You are on page 1of 3

ST.

JOSEPH ELEMENTARY SCHOOL


UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA AP 5
Pangalan:_____________________________________________________Petsa:______________
Baitang at Pangkat:___________________________________________Guro:______________

WEEK 1
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
C______1. Ito ay ang modelo ng mundo o representasyon ng daigdig.
A. larawan B. Pilipinas C. globo D. lokasyon
A______2. Ano ang tawag sa imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang araw?
A. International Date Line B. Base Line
C. Green Line D. Spectral Line
B______3. Ang tawag sa patayong imahinasyong guhit sa globo.
A. globo B. meridian C. mapa D. iskala
B______4. Ang ay imahinasyong guhit na matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo, may pantay na layo mula sa
North Pole at South Pole.
A. longhitud B. ekwador C. latitude D. prime meridian
D______5. Ano ang tawag sa naghahati sa globo sa dalawang bahagi– ang silangang hating-globo at kanlurang
hating-globo?
A. longhitud B. ekwador C. latitude D. prime meridian
bonus_6. Siyentistang naghain ng teoryang nagmula ang kalupaan ng daigdig mula sa isang supercontinent.
A. Teorya ng Continental Drift B. Teorya ng Tulay na Lupa
C. Teorya ng Bulkanismo D. Teorya ng Tectonic Plate
A______7. Tawag sa super continent na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas.
A. Teorya ng Continental Drift B. Teorya ng Tulay na Lupa
C. Teorya ng Bulkanismo D. Teorya ng Tectonic Plate
D______8. Teoryang nagpapaliwanag sa paggalaw ng mga kalupaan.
A. Teorya ng Continental Drift B. Teorya ng Tulay na Lupa
C. Teorya ng Bulkanismo D. Teorya ng Tectonic Plate
D______9. Saan naaayon ang paniniwalang ang mundo ay nilikha ng Diyos.
A. Ayon sa Relihiyon B. Ayon sa Mito
C. Tectonic Plate D. Teorya ng Tulay na Lupa
______10. Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa pagputok ng mga bulkan sa paligid ng Pacific Basin.
A. Teorya ng Tulay na Lupa B. Ayon sa Mito
C. Teorya ng Bulkanismo D. Teorya ng Tictonic Plate
______11. Ang teoryang ito ay nagpapaliwanag na ang mga Pilipino ay mula sa isang malaking pangkat ng
sinaunang tao sa Timog- Silangang Asya.
A. Teoryang Bulkanismo B. Teorya ng Core Population
C. Teorya ng Austronesian Migration D. Teorya ng Wave Migration
______12. Ang paggawa ng kagamitang metal ay laganap noong panahon ng
A. paso B.paghahabi C. bagong bato D. lumang bato
______13. Ang kauna-unahang tao na nakarating sa Pilipinas ay ang mga
A. Indones B. Malay C. Austranesyano D. Ita
______14. Ang mga bato ay mahalaga sa panahon ng
A. pagtatanim B. pangangaso C. paghahabi D. paggawa ng paso
______15. Sino ang nagsasabi na ang ga Austronesian ang ninuno ng mga Pilipino?
A. Felipe Landa Jocano B. Peter Bellwood
C. Henry Otley Beyer D. Dr. Robert Fox
WEEK 2
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang._
______1. Ito ang tawag sa mga inukit na gintong barya na ginamit ng mga sinaunang Pilipino sa
pakikipagkalakalan.
a. piso b.kristal c. piloncitos d. tanso
ST. JOSEPH ELEMENTARY SCHOOL
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA AP 5
______2. Ito ang nagsasabi ng mga pangyayari noong nakaraang panahon, lalo na ang naging pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino.
a. salamin b. kasaysayan c. teorya d. arkeologo
______3. Ano ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino sa lugar kung saan may mahalagang metal na makukuha?
a. paninisid b. pagtotroso c. pagmimina d. paghahabi
______4. Ito ang mga pangunahing kagamitan sa pangingisda ng mga ninuno maliban sa isa. Alin dito?
a. lambat b. basket c. bingwit d. perlas
______5. Sa pakikipagkalakalan sa mga sinaunang Pilipino, madalas na iniiwan ng mga dayuhan ang kanilang
kalakal. Binabayaran sila sa kanilang pagbabalik pagkalipas ng ilang buwan. Anong magandang katangian ng
mga Pilipino ang ipinapakita nito?
a. matapat b. mapagtiis c. mabagal d. magastos
______6. Ilang pamilya ang bumubuo sa barangay?
a. 30 hanggang 100 b. 40 hanggang
c. 50 hanggang 150 d. 100 hanggang 150
______7. Alin sa sumusunod ang hindi tungkulin ng datu?
a. tagapagbatas b. tagapagpaganap
c. tagahukom d. tagasilbi
______8. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa magandang pag- uugnayan ng mga tao sa barangay?
a. pagtutulungan sa paggawa
b. pagdadamayan sa panahon ng kagipitan
c. sama-samang pagsasaya sa panahon ng tagumpay
d. pagtataguan ng mga sikreto
______9. Sino ang naghahatid ng bagong batas sa pamayanan?
a. umalohokan b. datu
c. konseho ng mga nakatatanda d. media
______10. Sino ang nagtatag ng unang sultanato sa Pilipinas at tumayo ring sultan?
a. Muhammad b. Sultan
c. Sharif Kabungsuan d. Sharif ul-Hashim

Tukuyin ang binibigyang-kahulugan sa sumusunod na mga pangungusap.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

kultura putong saya anito qu’ran

1. Tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng tao. _________________________


2. Ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim._________________________
3. Pang-ibabang damit ng sinaunang kababaihang Pilipino.________________
4. Kapirasong tela na ibinabalot sa ulo ng mga sinaunang kalalakihang Pilipino._________________.
5. Tawag sa espiritung nananahanan sa kalikasan._______________________
ST. JOSEPH ELEMENTARY SCHOOL
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA AP 5

You might also like