You are on page 1of 4

Pangalan:______________________LRN:______________Baitang at Pangkat: ___________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang Sumer ang pinakamatandang kabihasnang umusbong sa buong daigdig. Ito ay itinatag sa lugar na
kilala bilang Fertile Crescent. Bakit mataba ang lupain dito at angkop sa pagsasaka?
A. Dahil sa mga ilog ng Tigris at Euphrates na dumadaloy sa lugar
B. Dahil sa mga oasis na lumitaw sa mga buhanginan
C. Dahil sa mga pampublikong proyektong kanal at irigasyon
D. Dahil sa tubig ulan na nagmumula sa mga kabundukan
2. Alin sa mga sumusunod na natuklasan ng mga tao ang nakatulong upang magkaroon ng permanenteng
tirahan?
A. Bato B. Apoy C. Tanso D. Pagsasaka
3. Ano ang unang metal na natuklasan ng mga tao na ginamit bilang kasangkapan?
A. Bakal B. Bronse C. Ginto D. Tanso
4. Sa kasalukuyan, malaki ang pakinabang ng mga tao sa mga makinarya upang mapabilis at mapadali ang
mga gawain. Anong mahalagang metal ang natuklasan ng mga Hittites ang nakatulong upang makagawa ng
mga makinaryang ito sa modernong panahon?
A. Bakal B. Bronse C. Ginto D. Tanso
5. Ang mga sumusunod ay ang mga pagbabagong ginawa ng mga sinaunang tao upang matugunan ang
kakulangan sa pagkain noong panahon ng MESOLITIKO. Alin ang HINDI?
A. Pag-aalaga ng aso C. Paggamit ng microlith
B. Pagtatanim ng halaman D. Pagsasama ng angkan
6. Ayon sa pag-aaral ng mga arkeologo, malaki ang pagkakatulad ng plano ng lungsod ng Mohenjo Daro at
Harappa ng Kabihasnang Indus. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Nagdidigmaan ang dalawang lungsod C. Iisa ang gumawa ng dalawang lungsod
B. May magandang ugnayan ang dalawang lungsod D. Ang pinuno ng dalawang lungsod ay iisa.
7. Ang mga tao sa panahon ng PALEOLITIKO ay mga nomadic o walang permanenteng tirahan. Ano ang
dahilan ng pagpapalipat-lipat nila ng tirahan?
A. Mataas ang babayarang buwis kapag nagtagal sa lugar C. Mahilig maglakbay ang mga sinaunang tao
B. Lubusang umaasa ang mga tao sa kanilang kapaligiran D. Walang kakayahan sa paggawa ng bahay
8. Ang mga sumusunod ay ang mga batayan sa pagkakaroon ng kabihasnan. Alin ang HINDI?
A. Organisadong pamahalaan C. Opisyal na wika
B. Masalimuot na relihiyon D. Espesyalisasyon sa gawaing pangkabuhayan
9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pagpapangkat ng mga tao batay sa kakayahan C. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng mga
tao
B. Pamumuhay sa mga lambak-ilog D. Pagkakaroon ng Sistema ng pagsulat
10. Ano ang pagkakatulad ng kabihasnang Sumer, Indus at Shang?
A. Lahat sila ay nagsulat ng kanilang kasaysayan C. Lahat sila ay nabuo sa mga lambak- ilog
B. Sabay-sabay ang kanilang pagsibol D. Monotheism ang relihiyon ng 3 kabihasnan
11. Alin sa mga sumusunod na tungkulin ng paring-hari ang HINDI KASAMA sa mga tungkulin ng mga
pinunong panlungsod ngayon (alkalde/ mayor)?
A. Nangunguna sa mga ritwal na panrelihiyon C. Tagapagpatupad ng mga batas
B. Tagapamagitan ng mga mamamayan D. Tagapagpanatili ng kapayapaan at kaayusan
12. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng mga Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?
A. Pagpapasimula ng sistema ng pagsusulat C. Paggawa ng mga seda at porselana
B. Ang pagkakaimbento ng pottery wheel D. Pagkakatuklas ng apoy
13. Ano ang pinatutunayan ng grid-patterned na lansangan at pantay-pantay na sukat ng kabahayan ng mga
Dravidian?
A. Mapayapa ang kanilang kabihasnan C. Paring-hari ang kanilang pinuno
B. Mahusay sila sa Math at surveying D. Nagbabayad ng buwis ang mga mamamayan
14. Isa sa mahalagang ambag ng mga kabihasnan sa Asya ay ang pagpapasimula nila ng kalendaryo. Ito ay
naging bahagi ng pang-araw araw na pamumuhay lalo na sa mga naninirahan malapit sa ilog. Paano
nakatulong ang kalendaryo upang maiwasan ang panganib na dulot ng pagtira sa tabi ng ilog?
A. Natutukoy ng mga tao ang panahon ng pag-ulan at pagbaha
B. Natutukoy ng mga tao kung kailan lulusob ang mga kaaway
C. Natutukoy ng mga pinuno ang pinakamainam na panahon ng pagtatanim
D. Natutukoy ang araw ng pagsamba sa mga Diyos
15. Bakit higit na marami ang nalalaman natin sa kabihasnang Sumer kaysa sa Kabihasnang Indus?
A. Dahil hindi pa nababasa ang mga sulatin sa Indus C. Dahil unang natuklasan ang Kabihasnang
Sumer
B. Dahil mas mahuhusay ang mga Sumerian D. Dahil walang kalakalan sa kabihasnang Indus
16. Ano ang ziggurat?
A. Palasyo ng hari C. Templo para sa mga Diyos ng Sumer
B. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian D. Pangunahing Diyos ng mga Sumerian
17. Karaniwang nakasulat sa mga oracle bones ang calligraphy ng mga Tsino sa kabihasnang Shang. Saan
nila ito ginagamit?
A. Pakikipag-ugnayan sa yumaong ninuno C. Pagpapabatid ng mga nasusulat na batas
B. Pagtatala ng kasaysayan ng mga lungsod-estado D. Selyo sa mga produktong ikinakalakal
18. Kapansin-pansin sa mga naitatag na dinastiya sa China ang pananaw ng mga Tsino na tinatawag na
Sinocentrism. Ano ang paniniwala ng pananaw na ito?
A. Diyos ang kanilang pinuno C. Natatangi ang lahi ng mga Tsino
B. Ang pinuno ay hari ng buong daigdig D. Nagtitiwala sila sa kapangyarihan ng pinuno
19. Sa panahon ng pamumuno ni Jimmu Tenno hanggang sa pamumuno ni emperador Hirohito ng Japan,
mataas ang pagtingin ng mga mamamayan sa kanilang pinuno. Handa silang itaya ang kanilang buhay para
rito. Ano ang dahilan nito?
A. Naniniwala sila na mula sa angkan ng mga Diyos ang kanilang pinuno
B. Naniniwala sila na ang kanilang pinuno ay hari ng buong daigdig
C. Naniniwala sila na superyor ang kanilang lahi
D. Naniniwala sila na ang kanilang pinuno ay Men of Prowess
20. Ano ang batayan ng pagpili ng pinuno sa mga kaharian sa Timog silangang Asya?
A. Sila ay mga mga Men of Prowess C. Sila ay kapalit ng mensahero ni Allah
B. Nagtataglay sila ng Mandate of Heaven D. Sila ay mula sa angkan ng mga Diyos
21. Ang mga pinuno ng China ay pinaniniwalaang nagtataglay ng "Mandate of Heaven" o "Basbas ng langit".
Ano ang dahilan umano ng pagtataglay ng mga emperador ng kapahintulutang ito?
A. Sila ay mula sa lahi ng mga Diyos C. Sila ay nagtataglay ng kakaibang galing
B. Sila ay puspos ng virtue o kabutihan D. Sila ay pinli ng mga tao tuwing halalan
22. Ang kabihasnang Sumer, Indus at Shang ay may relihiyong tinatawag na Polytheism. Ano ito?
A. Sumasamba sila sa iisang Diyos C. Marami silang sinasambang Diyos
B. Dalawa ang kanilang Diyos, mabuti at masama D. Wala silang kinikilalang Diyos
23. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng paniniwalang Hindu?
A. Kinakailangang magpakabuti upang magkaroon ng mas magandang buhay kapag ipinanganak muli
B. Mawawala ang pagdurusa kung mawawala ang pagnanasa
C. Naglalaban sa daigdig ang pwersa ng kasamaan at kabutihan
D. Kilalanin si Allah bilang diyos at Muhammad bilang propeta
24. Ang tunay na pangalan ni Buddha ay Siddhartha Gautama. Ano ang ibig sabihin ng salitang "Buddha"?
A. Great soul B. The Great C. The enlightened one D. The mesias
25. Kilala ang mga Hebrew dahil sa pagkakaroon nila ng relihiyon na maituturing na monoteismo. Ano ang ibig
sabihin ng "monoteismo"?
A. Pagsamba sa iisang diyos C. Pagsamba sa maraming Diyos
B. Pagsamba sa dalawang Diyos D. Pagsamba sa mga Diyos na nakatira sa kalikasan
26. Sino ang pinakadakilang pilosopong Tsino na nagpalaganap ng "Golden rule" o ang kasabihang "Huwag
mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo"?
A. Confucius B. Lao Tzu C. Mencius D. Shih Huang Ti
27. Ang pagpapatupad ng pilosopiyang “Legalism” ni Hsun Tzu ang ginamit ni Shih Huang Ti upang mapatatag
ang kapangyarihan at mapanatili ang kaayusan sa kanyang nasasakupan. Alin sa mga sumusunod ang
naglalarawan dito?
A. Pagpapatupad ng mahigpit na batas at malupit na parusa C. Pagtataguyod ng paniniwala sa Karma
B. Pagbibigay ng amnestiya sa mga nagkakasala D. Pagpapairal ng demokrasya
28. Sa ilalim ng pamumuno ni Hammurabi, napanatili niya ang disiplina at kaayusan sa kanyang nasasakupan.
Ano ang kanyang ginawa upang makamtan ito?
A. Pinaunlad niya ang edukasyon sa pagtatayo ng aklatan
B. Itinatag niya ang kauna-unahang imperyo sa daigdig
C. Gumamit siya ng bakal upang lumakas ang hukbo
D. Nagpagawa siya ng kodigo ng mga batas sa gitna ng mga lungsod
29. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing patunay ng karangyaan ng pamumuhay sa ilalim ng imperyong
Chaldean?
A. Pagpapatayo ng aklatan C. Pagtitipon ng mga batas
B. Pagpapagawa ng Hanging Garden D. Pagpapalaganap ng relihiyong monoteismo
30. Ano ang tawag sa sistema ng pamumuno sa China mula sa panahon ng Shang hanggang Ming kung saan
pinamumunuan sila ng isang angkan sa mahabang panahon?
A. Calliphate B. Dinastiya C. Sultanato D. Khanate
31. Ano ang ibig sabihin ng katagang "Mata sa mata, ngipin sa ngipin" na naglalarawan sa umiiral na batas sa
Imperyong Babylonian?
A. Ang parusang ibibigay ay batay sa antas sa lipunan ng nagkasala
B. Ang parusang ipapataw ay katulad ng ginawang pagkakasala
C. Ang parusang ipapataw ay batay sa mga nakakita ng krimen
D. Pagbulag sa mata at pagbunot ng mga ngipin ang karaniwang parusa sa mga nagkasala
32. Ano ang ginawa ni Darius the Great upang epektibong mapamunuan ang imperyong Persian?
A. Sapilitang isinali ang lahat ng kalalakihan sa hukbo C. Nakipag-alyansa sa mga paring Zoroastrian
B. Naglagay ng nasusulat na batas sa gitna ng lungsod D. Hinati ang mga imperyo sa mga Satrapy
33. Ano ang tawag sa sistema ng pag-uuri ng mga tao sa lipunan ng sinaunang India?
A. Buddha B. Brahma C. Caste D. Vedas
34. Ano ang pinakadakilang templo na naitatag ng Imperyong Khmer na matatagpuan sa bansang Cambodia?
A. Angkor Wat B. Harappa C. Great Wall C. Ziggurat
35. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa tradisyong “Purdah” ng mga kababaihang muslim?
A. Pagsama sa pagsusunog ng namatay na asawa C. Pagsusuot ng bakal na sapatos
B. Pagsusuot ng damit na tumatakip sa buong katawan D. Pagbibigay ng dote o dowry sa mapapangasawa
36. Paano nakatulong ang calligraphy pagbuo ng lipunang Tsino?
A. Ito ang batayan ng pamumuhay ng mga Tsino
B. Ito ay nagsilbing simbolo ng mga Tsino
C. Napaunlad nito ang ekonomiya ng bansang China
D. Ito ay nagsilbing tagapag-isa ng mga Tsino sa kabila ng magkakaibang wika
37. Ilang grupo ng mga Asyano ang nagkakaroon ng hidwaan dahil sa relihiyon tulad ng sigalot sa Kanlurang
Asya sa pagitan ng mga Hudyo at mga karatig-bansa nitong mga Muslim. Ano ang pinakamakatwirang paraan
upang maiwasan ito?
A. Magtalaga ng iisang relihiyon para sa lahat
B. Igalang ang pananampalataya ng bawat tao
C. Gumawa ng pag-aaral kung sino talaga ang totoong Diyos
D. Ipagbawal ang pakikipag-ugnayan ng mga taong magkakaiba ng relihiyon
38. Ipinaglaban ni Mohandas Gandhi ang kalayaan ng India sa kamay ng pananakop ng mga British gamit ang
“Ahimsa”. Ano ang ibig sabihin ng Ahimsa batay sa paniniwala sa relihiyong Jainism?
A. Ang naliwanagan B. Walang hanggang kaligayahan
B. Kawalan ng karahasan C. Walang hanggang katotohanan
39. Bakit labis ang pagpapahalaga ng mga Tsino sa kanilang mga yumaong ninuno noong panahon ng
Dinastiyang Shang?
A. Magdudulot ng kamalasan ang di pagsunod ditto
B. Ito ay nakatakda sa kanilang nasusulat na batas
C. Malaki ang kanilang utang na loob sa mga ito
D. Tagpamagitan umano nila ang kanilang ninuno sa kanilang Diyos
40. Noong ika-11 siglo, sinimulan ng mga Kristiyanong Europeo ang banal na pakikidigma upang mabawi ang
Jerusalem sa kamay ng mga Muslim. Bakit mahalaga ang Jerusalem para sa mga Kristiyano?
A. Ito ang pinagmulan ni Jesus at ng Kristiyanismo
B. Ito ang tahanan ng Santo Papa ng Simbahang Katolika
C. Ito ang sentro ng kapangyarihan ng mga kalabang Muslim
D. Ito ay dating bahagi ng kontinente ng Europe
41. Ang China ay may sinaunang tradisyon ng footbinding para sa mga kababaihan. Bakit nila ito ginagawa?
A. Upang maging tanda ng kagandahan ng isang babae
B. Upang maipakita ang pagpapahalaga sa mga kababaihan
C. Upang magampanan ng mabuti ng babae ang kanyang tungkulin
D. Upang mapantayan ng kababaihan ang mga kalalakihan
42. Paano ginampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanilang tungkulin bilang lider ng bansa sa Asya?
A.Itinaguyod at pinanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa panahon ng kanilang pamumuno.
B. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang bansa.
C. Pinataas nila ang kita ng bansang kanilang pinamunuan
D. Pinatunayan nila na mas mahusay ang mga kababaihan sa pamamahala
43. Kilala ang kababaihang Haponesa sa pagiging matatag sa kanilang pamilya. Ang mga babaeng Pilipino
naman ay kilala sa pagiging maaalalahanin sa kanilang mga anak. Sa anong bagay magkatulad ang katayuan
ng mga kababaihang ito?
A. Kapwa magkatulad ang paraan ng pagdidisiplina C. Kapwa magkaiba ang pag-aaruga ng mga anak
B. Kapwa may malasakit sa kapakanan ng mga anak D. Kapwa walang pananagutan sa lipunan
44. Maraming pagbabago ang isinagawa ni Emperador Shih Huang Ti sa Tsina. Isa na rito ang pagkatatag ng
Great Wall na umaabot sa 5,000 kilometro ang haba. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakatatag nito?
A. Upang makapanghikayat ng mga turista
B. Upang maprotektahan ang bansa laban sa mga mananakop
C. Upang magsilbing parusa sa mga kalaban ni Shih Huang Ti sa pulitika
D. Upang maging malinaw ang hangganan ng China
45. Ano ang pinakamahalagang natutunan ng tao sa panahon ng Paleolitiko?
A. Pagtatanim B. Pakikipagkalakalan C. Pagbuo ng pamayanan D. Paggamit ng apoy
46. Ang mga Phoenician ay kilalang manlalayag at mangangalakal. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon
ng mga Phoenician sa daigdig?
A. Alpabeto B. Aklatan C. Bakal D. Monoteismo
47. Ang Islam ang ikalawa sa pinakamalaking relihiyon sa daigdig. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan
sa kanilang paniniwala?
A. Pagbabawal sa pagpatay ng hayop at insekto
B. Pag-aayuno tuwing buwan ng Ramadan
C. Paniniwala na makakamit ang Nirvana kung susundin ang eight-fold path
D. Naniniwala na may dalawang pwersang naglalaban sa daigdig---Ang kabutihan at kasamaan
48. Ayon sa kasaysayan, lahat ng mga pinakadakilang relihiyon sa daigdig ay nagmula sa Asya. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa relihiyon?
A. Mga paniniwala at kaugalian na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak
B. Paniniwala at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatauhan sa espiritwalidad at moralidad
C. Mapagkilatis na pag-aaral at pag-unawa sa mga malalalim na suliranin sa daigdig
D. Pagsasama-sama ng mga tao na may nagkakaisang ideolohiya.
49. Bakit mahalaga ang pilosopiyang Confucianism sa tradisyunal na panahon ng Tsina?
A. Umunlad ang ekonomiya ng China
B. Nagkaroon ng katahimikan at katangiang pulitikal ang China
C. Naging pamantayan ito ng tamang pagkilos at kaayusan sa lipunan
D. Nagkaroon ng mabuting ugnayan ang China sa mga karatig bansa.
50. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa at sa pagkakakilanlan ng mga mamamayan nito. Kung walang
tradisyunal na kultura, hindi rin makakabuo ng makabagong kultura. Subalit dahil sa pagkabigong makiangkop
sa nagbabagong panahon, hindi na ito napapanatili ng mga tao. Ano ang maaaring gawin upang
mapangalagaan ang sariling kultura?
A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
B. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa
C. Ibalik ang lumang kultura at kalimutan ang mga banyagang impluwensiya
D. Labanan ang pagpasok ng makabagong kultura.

You might also like