You are on page 1of 23

Kapwa Ko,

Pagmamalasakitan Ko
Genelene B. Fernandez
Alamin Natin
UNANG ARAW
• Ang pagmamalasakit sa
kapwa ay nagpapatibay ng
pagsasamahan at
pagkakaibigan.
Isagawa Natin
IKALAWANG ARAW
Suriin ang larawan. Gumawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kapwa at kung paano ang pagtulong ay naging daan sa
pagkakaibigan.
• Alalahanin ang iyong mga karanasan.
Mayroon ka bang naging karanasan na
katulad sa ginawa ng mga bata? Saan ito
nangyari? Anong tulong ang iyong ginawa?
Ano ang naidulot nito sa iyo?
• Ano-ano ang maaari ninyong gawing
magkakaibigan upang makatulong sa
kapwa?
• Paano makatutulong ang gawaing iyon
upang mapanatili ang inyong pagkaka-
ibigan.
Isapuso Natin
IKATLONG ARAW
1. Anong proyekto ang napagkasunduang
isagawa ng Needlecraft Club?
2. Paano nila nagawang tulungan ang mga
batang lansangan?
3. Naranasan mo na rin bang makilahok sa
ganitong uri ng gawain? Ilahad ang
pangyayaring ito.
4. Paano pa tayo maaaring makatulong? Sa
paanong paraan ito magiging daan sa
pakikipagkaibigan?
Isabuhay Natin
IKAAPAT NA ARAW
A .Basahin ang sitwasyon. Pagkatapos, isulat sa kwaderno kung dapat gawin
ang isinasaad sa bawat bilang at bakit. Ibahagi sa klase ang iyong sagot.

1. Walang pasok sa araw ng Lunes dahil


Pambansang Araw ng mga Bayani.
Maghapong maglalaro ng kompyuter games
ang magkakaibigan.
2. Isang programa ang inihahanda para sa
matatanda na nakatira sa Golden Sun Senior
Residence. Ito ay bilang pagtatapos ng
gawain ng inyong barangay. Iniimbitahan ka
ng iyong mga kaibigan
na sumama.
3. May isa kang kapitbahay na madalas na
pumupunta sa inyo upang humingi ng pagkain.
Madalas, nakikita mo siyang umuupo lang sa
inyong sala at walang ginagawa.
4. Biktima ng sunog na puminsala sa maraming
ari-arian noong linggong nagdaan ng ilan sa
iyong mga kaibigan. Naglunsad ng isang
proyekto ang inyong club para tulungan sila.
Kailangan mong magbahay-bahay para
mangalap ng donasyon. Kailangan mong
kumatok sa mga pintuan ng mga kakilala
at di kakilala. Nahihiya kang gawin ito.
5. Kabilang ka sa isang pangkat ng mga
mananayaw. Nakita mong nakapaskil sa
bulletin board ng paaralan ang paligsahan sa
pagsayaw na inorganisa ng lokal na
pamahalaan. Kung sakali, maaaring maging
daan ang paligsahang ito sa pagsikat ng
pangkat na magwawagi.
B. Basahin ang balita sa ibaba. Pag-usapan ng bawat pangkat kung paanong
nagmamalasakit ang ahensya sa mga batang Pilipino na may tuberkulosis.
Tuklasin din kung paano ang pagtulong ay naging daan sa pakikipagkaibigan.
C. Buuin ang dayalogo ng mga tauhan. Pag-aralan at humandang isadula sa
klase.

Halina at Magsama-Sama
Mga Tauhan : Magkakaibigan
Tagpuan : Sa paaralan
Isang araw sa silid-aralan paaralan…
Ivy : Kanina ko pa napapansin na tila malalim
ang iniisip ni Princess. Siguro ________________.
Dexter: Sa palagay ko nangangailangan siya ng
tulong. Ano kaya kung ___________________.
Venice: Halika, lapitan natin siya _______.
Princess: Nalulungkot kasi ako, wala kasi
akong kapangkat sa gawain natin na
pagsasagawa ng panayam sa barangay. Maaari
bang ___________________________________.
Mary Kate : Yun lang ba? Madali lang yan. Di
ba mga kasama? Simulan natin ang ating
gagawin sa _________________________________.
Princess : Maraming salamat sa inyo mga
bago kong kaibigan ____________________________.
Isiping Mabuti
Kasali ka ba sa isang club? Ano-
ano ang inyong mga gawain?
Kung hindi ka kasali sa isang
club, anung club naman ang nais
mong salihan? Anong mga
gawain ang nais mong gawin at
ano ang layunin mo sa pagsali?
Subukin Natin
IKALIMANG ARAW
A. Pangkatang Gawain. Pag-usapan kung anong proyekto ang
maaari ninyong gawin upang makatulong sa iba.

____________________
Pangalan ng Proyekto
I. Mga Layunin
A. ________________
B. _______________
C. _______________

II. Kalahok sa Proyekto


A . ________________
B . ________________
C . ________________
III. Mga Gawain Para sa Proyekto
A. ________________
B. _______________
C. _______________
IV. Mga Kakailanganin
A . ________________
B . ________________
C . ________________
V. Ebalwasyon
VI. Rekomendasyon
Repleksyon
• Magsaliksik ng isang awit tungkol sa
pagkakaibigan. Isulat ang liriko nito sa
iyong journal. Humandang ibahagi ito sa
klase.

You might also like