You are on page 1of 3

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa AP 8

(Kasaysayan ng Daigdig)
SY 2018-2019
Pangalan: _______________________________________________________________________Iskor: ________
Baitang at Seksiyon:_______________________________________________________________ Petsa: _______

I.MARAMIHANG PAGPILI
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.
_______1 .Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang pamana ng Greece sa kabihasnan?
a. batas at pamahalaan b. panitikan c. demokrasya d. sining
_______2. Ito ay tawag sa mga lungsod-estado na naitatag sa Greece.
a. Acropolis b. Polis c. Metropolis d. Pelopolis
_______3. Ito ang kauna-unahang sibilisayong Aegean.
a. Minoan b. Mycenaean c. Sparta d. Athens
_______4. Sila ang mga pangkat ng tao na nanirahan sa Isla ng Crete na pinagmulan ng kabihasnan ng
mga sinaunang Griyego.
a. Dorian b. Mycenaean c. Minoan d. Athenian
_______5. Ito ay tinaguriang mataas na lungsod na nagsisilbing moog ng sinaunanang Griyego?
a. Polis b. Acropolis c. Agora d. Satrap
_______6. Ito ang pinakamalaking siyudad sa Greece at matatagpuan sa rehiyon ng Attica.
a. Sparta b. Athens c. Macedonia d. Crete
_______7. Narating ng Greece ang pinakamataas na antas ng Demokrasya sa panahon ni __________.
a. Draco b. Cleisthenes c. Solon d. Pericles

______ 8. Ano ang kahalagahan ng ipinapakita ng larawan sa itaas sa kasaysayan ng Rome?


a. Ipinapakita ng larawan ang alamat kung paano nagsimula ang Rome.
b. Ang larawan ay simbolo ng diyos na sinasamba ng mga Roman.
c. Malikhain ang ambag ng mga Roman sa sining.
d. Nagmula ang mga Roman sa isang makapangyarihang lobo.
_______9. Ang unang kabihasnang nabuo sa Crete ay tinawag na Minoan. Yumaman ito sa pamamagitan
ng pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
a.Napakalakas ang sandatahang-panlakas ng Minoan.
b.Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
c.Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
d.Napapalibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
_______10. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado. Bawat lungsod-estado ay
malaya at may sariling pamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakatatag ng
hiwa-hiwalay na lungsod-estado ng Greece?
a.Iba-iba ang pinagmulan ng mga sinaunang pamayanan ng Greece
b.Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang
mabundok na lugar.
c.Mahahaba ang mga daungan ng Greece na naging dahilan ng pagkakaroon ng maraming mangangalakal
sa bawat lungsod-estado.
d.Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece na nagging dahilan ng iba’t ibang kabihasnang umusbong dito.
________11. Tanyag na pinuno ng Macedonia at itinuturing na pinakamahusay na heneral sa kasaysayan
a. Philip b. Alexander the Great c. Darius The Great d. Cyrus the Great
________12. Namuno at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan at nagtatag ng Republika ng
Rome
a.Marcus Porcius c. Scipio Africanus
b.Lucius Junius Brutus d. Livius Andronicus
________13. Tinaguriang unang Roman Emperor
a.Augustus b. Lepidus c. Brutus d. Caesar
________14. Ang mga sumusunod ay mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan. Alina ng hindi
kabilang?
a.maharlika c. magsasaka
b.mangangalakal d.mayaman
________15. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng pagsasanay sa Sparta?
a.malakas na pangangatawan c.katapatan
b.katatagan d.pagpapamilya
________16. Madilim na panahon na tumagal nang halos 300 taon
a.Dark Age c. Ginintuang Panahon
b. Renaissance d.Transisyonal na Panahon
________17. Hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika, at politiko.
a.acropolis c.agora
b.polis d.metropolis
________18. Sa Sparta, ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Ano ang ginagawa kapag nakitang mukhang
mahina at sakitin ang sanggol?
a.hinahayaang lumaki c.Ginagamot
b.dinadala sa paanan ng bundok d.Hinuhulog sa bangin
________19. Sistema ng pagpapatapon at pagtatakwil sa isang tao
a.Deportasyon c.Ostracism
b.Repudiation d.Ostrakon
________20. Isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens
a.Ionian c.Corinthian
b.Doric d.Parthenon

II. PAGHAHANAY
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B.

HANAY A HANAY B
_______21. Haring Minos a. Nagtatag ng Roman Republic
_______22. Draco b. Kambal na sinagip ng isang babaeng lobo
_______23. Solon c. Tanyag na pinuno ng Macedonia
_______24. Pisistratus d. Nagpanukala ng Socratic Method
_______25. Cleisthenes e. Pinakadakilang Greek na manggagamot
_______26. Darius I f. Ama ng Kasaysayan
_______27. Xerxes g. Diyosa ng Karunungan
_______28. Leonidas h. Pinakamahusay na mag-aaral ni Plato
_______29. Themistocles i. Pinakasikat na mag-aaral ni Socrates
_______30. Pericles j. Pumalit kay Pericles
_______31. Alcibiades k. Strategos o heneral na namuno sa Athens
_______32. Plato l. Nagdala ng labanan sa pulo ng Salamis
_______33. Aristotle m. Namuno sa pakikipaglaban kay Xerxes
_______34. Athena n. Anak ni Darius
_______35. Herodotus o. Nagmana ng trono ni Cyrus The Great
_______36. Hippocrates p. Humati sa sampung distrito ng Athens
_______37. Socrates q. Namuno sa pamahalaan ng Athens
_______38. Alexander The Great r. Mula sa pangkat ng mga aristokrata
_______39. Romulus at Remus s. Gumawa ng kodigo ng pagkapantay-pantay
_______40. Lucius Junius Brutus t. Maalamat na haring nagtatag ng Kabihasnang
Minoan

III. ANALOHIYA
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

_______41. Aristotle: Ama ng Biyolohiya; _____________: Ama ng Medisina


a. Plato b. Aristotle c. Hippocrates d. Herodotus
_______42. Iliad and Odyssey: Homer; _____________: Plato
a. The Republic b. Politics c. Anabis d. Rhetoric
_______43. Mycenaea: Mycenaean; _______________; Minoan
a. Knossos b. Crete c. Ionian d. Dorian
_______44. ________; Iran: Mesopotamia: Iraq
a. Macedonia b. Formosa c. Persia d. Ceylon
_______45. _________: Phidias; historyador: Thucydides
a. Pintor b. Doktor c. Iskultor d. Actor
_______46. Haring Minos: Minoan; Haring Philip: ________
a. Persia b. Macedonia c. Mycenaean d. Sparta
_______47. ________: Central America; Maya: Timog America
a. Olmec b. Aztec c. Inca d. Sioux
_______48. Digmaang Graeco-Roman: Greek laban sa Roman; ____________: Delian League laban sa
Peloponnesian League
a. Unang digmaan c. Digmaang Peloponnesian
b. Ikalawang digmaan d. Digmaang Anglo-Saxon
_______49. Sparta: binigyang-diin ang pagpapalakas ng katawan;Athens: ____________________
a. Binigyang-diin ang sports at kalusugan
b. Binigyang-diin ang pilosopiya at edukasyon
c. Binigyang-diin ang kasanayang military
d. Binigyang-diin ang pagpapaganda
_______50. Athens: Demokrasya; Sparta: _________
a. Oligarkiya b. Aristokrasya c. Monarkiya d. Republika

Inihanda ni:

NORBERTO J. MANJARES JR.

Nabatid:

MERCY O. ALAPAD
SSP-I

You might also like