You are on page 1of 4

VILLA VERDE ELEMENTARY SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN V
1st GRADING - SUMMATIVE TEST
S Y : 2019 - 2020

Pangalan : _________________________________Seksyon :_________ Iskor :______

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1 Napatunayang napakahalaga ng edukasyong Filipino para sa ating mga ninuno. Paano mo


ilarawan ang sistema ng Edukasyon ng sinaunang Filipino?
A. pormal B. di-pormal C. bokasyonal D. normal

2 Napakahalaga ng batas sa pag-uugnayan ng ating mga ninuno noon at sa pamahalaan natin.


Ngayon bakit kaya ito mahalaga?
A. Upang magkaroon ng kapayapaan at kaayusan B. Natigil ang labanan at dahilan ng away
C Upang makapagsamantala sa ibang tao D. Upang yumaman sila

3 May sariling sistema ng pagsulat, wika, at edukasyon ang mga sinaunang Pilipino. Ano ang
tawag sa kanilang alpabeto?
A. A.Tagalog B. Baybayin C. Filipino D. Babaylan

4 Noon pa man ay iginalang na ng mga unang Pilipino ang mga kababaihan. Isang pagpapakita sa paggalang
na ito ay ang karapatan ng mga babae na ……
A. humingi ng tulong B. magiging madre
C. magbigay ng pangalan sa anak D. magiging makapangyarihan

5 Ang pamahalaang sultanato ay pinamunuan ng isang sultan. Alin ang hindi kabilang sa mga
gawain ng sultan sa Mindanao?
A .Tagapagbuklod ng mga lalawigan sa Mindanao
B .Tagapagpalawak ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
C.Tagapagpatibay ng ugnayang panrelihiyon at pampulitika
D Tagapagbigay ng kayamanan sa lahat ng Muslim sa Mindanao

6 Ang barangay ay pinamunuan ng isang Datu. Ang pamahalaang Sultanato ay pinamunuan ng


mas mataas pa sa Datu at siya ay ang….
A. Maharlika B. Maginoo C. Panginoon D. Sultan

7. Bakit higit na iginagalang ang isang Sultang nagmula sa lahi ni Propetang Mohammad?
A. Bilang pagbibigay-galang sa kanya na kanilang propeta B.. Dahil siya ay isang Diyos
C. Dahil siya ay may kapangyarihan D. Bilang ganti sa pamumuno sa Sultanato

8. Isang Panahon sa kasaysayan na ang mga kagamitan ay gawa sa magagaspang na mga bato:
A. Panahon ng lumang bato B. Panahon ng bagong bato
C.. Panahon ng Metal D. Makabagong panahon

9. Ang kapuluan ng Pilipinas ay nasa “Pacific Ring of Fire” dahil halos lahat ng mga isla ay may malalaki o
maliliit na aktibong bulkan. Dinadalaw din ang Pilipinas ng paminsan-minsang lindol. . Alin sa mga
sumusunod ang naglalarawan sa mga naunang paliwanag?
A. Continental Shift B. Diastrophism C.Volcanism D. Plate Tectonic
10. Pumunta kayo ng iyong ina sa lamay ng isa ninyong kamag-anak. Nakita mo na may videoke at may
nagkakantahan sa lamay. Ano ang iyong gagawin?
A. kumanta rin at magsaya B. tumahimik at magdasal
C. hayaan silang kumanta D. hilingin sila na huwag munang magkantahan
11. May ugali noon na hanggang ngayon ay sinusunod sa ilang liblib na pook sa Pilipinas. Halimbawa ay
paninilbihan ng manliligaw sa mga magulang ng dalaga. Ano ang tawag sa pagkakaloob ng lupa,
ginto, o anumang ari-arian sa mga magulang bago sila ikasal?
A. dote B. Bayad C. Buwis D. Regalo

12. Pinaniwalaan ng mga sinaunang Filipino na ang mga bagay sa kalikasan tulad ng araw, bundok,at ilog
ay tirahan ng kanilang mga yumaong ninuno. Ano ang tawag sa paniniwalang ito?
A. Diwata B. Anito C. Animismo D. Babaylan

13. Ang mga Tagalog ay naniwala na may isang pangunahing Diyos o Dakilang Nilalang na siyang
Maylikha ng langit, lupa at tao. Ano ang tawag Nila sa diyos na ito?
A. Babaylan B. Anito C. Bathala D. Diwata

14. Upang maiwasan ang alitan sa mga barangay, isang ritwal ang ginagawa ng dalawang datu
kasama ang kanilang nasasakupan. Sa paanong paraan nila ito isinagawa?
A. Kantahan B. Kwentuhan C. Sayawan D. Sanduguan

15. Dinadakila at nirerespeto natin ang mga ninuno, kaya patuloy na sumusunod at naniniwala tayo sa
kanila. Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, ano ang kaya mong gawin?
A. Sumunod sa mga makalumang paniniwala B. Dapat itong katakutan
C. Huwag pansinin ang mga lumang kaugalian D. Huwag paniwalaan ang mga ito

16. Ang mga sinaunang Filipino ay nakipagpalitan ng kani-kanilang mga produkto. Ano ang tawag
sa sistema ng kanilang pakikipagkalakalan?
A. palitan B. barter C. produkto D. panimbang

17. Sa sinaunang lipunan saVisayas, iba’t ibang produkto mula sa luwad ang kanilang nagawa.
Ginamit nila itong imbakan ng pagkain at sisidlan ng mga buto ng kanilang mga yumao.
A. Palayok B. Batya C. Balangay D. Plato
18. Natuklasan sa Peñablanca, Cagayan ang buto ng maliit na daliri ng paa ng tao. Ito ang pinaniwalaang
mas naunang nanirahan sa Pilipinas. Kinilala ito bilang …..
Sinasabing
A. Taong Tabon B. Taong Callao C. Taong Maitum D. Taong Negrito

19. Karaniwang makikita ang tirahan ng mga unang Pilipino sa tabi ng ilog at dagat. Bakit nila pinili
ang mga lugar na ito?
A. natakot sila sa mga mabangis na hayop
B. mapagkunan n pagkain at paraan ng transportasyon
C. maraming pagkain ang makukuha dito
D. magandang paliguan ang mga ilog at dagat

20. Ang Pilipinas ay isang arkipelago at matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ano ang eksaktong
lokasyon nito?
A. 4° - 21’ H latitud at 116° - 127° S longhitud
B. 4° - 23’ H latitud at 116° - 127° S longhitud
C. 4° - 24’ H latitud at 116° - 127° S longhitud
D. 4° - 25’ H latitud at 118° - 128° S longhitud

21. Payak o simple ang teknolohiyang ginamit ng mga unang Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI naglalarawan sa uri ng teknolohiya nila?
A. gumamit sila ng palakol B. gumamit sila ng palayok
C. gumamit sila ng matulis na bato D. gumamit sila ng makinarya

22. Ang mga alipin ay nauuri sa dalawa. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa aliping Saguiguilid?
A. nagsisilbi araw at gabi sa datu B. naninilbihan sa datu tuwing may pagtitipon
C. naglilingkod sa datu sa panahon ng pagtatanim D. naninilbihan ng isang araw sa isang Linggo

23. Ang Pilipinas ay nasa bahagyang itaas ng ekwador, anong uri ng klima mayroon ito ?
A. Tropical B. Temperate C. Tundra D. Humid

24. Ito ang imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang araw.


A. Green Line B. International Date Line (IDL) C. Longhitud D. Latitud

25. Isang paraan ng pagtukoy sa kinaroroonan ng bansa sa pamamagitan ng pagkilala sa mga


karatig na kalupaan o katubigan na nakapalibot dito.
A. Relatibong lokasyon B. Mapa C. Longhitud D. Latitud

26. Ito ang pinakadulong bahagi ng mundo sa hilaga na naaabot ng pahilis na sinag ng araw.
A. Ekwador B. Kabilugan ng Arktiko
C. Tropiko ng Kanser D. Tropiko ng Kaprikornyo

27. Malamig at tuyong hangin na sa Pilipinas. Ang hanging ito ay nagmumula sa China at Siberia na
nararanasan mula Nobyembre hanggang Pebrero. Ano ang tawag sa hanging ito?
A. Hanging Habagat B. Hanging Amihan C. Hanging Silangan D. Bagyo

28. Sa pag-uulat ng panahon ay kasama ang pagtataya sa bilis ng hangin. Paano sinusukat ang bilis nito?
A. Barometer B. Anemometer C. Wind rock D. Thermometer

29. May iba’t ibang teorya tungkol sa pagkakabuo ng kapuluan at pinagmulan ng Pilipinas. Ang siyentistang
German na naghain ng Continental Drift Theory ay si…
A. Alfred Wegener B. Johannes Brahms C. Max Planck D. Grete Hermann

30. Ang pagkakatuklas ng mga labi sa Lipuun Point sa Palawan ay nagbigay daan sa ________.
A. Teorya ng Wave Migration B. Teorya ng Core Population
C. Teorya ng Austronesian D. Teorya ng Tulay na Lupa

31. Kung sakaling sa iyong pamamasyal sa isang lugar ay nakatagpo ka ng labi o bakas ng
sinaunang tao, ano ang pinakamabuti mong gawin?
A. iuwi at gawing souvenir B. huwag pakialaman
C. ipagbigay alam sa awtoridad D. kunan ng retrato

32. Ang pag-ikot ng daigdig sa araw ay tumatagal nang 365 at 1/4 na araw. Bakit nagkakaroon ng
araw at gabi?
A. pag-ikot ng mundo sa kanyang axis B. paggalaw ng mundo
C. pag-ikot ng mundo sa araw D. pagtaas ng temperatura

33. Tinatawag ito bilang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong
pananaliksik . Nagpapaliwanag din ito tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o pangyayari.
A. Batas B. Teorya C. Dekreto D. Panukala

34. Ayon sa teoryang ito, dating karugtong ng kalupaan sa Timog Silangang Asya ang mga pulo ng Pilipinas.
Dahil sa pagkakadugtong na ito, nakarating sa Pilipinas ang iba’t ibang hayop.
A. Teorya ng Tulay na Lupa B. Teorya ng Tectonic Plate
C.. Teorya ng Continental Drift D. Teorya ng Bulkanismo

35. Ang salitang barangay ay hango sa salitang Malayo-Polynesian na “Balangay”. Ano ang
kahulugan nito?
A. Sasakyang pandagat B. Sasakyang panlupa
C. Sasakyang pang-ilog D. Sasakyang panghimpapawid

36. Tungkulin ng isang Datu na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa kanyang


pamayanan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI niya ginagawa?
A. Tagapagbatas B. Tagahukom C. Tagapagpaganap D. Tagasilbi

37. Noon ay may tagapamagitan upang makausap ng mga nabubuhay ang mga yumao. Nagsilbi
silang tulay sa pagitan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa.. Tinatawag silang…..
A. Babaylan B. Babae C. Matatanda D. Bathala

38. Ang tagapagbalita sa barangay ay lumilibot upang maiparating sa mga tao ang bagong batas na
Napagtibay. Ano ang tawag sa kanya?
A. Mayor B. Umalahokan C. Tagapagbalita D. Bultong

39. Naniwala ang mga sinaunang Filipino na may mga espiritung nananahanan sa kanilang
kapaligiran na tinawag nilang ________.
A. maligno B. Babaylan C. tiktik D. anito

40. Ang pamumuno sa sinaunang barangay ay may sarili at malayang pamamahala. Alin sa sumusunod ang
hindi tumutukoy sa magandang pag-uugnayan?
A. Pagtutulungan sa paggawa
B. Pagdadamayan sa panahon ng kagipitan
C. Sama-samang pagsasaya sa panahon ng tagumpay
D. Pagkakalat ng maling impormasyon

You might also like