You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V-Bicol
DIVISION OF LEGAZPI
ARIMBAY HIGH SCHOOL
ARIMBAY, LEGAZPI CITY
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT
SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan____________________________________________Taon at Seksyon____________Iskor____
I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Saang kontinente nagmumula ang malaking suplay ng ginto at diyamante?
a. Asya b. Africa c. South America d. Europe
2. Ito ang pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikatan ng araw.
a. Tropic of Cancer b. Tropic of Capricorn c. Prime meridian d. Longhitude
3. Alin ang HINDI kabilang sa mga saklaw sa pag-aaral ng heograpiya?
a. anyong lupa at anyong tubig c. klima at panahon
b. Rehiyon d. flora at fauna
4. Tema ng heograpiya na tumutukoy sa kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig at likas na
yaman.
a. Lokasyon b. Paggalaw c. Rehiyon d. Lugar
5. Lokasyon na matutukoy sa pamamagitan ng mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longhitude
line na bumubuo sa grid.
a. Insular b. Absolute c. Linear d. Relatibo
6. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang tumutukoy sa Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran?
a. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyog lupa at tubig, at likas na yaman
b. Batayan ng lugar ang mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao
c. Ang kapaligiran ang siyang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao
d. wala sa nabanggit
7. Aling impormasyon ang may kinalaman sa rehiyon bilang tema ng heograpiya?
a. Ang Singapore ay nasa 1 degree 20’ hilagang latitude at 103 degree 50’ silangang latitude
b. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan
ng West Philippine Sea
c. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations
d. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho
8. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng
daigdig.
a. Antarctica b. Europe c. Australia d. Africa
9. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga salita ang matatagpuan sa Australia?
a. Nile River, Sahara Desert, Egypt c. Andes Mountain, Cape Horn, Argentina
b. Iberian peninsula, Balkan Peninsula, Italy d. Hudson Bay, Appalachian, Rocky Mountain
10. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isang tema ng pag-aaral ng
heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano
c. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang namumuhunan
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan
ng West Philippine Sea
11. Tumutukoy sa kalipunan ng paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng tao.
a. Wika b. Etniko c. Relihiyon d. lahi
12. Pamilya na kinabibilangan ng wikang Pilipino
a. Afro-Asiatic b. Austronesian c. Niger-Congo d. Sino-Tibetan
13. Suriin ang pangkat na kabilang sa pamilya ng wikang Indo-European
a. Brunei, Cambodia, Chile c. Somalia, Saudi Arabia, Morocco
b. Armenia, Turkey, Ukraine d. Pakistan, Thailand, Vietnam
14. . Alin sa mga sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang
bansa?
a. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya
b. Maraming sigalot sa bansa
c. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa
d. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan
15. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga
sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I. Agrikultura III. LAabis na pagkain
II. Kalakalan IV. Pangangaso
a. IV, I, III, II B. II, I, IV, III C. IV, I, II, III D. I, II, III, IV
16. Kasabay ng pagkakadiskubre ng paggamit ng mga kasangkapang bato nagkaroon ng permanenteng
panirahan at natutong magtanim ang mga sinaunang tao upang matustusan ang pangangailangan sa
pagkain. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Malaki ang epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan
b. Malaki ang naging epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao
c. Higit na umunlad ang pamumuhay ng tao dahil sa metal
d. Natuto ang sinaunang tao ng iba’t ibang Gawain
17. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan?
a. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura
b. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa
c. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan
d. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao
18. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
a. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Paleolitiko
b. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko
c. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan
d. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal
19. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang, kinakitaan ng
organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya at may sistema ng
pagsulat?
a. imperyo b. Kabihasnan c. Kalinangan d. Lungsod
20. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng
tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistoscene?
a. Mesolitiko b. Metal c. Neolitiko d. Paleolitiko
21. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
a. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko
b. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko
c. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakroon ng kalakalan
d. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal
22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan?
a. May klimang tropical ang mga bansa na malapit sa equator
b. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin
c. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-daan sa pagtatatag
ng unang imperyo sa daigdig
d. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nilke sa mga
sinaunang taong naninirahan sa mga lambak nito
23. Ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus, at
China?
a. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
b. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog
c. Patuloy na hinahanggaan at tinatangkilik ng tao s kasalukuyan ang pamanang ito
d. Limitado lamang ang kakayahan ng sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-
hangang bagay sa daigdig
24. Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong at pagbagsak ng mga kabihasnan?
a. Nagsimula ang mga pamayanan sa tabi ng mga ilog na mainam sa pakikipagkalakalan
b. Dito nagsimulang makapagtatag ng mauunlad na pamayanan at imperyo na kalaunan ay
sinasalakay at nasasakop ng mas makapangyarihan at matatag na pangkat
c. Nakapagpagawa ng matatyog na gusali at naging tanyag sa pag-papaunlad ng relihiyon
d. Mayroong magaling na pinuno na namamahala sa buong imperyo at nagtatanggol laban sa mga
barbaro

25. Alin sa mga sumusunod ang mga pamayanan na umunlad sa Kabihasnang Indus saTimog Asya?
a. Akkadia at Babylonia c. Mohenjo-Daro at Harappa
b. Ming at Shang d. Inca at Aztec
26. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian na ginagamitan ng stylus at clay o luwad na lapida
a. Cuneiform b. Pictogram c. Linear T d. Hieroglyphics
27. Suriin ang mga pahayag na may kaugnayan sa Kabihasnang Tsino at tukuyin kung saang dinastiya ito
naganap.
1. Ang Buddhism ang naging dominanteng relihiyon na tinagkilik ng mga dugong bughaw at
karaniwang tao
2. Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal
3. Itinatag ni Li Yuan, isang opisyal ng Sui na nagalsa laban sa dinastiya
a. Zhou b. T’ang c. Yuan d. Ming
28. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa antas ng tao sa Kabihasnang Egypt?
a. May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian noong sinaunang panahon
b. Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan sa Egypt
c. Mas mataas ang posisyon ng mga paring Egyptian kaysa sa mga mandirigma
d. Ang pharaoh, maharlika at magsasaka ang nasa mataas na antas ng lipunang Egyptian
29. Suriin ang pangkat ng mahahalagang bagay na naglalarawan sa pamumuhay ng mga katutubo at
dayuhang Aryan na nanirahan sa Timog Asya.
a. Vedas, Sewerage Sytem, Sistemang Caste c. Great Wall, Oracle Bone, Confucianism
b. Cuneiform, Ziggurat, Code of Hammurabi d. Pharoah, Pyramid, Nile
30. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan?
a. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura
b. Dito lamang nakadipende ang yaman ng bansa
c. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan
d. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao
31. Paano pinahahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
a. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa
kasalukuyan
b. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang
ambag
c. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito
d. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-
hangang bagay sa daigdig
32. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at
kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World?
a. Alexandria b. Hanging Gardens c. Pyramid d. Ziggurat
33. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling
sitwasyon ang HINDI nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?
a. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga
teritoryo nito.
b. May mahusay na pinunong mamahala sa estado na magpapaunlad ng pamumuhay
c. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay
d. May aktibong pagpapalitan ng produkto sa loob at labas ng lungsod
34. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica?
a. Dahil itinatag ang mauunlad na lugar na ito sa America
b. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica kaysa sa mga
kabihasnang itinatag sa Asya at Africa
c. Dahil nanatili pa rin ang kanilang kabihasnan sa kasalukuyan
d. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila
ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay
35. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang handog ng mga sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
a. Limitado ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at
pagkasira ng estruktura nito
b. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass at imprentang naimbento ng mga Tsino
c. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga
paaralan sa kasalukuyan
d. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig

II. Tukuyin ang kabihasnan na inilalarawan sa bawat bilang.


(Mesopotamia, Indus, Tsino, Egyptian, Mesoamerica)

MESOAMERICA 36. Nagsimula ang Olmec, isang pamayanang agricultural at gumamit ng sistemang
hieroglyphics, konseptong zero at kalendaryo.
EGYPTIAN 37. Nakilala ang mga tanyag na pinuno tulad nina Hatshepsut at Rameses
TSINO 38. Nagsimula nang kabihasnan sa Yellow Sea, na ginamit ang mga natural na hadlang
tulad ng mga disyerto, bulubundukin at dagat upang panatilihin ang natatanging kultura na nagpasalin-salin
sa iba’t ibang dinastiya.
INDUS 39. Naitatag sa kabihasnang ito ang mga Imperyong Maurya, Gupta, at Mogul.
MESOPOTAMIA 40. Tinaguriang “The Cradle of Civilization” bilang kauna-unahang sibilisasyon sa daigdig.

III. Suriin ang yugto ng pagunlad ng kultura sa panahong prehistoriko. Tukuyin ang panahon na
kinabibilangan nito.

PALEOLITIKO 41. Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga Hominid.


NEOLITIKO 42. Nagkaroon ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang
matatagpuan sa mga lambak.
METAL 43. Huling bahagi ng panahong bato, tinatawag din itong New Stone Age
ME TAL 44. Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang
paggamit sa kagamitang yari sa bato.
METAL 45. Sa panahong ito natuto ang mga sinaunang tao ng paghahabi, paggawa ng mga
alahas, salamin, at kutsilyo
NEOLITIKO 46. Isa sa mga katangian ng pamayanan ay ang pagkakaroon ng magkadikit-dikit na
ng mga dingding at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan
pababa sa hagdan.
PALEOLITIKO 47. Ang pinakamahalagang kaganapan sa panahong ito ay ang pagkakatuklas ng apoy.
PALEOLITIKO 48. Sa panahong ito nabuhay ang mga taong Neanderthal at Cro-Magnon
NEOLITIKO 49. Natutong gumamit ng mas pinakinis na kagamitang yari sa bato ang sinaunang tao.
NEOLITIKO 50. Nagkaroon ng permanenteng panirahan sa pamayananan, pagtatanim, paggawa
ng palayok at paghahabi.

You might also like