You are on page 1of 6

DIVISION ACHIEVEMENT TEST REVIEW

ARALING PANLIPUNAN 10
( MGA KONTEMPORARYONG ISYU)
S.Y 2019-2020
Pangalan: _____________________________ Iskor: ________________
Antas at Pangkat: _______________________ Guro: ___________________

1. Paano naipapakita ang ugnayan ng kapaligiran at tao sa pag-usbong ng mga kabihasnang


Asyano?
a. Ang pagkaubos ng pagkain sa isang lugar ang dahilan ng nomadikong pamumuhay
ng mga sinaunang tao sa Asya.
b. Ang mababang uri ng pamumuhay ay kusang binura ng kapaligiran upang
magpasimula ng mas mataas na antas ng sistema ng pamumuhay.
c. Ang pag-apaw ng mga ilog sa lambak ang dahilan ng pagkakaroon ng matatabang
lupain na mainam para sa pag-unlad ng kultura ng pagsasaka.
d. Ang paghahanap ng mga bagong lupain ang dahilan ng pananakop ng malalakas na
pangkat ng mga sinaunang tao sa mahihinang pangkat.
2. “Hinati ng mga heograpo ang Asya sa limang Asya.” Naging kapaki-pakinabang ba ang
ginawang ito ng gma heograpo?
a. Hindi, dahil makakagulo lamang ito sa mga mag-aaral ng Kabihasnang Asyano.
b. Oo, sapagkat magkakaiba ang kultura ng at paniniwala ng mga Asyano sa bawat
rehiyon.
c. Oo, sapagkat mas madaling pag-aralan ang heograpiya, kasaysayan at kultura ng mga
bansang Asyano.
d. Hindi, dahil magdudulot lamang ito ng hidwaan sa pagitan ng mga bansang Asyano na
kabilang sa isang rehiyon.
3. Alin ang naglalarawan sa uri ng klima ng Hilagang Asya?
a. Nararanasan ang taiga at tundra
b. Nakakaranas ito ng matinding tag-init
c. Ito ay napapaloob sa mabaabng latitude
d. Kaaya-ayang klima na halos lahat ng tanim ay nabubuhay dito.
4. “Ako ay naninirahan sa kapatagan ng Thailand kung saan malapit ito sa bahagi ng
ekwador.” Kung gayon, anong klima ng aking nararanasan?
a. Klimang disyerto c. Klimang tropikal
b. Klimang sub-arctic d. Klimang highland
5. Ano ang pinakamalaking pinagkukunan ng enerhiya sa Tsina?
a. bakal b. lead c. karbon d. sulfur
6. Alin sa mga sumusunod na relihiyon ang naniniwala na ang lahi nila ay nagmula sa mga
diyos at sila ay patuloy na ginagabayan nito?
a. Buddhismo b. Confucianismo c. Shintoismo d. Zoroastrianis
7. Alin ng naging papel ng mga propagandista sa Kalayaan ng Pilipinas?
a. Mapalaya ang Pilipinas mula sa Espanya
b. Maipalaganap ang rebolusyon sa Pilipinas
c. Kilalanin ng Espanya ang Pilipinas bilang probisyon nito.
d. Turuan ang mga Pilipino sa mapayapang paraan upang makamit ang kalayaan.
8. Isa itong pananaw na kakikitaan ng di-pantay na pagtingin sa bahaging ginagampanan
ng mga kababaihan at kalalakihan sa lipunan batay sa kanilang kasarian.
a. Diskriminasyon b. Rasismo c. "Prejudice" d. Sexismo
9. Ito ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan upang sila'y magbuklod at labanan ang
mga dayuhang mananakop mula sa kani-kaniyang bansa.
a. Imperyalismo b. Nasyonalismo c. Komunismo d. Kolonyalismo
10. Alin ang dalawang pamamaraan sa pagkakamit ng kalayaan sa mga bansa sa Asya?
a. Imperyalismo at Kolonyalismo c. Aktibo at Pasibo
b. Civilizing Mission at Ethical Policy d. Reporma at Propaganda
11. Anong bansa ang tuyo at tigang ang lupa. Ang pagsasaka ay maaari lamang gawin sa pook
ng ilog dahil sa irigasyon
a. India b. Nepal c. Sri Lanka d. Bangladesh
12. Aling bansa ang kaunting lupa lamang ang sinasaka at dito inaani ang palay, trigo,
barley, millet, prutas at
gulay.
a. Tsina b. Hapon c. Korea d. Hong Kong
13. Alin ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng filial piety?
a. Pagiging magulang ng panganay na anak kung sakaling mawala ang kanilang
magulang.
b. Pagkakaroon ng matinding pagmamalasakit ng anak sa kanyang magulang.
c. Pagsasama-sama ng magkakamag-anak sa iisang bakuran.
d. Matinding pagtutulungan ng magkakapatid
14. Alin ang nagbibigay halaga sa pagkakaisa ng mga Asyano sa pamamagitan ng kalakalan?
a. Dahil dumarami ang mga dayuhan sa isang lugar.
b. Dahil nagtutulungan ang magkakaratig-bansa sa Asya.
c. Dahil nagsisilbi itong ugnayan ng kultura at pagpapalitang-kultural sa mga bansang
Asyano
d. a,b,c
15. Ang Ziggurat ito ay tumutukoy sa isang likhang arkitektura na naging sentro ng
pamumuhay sa bawat pamayanan sa Kabihasnanag Sumer at ito ay kilala bilang isang:
a. Piramide para sa mga Pharaoh
b. Daluyan ng patubig para sa mga sakahan
c. Templo na binubuo ng maraming palapag
d. Mahabang pader bilang proteksyon laban sa mananalakay
16. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa
isang bansa?
a. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
b. Maraming sigalot sa mga bansa.
c. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
d. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
17. Alin ang isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may
magkakatulad na katangiang pisikal o
kultural?
a. Lokasyon c. Paggalaw
b. Lugar d. Relihiyon
18. Paano mapapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihioyn sa
kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga
paniniwala?
a. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
b. Panatilihing ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon
c. Magkaisa para magkaroon ng kaayusan
d. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon
19. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at may mataas na antas ng kulturang
kinakitaan ng orgaisadong pamahalaan,
kabuhayan, relihiyon at mataas na antas ng teknolohiya?
a. Imperyo b. Kalinangan c. Lungsod d. Kabihasnan
20. Ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnan umunlad sa Mesopotamia, Egypt,
Indus at China?
a. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
b. Umunlad sa isang kontinente sa mga nabanggit na kabihasnan
c. Natutong makisalamuha sa isa’t-isa
d. Nanirahan ang mga sinaunang kabihasnan sa tabi ng ilog
21. Alin ang may wastong impormasyon hinggil sa lipunan ng Egyptian?
a. May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian noong sinaunang panahon
b. Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan sa Egypt
c. Mas mataas ang posisyon ng mga paring Egyptian kaysa sa mga mandirigma
d. May organisadong uri ng pamumuhay ang mga tao sa lipunan na ito
22. Ang kabihasnang Egypt ay isa sa mga sinauna at matandang sibilisasyon. Sa anong ilog
umusbong ang kabihasnang ito?
a. Indus b. Huang ho at Yangtze c. Nile d. Tigris at Euphartes
23. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada sa Europeo?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko
24. Ito ay isang ekspedisyong military na inulunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa
panawagan ni Pope Urban II noong 1095.
A. Piyudalismo B. Krusada
C. Knight D. Kabalyero
25. Ano ang naging resulta ng Krusada?
A. Napalaganap ang komersyo.
B. Napayaman ang kulturang Kristiyano
C. Ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan.
D. Lahat ng nabanggit
26. . Siya ang tinaguriang “Ama ng Protestanteng Paghihimagsik”
a. Martin Luther b. Nicolas Copernicus c. Raphael Santi d. John Locke
27. Ito ay katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa Kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang
ika-17 dantaon na humantong sapagkakahati ng simbahang Kristiyano.
a. Lokasyon b. Repormasyon c. Kolonisasyon d. Rebolusyon
28. Ito ay isang kilusang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko na naglalayong panumbalikin
ang tiwala ng mga mananampalataya sa Kristyanismo partikular sa Katolisismo.
a. Industriyalisasyon b. Repormasyon c. Kontra- Industriyalisasyon d. Kontra- Repormasyon
29. Ang lahat ay naging bunga ng kontra-repomasyon maliban sa isa.
a. Nagtagumpay ang mga heswita sa Bohemia, Hungary, Poland at timog Germany para sa
Simbahang Katoliko.
b. Naging tagapayo sila at katapatang-loob ng mga hari at reyna ng mga kahariang Katoliko
c. Kumalat sa ibat ibang bahagi ng Alemanya ang kapangyarihan ni Martin Luther
d. Ang Simbahan ay sumailalim sa trono ng hari at reyna
30. Ito ay isang kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang ‘agham’ sa pagsagot sa mga
suliraning ekonomikal, politikal at maging ang kultural.
a. Renaissance b. Enlightenment c. Siyentipiko d. Industriyalisasyon
31. Ito ay mga pagbabagong pang-ekonomiya na nagsimula sa Great Britain na gumamit ng mga
makinarya kaya nagkaroon ng mabilisang produksyon.
a. Renaissance b. Enlightenment c. Siyentipiko d. Industriyalisasyon
32. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng
pagmamasid sa sansinukob.
a. Renaissance b. Enlightenment c. Siyentipiko d. Industriyalisasyon
33. Paano naapektuhan ng industriyalisasyon ang intensidad ng kolonyalismo o panggagalugad
ng ibang lupain?
a. Labis na nangailangan ng mga hilaw na sangkap ang mga Europeo na nakakuha nila sa mga
kolonyang bansa
b. Dahil sa naimbentong steamboat, nagkaroon ng pagbabago sa kagamitan sa paglalayag
c. Natakot ang mga Europeo sa Industriyalisasyon kaya sila humanap ng bagong kolonya
d. Nabawasan ang pangangailangan sa lakas paggawa kaya nawalan ng trabaho ang mga tao
34. Ang huling pananggalang ng demokrasya sa Pilipinas na nawasak din ng Hapon noong
Ikalawang. Digmaang pandaigdig.
a. Cavite at Bulacan c. Intramuros sa Manila
b. Bataan at Corregidor d. Guagua sa Pampanga
35. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang pandaigdig . Alin
ang HINDI kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan_?
a. Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya
b. Nawala ang Fascism at Nazism
c. Naitatag ang United Nations
d. Nagkaroon ng World War III
36. Ang Digmaan sa Pasipiko ay pinasimula ng hukbong Japan noong 1941. Ang mga sumusunod
na pangyayari ay naiuugnay ditto sa digmaang ito MALIBAN sa _______________.
a. Pagwasak ng mga Hapon sa hukbong panghimpapawid sa Clark Field Pampanga
b. Pagsakop ng Japan sa Maynila noong ika-2 ng Enero 1942
c. Pagsakop ng mga Japanese sa Thailang, Bristish Malaya, Hongkong, Guam at Wake Islands
d. Pagpapatibay ng batas na Lend Lease
37. Ang labanang nangyari noong ik- 6 ng Disyembre 1944 sa pagitan ng puwersa ni Heneral
Dwight Eisenhower at ng mga Nazi sa France kung saan natalo ang hukbong Nazi .
a. Battle in Luxembourg c. Battle in France
b. Battle of the Bulge d. Battle in Normandy
38. Ito ay kasunduang isinagawa nina Pangulong Roosevelt ng US at Winston Churchill ng
England noong 1941 na tumitiyak na “pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga
bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot at di na muling gagamit ng puwersa?
a. Atlantic Charter c. Kasunduang Versailles
b. Kasunduan sa Paris d. Lend Lease
39. Tumutukoy ito sa estratehiya ng digmaan sa pamamagitan ng biglaang paglusob na walang
babala.
a. Blitzkrieg b. genocide c. phony war d. atomic bombing
40. Ito ay tumutukoy sa organisasyong pandaigdig na itinatag upang mapaminahalaan at
magbigay ng kalayaan sa kalakalan pang internasyunal.
A. AFTA B. IMF C. World Bank D. WTO
41. Ito ay naitatag noong Oktubre 24, 1956 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na
pangunahing layuning mapanatili ang pangdaigdigang kapayaan at seguridad.
a. United Nations Educational Scientific and Cultural Organization
b. UNICEF
c. World Health Organization
d. United Nations
42. Sanhi ng impluwensiya ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga Pilipino na ang lahat ng
galing at talent ay nagmumula sa Kanluraning bansa. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy ng
pahayag?
A. Over Dependence B. Loss of pride C. Interdependence D. Continued
enslavery
43. Ito ay ang Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya na may layuning maitaguyod
ang kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura ng bawat kasapi , at pagpapalaganap ng
kapayapaang panrehiyon.
A. Organization of Islamic Cooperation C. ASEAN Free Trade Agreement
B. Association of Southeast Asian Nations D. Nagkakaisang Bansa sa
Asya
44. Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikos at nomos. Ano ang kahulugan nito?
A. Pamahala sa lipunan C. Pamamahala sa bahay
B. Pamahalaan at lipunan D. Bahay at Lipunan
45. Ang konsepto ng supply ay maipapaliwanag sa tatlong paraan. Ito ay tumutukoy sa
matematikong paglalarawan ng ugnayan ng Quantity Supplied at ng presyo.
A. Law of Supply C. Supply Function
B. Supply Schedule D. Supply Curve
46. Ito ay tumutukoy sa grapikong paglalarawan ng positibong ugnayan ng Quantity Supplied at
presyo.
A. Law of Supply B. Supply Schedule C. Supply Function D. Supply Curve
47. Si Nena ay gumagawa ng pitaka. Bawat pitaka ay nagkakahalaga ng P25.00. Kung ang
Supply Function ay Qs=750+12P. Ilan ang nakahanda at kayang ipagbili ni Nena na pitaka?
A. 175 B. 225 C. 425 D. 450
48. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa
iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
A. Demand B. Supply C. Pangangailangan D. Kagustuhan
49. . Isinasaad dito na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo at quantity
demanded. Kapag tumataas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at
kapag bumababa ang presyo tataas nman ang dami ng gusto at kayang bilhin na mga produkto at
serbisyo. Ano ang tinutukoy?
A. Batas ng Supply B. Batas ng Komersiyo
C. Batas ng Demand D. Batas ng Pamilihan
50. . Isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t
ibang presyo.
Demand Curve C. Demand Function
Demand Schedule D. Law of Demand
51. Nangangahulugang ipinapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa
pagbabago ng Quantity Demanded.
Ceteris Paribus C. Income Effect
Law of Demand D. Substitution Effect
52. Grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at Quantity Demanded.
Market Demand C. Demand Schedule
Demand Function D. Demand Curve
53. Ito ay naglalarawan ng simpleng ekonomiya na ang sambahayan at bahay kalakal ay iisa
A. Unang Modelo C. Ikatlong Modelo
B. Ikalawang Modelo D. Ikaapat na Modelo
54. Ito ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng pamahalaan sa sistema ng pamilihan.
A. Unang Modelo C. Ikatlong Modelo
B. Ikalawang Modelo D. Ikaapat na Modelo
55. Ang modelo ng pambansang ekonomiya na nagbigay-tuon sa pag-iral ng systema ng
pamilihan.
A. Unang Modelo C. Ikatlong Modelo
B. Ikalawang Modelo D. Ikaapat na Modelo
56. Ito ay nagbigay-daan sa paglitaw ng Pamilihang Pinansyal sa pambansang ekonomiya.
A. Ikalawang Modelo C. Ikaapat na Modelo
B. Ikatlong Modelo D. Ikalimang Modelo
57. Ito ay naglalahad ng hindi saradong ekonomiya dulot ng pakikilahok sa kalakalang panlabas.
A. Ikalawang Modelo C. Ikaapat na Modelo
B. Ikatlong Modelo D. Ikalimang Modelo
58. Ang lugar/mekanismo kung saan ang konsyumer at prodyuser ay nagkakaroon ng
transaksyon upang magkaroon ng bentahan.
A. Paaralan B. Sinehan C. Pamilihan D. Tiangge
59. Pangunahing tauhan sa pamilihan na gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga
konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng mga konsyumer.
A. Konsyumer B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Prodyuser
60. . Ito ang tawag sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagagawa ng mga mamamayan ng isang bansa
A. GDP B. GNI C. HDI D. NFIFA
61. . Ito ang tawag sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang banasa
A. GDP B. GNI C. HDI D. NFIFA
62. Ano ang nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng salapi at sa nais umutang?
A. Bahay-Kalakal C. Local at Foreign Markets
B. Financial Intermediaries D. Net Lending

You might also like