You are on page 1of 30

Lakas ng Loob

Ko, Galing sa
Kapwa Ko
Alamin Natin
Unang Araw
Alam mo ba na.......
Ang pagsasabi ng
tapat ay susi sa
pagiging taong may
pusong wagas.
Sa Totoo Lang Po!
Kung nais mong maging
isang mabuting Tao
Naging tapat sa lahat ng
ginagawa
Ipaalam at sabihin ang
mga inaakala
Sa mga magulang at
nakatatanda.
Sa totoo lang ang
kasinungalingan
Ay isang kasalanan
na di nahuhugasan
Nagsisilbing batik kahit
kanino man
Kaya’t katahimikan ay
di makakamtan.
Sa tatoo lang dapat kahit
masakit
Sabihin natin ang dapat ipilit
Pagsasabi ng totoo ay isang
prinsipyo
Na di mababayaran ng kahit
na sino.
Sa totoo lang di
dapat manloko
Pagkat tiwala ng
tao ay walang
presyo
Ang katapatan
tuwina’y isa puso
Sa lahat ng oras at
saan mang dako.
Ipakita ang katapatan sa
lahat ng bagay
Sa isip, sa salita, at maging
sa gawa
Maging bahagi ng buhay
kahit ikaw ay bata
Upang sa paglaki, kamtin
ay gantimpala.
1. Ano ang nilalaman ng tula?
2. Bakit ito pinamagatang “Sa
Totoo Lang Po”?
3. Ipaliwanag ang nilalaman ng
bawat saknong.
4. Alin sa mga saknong ang iyong
naibigan?bakit?
5. Magbigay ng mga halimbawa ng
mga gawaing nagpapakita ng
katapatan.
Isagawa Natin
Ikalawang
Araw
Gawain 1
Bigyan ng mga
kasagutan ang mga
sumusunod:
1. Mayroon kang isang
kaibigan na may ugaling
hindi marunong magsauli
ng hiniram na gamit.
Paano mo tutulungang
iwasto ang kanyang pag-
uugali?
2. Mahalaga saiyo ang pangako.Isang
araw ay hiniling mo sa isang kaibigan
na ipagpaalam ka sa iyong guro
sapagkat di ka makakapasok sa
paaralan.Nangako siya na gagawin
ito.Pag pasok mo ng Lunes ay nagulat
ka sapagkat pinagsabihan ka ng
inyong guro dahil sa iyong
pagliban.Ano ang iyong gagawin sa
pagkukulang ng iyong kaibigan?
3. Napapansin mo ng ilan sa
inyong mga kapitbahay ay
laging nagsusugal at hindi
pansin ang pag-aalaga ng mga
anak. Ikaw ay nasa ikalimang
baiting lamang ngayon. Paano
mo sasabihin sa kanila ang iyong
obserbasyon?
Gawain 2
1. Magkaroon ng pangkatang
gawain.Pumili ng lider.
2. Gumuhit ng isang larawan na
nag papakita ng katapatan sa
iyong kaibigan o kamag-aral.
Lagyan ito ng salawikain sa
ibaba ng larawan at ibahagi sa
kamag-aral.
Isapuso Natin
Ikatlong Araw
1. Piliin sa bawat puso ang
mga gawaing may
kaugnayan sa katapatan.
Sipiin at kulayan ito ng pula
sa inyong kuwaderno
pagsulat
asal
pag aaral

nangongopya
ng takdang
aralin pagtulong
pagsunod
sa utos
Pagtupad
sa
gawain
Pag- Pagsasabi
awit ng totoo

pagdadasal
2. Paano ninyo
maipakikita ang
inyong lakas,
katatagan, o tibay ng
loob sa harap ng
maraming tao?
Tandaan Natin
Laging gumawa nang may
katapatan
Upang makaiwas sa kasalanan
Kapag nagsabi at gumawa ng
totoo
Maluwag ang kalooban at
malinis ang konsensya ng tao.
Isabuhay
Natin
Ikaapat
na Araw
1. Ang Buwan ng Nutrisyon ay
isinasagawa tuwing sumasapit ang
buwan ng Hulyo. Sa pamamagitan
ng iyong guro, magkakaroon ng
isang munting palabas-tanging
kakayahan. Maaaring gamiting
lunsaran ibinigay ang halimbawang
palatuntunan.
2. Pumili ng gusto mong bahaging
gagampanan sa palatuntunan.
Isulat ang iyong pangalan sa
bahaging napili.
PALATUNTUNAN
Pambungad na Panalangin

Pambansang Awit

Mensahe ng Punongguro
Mga Natatanging Bilang

Pangwakas na Pananalita

Pangwakas na Panalangin
3. Pagkatapos ng palabas, itanong sa
sarili/pangkat ang:
A. Naging masaya ba ako/kami sa
aking/aming ipinakita at ibinahaging
Gawain/talento/kakayahan sa aming
palabas?
B. Papaano ko inalis ang kaba sa aking
mga ipinakitang talent sa palabas?
Subukin Natin
Ikalimang Araw
Sa sagutang papel, lagyan ng
kaukulang tsek ( √ ) ang
pinaniniwalaang pahayag.
MGA PAHAYAG
TA MA
MA LI
1. Sinasabi ko ang
katotohanan kahit na
akoy maparusahan.
2. Ako’y takot magsabi
ng katotohanan dahil
maraming magagalit sa
akin.
MGA PAHAYAG
TA MA
MA LI
3. Ang lakas ng aking
loob at katatagan ay
aking ginagamit sa
pamamagitan ng
pagtanggap ng mga
mungkahi at paalala
mula sa aking kapuwa.
MGA PAHAYAG
TA MA
MA LI
4. Hindi ako nahihiyang
ipakita na magaling ako
sa anumang bagay kaya
ayokong pinipintasan
ang akong mga
ginagawa.
MGA PAHAYAG
TA MA
MA LI
5. Nakauunawa ako
kapag itinatama ng mga
tao ang akong mga
nagawang mali dahil
mapabubuti at
maipakikita ko ang
aking natatanging
kakayahan.
Ang katatagan at lakas ng loob
ay nabigyan ng katuparan sa iyong
sarili. Humayo ka at ipakita ang mga
ito gamit ang natutuhan mo sa iyong
buhay.
Binabati kita! Handa ka na sa
susunod na aralin dahil nasa iyo na ang
katatagan upang labanan ang mga
pagsubok sa pag-aaral.

You might also like