You are on page 1of 15

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 5: Impluwensiya ng
Heograpiya sa Pag-unlad ng mga
Sinaunang Kabihasnan

Naikonseptwalisa ni:
Rowena C. Pantaleon
CCDCAGothongMNHS

1
Modyul 5: Impluwensiya ng Heograpiya
sa Pag-unlad ng mga
Sinaunang Kabihasnan

Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa
kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan
na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang
henerasyon.
Pamantayang Pangkasanayan
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Kakayahan
Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig.

Paksa/Subject Code: Impluwensya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang


Kabihasnan (AP8HSK-Ig-7)

Subukin

Magandang buhay mga mag-aaral! Bago natin umpisahan ang


pagtatalakay sa Modyul 5 sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang
Pagsusulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit subalit
ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin
ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong.

2
Panuto. Pagpipilian. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang Indus Valley ay matatagpuan sa rehiyon sa_____________.


A. Gitnang Asya B. Silangang Asya C. Timog Asya D. Kanlurang Asya
2. Nasa mga lambak-ilog matatagpuan ang sinaunang kabihasnan dahil _____________.
A. malapit sa mga yamang tubig gaya ng isda.
B. mas madaling kumuha ng tubig para sa taniman.
C. matataba ang lupain at mainam ito sa pagsasaka.
D. mas malamig ang kapaligiran at mainam sa paghahayupan.
3. Ang Harappa at Mohenjo-daro ay nakapagpatayo ng gusali na hugis parisukat at ang
mga kabahayan ay may malalawak na espasyo. Mayroon na silang sistema sa
pamantayan para sa mga timbang at sukat ng butil at ginto. Samakatuwid sila ay
marunong sa____________.
A. Matematika B. Heograpiya C. Siyensya D. Kasaysayan
4. Ang katagang “meso” ay nangangahulugang______.
A. gilid B. gitna C. tapat D. harap
5. Bakit tinawag na “River of Sorrow” ang Ilog Huang Ho ng China?
A. pabago-bago ang daanan ng ilog na ito taun-taon.
B. dahil sa lalim at lakas ng daloy ng ilog na ito maraming Tsino ang namamatay.
C. tumuyong bigla taun-taon ang ilog na ito at nagdulot ng malaking kakulangan ng
suplay ng pagkain.
D. dahil sa babaw ng ilog dala nito ang mapanirang mga pagbaha taun-taon na
puminsala ng mga ari-arian at kumitil ng maraming buhay.
6. Ano ang ibig sabihin ng Mesopotamia?
A. sa gilid ng dalawang ilog C. nasa tabi ng ilog
B. sa pagitan ng dalawang ilog D. nasa lambak-ilog
7. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa Kabihasnang Mesopotamia?
A. Imperyong Maurya C. Imperyong Gupta
B. Imperyong Mogul D. Imperyong Akkad
8. Ang kabihasnang nabuo sa pagitan ng dalawang ilog.
A. China B. Egypt C. Indus D. Mesopotamia
9. Ang itinuring na pinakabanal na ilog sa India dahil sa paniniwalang may kaugnayan
ito sa kanilang Diyosa.
A. Ilog Ganges B. Ilog Huang Ho C. Ilog Indus D. Ilog Nile
10. Ang pagkontrol sa Tigris at Euphrates ay susi sa kaunlaran ng Mesopotamia, aling
pahayag ang HINDI kabilang sa dahilan nito?
A. Madalas tumaas ang tubig-baha at nasisira ang kabahayan nito.
B. Upang mabuhay at binigyang-proteksyon ang kanilang sakahan.
C. Nag-organisa sila at gumagawa ng dike at kanal para sa irigasyon.
D. Kinakailangan nilang kontrolin ang tubig sa Ilog Tigris at Euphrates.
11. Ang pamayanan na naging sentro ng kabihasnan noong unang panahon ay
nasa_____________.
A. dagat-ilog B. lambak-ilog C. lambak-kapatagan D. tabing dagat
12. Bakit sinabing “kung wala ang Ilog Nile ay wala ang Egypt”?
A. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging disyerto ng Africa.
B. Tuwing Hulyo bawat taon bumabaha at umaapaw ang ilog Nile.
D. Ang ilog Nile ay ginamit na daanan sa kanilang kalakalan.
C. Sinabing kung wala ang Nile ang buong lupain ng Egypt ay magiging disyerto.

3
13. Ano ang pinakamalapit na konklusyon sa pahayag na “karaniwang umunlad sa
lambak ng ilog ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig”?
A. Nasanay na silang manirahan malapit sa ilog.
B. Malaki ang pakinabang ng ilog sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay.
C. Hindi lahat ng mga sinaunang kabihasnan ay umunlad sa lambak-ilog.
D. Maraming dayuhan naghangad na sakupin at makontrol ang mga lupain
malapit sa mga lambak ng ilog.
14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kabihasnang Indus?
A. Magadha B. Persian C. Harappa D. Maurya
15. Ang dumadaloy na ilog sa bansang Egypt ay itinuring na pinakamahabang ilog sa
buong daigdig.
A. Ilog Indus B. Ilog Huang Ho C. Ilog Nile D. Ilog Tigris

Alamin

Magandang araw! Kumusta na kayo? Sa puntong ito tatalakayin natin kung paano
nagbago ang antas ng pamumuhay ng mga sinaunang tao. Sa modyul na ito, ikaw
ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:
A. nailalarawan ang mga katangiang pisikal kung saan umusbong ang mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig;
B. naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig; at
C. napahahalagahan ang mga heograpikal na lokasyon ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

Panimulang Gawain

Gawain 1. Larawan-Suri. Upang malinang ang ating kaalaman sa araling ito, iguhit
ang mapa ng daigdig sa long bondpaper na makikita sa ibaba at tukuyin ang mga
kontinente. Lagyan ang mapa ng mga salita na nasa loob ng kahon na kumakatawan
sa kinaroroonan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig at kulayan ang mga ito.

MESOPOTAMIA (Iraq) EGYPT TSINA INDUS

4
https://adagebiopower.com/blank-world-map-with-countries-outline-printable/blank-world-map-with-countries-
outline-printable-world-map-images-in-black-and-white-best-of-world-map-outlines/

Pamprosesong tanong:
1. Bakit kaya sa mga lugar na ito umusbong ang mga sinaunang kabihasnan?

2. Paano nilinang ng mga sinaunang tao ang mga kabihasnang ito?

Tuklasin at Suriin

Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan


Malaki ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan na
siyang humuhubog sa daloy ng kasaysayan ng daigdig. Ang sumibol na kabihasnan ay
nagdaan sa mahabang proseso at mahabang panahon. Halos lahat ng mga sinaunang
kabihasnang naitatag ng tao ay sumibol malapit sa mga lambak-ilog. Ito ay lugar kung
saan matatagpuan ang matatabang lupain at malapit sa pinagmulan ng ilog.
Kabihasnang Mesopotamia
Meso o
“pagitan” at
“Lupain sa Potamus o
pagitan ng “ilog”
dalawang ilog”

https://wikiclipart.com/child-thinking-clipart_39097/

5
➢ Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong
daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao,
kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Hittite
na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Ang lupain ay tinawag na Mesopotamia
na nangangahulugang “lupain sa pagitan ng dalawang kambal na ilog.” Ang
dalawang ilog ng Tigris at Euphrates ay dumadaloy mula sa kabundukan ng Turkey
at dumadaan sa Iraq palabas sa Persian Gulf. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa
mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan,
pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong panlipunan. Isang
halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa
daigdig.

Heograpiya ng Mesopotamia

Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang


kauna-unahang mga lungsod sa daigdig. Fertile crescent- isang lupaing hugis arko
mula sa Persian Gulf hanggang sa baybayin ng Mediterranean. Tinawag itong Fertile
Crescent dahil sa hugis nito,
matabang lupain, at sa
mayamang bukirin na
matatagpuan dito. Upang
mabuhay at mabigyang
proteksyon ang mga sakahan,
nagkaisa sila na dapat
magtrabaho ang mga tao na
gagawa ng mga dike at kanal
para sa irigasyon.
Nakipagkalakalan ang
https://i.pinimg.com/originals/07/98/02/079802e4370
Sumeria sa mga kalapit na
39c0e0a2ed9bd4bcdf97c.jpg
lupain sa pamamagitan ng paggamit sa ilog bilang ruta ng transportasyon. Bunga
ng kalakalan nagkaroon ng pag-unlad ng mga kaalaman at ang bawat tao na
dumadating sa lugar ay may taglay na sariling kontribusyon sa kasaysayan ng
rehiyon.

6
Kabihasnang Indus

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan,


binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangdalesh, Afghanistan, Bhutan, Sri
Lanka, Nepal, at Maldives. Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at
kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga
heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan,
kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Ang malahiganteng
hanay ng bundok na matatagpuan dito ay nagsisilbing arko sa pagitan ng hilagang
hangganan ng sub-kontinente, kabilang ang Mt. Hindu kush at Himalayas.
Nakapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-
kanluran, dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa
kulturang Indian. Ang matabang lupain ng lugar na ito ay dinadaluyan ng tatlong
ilog—ang Indus, ang Ganges ay tinawag na “banal na ilog” at Brahmaputra. Isang
katangiang heograpikal na humuhubog sa kasaysayan at kultura ng India ay ang
winter at summer monsoon. Malaki ang impluwensya ng monsoon sa buhay ng taga
India dahil taon-taon umaasa ang mga tao sa ulan dahil sa kanilang mga pananim.
Kapag huli dumating ang ulan, malaki ang posibilidad na magkaroon ng
kagutuman ngunit kung labis naman nagdudulot ito ng pagbaha.

Heograpiya ng Lambak ng Indus

Ang mga lungsod ng Harappa at


Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus
ang pinakabagong tuklas na mga
sinaunang sentrong kabihasnan sa
kasalukuyang panahon. Nagsimula
ang kabihasnan sa India sa paligid ng
Indus River. Ang tuktok ng
kabundukang Himalaya ay nababalot
ng makapal na yelo at nagmumula sa
natutunaw na yelo ang tubig na
dumadaloy sa Indus River. Ang
talampas Deccan ay nakausli sa
https://www.mapsofindia.com/history/indus-valley-
Indian Ocean at kapos sa tubig
civilization.html

7
dahil kaunti lang ang natutunaw na yelo na dumadaloy sa mga ilog. Sa kasalukuyan,
isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang
hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang
namumukod-tangi sa iba.

Kabihasnang Tsino
Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang
kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Ang
kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang
Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may
habang halos 3000 milya na dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Biniyayaan ng
kalikasan ang China ng napakahalagang ilog na humubog sa sibilisasyong Tsino.
Masaganang pinagkukunan ng tubig ang Ilog Huang Ho na dumidilig sa kapatagang
malapit dito. Nakuha ng Ilog Huang Ho ang kanyang pangalan mula sa loess o
pinong kulay dilaw na lupa na tinangay mula sa Siberia at Mongolia.

Heograpiya ng llog Huang Ho

➢ Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa


pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa
lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-
unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng
ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno
ng dinastiya.
➢ Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang
idinudulot ng Huang Ho.
➢ Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga
magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa
gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng
kabihasnang Tsino.

8
➢ Tinawag din nila ang kanilang
lupain na Zhongguo na
nangangahulugang Middle
Kingdom. Ang pagkakaroon ng
mga ideolohiyang suportado ng
estado, partikular ang
Confucianism at Taoism, ay lalo
pang nagpatatag sa
kabihasnang Tsino. Sa
aspektong politikal,
halinhinang nakaranas ang http://www.irakreport.com/ChinaReport/Sources/China

China ng pagkakaisa at _ello_River/Map-Overview-Yellow-River-

pagkakawatak-watak. Flow01A.html

Sinaunang Kabihasnan sa Africa

Ang Egypt ay nasa silangang bahagi ng kontinente ng Africa. Isa sa mga dumadaloy
na ilog sa bansang ito ay ang makasaysayang Ilog Nile na itinuturing na
pinakamahabang ilog sa daigdig. Ang lambak ng Nile river ang naging sentro ng
sibilisasyon ng Egypt. Noong unang panahon ang Egypt ay tinawag na “The Gift Of
Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ay magiging disyerto. Tila
hiniwa ng ilog na ito ang hilaga at silangang bahagi ng Africa. Ang taunang pag-apaw
ng Nile ay nagbigay daan upang makapagtanim ang mga magsasaka. Sinasabing
maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa
kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.

Heograpiya ng Egypt

➢ Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaan na ang


tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog
Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay
nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel.

9
➢ Ang Nile River na may 4160 milya
o 6694 kilometro ang haba ay
dumadaloy mula katimugan
patungong hilaga. Maliban sa
kahalagahan nito sa pagsasaka,
ang Nile ay nagsilbing mahusay na
ruta sa paglalakbay noong mga
panahong iyon. Nagawa nitong
mapag-ugnay ang mga
pamayanang matatagpuan
malapit sa pampang ng ilog.
https://www.lonelyplanet.com/maps/africa/egypt/

Gawain 2. I-Konek at buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng


pagsasama-sama ng mga terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya
ng isang kabihasnan at pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong. Lahat ng mga
sagot ay isulat sa sagutang papel.

A B C

Sa pagitan ng mga ilog


Nasa gitna ng kontinente Lupain ng Yucatan Peninsula
Egypt
Biyaya ng Nile Timog ng Mediterranean
Tsino
Nasa tangway ng Timog Nasa kanluran ng Yellow Sea
Indus
Asya Dumadaloy ang Indus River
Mesoamerica
May matabang lupain sa Nasa Kanlurang Asya
Mesopotamia Huang Ho

Halimbawa: Egypt—Biyaya ng Nile—Timog ng Mediterranean

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa nabuo na konsepto, ano ang katangiang pisikal ng mga sinaunang
kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t isa?

10
2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng
kabihasnan?
3. Paano pinahahalagahan ng mga tao ang mga lambak na ilog sa kabihasnan?

Isaisip
Ngayon, may sapat na kayong kaalaman at katuturan ng kabihasnan at
ang impluwensya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.
Nararapat nating pangangalagaan ang mga lambak na ilog dahil naging daan ito
para mapalawak ang kaalaman sa agrikultura at nalinang ang kabuhayang
pagsasaka at pangingisda at sa kalaunan ay natuklasan din ang pag-aalaga ng mga
hayop.

Isagawa o Pagyamanin

GAWAIN 3: Pagbuo ng K-Chart


Kopyahin ang K-Chart at ilagay ang mga sagot sa tamang hanay kung saang
heograpiya/kabihasnan konektado ang bawat salita na nasa ibaba. Isulat ito sa
sagutang papel.
HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
Mesopotamia Indus Tsino Egypt

*Fertile Crescent *Libyan Desert *Mohenjo-daro at Harappa *Gift of Nile

*Ilog Huang Ho *Talampas Deccan *Dinastiya Hsia *Sumerian

*Lambak ng Nile *Zhounggo *Tigris at Euphrates *Ilog Ganges

Gawain 4A. Kumpletuhin ang mga SALITA sa pamamagitan ng paglagay ng mga


kulang na letra. Isulat ang mga sagot sa isang papel.

1.__ R__ K - kauna-unahang lungsod sa buong daigdig.

11
2. C__N__UC__ __N__S__ -ideolohiya na suportado ng estado sa Tsina.
3.__ O__ S__ __ N -katangiang heograpikal na humubog sa kultura ng mga Indian.

4. G__NG__ __ -banal na ilog ng India.


5.FE__ __I__E C__ES__EN__ -lupain hugis arko mula sa Persian gulf
hanggang sa baybayin ng Mediterranean.

Sa puntong ito na may sapat ka nang kaalaman tungkol sa paksa, subukan mong
punan ng mga salita upang makumpleto ang pahayag sa ibaba:

Gawain 4B Natutunan ko na halos lahat ng mga sinaunang kabihasnang naitatag ng


tao ay sumibol malapit sa mga 1.____________________. Ang mga lupain dito ay
2._______________dahil ang mga taunang pagbaha ay nag-iwan ng mga mineral na
nakatulong sa gawaing 3.__________________. Ang mga 4.______________ ay
napagkukunan ng inumin at pagkain para sa tao at alagang hayop. Ginagamit din ang
daloy ng ilog upang gumawa ng mga 5. _____________ at patubig para sa mga taniman.
Ginagamit din ito sa paglalakbay na nakatulong upang lumago ang 6. _________________
at pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang lupain. Sa kabuuan, malaki ang naging
impluwensya ng kapaligirang pisikal (Heograpiya) sa pamumuhay at kultura ng mga
tao. Bilang isang Pilipino, tungkulin kong 7. _________________ ang mga ito para sa
susunod na henerasyon.

Tayahin
Pagkatapos mong masuri at mapagtagumpayan ang mga gawain hinggil sa
mga kaalaman tungkol sa impluwensya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan, natitiyak kong makakasagot ka sa inihahandang pagsusulit sa ibaba.

Pagpipilian. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa


sagutang papel ang tamang sagot.

1. Paano naging mataba ang mga lupa sa mga lambak ng ilog?


A. Sa matatabang minerals nasa sa ilog.
B. Sa punongkahoy na nagpapataba ng lupa.
C. Sa pag-apaw ng tubig sa ilog at ito ay nag-iiwan ng banlik o matatabang lupa.
D. Sa mga hayop na naninirahan at ang dumi ay nagbibigay ito ng pampataba.
2. Anong ilog ang bumubuhay sa kabihasnang Tsino?
A. Ilog Indus B.Ilog Huang Ho C.Ilog Nile D. Ilog Tigris
3. Anong lupain na pinagmulan ng kambal na Ilog ng Tigris-Euphrates?
A. China B. Egypt C.India D. Mesopotamia
4. Saang bahagi sa kontinente ng Africa makikita ang Egypt?
A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog
5. Saan matatagpuan ang lungsod ng Harappa at Mohenjo Daro?
A. China B. India C.Egypt D. Mesopotamia

12
6. Anong disyerto ang makikita sa dakong Upper Egypt?
A. Karakum Desert B. Libyan Desert C. Rub Al Khali Desert D. Sahara Desert
7. Ang unang sibilisasyon sa India ay umunlad sa ______________.
A. Deccan B. Ghats C.Indian Valley D.Nile Valley
8. Nakapagbuo ang mga Tsino ng sariling pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatag ng
dinastiya, ano ang kauna-unahang dinastiya ang kanilang nabuo?
A. Chou B. Hsia C. Ming D. Yuan
9. Ang malahiganteng kabundukan na namamagitan sa Hilaga at Timog ng Asya ay
kahanga-hanga at itinuring na pinakamataas na hanay na kabundukan,ito ay ang____.
A. Annapurna B. Himalayas C. Karakoram D.Pamir
10. Anong ilog ang tinawag na “Pighati ng China”?
A. Huang Ho B. Indus C. Nile D. Yangtze
11. Ang pamayanan na naging sentro ng kabihasnan noong unang panahon ay
nasa_________.
A. dagat-ilog B.lambak-ilog C. tabing dagat D.lambak-kapatagan
12. Hinubog ng ilog na ito ang unang sibilisasyon sa Egypt.
A. Indus B. Huang Ho C. Nile D. Tigris-Euphrates
13. Ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia
at Indus?
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
C. Payak ang kanilang pamumuhay.
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang kanilang kabihasnan.
14. Bakit tinawag na Fertile Crescent ang lupaing nagsimula sa Persian Gulf hanggang
sa silangang bahagi ng Mediterranean Sea?
A. dahil sa deklarasyon ni Haring Sargon I
B. ito’y matatagpuan sa pagitan ng dalawang ilog
C. dito isinilang ang pinakaunang kabihasnan sa daigdig
D. ito’y isang pa arkong rehiyon o hugis kalahating buwan ng matabang lupain
15. Ang mga lambak-ilog ang pinakakaraniwang pinag-usbungan ng mga sinaunang
kabihasnan. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ang pook na kung saan sumilang ang mga kabihasnan.
B. Patuloy pa ring pinakikinabangan ang mga lambak-ilog.
C. Nagbibigay-sigla pa rin sa mga ito ang mga ilog.
D. Malaki ang nagawa ng ilog para sa tao.

Karagdagang Gawain

Pag-aralan ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa daigdig.


Mga Tanong:

1. Ano-ano ang pamana o ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?


2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng mga
sinaunang taong naninirahan sa kani-kanilang kabihasnan?

13
3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito?

Sanggunian
Aklat
Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig, Soriano, Antonio, Dallo, Imperial,
Samson (2017)

Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo Ph.D, et al (2012)

Website and Links


https://adagebiopower.com/blank-world-map-with-countries-outline-
printable/blank-world-map-with-countries-outline-printable-world-map-images-in-
black-and-white-best-of-world-map-outlines

https://wikiclipart.com/child-thinking-clipart_39097/

https://i.pinimg.com/originals/07/98/02/079802e437039c0e0a2ed9bd4bcdf97c.j
pg

https://www.mapsofindia.com/history/indus-valley-civilization.html

https://www.lonelyplanet.com/maps/africa/egypt/

https://www.thebetterindia.com/60143/mohenjodaro-harappa-indus-valley-
civilization/

http://www.irakreport.com/ChinaReport/Sources/China_Maps/Yellow_River/Map
-Overview-Yellow-River-Flow01A.html

14
15

You might also like