You are on page 1of 5

AP 5

Isulat ang tamang sagot sa patlang. Titik lamang.

_____1. Replika ng mundo

a. globo b. mapa c. prime meridian d. ekwador

_____2. Ano ang klimang nararanasan ng Pilipinas dahil sa lokasyon nito sa mundo?

a. Temperate b. Tropical c. Polar d. Tag-init

_____3. Linya o guhit na ginagamit upang tukuyin ang absolute location ng isang bansa?

a. Longhitud b. Latitud c. Grid d. Ekwador

_____4. Relatibong Lokasyon na tinutukoy ang mga anyong lupa

a. Insular b. Bisinal c. Grid d. Coordinates

_____5. Kabuuan o karaniwang kondisyon ng panahon sa isang rehiyon sa loob ng isa o maraming taon.

a. Panahon b. Klima c. Bisinal d. Coordinates

_____6. Pagkuha sa eksaktong kabuuang lokasyon ng isang lugar na ginagamitan ng mga coordinates

a. Relatibong Lokasyon b. Absolute Location

c.Lokasyon Bisinal d. Lokasyong Insular

_____7. Ito ay mga likhang-isip na guhit pahalang na may sukat na 0-90 digri.

a. Ekwador b. Prime Meridian c. Latitud d. Longhitud

_____8. Mga likhang-isip na patayong guhit, may sukat na 0-180 digri.

a. Latitud b. Longhitud c. Ekwador d. Prime Meridian

_____9. Aling guhit ang batayan ng pagpapalit ng oras sa mundo?

a. International Dateline b. Grid c. Latitud d. Prime Meridian

_____10. Ano ang tawag sa dalawang dulo ng mundo?

a. Grid b. Polo c. Latitud d. Longhitud

_____11. Direksyong tinutukoy ng mga guhit LONGHITUD

a. Hilaga b. Silangan c. Silangan at Kanluran d. Hilaga at Timog

_____12. Kalagayan ng atmospera na may kaugnayan sa hangin, temperatura, presyur, at iba pa.
Pabago-bago sa loob ng 24 oras o isang araw.

a. Klima b. Panahon c. Bisinal d. Lokasyon

_____13. Alin ang paglalarawan tungkol sa sekondaryang batayan?

a. Nakabatay sa mga primaryang batayan

b. ayon sa orihinal na larawan o litrato

c. opisyal na dokumento ng pamahalaan

d. kwento ng nasaksihang pangyayari

_____14. Magagamit natin ang _______________ sa kasaysayan tungo sa pag-unlad ng ating bansa.

a. magandang ugali b. kaalaman c. kasanayan d. salaysay


_____15. Ito ang matututunan natin sa pag-aaral ng kasaysayan dahil sa magandang halimbawang
matututunan sa mga ninunong Pilipino.

a. kasanayan b. kaalaman

c. magandang pag-uugali d. itama ang maling nagawa ng nakaraan

_____16. Siya ang Ama ng Kasaysayan.

a. Aristotle b. Pythagoras c.Herodotus d. Plato

_____17. Alin ang kahulugan ng salitang Griyego na historia?

a. impormasyon mula sa "social media"

b. impormasyon mula sa pagsasaliksik

c. kaalaman mula sa mga eksperto

d. kaalaman mula sa pagbabasa

_____18. Kahulugan ng kasaysayan:"Ang Kasaysayan ay salaysay na may ____________________".

a. sala b. saya c. saysay d. sayan

_____19. Ito ay kuwento tungkol sa mga pangyayari ng nagdaang panahon na may saysay sa kasalukuyan at
sa hinaharap.

a. primaryang batayan b. sekondaryang batayan c. kasaysayan d. wala sa nabanggit

_____20. Makikita rito ang sariling interpretasyonng gumawa batay sa pangunahing impormasyon.

a. primaryang batayan b. sekondaryang batayan c. kasaysayan d. wala sa nabanggit

_____21. Ito ay orihinal na dokumento mula sa sinabi ng nakasaksi.

a. primaryang batayan b. sekondaryang batayan c. kasaysayan d. wala sa nabanggit

_____22. Tukuyin kung primarya o sekondaryang batayan: mga survey

a. primaryang batayan b. sekondaryang batayan

_____23. Tukuyin kung primarya o sekondaryang batayan:

Pelikulang "Goyo" at "Heneral Luna" na napanood sa sinehan

a. primaryang batayan b. sekondaryang batayan

_____24. Ang mga sumusunod ay primaryang batayan maliban sa isa, alin ito?

a. fossil b. artifact c. encyclopedia d. relic

_____25. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan?

a. Ito ay may halaga at aral na magagamit sa kasalukuyan

b. Ito ay paraan para tumaas ang marka sa Araling Panlipunan

c. Ito ay mga kwento nakakaaliw at nagpapasaya

d. Ito ay paraan upang makilala ang mga sumakop sa bansa

_____26.Alin ang tawag sa tagapayo ng isang sultan?

a. ruma bichara b. konseho ng matatanda c. dayang d. datu

_____27. Aling antas ng tao sa lipunan ang sumasakop sa mga NAMAMAHAY at SAGUIGUILID?

a. TIMAWA b. ALIPIN c. MAGINOO d. MAHARLIKA


_____28. Ayon sa teoryang ito, noong unang panahon, ang kalupaan sa mundo ay binubuo ng isang malaking
kontinente na tinatawag na "Pangaea".

a. Core Population Theory b. Wave Migration Theory

c. Austronesian Migration Theory d. Continental Drift Theory

_____29. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na fossil?

a. Buto ng tao b. Wikang ginamit ng mga sinaunang tao

c. Buto ng hayop d. Mga kagamitan sa pagluluto

_____30. Migration Wave Theory: Dr. Henry Otley Beyer

Austronesian Migration Theory: ____________

a. Felipe Landa Jocano b. Dr. Robert Fox c. Charles Darwin d. Dr. Peter Bellwood

_____31. Ano ang alamat na pinaniwalaang pinagmulan ng mga Pilipino?

a. Matalino at Marikit b. Malakas at Maganda

c. Matapang at Maisog d. Makisig at Mayumi

_____32. Ang mga lahi ng tao sa Asya - Pasipiko ay nagmula sa isang malakaing pangkat ng tao na nagmula
sa Silangang-Africa.

a. Core Population Theory b. Wave Migration Theory

c. Austronesian Migration Theory d. Continental Drift Theory

_____33. Mayroon nang mga taong naninirahan sa Pilipinas ilang libong taon na ang lumipas.

a. Austronesian Migration Theory b. Core Population Theory

c. Continental Drift Theory d. Wave Migration Theory

_____34. Ang mga kasapi ay maaaring walang relasyon sa bawat isa.

a. Sistemang Barangay b. Sistemang Sultanato

_____35. Magkakamag-anak ang mga miyembro

a. Sistemang Sultanato b. Sistemang Barangay

_____36. Anong relihiyon mayroon ang mga nasasakupan ng isang Sultanato?

a. Animismo b. Katolisismo c. Iglesia ni Kristo d. Islam

_____37. Ipinaliliwanag dito na ang mga ninuno ng mga Pilipino ay galing sa pangkat ng mga Negrito,
Indones at Malay.

a. Core Population Theory b. Wave Migration Theory

c. Austronesian Theory d. Theory of Evolution

_____38. Sino sa mga sumusunod ang maaring palayain ng kanyang amo?

a. Datu b. Timawa c.Maharlika d. Alipin

_____39. Alin ang tumutukoy sa gawain ng isang umalohokan?

a. Tagapaghukom b.Tagapagkuwento c.Tagapagbalita d.Tagapagpatupad

_____40. Sino ang tumatayong guro sa di-pormal na sistema ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino?

a. Lolo at Lola b. Agurang c. Ruma Bichara d. Konseho ng Matatanda


_____41. Ang mga kabataang lalaki ay tinuturuan ng pakikipagdigma, paggawa ng armas, pagsasaka at iba
pa ng datu ng barangay.

a. Tama b. Mali

_____42. Alin ang HINDI gamit sa pagsusulat ng mga sinaunag Pilipino?

a. sipol b. palay c. balat ng puno d. dagta ng halaman

_____43. Ito ang tawag sa pinuno ng seremonya sa Animismo.

a. Obispo b. imam c. pari o madre d. babaylan o katalona

_____44. Paano ipinakikita ang pagpapahalaga sa kababaihan noong sinaunang lipunan?

a. Sila ang pinagkakatiwalaan sa kaayusan ng tirahan

b. Maaari silang sumama sa digmaan

c. Maaari silang magmana ng kapangyarihan sa pagiging datu

d. Sila ang nagsasaka, nagmimina at nangingisda para sa barangay

_____45. Kung ang Ama ang tagapagbigay ng pangangailangan ng pamilya, ano naman ang isa sa tungkulin
ng Ina?

a. Siya ang humahawak ng pera at inilalaan ito sa tamang pagkakagastusan

b. Siya ang amo ng mga alipin

c. Siya ay nasa nagnenegosyo

d. Siya ay hindi nakikialam sa mga usaping tungkol sa pera

_____46. Animismo - kweba, burol, gilid ng burol: Islam - ___________________

a. Moske b. Katedral c. Kapilya d. Simbahan

_____47. Aling dayuhan ang nagdala ng mangga, langka, sampagita at ampalaya sa Pilipinas?

a. Arabe b. Hindu c. Tsino d. Hapon

_____48. Alin ang HINDI paninilbihan ng lalaki sa babaeng kanyang gustong mapangasawa?

a. magsibak ng kahoy b. mag-igib ng tubig

c. maghabi ng tela d. mag-ayos ng sirang bakod

_____49. Bakit nakipag-ugnayan ang mga Pilipino sa mga dayuhang tulad ng mga Tsino, Arabe, Hindu at
Hapon?

a. Dahil sa pagsakop ng mga bansang ito

b. Dahil sa pakikipagkalakalan o barter

c. Dahil sa paglalakbay

d. Dahil sa pagpapalaganap ng relihiyon

_____50. Alin ang alpabeto ng sinaunang lipunan?

a. Austronesian b. Sanskrit c. Malay d. Baybayin

_____51. Ito ang patunay na may paraan ng paglilibing at paniniwala sa kabilang buhay ang sinaunang
Pilipino?

a. Butuan Boats b. Angono Petroglyphs c. Manunggul jar d. Butuan Ivory Seal


_____52.*Koran ang banal na aklat *Naitatag sa Mecca, Saudi Arabia *Ang ibig sabihin ay "pagsuko kay
Allah"

a. Paganismo o Animismo b. Budismo c. Islam d. Katolisismo

_____53. Aling uri ng tirahan ng sinaunang Pilipino ang magpapatunay na maraming Pilipino ang nakatira
malapit sa katubigan?

a. bahay-kubo b. silungan c. bangkang tirahan d. tirahan sa punungkahoy

_____54. Paano nawala ang mga dokumento at ebidensiya ng mga sulat at edukasyon ng sinaunang Pilipino?

a. Nasira ang mga ito nang magdigmaan ang mga mga barangay

b. Sinunog ito ng mga Espanyol nang sakupin nito ang Pilipinas

c. Itinago ito sa ilalim ng mga bundok

d. Tinapon ito ng mga dayuhan tulad ng Arabe, Tsino, Hapon at Hindu

_____55. Aling dayuhan ang nakaimpluwensiya sa Pilipinas ng paggamit ng payong, gong, seda (silk) at
porselana?

a. Tsino b. Arabe c. Hindu d. Hapon

_____56. Ito ang ibinibigay ng lalaki sa pamilya ng babae kung gusto niyang mapangasawa nito

a. posisyon sa barangay

b. dote o bigay-kaya

c. dokumento

d. kayamanan

_____57. Aling uri ng tirahan ng sinaunang Pilipino ang yari sa kahoy, kawayan, pawid at biniyak na
kawayan?

a. Silungan b. Tirahan sa Punongkahoy c. Bangkang Tirahan d. Bahay-kubo

_____58. Ito ang tawag sa sinaunang paaralan ng mga ninuno.

a. Unibersidad b. Eskwelahan c. Bothoan d. Agurang

_____59. Mayroong pormal na sistema ng edukasyon an gating mga ninuno.

a. tama b. mali c. walang tamang sagot

_____60. Saan matatagpuan ang tapayang panlibing na ebidensiya ng paniniwala sa paglilibing ng mga
sinaunang Pilipino?

a. Ormoc, Leyte b. Sto. Tomas, Batangas c. Manunggul, Palawan d. Coron, Palawan

You might also like