You are on page 1of 9

ARALING PANLIPUNAN 8 1

Pangalan: ___________________________Pangkat: _______ Guro: _____________________

ARALIN 5:
Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Most Essential Learning Competencies: Naiuugnay ang


Kasanayan
heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig. (AP8HSK -lg -6)

Inaasahan

Pagkatapos mong mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul na ito, inaasahang


magagawa mo ang mga sumusunod:
1.Nailalarawan ang katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig
ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa.

2. Nasusuri pag-kakatulad na katangiang heograpikal ang mga sinaunang kabihasnan

3.Naiisa-isa ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga tao?

4. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa pang araw-araw ng iyong


pamumuhay.

Paunang Pagsusulit

Tara at alamin natin ngayon kung may kaalaman ka na sa araling


tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa paunang pagsusulit.
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang kabihasnang nabuo sa pagitan ng dalawang ilog
A. China B. Egypt C. Indus D. Mesopotamia

2. Ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia


Egypt, Indus, Tsino.
A. magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
B. naninirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog
C. umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnana
D. itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan

3. Ano ang pinakamalapit na konklusyon sa pahayag na “karaniwang umunlad


sa lambak-ilog ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Nakasanayan ng mga sinaunang mga tao na manirahan malapit sa ilog.
B. Malaki ang pakinabang sa ilog para sa maunlad na pamumuhay ang
mga sinaunang tao
C. Hindi lahat ng mga sinaunang kabihasnan ay umuunlad sa mga
lambak-ilog.
D. Maraming dayuhan ang naghahangad na makontrol ang mga lupang
malapit sa ilog.
4. Alin sa mga sumusunod na bansa sa kasalukuyan ang nabibilang sa
Mesoamerika?
A. Pakistan Sri Lanka India B. El Salvador, Mexico, Guatemala
C. Brazil, Venezuela, Ecuador D. California, San Jose, Los Angeles

Mga may-akda:
Andrea V. Fajilagmago
AP 8- Qrt1- Week 5 Renelita A. Narciso
Madeleine B. Bondoc
ARALING PANLIPUNAN 8
5. Bakit karaniwang nagsisimula sa mga anyong tubig ang mga sinauang
kabihasnan?
A. Ang mga yamang tubig ay masagana kaysa sa mga anyong lupa.
B. Mas gusto ng mga tao na malapit lang sila sa kanilang paliguan.
C. Nais ng mga tao sa sinaunang kabihasnan na makapamuhay sa mga
lugar na makatutugon sa kanilang pangunahing pangangailangan.
D. Lahat ng nabanggit

6. Karamihan sa mga Pilipino ay magsasaka o mangingisda dahil sa tropikal ang


klima at napapalibutan ng anyong tubig. Sa Kanlurang Asya naman ay langis
ang pangunahing minimina. Sa Afrika, ginto ang pangunahing minimina mula sa
mga kabundukan. Anong konklusyon ang iyong mabubuo mula sa mga
nabanggit na sitwasyon?
A. Magkaiba ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig.
B. Ang katangian ng heograpiya ay salik na humuhubog sa pamumuhay ng
tao.
C. Nakaaapekto sa kasaysayan ng bansa ang uri at katangian ng kanyang
heograpiya.
D. Nakaiimpluwensya sa uri ng pamumuhay ng tao ang katangiang pisikal
ng lugar.

7. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya?


A. upang maunawaan natin ang mga nagaganap sa kasalukuyan at sa
hinaharap
B. upang maunawaan natin ang ating kapaligiran at ang mga pagbabagong
naganap dito
C. upang maging eksperto ang tao sa kapaligiran
D. upang maunawaan ang kultura ng bawat pangkat ng tao

8. Ang kambal na ilog na pinagsibulan ng unang kabihasnan sa kasaysayan.


A. Tigris at Nile B. Euphrates at Indu
C. Huang ho at Nile D. Tigris at Euphrates

9. Ang Mesopotamia ay tumutukoy sa anong mga bansa sa kasalukuyan?


A. Syria, Lebanon at Turkey C. Iraq, Syria at Turkey
B. Iraq, Iran at Syria D.Turkey, Iran at Kuwait

10. Isang malawak na Tangway na hugis tatsulok


A. Timog Asya B. Mesoamerica
C. Timog Kanluran D. Silangang Asya

Balik-Tanaw

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang tamang sagot sa
portfolio/kwaderno.
1. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naganap sa panahon ng neolitiko
maliban sa
A. pagkakatuklas ng apoy C. gumagamit ng makikinis na bato
B. may permanenteng tirahan D. mahusay sa pagtatanim

2. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong


naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I. agrikultura III. Labis na pagkain
II.kalakalan IV.pangangaso
A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III
B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV

Mga may-akda:
Andrea V. Fajilagmago
AP 8- Qrt1- Week 5 Renelita A. Narciso
Madeleine B. Bondoc
ARALING PANLIPUNAN 8
3. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-
unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko.
B. Umuunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahon ng Paleolitiko
C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng
kalakalan.
D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng
metal.

4. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naganap sa panahon ng metal


maliban sa
A. pagkakatuklas ng apoy
B. natutunan nilang magtunaw at magpanday ng bakal
C. pinaghahalo nila ang tanso at lata upang makagawa ng higit na matigas
na bagay
D. natutunan nilang gumawa ng espada, palakol at kutsilyo

5. Bakit napalitan ng agrikultura ang pangangaso bilang paraan ng pagkuha ng


pagkain ng mga tao noong Panahong Neolitiko?
A. Mas mahirap ang pangangaso kaysa sa pagtatanim
B. Nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain ang mga tao.
C. Naging kaunti ang mga hayop na ginawang pagkain ng mga tao.
D. Mas nasiyahan ang mga tao na kumain ng mga prutas at gulay sa halip
na karne ng mga hayop.

Pagkilala sa Aralin

Paksa: Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang


Kabihasnan
A. Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na


meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang
Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”. Ang
Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.
Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at
Euphrates. Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay
nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba
ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim. Naimpluwensiyahan din
ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan. Sa mga
taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay ugnay
ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan.

Bunga ng pag-unlad ng lipunan, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong


panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong
kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga
kauna-unahang lungsod sa daigdig.

Mga may-akda:
Andrea V. Fajilagmago
AP 8- Qrt1- Week 5 Renelita A. Narciso
Madeleine B. Bondoc
ARALING PANLIPUNAN 8
B. Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa


kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh,
Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives. Nagsimula ang
kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang mga lungsod ng Harappa
at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga
sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Katulad sa
Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa
pagsisimula ng mga lipunan sa sinaunang India. Ang pag-apaw ng ilog ay
nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng
3000 B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan
at maayos na mga kalsada. Nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at
mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha. Sa kasalukuyan, isa lamang ang
India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang hilagang bahagi
nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-
tangi sa iba.

C. Ang Silangang Kabihasnang Tsino sa Asya

Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na


pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa
kasalukuyan. Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay
umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang pag-apaw ng
Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng
North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito.

Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at


dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang Xia o Hsia ang kauna-unahang
dinastiyang naghari sa China. Ang unang pinuno ng dinastiya na si YU ang
pinaniniwalaang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang
idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang
makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.

D.Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa

Ang mga unang pamayanan sa Egypt ay sumibol sa tabi ng Ilog Nile.


Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang
“Handog ng Ilog Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong
lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang
bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Dati-rati, ang malakas na

Mga may-akda:
Andrea V. Fajilagmago
AP 8- Qrt1- Week 5 Renelita A. Narciso
Madeleine B. Bondoc
ARALING PANLIPUNAN 8
pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng
ilog . Ang pag-apaw na ito ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga
magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa
tuyong lupain at nag-iiwan ng matabang lupain na mainam para sa
pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-
baha. Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga
sinaunang Egyptian ay gumagawa ng irigasyon at naghukay ng mga kanal
upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Maliban sa
kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na
transportasyon ng mga mangangalakal. Ito ang isang katangian ng Ilog Nile na
nakahihikayat sa mga manlalakbay at mangangalakal upang tumungo sa
Egypt. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan
malapit sa pampang ng ilog.

E. Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang


kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa kasalukuyang
Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga
Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.
Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang
“gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang
Mesoamerica o Gitnang America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley
sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang
hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala,
ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic
hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa
Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang alaking bahagi ng
Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras. Sa
lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-
ulan ay mnagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng
rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito. Dito naitatag ang unang
paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng
agrikultura.

Mga may-akda:
Andrea V. Fajilagmago
AP 8- Qrt1- Week 5 Renelita A. Narciso
Madeleine B. Bondoc
ARALING PANLIPUNAN 8

Gawain 1
BAUL NG KAALAMAN Panuto: Pagsama-samahin ang mga
salita o kaisipan ayon sa kabihasnang tinutukoy sa bawat baul.

Piliin ang sagot mula sa mga pagpipilian. f. Handog ng Ilog Nile


g. Bahagi ng hilagang-silangan disyerto ng
a. May matabang lupain sa Huang Ho Africa
b. Gitnang America
h. Dumadaloy ang Indus River
c. Sa pagitan ng mga ilog i. Nasa kanluran ng Yellow Sea
d. Matatagpuan sa Kanlurang Asya j. Pagitan ng Sinaloa River Valley at Gulf of
e. Nasa tangway ng Timog Asya Fonseca

Gawain 2 KATANGI-TANGING MGA KABIHASNAN

Panuto: Makikita sa diyagram ang mga lugar kung saan sumibol ang mga
sinaunang kabihasnan. Isulat sa inyong kwaderno ang katangiang heograpikal
ng bawat kabihasnan.

1.

2.

3.

1.
1.
2.
2.
3.
3.

1.
1.
2.
2.
3.
3.

Mga may-akda:
Andrea V. Fajilagmago
AP 8- Qrt1- Week 5 Renelita A. Narciso
Madeleine B. Bondoc
6

ARALING PANLIPUNAN 8
Gawain 3
Suri-mapa

Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente nito. Lagyan ang
mapa ng bituin ( ) na kumakatawan sa kinaroroonan ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

Mesopotamia Indus China Egypt

Pamprosesong Tanong

1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng


daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang
mga sinaunang kabihasnan?
3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga
tao?
4. Patunayan mo na ang katangiang pangheograpiya ng isang bansa ay may
pagkakatulad sa isa’t isa sa kulturang mayroon sila sa pamamagitan ng
pagkakatulad ng mga paniniwala at gawi ng mga magkakalapit na
probinsiya. Ipaliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa.

Mga may-akda:
Andrea V. Fajilagmago
AP 8- Qrt1- Week 5 Renelita A. Narciso
Madeleine B. Bondoc
ARALING PANLIPUNAN 8

Tandaan
MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG

MESOPOTAMIA INDUS TSINO EGYPT MESOAMERICA

ILOG TIGRIS ILOG HUANG


ILOG NILE SINALOA
AT HO
EUPHRATES ILOG INDUS RIVER
VALLEY

Malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay


ng mga tao. Nagamit nila ito sa kanilang pagsasaka, kalakalan at
transportasyon na nagbunsod sa pagkakaroon ng pagbabago sa aspektong
panlipunan, pampolitika at panrelihiyon.

Cloze Procedure
Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang ideya ng bawat pangungusap
patungkol sa mga katangiang heograpikal ng bawat kabihasnan

Umunlad ang mga unang kabihasnan sa daigdig partikular sa


37
kontinente ng ______, _______ at_______.4 Ang Mesopotamia ay
8
nangangahulugang
5 __________ Sa lambak ng _______ naman sumibol
6 ang
9 10
kabihasnang Indus. Ang mga lungsod ng _______ at ________ ang sentro ng
kabihasnang ito. Ang Kabihasnang Tsino ay sumibol malapit sa Yellow River
na tinatawag ding __________ Samantala, sumibol naman ang kabihasnang
Egypt sa Africa na tinawag na __________. Pinaniniwalaang ang mga pangkat ng
mga _________ ang nagpasimula ng kabihasnan sa Mesoamerica.

Mga may-akda:
Andrea V. Fajilagmago
AP 8- Qrt1- Week 5 Renelita A. Narciso
Madeleine B. Bondoc
ARALING PANLIPUNAN 8

Pangwakas na Gawain

Panuto: Mula sa teksto na iyong binasa, ayusin ang mga pinaghalo-halong


letra upang mabuo ang mga salita. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Sa ilog na ito umusbong ang kabihasnang India NDIUS


2. Tawag sa rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River sa hilagang Mexico
at Gulf of Fonse ESOMMRICAEA
3. Matabang lupa na naiwan dulot ng pagbaha LINKBA
4. Malawak na kapatagan sa Tsina ORTHN CHANI PAILN
5. Kauna-unahang lungsod sa Mesopotamia KRUU
6. Pinakamatandang nanatiling kabihasnan sa daigdig NAIST
7. Pangunahing hanapbuhay ng nanirahan sa
mga pamayanan PAGASKSAA
8. Kambal ilog sa Fertile Crescent TIRGIS ATEUHPRTAES
9. Kontinenteng kinabibilangan ng Egypt FRIACA
10. Anyo ng kalupaan ng Timog Asya TANYAW

Pagninilay
Naunawaan mo na ba na
may mahalagang bahaging ginampanan ang heograpiya
sa paghubog ng kabihasnan noong sinaunang panahon? KAPIT BISIG
Sa mga lambak-ilog nagtatag ng mga pamayanan at SA ILOG
PASIG
namuhay ang mga tao. Sa ating bansa, ang Ilog Pasig na
dumadaloy sa Laguna de Bay patungong Look ng
Maynila ang naging mahalagang ruta
pantransportasyon, ginagamit din noon sa
pangangalakal at sinasabing pinag-usbungan ng mga
unang pamayanan.

Ngayon ay humaharap sa napakalaking suliranin dahil sa patuloy na


pagkasira nito. Bilang mag-aaral, ano-ano ang maitutulong mo upang sagipin
ang Ilog Pasig? Isulat ang mga hakbangin o paraan sa bawat bisig na nasa ibaba.

Nice one! Natapos mo ang ating aralin. Matagumpa mong nasagutan ang mga
gawain. Hanggang sa muli!

Mga may-akda:
Andrea V. Fajilagmago
AP 8- Qrt1- Week 5 Renelita A. Narciso
Madeleine B. Bondoc

You might also like