You are on page 1of 4

8

ARALING PANLIPUNAN
SUMMATIVE TEST
(First Quarter)
LA SOLEDAD NATIONAL HIGH SCHOOL
SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 8
S.Y. 2020-2021

Pangalan: _______________________________ Taon at Pangkat: _________________

Panuto: Unawain at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot sa booklet.

1. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-
aaral sa katangiang pisikal ng daigdig?
A. antropolohiya C. heograpiya
B. ekonomiks D. kasaysayan

2. Alin sa mga sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula
sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar?
A. lokasyon C. paggalaw
B. lugar D. rehiyon

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa
mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.
B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.
D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

4. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-
aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga kristiyano.
C. Matatagpuan ang Pilipinas sa Kanlurang ng Karagatang Pasipiko.
D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.

5. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman at hayop.


Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito?
A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig
B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan
C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran
D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig

6. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang


India?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Shintoismo

7. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay


pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?
A. lahi C. relihiyon
B. pangkat etniko D. wika

8. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng mga sumusunod maliban sa


__________.
A. klima C. relihiyon
B. pinagmulan D. wika
9. Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinakamaraming
gumagamit?
A. Afro-Asiatic C. Indo-European
B. Austronesian D. Niger-Congo

10. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo?


A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Kristiyanismo

11. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing
ng mga yumao?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

12. Sa anong panahon na diskubre ang pagtatanim o agrikultura?


A. Ice Age C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Paleolitiko

13. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleotiko?


A. Agrikultura C. Irigasyon
B. Apoy D. Metal

14. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga
kaganapan?
A. Historiko C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Prehistoriko

15. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?


A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

16. Alin ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?
A. Akkadian C. Assyrian
B. Aryan D. Chaldean

17. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?


A. walang likas na hangganan ang lupaing ito.
B. hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito.
C. madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates.
D. walang kasanayan ang mga tao sa pakikipagdigma.

18. Anong anyong lupa ang makikita sa hilagang bahagi ng India?


A. Bundok C. Kapatagan
B. Kabundukan D. Lambak

19. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?
A. nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain.
B. madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban.
C. nagiging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
D. pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.

20. Alin sa mga sumusunod na pinakamatandang kabihasnan ang nananatili pa rin


hanggang sa kasalukuyan?
A. Ehipto C. Mesopotamia
B. Indus D. Tsino
21. Sino ang pinuno na nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan
ang isang pag-aalsa laban sa Assyria?
A. Cyrus the Great C. Nebuchadnezzar II
B. Nabopolassar D. Sargon I

22. Anong lungsod ang matatagpuan sa bahagi ng daluyang Indus River?


A. Mohenjo-Daro C. Olmec
B. Harappa D. Teotihuacan

23. Ano ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma, sagradong ritwal,
sawikain at mga salaysay ng mga Hindu?
A. Bibliya C. Ritwal
B. Koran D. Vedas

24. Ano ang tawag sa isang kaisipan na humubog sa kamalayan ng mga Tsino na
naglalayong magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng
pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan?
A. Confucianism C. Legalism
B. Daoism D. Taoism

25. Ano ang tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at taglay ang mga
lihim ng langit at lupa?
A. Hari C. Pangulo
B. Pari D. Paraon

26. Anong mahalagang estruktura ang nagawa ng kabihasnang Mesopotamia kung saan
dito idinadaos ang pagsamba sa kanilang diyos?
A. Templo ni Babel C. Templong Ziggurat
B. Templo ni Hammurabi D. Templo ng mega Paraon

27. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang- araw-araw na
pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
A. Kodigo ni Moses C. Kodigo ni Kalantiyaw
B. Kodigo ni Hammurabi D. Kodigo ng mga Paraon

28. Ano ang gamit ng cuneiform na unang naimbento ng mga sinaunang tao sa
Mesopotamia?
A. Umunlad ang sistema ng kanilang kalakalan sa mga karatig pook.
B. Natutunan rito ang paggawa ng kauna-unahang mapa sa buong daigdig.
C. Ito ang nagsilbing paraan ng mga sinaunang tao sa kanilang pagsusulat.
D. Natutunan ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia ang pagsunod sa batas.

29. Ano ang pinatunayan ng pagtatayo ng mga natuklasang kalsada, sewerage system at
iba pang uri ng estruktura sa matandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
A. Sumailalim ang lungsod sa maayos na sistema ng agrikultura
B. Ang lungsod ay itinayo ng isang may kapangyarihang nilalang
C. Sumailalim ang lungsod sa tinatawag na urban city planning
D. Sumailalim ang lungsod sa isang payak na pamumuhay lamang

30. Ang tanyag na Taj Mahal ay naging pamana ng alin sa mga nabanggit na kabihasnan?
A. Egypt C. Mesopotamia
B. Indus D. Tsino

Inihanda ni: DOMINGO T. DELA CRUZ

You might also like