You are on page 1of 16

ARALIN 8

LAKAS NG LOOB KO,


GALING SA KAPWA KO
Sa Totoo Lang Po!
Kung nais mong maging isang mabuting
Tao
Maging tapat sa lahat ng ginagawa mo
Ipaalam at sabihin ang mga inaakala
Sa mga magulang at nakatatanda.

Sa totoo lang ang kasinungalingan


Ay isang kasalanan na di nahuhugasan
Nagsisilbing batik kahit kanino man
Kaya’t katahimikan ay di makakamtan.
Sa tatoo lang dapat kahit masakit
Sabihin natin ang dapat ipilit
Pagsasabi ng totoo ay isang prinsipyo
Na di mababayaran ng kahit na sino.

Sa totoo lang di dapat manloko


Pagkat tiwala ng tao ay walang presyo
Ang katapatan tuwina’y isa puso
Sa lahat ng oras at saan mang dako.
Upang sa paglaki, kamtin ay gantimpala.
Ipakita ang
katapatan sa
lahat ng
bagay
Sa isip, sa
. salita, at
maging sa
gawa
Maging
bahagi ng
buhay kahit
ikaw ay bata
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano ang nilalaman ng tula?

2. Bakit ito pinamagatang “Sa Totoo Lang Po”?

3. Ipaliwanag ang nilalaman ng bawat saknong.

4. Alin sa mga saknong ang iyong naibigan?bakit?

5. Magbigay ng mga halimbawa ng mga gawaing


nagpapakita ng katapatan.
ISAGAWA NATIN – IKALAWANG
ARAW
Gawain 1
1. Bigyan ng mga kasagutan ang mga sumusunod:
2. Mayroon kang isang kaibigan na may ugaling hindi marunong
magsauli ng hiniram na gamit.Paano mo tutulungang iwasto
ang kanyang pag-uugali?
3. Mahalaga saiyo ang pangako.Isang araw ay hiniling mo sa
isang kaibigan na ipagpaalam ka sa iyong guro sapagkat di ka
makakapasok sa paaralan.Nangako siya na gagawin ito.Pag
pasok mo ng Lunes ay nagulat ka sapagkat pinagsabihan ka
ng inyong guro dahil sa iyong pagliban.Ano ang iyong
gagawin sa pagkukulang ng iyong kaibigan?
4. Napapansin mo ng ilan sa inyong mga kapitbahay ay laging
nagsusugal at hindi pansin ang pag-aalaga ng mga anak.Ikaw
ay nasa ikalimang baiting lamang ngayon.Paano mo sasabihin
sa kanila ang iyong obserbasyon?
Gawain 2
 Magkaroon ng pangkatang gawain.Pumili ng lider.
 Gumuhit ng isang larawan na nag papakita ng katapatan sa
iyong kaibigan o kamag-aral.Lagyan ito ng salawikain sa ibaba
ng larawan at ibahagi sa kamag-aral.
Isapuso Natin
Ikatlong Araw
Nangongo
asal pya ng
pagsulat
takdang
aralin

Pagsunod
Pagtupad sa utos pagtulong
sa gawain

Pagsasabi Pag-awit Pag-aaral


ng totoo

PILIIN SA BAWAT PUSO ANG MGA GAWAING MAY


KAUGNAYAN SA KATAPATAN.SIPIIN AT KULAYAN ITO NG
PULA SA INYONG KUWADERNO
Paano ninyo maipakikita ang inyong lakas,katatagan, o tibay ng
loob sa harap ng maraming tao?

Tandaan Natin

Laging gumawa nang may


katapatan
Upang makaiwas sa kasalanan
Kapag nagsabi at gumawa ng
totoo
Maluwag ang kalooban at malinis
ang konsensya ng tao.
1. Ang Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa tuwing sumasapit ang buwan ng
Hulyo. Sa pamamagitan ng iyong guro, magkakaroon ng isang munting
palabas-tanging kakayahan. Maaaring gamiting lunsaran ibinigay ang
halimbawang palatuntunan.

2. Pumili ng gusto mong bahaging gagampanan sa palatuntunan. Isulat ang


iyong pangalan sa bahaging napili.

ISABUHAY NATIN- IKAAPAT NA ARAW


PALATUNTUNAN Natatanging Bilang
Pambungad na Panalangin

Pambansang Awit
Pangwakas na Pananalita

Mensahe ng Punongguro
Pangwakas na Panalangin

Pagkatapos ng palabas, itanong sa sarili/pangkat ang:


Naging masaya ba ako/kami sa aking/aming ipinakita at
ibinahaging Gawain/talento/kakayahan sa aming
palabas?
Papaano ko inalis ang kaba sa aking mga ipinakitang
talent sa palabas?
SUBUKIN NATIN- IKALIMANG ARAW
SA SAGUTANG PAPEL, LAGYAN NG KAUKULANG TSEK ( ) ANG PINANINIWALAANG
PAHAYAG

MGA PAHAYAG TAMA MALI


1. Sinasabi ko ang katotohanan kahit na akoy
maparusahan.
2. Ako’y takot magsabi ng katotohanan dahil
maraming magagalit sa akin.
3. Ang lakas ng aking loob at katatagan ay aking
ginagamit sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga
mungkahi at paalala mula sa aking kapuwa.
4. Hindi ako nahihiyang ipakita na magaling ako sa
anumang bagay kaya ayokong pinipintasan ang
akong mga ginagawa.
5. Nakauunawa ako kapag itinatama ng mga tao ang
akong mga nagawang mali dahil mapabubuti at
maipakikita ko ang aking natatanging kakayahan.
ANG KATATAGAN AT LAKAS NG LOOB AY
NABIGYAN NG KATUPARAN SA IYONG
SARILI. HUMAYO KA AT IPAKITA ANG MGA
ITO GAMIT ANG NATUTUHAN MO SA
IYONG BUHAY.
BINABATI KITA! HANDA KA NA SA
SUSUNOD NA ARALIN DAHIL NASA IYO NA
ANG KATATAGAN UPANG LABANAN ANG
MGA PAGSUBOK SA PAG-AARAL.

You might also like