You are on page 1of 8

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN V
Pangalan:________________________________________ Iskor: ________________
Baitang:_________________ Petsa:________________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang Pilipinas ay tinatawag na archipelago dahil binubuo ito ng___.
a. isang malaking pulo c. malalaking pulo lamang
b. maliliit na pulo lamang d. maliliit at malalaking pulo

2. Ang Pilipinas ay bansang kasapi ng kontinente ng Asya. Sa anong rehiyon ito nabibilang?
a. Timog Asya c. Timog Kanlurang Asya
b. Timog-Silangang Asya d. Timog Hilagang Asya

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang bansang Pilipinas ay nasa estratehiyang lokasyon?
a. dahil napapalibutan ito ng iba’t-ibang anyong tubig at ng mga bansang Asyano
b. dahil mainam ang bansa na pagdaraos ng mga pagpupulong.
c. dahil sa nag-iisa itong bansang archipelago
d. dahil madali itong marating

4.Paano mo matutukoy ang tiyak ng lokasyon ng isang lugar?


a.Sa pamamagitan ng latitud at longhitud.
b.Sa pamamagitan ng paggamit ng eskala.
c.Sa pamamagitan ng paggamit ng sinaunang mapa.
d.Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga karatig na lugar gamit ang direksyon.

5.Bakit tinawag ang Pilipinas na bansang tropikal at may klimang tropical?


a.Dahil sa lokasyon nitong matatagpuan sa mababang latitude.
b.Dahil ang Pilipinas ay nasa kabilugang Artiko kung saan bihira ang pag-ulan
c.Dahil ang Pilipinas ay nasa tropiko ng kaprikorn kaya mainit talaga ang panahon
d. Dahil ang Pilipinas ay nakararanas lamang ng isang panahon.

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na may di mabuting kaugnayan ang lokasyon
ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan nito.
a. mabagal ang transportasyon at komunikasyon dahil sa pagiging kapuluan ng Pilipinas.
b. maraming turista ang naaakit na bumisita sa ating bansa.
c. sagana ang ating bansa sa mga likas na yaman.
d. magandang ruta at sentro ng kalakalan
7.Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay magpaliwanag ng
sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?
a.mitolohiya c.sitwasyon
b.relihiyon d.teorya
8. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng
karagatan
a. Teorya ng Tulay na lupa c. Teorya na Continental drift
b. Teorya ng Ebolusyon d. Teorya ng Bulkanismo

9. Paano nabuo ang Pilipinas ayon sa Teorya ng Continental Drift?


a. Dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa, mula sa isang malaking tipak ng lupa na tinatawag na Pangaea ay
nahati ito sa kasalukuyang itsura nito at isa ang Pilipinas sa nahiwalay sa malalaking tipak ng lupang ito.
b. Dahil sa mga tumigas na magma o lava na lumabas sa mga bulkan sa ilalim ng dagat at umusbong
hanggang sa tuluyang makabuo ng mga isla
c. Dahil sa pagkatunaw ng mga yelo dahilan ng paglubog ng mga tulay na lupa.
d. Dahil sa mga pagkaubos ng mga bundok na ginawang sakahan.

10. Paano nabuo ang Pilipinas ayon sa Teorya ng Bulkanismo?


a.Dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa, mula sa isang malaking tipak ng lupa na tinatawag na Pangaea ay
nahati ito sa kasalukuyang itsura nito at isa ang Pilipinas sa nahiwalay sa malalaking tipak ng lupang ito.
b.Dahil sa mga tumigas na magma o lava na lumabas sa mga bulkan sa ilalim ng dagat at umusbong
hanggang sa tuluyang makabuo ng mga isla
c.Dahil sa pagkatunaw ng mga yelo dahilan ng paglubog ng mga tulay na lupa.
d.Dahil sa mga pagkaubos ng mga bundok na ginawang sakahan.

11. Paano nabuo ang Pilipinas ayon sa Teorya ng Tulay na Lupa?


a.Dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa, mula sa isang malaking tipak ng lupa na tinatawag na Pangaea ay
nahati ito sa kasalukuyang itsura nito at isa ang Pilipinas sa nahiwalay sa malalaking tipak ng lupang ito.
b.Dahil sa mga tumigas na magma o lava na lumabas sa mga bulkan sa ilalim ng dagat at umusbong
hanggang sa tuluyang makabuo ng mga isla
c.Dahil sa pagkatunaw ng mga yelo dahilan ng paglubog ng mga tulay na lupa.
d.Dahil sa mga pagkaubos ng mga bundok na ginawang sakahan.

12. Maraming bulkan sa Pilipinas. Humigit kumulang sa 22 sa mga ito at aktibong sumasabog .Paano mo
magagamit ang kaalaman mo tungkol sa kaligtasan ng iyong pamilya?
a.Nakapaghahanda sa mga posibleng panganib na dulot nito
b.Nakagagawa ng mga plano upang mapasyahan ang mga ito
c.Naging tourist attraction ang mga ito
d.Sisikaping tumira sa ibang bansang walang bulkan

13. Ito ay tumutukoy sa salitang Austronesian o Austronesyano na ang kahulugan ay tao mula sa timog.
a. Indones c. Nusantao
b. Malayo d. Polynesian

14.Ang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon sa relihiyon?


a. Babaylan c. Lakan
b. Diyos o Bathala d. Datu

15. Ayon sa relihiyong Kristiyano at Islam, nilikha ng Diyos o Allah ang unang dalawang tao na sina
__________.
a. Adan at Eba c. David at Ester
b. Abraham at Sarah d. Samson at Delilah

16.Paano natukoy ng mga eksperto na mayroon nang mga sinaunang tao ang nanirahan sa Pilipinas daang
taon na ang nakalipas?
a.Base sa mga bibliya
b.Base sa mga kwento ng matatanda
c.Base sa natagpuang aklat na nahukay sa Sierra Madre
d.Base sa mga natagpuang labi ng tao, hayop, at kagamitan.

17. Sila ay naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni Melu, na kanilang
Diyos.
a. Badjao c. Igorot
b. Bagobo d. Manobo

18. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang teorya ng Austronesyano?
a. Ang pagkakatulad ng klima saTimog-Silangang Asya at sa Pasipiko
b. Ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
c. Ang pagkakatulad ng kaugalian sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
d. Ang pagkakatulad ng wikang gamit sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko

19. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong
magaspang?
a. Panahong Neolitiko c. Maagang Panahon ng Metal
b. Panahong Paleolitiko d. Maunlad na Panahon ng Metal
20. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?
a. tumira sa mga yungib c. mangaso at mangangalap ng pagkain
b. magsaka at mag-alaga nga hayop d. gumamit ng mga tinapyas na bato na magaspang
21. Nangisda ang mga ninuno sa mga karagatan at ilog, nagsaka sa kapatagan at
kabundukan. Ang paghuhuli ng baboy ramo ay sa ______.
a. tabing dagat c. kapatagan
b. kagubatan d. kaparangan

22. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
a. Alipin c. maginoo o datu
b. Timawa d. Manggagawa

23. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika?
a. Bagani c. Pulis
b. Bayani d. Sundalo

24. Noong sinaunang panahon ang isang banwa o barangay ay pinamumunuan ng isang Raja o Datu, sa
kasalukuyang panahon ano ang tawag sa namumuno sa isang barangay?
a.Pangulo c.Alkalde
b.Gobernador d.Kapitan

25.Anong paraan ng pagsasaka ang nililinis at sinusunog muna ang burol bago taniman?
a. pag-aararo c. pagkakakaingin
b. Pagbabakod d. pagnarnarseri

26. Alin sa mga sumusunod ang HINDI hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
a. pagsasaka c. pangangaso
b. pangingisda d. pagiging katulong sa ibang bansa

27. Naging tanyag ang mga Pilipino noon dahil sa mga gawaing ito maliban sa isa. Ano ito?
a. pagpapalayok c. paggawa ng sasakyang pandagat
b. paghahabi d. paggawa ng kasangkapang elektroniks

28. Ano ang tawag sa sistema ng pakikipagkalakalan noong pre-kolonyal?


a. barter c. open trade
b. komunismo d. sosyalismo

29. Anong bansa ang HINDI tuwirang nakipagkalakalan sa Pilipinas noon?


a. China c. Indonesia
b. India d. Saudi Arabia

30. Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng mga sandata mula sa
bakal, ano ang tawag sayo?
a. Karpentero c. mason
b. latero d. panday

31.Ano ang gingawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at awayan?
a. nagkaroon sila ng isang paligsahan
b. kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
c. sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu
d. nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugo

32.Anong mga kasangkapan ang pinapabaon ng mga sinaunang Filipino sa kanilang mga yumao upang ito
ay magamit nila sa kabilang buhay.
a. Langis at palamuti c. Halaman at tubig
b. Banga at tubig d. Seramika at palamuti

33. Bakit sinasabing matatapang ang mga lalaking maraming tattoo noong sinaunang panahon?
a. Ito ay kumakatawan sa bilang ng kalabang napatay sa pakikidigma
b.Ito ay kumakatawan sa kakayanan niyang makita ang mangyayari sa hinaharap.
c..Ito ay kumakatawan sa bilang ng kanyang nahuling hayop sa pangangaso
d.Ito ay kumakatawan sa dami ng espiritung sumanib sa kanya

34.Alin sa mga sumusunod ang HINDI inihahanda ng pamilya para sa kanilang miyembro na yumao at
ililibing?
a. paglilinis sa katawan c. pagbibihis ng magarang kasuotan
b. pagpapadala ng pera at pagkain d. paglalagay ng paglalangis sa katawan

35.May natagpuang isang banga sa Kweba ng Manunggul at naglalaman ito ng labi ng tao? Paano nagkasya
ang labi ng tao sa isang banga na kasing taas lang ng tuhod ng isang tao?
a.Sinunog ang labi
b.Pinira-piraso ang labi ng namatay
c.Pinilit ipasok sa banga ang labi ng namatay
d.Ito ay pangalawang paraan ng paglilibing. Matapos ilibing sa lupa at maagnas ang katawan ay huhukaying
muli ang mga buto at ililipat sa banga na dadalhin sa loob ng isang kweba.

36.Sa kasalukuyang panahon, paano nagagamit ang mga banga bilang isang libingan?
a.Sa pamamagitan ng cremation at inilalagay ang abo sa isang banga o urn at ilalagay sa columbarium.
b.Pinuputol ang katawan at ilalagay sa banga at ilalagay sa punongkahoy
c.Hinihintay rin na mabulok sa lupa at huhukayin at ilalagay rin sa kweba
d.Hindi gumagamit ng banga sa kasalukuyang panahon

37.Ito ay isa sa limang haligi ng Islam ang Limang beses na pagdarasal sa loob ng isang araw na nakaharap
sa Mecca. Ang masjd o moske ang gusaling pinupuntahan upang doon mag-ukol ng pagsamba o kaya mag-
aral ng Koran.
a.Shahada c.Pag-aayuno
b.Salat d.Haj

38. Pinakamataas na uri ng tao sa Pamahalaang Sultanato.


a. Imam c. Sultan
b. Pare d. Alkalde

39. Isa sa limang haligi ng Islam ay ang Shahada na kung saan Walang ibang Diyos na dapat sambahin
maliban kay _______.
a.Bathala c.Buddha
b.Allah d.Vishnu

40. Taglay ng sultan ang mga sumusunod maliban sa isa.


a. may kayamanan c. mataas ang bilang ng mga taga sunod
b. mataas ang pinag-aralan d. may mahalagang ambag sa lipunang Muslim

41. Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?


a. Luzon c.Samar
b. Mindanao d.Visayas

42. Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah


a. Islam c. Hudaismo
b. Animismo d. Kristyanismo

43.Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang
_________ na maipagmamalaki natin ngayon.
a. Katapangan c. Awit at sayaw
b. Paraan ng pagsulat d. Kultura

44. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino?


a. Abakada c. Baybayin
b. Alibata d. Latin
45.Paano nakatulong sa pagbuo ng ating lipunan ngayon ang mga sinaunang Pilipino?
a. Sa pamamagitan ng pananakop.
b. Sa pamamagitan ng pangagaya sa mga dayuhan.
c. Sa pamamagitan ng sobrang paggamit ng kalikasan.
d. Sa pamamagitan ng kanilang kultura, kagawian, paniniwala, at wika.

46. Paano mo tratratuhin ang mga taong nagtataglay ng paniniwalang Animismo, Islam,
at ibat-ibang paniniwala?
a. Igagalang ko ang tao pero hindi ang kanilang paniniwala.
b. Igagalang ko ang kanilang paniniwala pero hindi ako lalapit sa kanila.
c. Igagalang ko ang kanilang paniniwala at makipagkaibigan ako sa kanila.
d. Hindi ako makikipagkaibigan sa kanila baka kombinsihin nila ako na umanib sa kanila.

47. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang pamahiin?


a. Uminom ng tubig pagkatapos kumain
b. Kapag makapal ang ulap, maaaring umulan.
c. Ang maagang pagtulog sa gabi ay nagdudulot ng malulusog na pangangakatawan.
d. Ang isang bisita na nanatili sa labas ng bahay o sa may hagdanan ng tahanan na
may isang buntis ay maaaring magdulot ito ng paghihirap sa panganganak.

48. Ito ay naabot ng isang pamayanan kung saan ang mga tao ay may mataas na kaalaman sa mga bagay-
bagay katulad ng Agham, Matematika, Sining, Panitikan, at iba pa.
a. Awit at Sayaw
b. Kabihasnan
c. Pamahiin
d. Relihiyon at ibat-ibang mga paniniwala

49. Paano ka makatutulong sa patuloy na pagsasalin sa ating kultura sa mga susunod na mga henerasyon?
a. Mamuhay na isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa
b. Gagayahin ang mga paraan ng pamumuhay ng mga dayuhan
c. Nababaduyan sa mga musika ng mga Pilipino at tinatangkilik ang mga musika ng
mga dayuhan
d. Lahat ng nabanggit

50. Kailangan ba nating pahalagahan at ingatan ang kultura ng ating mga ninuno?
a. Oo sapagkat ito ang kumakatawan sa ating mayamang kultura bago pa man dumating ang mga dayuhan
b. Oo sapagkat ito ay ating pagkakakilanlan na maipagmamalaki natin sa ibang lahi
c. Hindi dahil wala naman itong halaga
d. A at B
SUSI SA PAGWAWASTO
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

1. D 26. D
2. B 27. D
3. A 28. A
4. A 29. B
5. A 30. D
6. A 31. D
7. A 32. D
8. D 33.A
9. A 34.B
10. B 35. D
11. C 36. A
12. A 37.B
13. C 38.A
14. B 39. B
15. A 40. B
16. D 41. B
17. B 42.A
18. D 43. D
19. B 44. C
20. B 45.D
21. B 46. C
22. C 47.D
23. A 48. B.
24. D 49.A
25. C 50. D
TALAAN NG ISPESIPIKASYON: UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5
LAYUNIN BILANG BAHAG- BILANG
NG DAN NG
ARAW AYTEM Remem Underst Apply- Analyz Evaluat
bering anding ing -ing -ing
Naipapaliliwanag ang kaugnayan ng 5 12.5% 6 1,2 4,3 5,6
lokasyon sa paghubog ng kasaysayan
Naipaliliwanag ang pinagmulan ng 5 12.5% 6 8 7,9,10, 12
Pilipinas batay sa a.Teorya (Plate 11
Tectonic Theory)b. Mito c.
Relihiyon
AP5PLP-Id-4
Natatalakay ang pinagmulan ng 5 12.5% 6 13,14, 16,18
unang pangkat ng tao sa Pilipinas 15,17
a.Teorya (Austronesyano) b. Mito
(Luzon, Visayas, Mindanao) c.
Relihiyon AP5PLP- Ie-5
Nasusuri ang paraan ng 5 12.5% 6 19,20, 24 21
pamumuhay ng mga sinaunang 22,23
Pilipino sa panahong Pre-
kolonyal.AP5PLP-If- 6
Nasusuri ang pang-ekonomikong 5 12.5% 6 25,28, 27
pamumuhay ng mga Pilipino sa 29,30
panahong pre-kolonyal a. panloob at 26
panlabas na kalakalan b. uri ng
kabuhayan (pagsasaka, pangingisda,
panghihiram/pangungutang,
pangangaso, slash and burn,
pangangayaw, pagpapanday,
paghahabi atbp)AP5PLP- Ig-7

Nasusuri ang sosyo-kultural at 5 12.5% 6 32,34 33 31,36 35


politikal na pamumuhay ng mga
Pilipino a. sosyo-kultural (e.g.
pagsamba (animismo, anituismo, at
iba pang ritwal,
pagbabatok/pagbabatik , paglilibing
(mummification primary/ secondary
burial practices), paggawa ng bangka
e. pagpapalamuti (kasuotan, alahas,
tattoo, pusad/ halop) f. pagdaraos ng
pagdiriwang b. politikal (e.g.
namumuno, pagbabatas at paglilitis)

Natatalakay ang paglaganap at 5 12.5% 7 37,38, 40


katuruan ng Islam sa Pilipinas 39,41,
AP5PLP-Ii-10 42,43
Napahahalagahan ang kontribusyon 5 12.5% 7 44,47, 45,50 46 49
ng sinaunang kabihasnang Asyano sa 48
pagkakabuo ng lipunan at
pagkakakilanlang Pilipino.
AP5PLP-Ij-12
40 100% 50 26 9 3 8 4
KABUUAN

You might also like