchuria.
a. Germany b. France c. Italy d. Japan
_____ 43. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sanhi ng World War II?
a. Digmaang Sibil sa Spain c. Paglusob sa Czechoslovakia
b. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia d. Krisis na naganap sa India
_____ 44. Ito ang ideolohiyang pinairal ni Hitler noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
a. National Socialism b. Fascism c. Renaissance d. Imperialism
_____ 45. Ang pagkakampihan ng mga bansa.
a. Merkantilismo b. Imperyalismo c. Alyansa d. Sosyalismo
_____ 46. Ang batas na _______ ay nagsabing ang United States ay magbibigay ng kagamitang pandigma
sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers.
a. Atlantic Charter b. Versailles c. Lend Lease d. Rome-Berlin Axis
_____ 47. Noong ________, biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng
hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay
tinawag na “Day of Infamy.”
a. Disyembre 7, 1941 b. Enero 19, 1943 c. Setyembre 17, 1939 d. Hulyo 23, 1942
_____ 48. Mga lugar o parte ng Japan na binagsakan ng atomic bomb ng United States.
a. Tokyo at Osaka b. Hiroshima at Nagasaki c. Kyoto at Hokkaido d. Hyogo at Nara
_____ 49. Ang entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig.
a. Asia b. Africa c. America d. Europe
_____ 50. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
a. League of Nations b. Triple Alliance c. Triple Entente d. United Nations

You might also like