You are on page 1of 49

ESP

Name of Teacher
Panimulang
Panalangin
Sa gitna ng Pandemya
Mahal naming Panginoon,
Salamat po sa panibagong
araw na ito.
Salamat po sa pagkakataong
kami ay matuto sa sa kabila
ng kinakaharap namin na
pandemya.
Salamat po sa pag-gabay sa
amin
at sa aming mga mahal sa
buhay.
Patuloy po ninyo kaming
ingatan
ganun din ang aming pamilya.
Iligtas po ninyo sa
kapahamakan
ang aming mga kamag-aral at
guro.
Gabayan po ninyo ang aming
mga isipan
upang maunawaan ng lubos
ang aming mga aralin.
Dalangin po namin na
malampasan ang mga
pagsubok na ito.
AMEN.
YUNIT II ARALIN 2
PUNA AT MUNGKAHI MO,
TANGGAP KO
Layunin
Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at
kilos ng kapuwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapuwa
nang maluwag sa kalooban
Walang perpektong tao sa
mundong ito. Lahat tayo ay may
kahinaan at kakayahan, subalit
magkakaiba ang pagtanggap ng tao sa
kanilang mga kahinaan.
Paano ba ang tamang
pagtanggap ng kahinaan lalo na kung
maraming natatanggap na mungkahi
at puna sa iyong kakayahan at
kasanayan?
Day 1
Alamin Natin
Basahin at Gawin
Punaypay( Puna at Pamaypay)
1. Kumuha ng isang buong papel at
itupi ito nang sampu na parang
pamaypay. Isulat ang iyong
pangalan sa unang tupi.
2. Kapag narinig ang musika,
ipapasa ang iyong papel.
3. Kapag huminto ang musika, susulatan
mo ang isang tupi ng papel na hawak mo ng
isang salitang naglalarawan sa may-ari ng
papel. Maaari mong ilarawan ang pisikal na
anyo at ang ugali ng may-ari ng papel.
Siguraduhin mo lamang na tama ang
paglalarawan mo sa kaniya. Huwag mong
isusulat ang iyong pangalan.
4. Ipapasang muli ang papel kapag
tumugtog ang musika at uulitin ang
proseso nang siyam na beses hanggang
sa masulatan ang bawat tiklop ng papel.
5. Kapag natapos ang musika,
kokolektahin ng guro ang mga papel
upang ibigay sa may-ari nito.
Basahin ang isinulat ng iyong kaklase. Gamit
ang iyong kuwaderno, gumuhit ng dalawang
kahon at isulat kung paano ka inilarawan ng
iyong mga kaklase.
Magandang Puna Hindi magandang Puna
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Saan mas maraming
naisulat na puna ang
iyong kaklase? Sa iyong
palagay, bakit mas
marami ang nagbigay sa
iyo ng ganitong puna?
Ano ang naramdaman
mo nang mabasa mo
ang hindi magandang
puna sa iyo?
Day 2
Isagawa Natin
Isagawa Natin

Gawain 1 Tumalon ka sa tuwa nang


sabihin sa iyong nakapasa ka sa
audition ng “Birit Bulilit.”Puspusan
kang nag-ensayo upang makuha mo
ang magandang puna ng mga hurado
at magtaas ng pulang panyo tanda
ng paghanga.
Isagawa Natin
Dumating ang oras ng iyong
Gawain 1 pagtatanghal sa nasabing paligsahan.
Bumirit ka ng buong husay subalit
natapos ang iyong awit na walang
hurado ang nagtaas ng pulang
panyo. Sa halip na pula ay asul ang
kanilang itinaas tanda ng iyong
pagkabigo.
Isagawa Natin
Sabi ng unang hurado na si
Gawain 1 Piolo Valdez, kulang ka raw sa sigla.
Ang puna naman ng ikalawang
hurado na si Carmi Salcedo, may
mga nota na hindi mo naabot. Sinabi
ng ikatlong huradong si Kath Padilla,
kulang ka raw sa pagbibigay ng
damdamin sa awit.
1. Ano ang iyong reaksiyon nang
marinig mo ang puna ng mga
hurado? Paano mo tinanggap
ang mga puna?
2. Bakit kaya sa palagay mo ay
negatibo ang natanggap mong
mga puna?
3. Sa iyong palagay, ano ang iyong
naging pagkukulang?
4. Ano naman ang iyong gagawin
upang sa susunod na paligsahan ay
positibong puna ang iyong matanggap?
5. Isa-isahin ang iyong maaaring
kakulangan na naging sanhi para hindi
ka manalo sa paligsahan. Ilagay ito sa
graphic organizer at ilagay mo rin ang
mga dapat gawin upang makatanggap
ng positibong puna.
Mga dapat kong gawin
Ang aking kakulangan: upang mas mapabuti ang
aking kakayahan:
1.
1.
2.
2.
3.
3.
Gawain 2
May inilunsad na patimpalak ang Supreme
Pupil Government o SPG sa inyong paaralan.
Ito ay tinawag nilang “Pagpapahalaga sa Class
Home Ko.”
Bubuo kayo ng apat na pangkat upang
makagawa ng plano kung paano ninyo
mapagaganda ang inyong silid-aralan para
manalo sa paligsahan. Layunin ng paligsahan na
maging sentro ng bawat silid-aralan ang
Pagpapahalaga o Values.
Gawain 2 Ang inyong plano ay maaaring iguhit sa
kartolina. Bibigyan kayo ng limang araw upang
mapag-usapang mabuti at mapaganda ang inyong
plano.
Bawat pangkat ay bibigyan ng pagkakataon
upang maipaliwanag sa hurado ang nilalaman ng
plano. Ang hurado ay binubuo ng SPG, mga
Guidance Counselor, at kinatawan ng samahan ng
mga magulang. Bibigyan ng puna ang inyong
nagawang plano batay sa pamantayang ibibigay ng
guro. Isulat ninyo ang lahat ng magiging puna at
mungkahi na ibibigay ng bawat hurado.
Gawain 2
1. Ano ang inyong gagawin
kung hindi mapili ang
inyong ginawang plano
para sa inyong silid-
aralan?
2. Paano ninyo tatanggapin
ang puna ng mga hurado?
Day 3
Isapuso Natin
Gawain 2
Magpasiya ka!
Suriin ang mga sitwasyon.
Pangarap mong maging modelo sa iyong
paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga
paligsahan sa inyong paaralan at
komunidad. Gayon pa man, madalas
mong marinig na may pumipintas sa iyo.
Ano ang iyong gagawin?
Gawain 2

May bago kang kaklase


galing sa malayong
probinsiya. Nalaman mong
pinipintasan ito ng mga
kaklase mo. Ano ang
sasabihin mo sa kanila?
Gawain 2

Napaunlad mo ang iyong


angking kakayahan sa pagguhit.
Marami ang humahanga sa iyo
sapagkat madalas kang manalo
sa mga paligsahan. Ano ang
iyong sinasabi sa mga
nagbibigay sa iyo ng mga
papuri?
Gawain 2

Madalas kang kumanta


sapagkat hilig mo rin ito.
Sinigawan ka ng inyong
kapitbahay. Hindi raw
maganda ang boses mo.
Mapipikon ka ba?
Gawain 2

Binabatikos ka dahil sa
isang pagkakamaling
nagawa mo. Paano mo
haharapin ang mga
pumupuna sa iyo?
Tandaan Natin

Likas sa tao ang magbigay ng puna o papuri sa kilos,


ugali, at pisikal na anyo ng kaniyang kapuwa. May mga
pagkakataong hindi natin namamalayan na nakasasakit
na tayo ng damdamin ng ating kapuwa dahil sa mga
ibinibigay nating puna at pintas.
Paano ba tatanggapin ang mga puna nang maluwag sa
ating kalooban? May mga paraan na makatutulong sa
isang batang tulad mo upang higit na mapaunlad ang
sarili sa kabila ng maraming puna na iyong
natatanggap.
Tandaan Natin
Ang isang tao ay maaaring matuto mula sa kaniyang
kapuwa. Samakatuwid, maaari mong ituring na bagong
impormasyon ang natanggap mong puna at magagamit
mo ito upang higit na mapagbuti ang iyong mga
gawain at kilos.
Ang sumusunod na pamaraan ay makatutulong sa iyo
upang higit na mapamahalaan mo ang iyong sarili at
makamit ang layunin sa buhay:
• Pakinggan ang sinasabi ng kapuwa mo, subalit
timbangin mo kung ano ang magiging bunga kung
ito ay iyong susundin o hindi.
Tandaan Natin
• Magkaroon ng positibong pananaw sa mga bagay
na nangyayari sa iyo at sa iyong paligid.
• Alamin kung ano-ano ang nais mo sa buhay at
dito ituon ang iyong pansin.
• Gawing inspirasyon sa iyong ginagawa ang
iyong pamilya, mga kaibigan at higit sa lahat
magkaroon ng matibay na paniniwala sa Diyos.
• Maging mabuting halimbawa sa iyong kapuwa sa
pagbibigay ng puna at papuri.
Tandaan Natin

• Sumali sa mga gawaing pampaaralan (extra-


curricular activities) upang magkaroon ng
maraming kaibigan at makakuha ng bagong
impormasyon.
• Isipin lagi na ang papuri at puna ay makatutulong
sa pagkilala natin sa ating sarili at upang
magkaroon ng pagbabago at pag-unlad sa iyong
mga ginagawa.
Tandaan Natin
Ang pagsusuri sa mga puna ay makatutulong
upang matanggap ang mga ito nang maluwag sa
kalooban at hindi maging sanhi ng kawalan ng
tiwala sa sariling kakayahan.
Sa iyong paglaki ay marami kang maririnig na
mga puna at papuri sa iyong ginagawa. Ang
mahinahong pagtanggap sa mga ito ay
makatutulong upang higit na maunawaan ang
damdamin ng kapuwa at higit na mapaunlad ang
sarili.
Day 4
Isabuhay Natin
Bumuo ng apat na pangkat. Gamitin ang
inyong pagkamalikhain upang
makapagsadula ng isang bahagi ng buhay
ni Manuel L. Quezon, ang ama ng Wikang
Filipino. Bibigyan ang bawat pangkat ng
pagkakataong makapagbigay ng puna o
papuri sa presentasyon. Sundin ang gabay
sa ibaba sa pagbibigay ng puna at papuri.
A. Pagbibigay ng puna
Isulat ang inyong mga puna sa ikalawa at ikatlong
hanay. Gawin ito sa kuwaderno.
Pangkat na Negatibong Puna Positibong Puna
nagtatanghal

1.

2.

3.
B. Pagtanggap ng puna
Ayon sa natanggap na puna ng inyong pangkat, paano
ninyo tatangapin ang mga ito? Gawin ito sa kuwaderno.

Natanggap na Puna Paraan ng Pagtanggap sa


mga Puna
Day 5
Subukin Natin
Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung sa
palagay mo ay tama ang mga salitang ginamit sa pagtanggap
ng mga puna. Iguhit ang malungkot
na mukha kung hindi ka sang-ayon sa mga salitang ginamit
sa pagtanggap ng mga puna. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

___1. Salamat sa pagpuna mo,susundin ko ang iyong payo.


___2. Wala kang pakialam.
___3. Kunwari lang naman yan na tutulong para mapaganda
ang proyekto ko,alam ko naiinggit lang yan.
___4. Mabuti at napansin mong malaki sa ang damit ko.
___5. Ayos lang sa akin ang puna mo, mabuti nga at
mababago ko.
___6. Alam kong para sa kabutihan ko ang puna mo.
____7. Magaling ako kaya di ko kailangan ang puna
mo.
____8. Basta ito ang gusto ko, kaya hindi ko pwedeng
baguhin.
____9. Mabuti na lang napuna mo ang mali bago ko
naipasa.
____10.Matagal ko na itong alam kaya hindi ko na
papansinin ang sinsabi mo.
Mas marami ang naiguhit kong
masayang mukha dahil _______.
Iginuhit ko ang malungkot na
mukha dahil __________.
Binabati kita! Ngayon ay
may positibo ka nang
pagtanggap sa mga
punang ibinibigay sa iyo
ng iyong kapuwa!

You might also like