You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan sa Sangay ng Pangasinan I
Mabini District
Distrito ng Mabini
Mabini, Pangasinan

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 8
T.P. 2022-2023
PANGALAN: ___________________________________ ISKOR: ______
BAITANG AT SEKSIYON: _______________________ PETSA: ______

MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at


bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong
pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig?
A. antropolohiya
B. ekonomiks
C. heograpiya
D. kasaysayan
2. Anong pamamaraan ang ginagamit sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga
lugar at bagay na nasa paligid nito?
A. latitude line
B. lokasyong absolute
C. longitude line
D. relatibong lokasyon
3. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit
ang humahati sa northern at southern hemisphere?
A. equator
B. Tropic of Cancer
C. International Date Line
D. prime meridian
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa
sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.
B. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.
D. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
5. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman, at hayop.
Ano ang maaring patunay na may kinalaman ang araw sa kalagayang ito?
A. Ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig.
B. Ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan.
C. Napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran.
D. Sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig.
6. Paano mo maipapakita ang paggalang at pagmamahal sa mga pangkat-etniko sa
daigdig?
A. Ituring sila bilang bahagi ng ating lipunan.
B. I-promote at ipagmalaki ang kanilang kultura sa iba.
C. Itrato sila nang pantay na may pagrespeto sa kanilang mga kaugalian at paniniwala.
D. Lahat ng nabanggit na pahayag ay tama.
7. Paano mo mapahahalagahan ang sarili mong relihiyon?
A. Bigyan ng respeto ang ibang tao kahit ano pa ang relihiyon nila.
B. Maging mapagpakumbaba, tumulong sa nangangailanan at palaging magdasal.
C. Makinig sa mga aral ng iyong relihiyon at isabuhay ito ng buong puso.
D. Lahat ng nabanggit na pahayag ay tama.

Pag-aralan ang talahanayan sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa bilang
8-9.
Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala
Kristiyanismo 31.59%
Islam 23.20%
Hinduismo 15.00%
Non- religious 11.67%
Budismo 7.10 %
Iba pa 11.44%
8. Ano ang iyong mahihinuha sa mga datos sa itaas?
A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo.
B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo.
C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala.
D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo.
9. Batay sa talahanayan, ilang bahagdan (%) ang agwat ng mga naniniwala sa
Kristiyanismo kaysa Islam?
A.7.84%
B. 8.39%
C. 5.45%
D. 16.59%
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mahalagang papel na
ginagampanan ng wika sa buhay ng mga tao sa daigdig?
A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan at kapayapaan tungo sa mas maayos na
pagkakasundo ng mga tao at mga bansa.
B. Nagkakaroon ng kalituhan kung marami ang wika.
C. Nagagamit ang wika upang makapanakit ng damdamin ng kapwa tao,
D. Nagagamit ang wika upang makapanloko ng kapuwa.
11. Ano ang kabuhayan ng mga sinaunang tao noong Panahon ng Paleolitiko?
A. Pagsasaka at pangangaso.
B. Pagsasaka at pangingisda.
C. Pangangaso at pangangalap.
D. Pagsasaka at paghahayupan.
12. Anong kabihasnan ang unang nakatuklas sa pagpapanday ng bakal upang makabuo ng
mga kagamitan?
A. Hittites
B. Persian
C. Shang
D. Sumerian
13. Anong matandang pamayanan ang naitatag noong Panahong Neolitiko sa Turkey?
A. Catal Huyuk
B. Gobekli Tepe
C. Jericho
D.Tell Halaf
14. Bakit ang tanso, bronse at bakal ang pangunahing ginamit sa paglikha ng maraming
kasangkapan sa halip na ginto at pilak?
A. Mababa ang halaga ng ginto at pilak kayat hindi ito magagamit na materyal sa
pagbuo ng kasangkapan.
B. Limitado lamang ang dami ng ginto na namimina kaya’t hindi makabubuo ng
maraming kagamitan.
C. Mas matigas at matibay ang tanso, bronse at bakal na kagamitan.
D. Madaling hulmahin ang ginto at pilak sa ibang ibang hugis.
15. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan
sa pagpapanday ng mga bakal?
A. Tataas ang suplay ng pagkain
B. Uunlad ang pakikipagtalastasan
C. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal
D. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan
16. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong
Paleolitiko?
A. Natuto nang magtanim ang tao.
B. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
C. Naninirahan malapit sa mga lambak.
D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse.
17. Bakit nagpinta ng iba’t ibang imahe ng mga hayop ang mga sinaunang tao sa mga
yungib?
A. Ito ay para malagyan ng palamuti ang kweba.
B. Ang mga ipininta ay nagsilbing alaala ng kanilang kasaysayan noon.
C. May kaugnayan ito sa paniniwala nila para maging matagumpay ang pangangaso.
D. Ang mga imahe ay patunay na may kakayahan ang mga tao noon na iparating ang
kanilang mga saloobin sa ibang tao na magmamasid.
18. Bakit mahalaga ang domestication o pag-aalaga ng mga halaman at hayop?
A. Para may libangan at maalagaan ang kabataan.
B. Para mailigtas at maparami ang iba’t ibang lahi ng hayop at halaman.
C. Para may madaling mapagkunan ng pagkain dahil hindi na kailangang mangaso
pa.
D. Para mapangalagaan ang mga hayop at halaman mula sa paninira ng mga
mababangis na hayop.
19. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng
pag-unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
C. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit nasila ng metal.
D. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
20. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa
panahon ng Neolitiko?
A. Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim.
B. Takot silang mabihag ng ibang tribu.
C. Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop.
D. Natutunan na ang pagmimina.
21. Ang Panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse at Tanso
B. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal
C. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse
D. Panahon ng Tanso, Bronse at Bakal
22. Ito ay bansang tinagurian bilang “The Gift of Nile”?
A. Mesopotamia
B. Egypt
C. India
D. America
23. Ang paarkong matabang lupain nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang
bahagi ng Mediterranean Sea ay tinatawag na _____?
A. Delta
B. Euphrates
C. Fertile Crescent
D. Nile River
24. Saan nagsimula ang pag-usbong ng Kabihasnang Tsina?
A. Ilog Nile
B. B. Ilog Tigris
C. Ilog Huang Ho
D. Ilog Costa
25. Saan umusbong ang kabihasnang Ehipto?
A. tabing Ilog
B. kabundukan
C. disyerto
D. tabing dagat
26. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dahilan kung bakit mahirap ipagtanggol
ang lupain ng Mesopotamia?
A. Mahina ang bansang ito
B. Malawak ang lupaing ito
C. Walang pinuno
D. Walang likas na hangganan
27. Paano binago ng Ilog Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?
A. Napalago ng ilog ang Sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
B. Nagiging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
C. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
D. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha ng
ilog.
28. Ano sa palagay mo ang mainam na gawin upang mapanatili ang pakinabang ng Nile
Delta sa ekonomiya ng bansang Egypt?
A. Magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang mga hayop at gawing
pagkain.
B. Maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga condominium o di kaya
ay subdivision.
C. Gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo upang matulungang
mapalago ang ekonomiya.
D. Gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa ang aktibidad ng
pangangaso at camping.
29. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng TAMA tungkol sa
Mesopotamia?
A. Ang Mesopotamia ang pangalawang sibilisasyong naitatag.
B. Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa Silangang Asya.
C. Ang Mesopotamia ay isang peninsula.
D. Ang Mesopotamia ay tinaguriang “lupain sa pagitan ng dalawang ilog”
30. Ikaw ay naatasang gumawa ng proyekto na makatutulong upang higit na maintindihan
ang ugnayan ng heograpiya sa pagsibol ng kabihasnan, alin sa mga sumusunod ang
iyong gagawin?
A. Paggawa ng Info graphics na tatalakay sa ugnayan ng heograpiya at pagsibol ng
kabihasnan.
B. Magdaos ng pagtatanghal na magpapakita ng mga bagay na sumasalamin sa
naging pamumuhay sa sinaunang kabihasnan.
C. Imbitahan ang mga tao na nagtataguyod sa pag-aaral patungkol sa kultura.
D. Magpunta sa bawat lugar kung saan sumibol ang sinaunang kabihasnan.
31. Sino ang pinunong nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan
ang isang pag-aalsa laban sa Assyria?
A. Cyrus the Great
B. Nabopolassar
C. Nebuchadnezzar II
D. Sargon I
32. Saan nagmumula ang tubig na dumadaloy sa Ilog Indus?
A. Hindu Kush
B. Himalayas
C. Karakuran
D. Khyber Pass
33. Alin ang HINDI kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?
A. Akkadian
B. Aryan
C. Assyrian
D. Chaldean
34. Alin sa mga sumusunod ang gamit ng mga lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang
kabihasnan?
A. Ang lambak-ilog ay may malawak na hangganan.
B. Ang lambak-ilog ang naging sentro ng suplay ng tubig sa buong komunidad.
C. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa.
D. Ang lambak-ilog ang pangunahing pinagmulan ng produktong metal.
35. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naging maunlad at mayaman ang
kabihasnang Indus?
A. Nagkaroon ng mga panirahan sa Indus.
B. Paggamit ng irigasyon para sa pagsasaka at sistemang transportasyon.
C. Nagkaroon ng mga sagradong ritwal.
D. Paghahati ng estado sa lipunan ng mga mamamayan.
36. Alin sa mga sumusunod na kontribusyon ng kabihasnan ang maari mong iapply sa
produksyon?
A. Paggamit ng specialized labor batay sa kakayahan at kasanayan.
B. Paggamit ng luwad o clay-tablets sa pagsulat.
C. Pag imbento ng teknolohiya para sa pagtukoy ng oras.
D. Pagtatakda ng buwis sa kalakal.
37. Bakit kinikilala ng mga sinaunang tao ang kanilang pinuno bilang diyos?
A. Ang mga pinuno ang nagtatakda ng buwis.
B. Ang mga pinuno ang may responsibilidad sa kaayusan ng sinasakupan.
C. Ang mga pinuno ang batas at dahilan ng pagsikat ng araw, pagbaha at pagtubo
ng mga pananim.
D. Ang mga pinuno ang namumuno sa pagpapalawak ng teritoryo at pagpapatayo
ng pook-sambahan.
38. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian at
hieroglyphics ng mga taga Ehipto?
A. Ang mga sinaunang tao ay matatalino.
B. Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat.
C. Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sistema ng pagsulat.
D. Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong sistema ng komunikasyon.
39. Alin sa sumusunod ang patunay ng pag-unlad ng isang pamayanan?
A. Napapaunlad ang kalagayan ng mga mamamayan.
B. Napapaunlad nito ang ekonomiya sa paggawa at kalakalan
C. Natutugunan ang problema ng kakapusan sa pagkakaroon ng makabagong
teknolohiya sa produksiyon.
D. Nagkakaroon ng organisadong paninirahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
pamahalaan at batas, pananampalataya, sistemang edukasyon at iba pa.
40. Alin ang naging bunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa
aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon sa Mesopotamia?
A. Nilisan ng mga tao ang Mesopotamia.
B. Nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan.
C. Nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan.
D. Humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakalan.
41. Saang mga pook sumibol ang kabihasnang Indus?
A. Mohenjo-daro at India
B. India at Harappa
C. Mohenjo-daro at Harappa
D. Indiana at Harappa
42. Sa anong bansa unang natutunan ang mga paraan ng pag-iembalsamo na tinatawag na
mummification?
A. Mesopotamia
B. Egypt
C. India
D. China
43. Ang tanyag na Taj Mahal ay naging pamana ng alin sa mga nabanggit na kabihasnan?
A. China
B. Egypt
C. India
D. Mesopotamia
44. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
A. Kodigo ni Moses
B. Kodigo ng mga Paraon
C. Kodigo ni Kalantiyaw
D. Kodigo ni Hammurabi
45. Ang pagbahang idinudulot ng Ilog Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo
ang Aswan High Dam. Ano ang pinakamahalagang naiambag ng proyektong ito?
A. Pinabilis nito ang sistemang komunikasyon at transportasyon.
B. Nakapagbigay ito ng elektrisidad at naisaayos ang suplay ng tubig.
C. Nagiging sentro sa kalakalan ang Ehipto lalong-lalo na sa turismo.
D. Tumaas ang suplay ng mga isda dahil nagiging malawak na palaisdaan ang ilog.
46. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?
A. nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain.
B. madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban.
C. pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.
D. naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
47. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng kalakalan sa
mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan?
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.
48. Bilang mag-aaral, ano ang gagawin mo upang maipakita ang iyong pagpapahalaga sa
mga naging ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyan?
A. Pagbebenta ng mga lumang kagamitan upang mapakinabangan ng iba.
B. Pagbili ng mga lumang artifacts na nanggaling sa makasaysayang pook ng dating
kabihasnan.
C. Pag-aaral sa talambuhay ng mga mananaliksik o mananalaysay sa mga nangyari
noong sinaunang kabihasnan.
D. Pagpunta sa mga museo upang maikintal sa isipan at hangaan ang mga
mahahalagang labi ng lumipas na kabihasnan.
49. Kung ikaw ay gagawa ng diorama patungkol sa kaayusan at kapayapaan ng lugar,
anong kontribusyon ng kabihasnan ang gagamitin mo?
A. Ang paggawa ng piramide upang maipakita ang pag-iingat sa ating mga ninuno.
B. Bubuo ng katulad ng Great Wall of China upang maging depensa sa mga kalaban.
C. Gagamitin ang modelo ng Ziggurat
D. Gagawa ng miniature sewerage system upang maging maayos ang mga imburnal
sa lugar.
50. Sa kasalukuyang panahon, alin sa mga sumusunod ang nararapat mapanatili at
gamitin ng mga Pilipino para sa kanilang kabuhayan?
A. Irigasyon o patubig upang makatulong sa pagsasaka
B. Kalendaryo na gagabay sa araw araw na gawain
C. Sewerage System ang makakaagapay sa maayos na daloy ng basura sa kanal
D. Maaaring makagawa ng Great wall katulad sa Tsina upang may depensa sa
kalaban.

Inihanda ni:

LEA JANE O. CAMBA


Guro I

Sinuri/Iwinasto ni:

SUSANA CASTILLO – RACRAQUIN


Punong Guro IV

Sinang-ayunan ni:

JOEY L. CASERIAL, EdD


Public Schools District Supervisor

Recommending Approval:

MICHAEL E. RAME, EdD


Monitoring EPS

Approved:

CARMINA L. GUTIERREZ, EdD


CID Chief

SUSI SA PAGWAWASTO
sa Unang Markahang Pagsusulit sa Aral Pan 8

1. C 26. D
2. D 27. A
3. A 28. C
4. B 29. D
5. D 30. A
6. D 31. B
7. C 32. C
8. D 33. B
9. B 34. C
10. A 35. B
11. C 36. A
12. A 37. B
13. A 38. C
14. C 39. D
15. C 40. C
16. C 41. C
17. C 42. B
18. C 43. C
19. B 44. D
20. A 45. B
21. D 46. D
22. B 47. C
23. C 48. D
24. C 49. B
25. A 50.A

You might also like