You are on page 1of 5

Kwarter 1

Panimulang Pagtataya

AP 7

Pangalan:________________________________Section:_______________Petsa:________Score:_____

I.Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ito ay ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig.


A. Agham B. Heograpiya C. Kasaysayan D. Araling Panlipunan

2. Ang paghahating heograpikal ng Asya ay base sa Heograpikal at ________sona.


A. kultural B. Sosyal C. ekonomikal D. Politikal

3. Sang-ayon sa paghahating Heograprikal ng Asya, ang kontinente ay hinati sa______rehiyon?


A. 4 B. 5 C. 6 D. 7

4. Saang rehiyon matatagpuan ang dalawang pinakamalaking kapuluan sa daigdig, ang Indonesia at
Pilipinas”
A. Silangang Asya C. Timog Asya
B. Timog-Silangang Asya D. Kanlurang Asya

5. Anu-ano ang limang rehiyon ng Asya base sa paghahating heograpikal?


A. Hilaga, Hilagang-Kanluran,Silangan, Timog at Timog-Silangang Asya
B. Hilaga, Silangan, Kanluran, Timog at Gitnang Asya
C. Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silanagan at Silangang Asya
D. Hilaga, Hilagang-Kanluran, Silangan, Timog at Gitnang Asya

6. Kadalasan ang rehiyong ito ay hinahati sa dalawang subregion, ang pangkotinente (mainland) at pang-
Kapuluan (insular)?
A. Silangang Asya C. Timog Asya
B. Timog-Silangang Asya D. kanlurang Asya

7. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa, tangway, kapuluan, bundok, kapatagan,
talampas, disyerto, at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
D. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking
Implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.

8. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya ang matatagpuan ang hangganan ng kontinenteng Europe,
Africa at Asya?
A. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Hilagang Asya
D. Timog Asya

9. Ang Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan. Ang mga ito ay may mahalagang papel sa
Pamumuhay ng mga Asyano, maliban sa?
A. Nagsisilbing likas na depensa
B. Rutang pangkalakalan at paggagalugad
C. Pinagkukunan ng iba’t-ibnag yamang dagat at yamang mineral
D. Dahilan ng agawan ng teritoryo ng mga bansang nakapalibot dito

10. Bakit tinawag na Father India at Little China ang Timog-Silangang Asya?
A. Dahil karamihan sa mga naninirahan dito ay mga Hindu at Tsino
B. Dahil napapagitnaan ito ng India at China
C. Dahil dito matatagpuan ang bansang India at China
D. Dahil sa impluwensiya ng China at India sa kultura ng rehiyong ito.

11. Mayaman ang Asya sa iba’t-ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang mga ilog na
lubhang napakahalaga sa pamumuhay na tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus
at ang Huan Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa
kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito?
A. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog
na ito.
B. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa
rehiyon at sa buong daigdig.
C. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa
tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
D. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko pa loob at palabras ng bansang
kinabibilangan nito para sa kalakalan.

12. Ang sumusunod ang kapakinabangang nakakamit ng tao sa anyong tubig?


A. Napagkukunan ito ng mga pagkain tulad ng mga lamang dagat
B. Napagtatapunan ito ng mga basura
C. ginagawa itong tirahan
D. tinatamnan ng mga halaman

13. Ang sumusunod ay kahalagahan ng pag-aralan ang ugnayan na tao at kapaligiran sa Asya maliban sa
isa, alin ito?
A. Gamit ang malilikom na mga kaalaman, magkakaroon tayo ng kabatiran sa heograpiya ng
Asya na magiging daan upang matukoy natin ang kahalagahan nito sa ating pamumuhay
bilang Asyano.
B. Ang kaalaman sa pisikal na katangian ng Asya ay lubusang magpapayaman sa mga Asyano.
C. Bilang Asyano, tayo ay nabibilang sa kontinente ng Asya kung kaya’t mahalaga ang kaalaman
sa heograpiya at katangiang pisikal upang lubos na makilala ang lahing Asyano.
D. Ang kaalaman sa kapaligiran o katangiang pisikal ng Asya ay makakatulong upang matukoy
Natin ang pagkabuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.

14. Bakit mahalaga ang yamang tao sa bansa?


A. Sila ang tagapangalaga ng sa likas na yaman
B. Sila ang bumubuo ng lipunan at estado
C. Sila ang nagtutustos ng paglilinkod na kailangan sa bansa
D. Sila ang gumagawa sa lahat ng nabanggit

15. Ang paglaki ng populasyon ng isang naghihirap na bansa ay lalong nagpapalala sa kalagayan nito
sapagkat
A. Lumalaki ang antas ng kriminalidad sa bansa bunsod ng kahirapan na humahadlang naman
Sa pamumuhunan dito.
B. Lalong dumarami ang walang hanapbuhay samantalang lumalaki ang pangangailangan sa
pagkain at lugar na matitirahan.
C. Bumibigat ang pasanin ng gobierno sa pagtutustos sa mga pangangailangan ng naghihirap
na bansa
D. Lahat ng nabanggit.

16. Ang isang suliraning pagkapaligiran ay ang kawalan ng tirahan. Mapapansin na laong lumulubha ang
Pagkakaroon ng problema sa squatter. Ano ang higit na pinaniniwalaan na sanhi ng ganitong
suliranin.
A. Pagkakaroon ng labis na populasyon C. Paglalaan ng lupa upang gawing sakahan
B. Pagdami ng mga pabrikang itinatayo D. Pagdagsa ng mga dayuhan sa mataong
Lugar

17. Ang isyu tungkol sa maruming katunigan, kalbong kabundukan, maruming hangin, sobrang ingay
dulot ng industriyalisasyon at dumaranas ng pagbaha ay nagdudulot ng malaking suliranin sa
Pilipinas. Sa anong larangan higit itong nakakaapekto?
A. Kabuhayan B. Pulitika C. Kultura D. Kapayapaan

18. Halos kalahati ng populasyon sa buong mundo ay matatagpuan sa Asya. Ano ang isang implikasyon
ng impormasyong ito sa kalagayang pangkabuhayan ng kontinente?
A. Mas maraming may kakayahang lumikha ng mga ideya at produkto sa Asya kaysa sa ibang
kontinente sa mundo
B. Higit na maraming nangangailangan ng hanapbuhsy at pagkain sa Asya kaysa sa ibsang
kontinente sa mundo
C. Ang paglaki ng populasyon ng mga bansa sa Asya ang tanging susi sa industriyalisasyon ng
Kontinente
D. Mataas ang per capita income ng mga bansa sa Asya

19. Bakit sa kabila ng masaganang yamang lupa at yamang tubig sa Timog Silangang Asya ay nananatiling
Mababa ang antas ng pamumuhay ng maraming bansa dito kung ihahambing sa Europa at Amerika?
A. Lubhang mainit ang panahon sa rehiyon at hindi kaaya-aya sa paghahanapbuhay
B. Walang likas na talino at kakayahan ang mga tao rito upang luminang ng mga industriya
C. Walang sapat na kakayahan sa paglinang ng likas na yaman at pagtatayo ng mga industriya
ang karamihan sa mga bansa sa rehiyon
D. Madalas salantahin ng mga kalamidad katulad ng bagyo, tsunami, at lindol ang rehiyon na
sumisira sa mga taniman at paggawaan.

20. Ang pagkakaiba- iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at
Topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at
Sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag init, ano naman ang katangian ng
Klima sa Timog-Silangan Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng
yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyo’t ang narararanasan sa rehiyong ito sa iba’t-
ibang buwan sa loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

21. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba-ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan nito.
Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
A. Etniko
B. Nomad
C. Katutubo
D. Etnolingguwistiko

22. Alin sa sumusunod ang hindi derektang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
C. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
D. Intorduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang particular na rehiyon

23. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuring na panhunahin at napakahalagang butyl
Pananim ang palay?
A. Maaring ipalit ang palay sa mga butyl ng trigo, mais, at barley.
B. Pala yang pangunahing pagkain ng m,ga tao sa Timog-Silangang Asya.
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.
24. Ito ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar/bansa.
A. Populatio Growth Rate
B. Pupolasyon
C. Life Expectancy
D. Migrasyon

25. Ang wikang ginagamit ng mga katutubo sa India.


A. Mandarin
B. Dravidian
C. Arabic
D. Dzonkha

26. Isa sa sinasabing pinakaunang tao sa daigdig na nanirahan sa Tajikistan.


A. Jatik
B. Tamil
C. Arabo
D. Ainu

27. Alin sa sumusunod ang sanhi ng pagkakaroon ng polusyon sa hangin?


A. Industriyalisasyon
B. Usok mula sa sasakyan
C. pagsunog ng fossil fuel kagaya ng petrolyo at natural gas.
D. lahat ng nabanggit

28. Ang pagbabago ng pandaigdig o kaya rehiyonal na klima na dulot ng likas na pagbabago sa mga
gawain ng tao.
A. Ozone Layer Depletion
B. Global Warming
C. Ecological balance
D. polusyon

29. Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa
produksiyon at pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapa
bilang ang ginto?
A. Yamang Lupa C. Yamang Dagat
B. Yamang Tubig D. Yamang Mineral
30. Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na nakakaapekto sa
Pamumuhay ng mga mamamayan, sa iyong palagay alin ang pinakaepektibong pagtugon ng tao
upang mapanatili ang balanseng ekolohikal sa ating daigdig.
A. Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng matinding usok
B. Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalang kalagayang ekolohikal
C. Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot ng mga usok ng
sasakyan
D. Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang suliraning pangkapaligiran

You might also like