You are on page 1of 4

MANUEL B. GUINEZ SR.

NATIONAL HIGH SCHOOL


Banaybanay, Davao Oriental
ARALING PANLIPUNAN 8
Unang Markahang Pagsusulit
Pangalan:______________________________Taon at Seksyon:______________ Iskor:_________

PANGKALAHATANG DIREKSYON: SIGURADUHING WALANG PAGBURA SA MGA SAGOT SA LAHAT


NG AYTEM.

ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA SALUNGGUHIT BAGO ANG BAWAT PATLANG.

______1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad
na katangiang pisikal o cultural?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon
______2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad
ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
______3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng
organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng
pagsulat?
A. imperyo B. kabihasnan C. kalinangan D. lungsod
______4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at
kabilang sa “Seven Wonders of the Ancient World”?
A. Alexandria B. Hanging Gardens C. Pyramid D. Ziggurat
______5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong.
Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?

INDONESIA

A. Tropikal na klima B. Maladisyertong init


C. Buong taon na nagyeyelo D. Nakararanas ng apat na klima
______6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang
bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya. B. Maraming sigalot sa mga bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
_____7. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga
sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I. agrikultura III. labis na pagkain
II. kalakalan IV. pangangaso

A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III


B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV

_____8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao ?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
_____9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos. (P/S)
Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egyptian,
Indus, at Tsino?

A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.


B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.
_____10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop na dahilan at epekto
tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopotamia.
w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng Euphrates at
Tigris.
x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang ikinabagsak nito.
y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.
z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at pinaunlad ang
kanilang pamumuhay sa lugar na iyon.
A. w at z B. x at y C. y at z D. z at w
_____11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram?

A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang


Egyptian noong sinaunang panahon.

B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may


pantay na karapatan sa Egypt.

C. Mas mataas ang posisyon ng mga paring


Egyptian kaysa sa mga mandirigma.

D. Ang Pharaoh, maharlika, at magsasaka ang


nasa mataas na antas ng lipunang Egyptian.

_____12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang
panahon.
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga
ambag.
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang
bagay sa daigdig.
_____13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag- aaral
ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng
West Philippine Sea.
_____14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng
pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa at isa kahit may magkakaibang relihiyon.
_____15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga
sinaunang tao noong panahong Neolitiko?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain.
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop.
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa
kasalukuyan.
_____16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa
kasalukuyan
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.
_____17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan?
A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-daan sa pagtatag ng
unang imperyo sa daigdig.
D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong
nanirahan sa mga lambak nito.
_____18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling
sitwasyon ang HINDI nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong
pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.
_____19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica?
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga- Mesoamerica kaysa sa mga
kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon.
D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng
mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.
_____20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at
pagkasira ng mga estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa
kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA SALUNGGUHIT BAGO ANG BAWAT PATLANG.

A. CHALDEA B. ASSYRIA C. SATRAP

D. BABYLON E. SUMER F. AKKAD

G. HARAPPA H. MOHENJO-DARO I. PHARAOH

J. HIEROGLYPHICS

______21. ___ ___ M ___ ___ - Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia

______22. ___ K ___ ___ ___ - Unang imperyong itinatag sa daigdig

______23. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ - Kabisera ng Imperyong Babylonia

______24. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ - Imperyong itinatag ni Nabopolassar

______25. ___ ___ T ___ ___ ___ - Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia

______26. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ - Imperyong itinatag pagkatapos ng Babylonia
______27. ___ ___ ___ ___ ___ P___- Matatagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng Pakistan.

______28. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___- ___ ___ ___ O -nasa katimugang bahagi ng daluyang Indus
River.

______29. ___H ___ ___ ___ ___ ___-Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt

______30.H ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ S – Nangangahulugang Sagradong Ukit.

ISULAT ANG LETRANG A KUNG ANG SALITANG NASASALUNGGUHITAN AY TAMA, LETRANG


B NAMAN KUNG MALI. ISULAT ANG SAGOT SA SALUNGGUHIT BAGO ANG PATLANG.

_______31. Napapalawak ng mga tao sa Panahong PALEOLITIKO ang paggamit ng bronse nang
matuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito.

_______32. Sa Panahong Paleolitiko nabuhay ang taong NEANDERTHAL kung saan natuklasan sa
Germany ang mga labi

_______33. Nabuo sa Panahong NEOLITIKO ang mga pamayanang Catal Huyuk na matatagpuan ng
Konya ng gitnang Anatolia(Turkey ngayon).

_______34. Natuklasan ang bakal ng mga ASSYRIAN, isang pangkat ng Indo-Europeo na naninirahan
sa Kanlurang Asya dakong 1500 BCE.

_______35. Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” o Old Stonr Age ang Panahong METAL.

PARA SA AYTEM 36-40, SURIIN ANG ILUSTRASYON SA IBABA NA NAGPAPAKITA NG


SISTEMANG CASTE. IBIGAY ANG WASTONG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGKAT NG
TAO. ISULAT ANG TITIK AT SALITA NG TAMANG SAGOT

A. VAISYA

B. BRAHMIN 36
.
C. SUDRA

D. KSATRIYA

E. PARIAH
37.

38.

39.

40.

Sir AJ Francis

You might also like