You are on page 1of 6

NAT GRADE SIX REVIEWER – AP

ALAYON’2024

PANUTO: Basahin ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Iba’t ibang paraan ang ginamit ng mga bayani upang makamit ang kalayaan ng
bansa. Ilan sa mga ito ay sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez-
Jaena. Anong paraan ang ginamit nila sa pakikipaglaban upang makamit ang
kalayaan ng bansa?
A. Pakikipaglaban sa pamamagitan ng pagsusulat at propaganda.
B. Pakikipaglaban gamit ng mga armas.
C. Pagtalima sa mga utos ng mga dayuhang mananakop.
D. Pagsisilbi sa mga dayuhan.

2. Nang dumating at sakupin ng mga Espanyol ang bansa, ipinatupad nila ang
sapilitang paggawa. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino ukol dito?
A. Naging sunud-sunuran sila sa mga Espanyol.
B. Naging dahilan ito upang matutong maghimagsik at magprotesta ang mga manggagawang
Pilipino.
C. Nagpakita sila ng ibayong sipag sa trabaho.
D. Nagpursige at nagpakitang gilas sa mga Espanyol.

3. Ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Amerikano na tumagal ng labing-apat na


taon ay nagresulta sa isang kasunduan kung saan isinasaad ang __________.
A. paggalang sa relihiyong Islam at sa kaugalian ng mga Muslim at mga Pilipino.
B. pagwawalang bahala sa mga Muslim at ang kanilang pananampalataya.
C. pagkakahiwalay ng Muslim sa mga Kristiyanong Pilipino.
D. paglalabanan ng mga iba’t ibang relihiyon.

4. Madalang ang ulan at di-gaanong matindi ang sikat ng araw sa bahagi ng Ilocos.
Dahil dito, tanyag ang lugar na ito sa mga aning bawang, bulak at tabako. Ano
ang nararapat na konklusyon ukol dito?
A. Mataba ang mga lupain sa Ilocos.
B. May tinatawag na “green thumb” ang mga Ilocano.
C. Sanay ang mga Ilocano sa pagtatanim ng mga halamang ito.
D. Angkop ang uri ng lupa at klima sa Ilocos para sa mga ito.

5. Sumisibol sa ating bansa ang iba’t ibang uri ng prutas na tropikal gaya ng mangga,
pinya, saging at marami pang iba. Lahat ay namumunga sa buong taon. Ano ang
dahilan nito?
A. Angkop ang klima ng bansa sa mga prutas na ito.
B. Masisipag magtanim ang mga Pilipino.
C. Malaking tulong ito sa kanilang kabuhayan.
D. Malawak ang lupang taniman nito.

6. Halos walang tag-araw na nararanasan sa mga lugar tulad ng Catanduanes,


Sorsogon, Silangang bahagi ng Albay, Samar at Silangang Mindanao kung buwan
1
NAT GRADE SIX REVIEWER – AP
ALAYON’2024

ng Disyembre at Enero. Ito ay dahilan sa malakas na pag-ulan at pagdaan ng


bagyo sa mga nabanggit na lugar. Alin sa mga sumusunod ang mabisang gawin
ng mga tao sa mga nabanggit na lugar na may ganitong klima?
A. Umasa sa tulong mula sa pamahalaan kapag ganito ang panahon.
B. Lumipat ng ibang lugar pag dumadating ang ganitong panahon.
C. Maghanap ng mga alternatibong hanapbuhay pagsapit ng ganitong panahon
maliban sa pagtatanim at pangingisda.
D. Magtiis at maghintay na lamang matapos ang ganitong panahon.

7. Nakaranas ng matinding pang-aabuso ang mga Pilipino mula sa mga Espanyol.


Ano ang mga paraang inilunsad nila laban ito?
A. Pagsunod nila sa kagustuhan ng mga Espanyol.
B. Armadong pakikibaka ng maraming Pilipino laban sa mga Espanyol.
C. Pagwawalang bahala nila sa pagpapahirap ng mga Espanyol.
D. Pagtanggap ng mga Pilipino sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol.

8. Si Melchora Aquino ang tinaguriang “Ina ng Katipunan”. Sa paanong paraan niya


ipinakita ang pagtulong sa pagkakamit ng kalayaan.
A. Isinuplong niya ang mga Katipunero sa mga Kastila.
B. Kinupkop niya sa kaniyang tahanan ang mga Katipunero.
C. Lumaban siya sa mga Kastila.
D. Naging pinuno siya ng rebolusyon.

9. Ano ang ginagampanan ni Gabriela Silang bilang bayani ng bansa?


A. Nagsilbi bilang tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
B. Nagsulat ng iba’t ibang lathalain sa pahayagan.
C. Nagtatag ng rebolusyunaryong pamahalaan.
D. Ipinagpatuloy niya ang rebelyon sa Ilocos laban sa pang-aabuso ng mga Kastila.

10. Naging mahalaga sa mga unang Pilipino ang likas na yaman sa gubat tulad ng
troso. Ginamit nila ito sa __________.
A. paggawa ng pahingahan.
B. paggawa ng malalaking barko
C. paggawa ng bakod sa palibot ng bahay
D. paggawa ng sandata at kalasag

11. Kadalasang nagmimina ang mga unang Pilipino. Paano nila higit na
pinahalagahan ang mga nakukuhang ginto, pilak at tanso?
A. Ginamit ng mga kababaihan para gawing palamuti sa tahanan.
B. Ipinagpalit sa mga paninda ng mga dayuhang mangangalakal.
C. Ipinambayad sa mga pinagkakautangan.
D. Dinala sa ibayong lugar para ibenta.

12. Maraming sinaunang Pilipino ang mas piniling manirahan malapit sa katubigan
tulad ng ilog at dagat. Ano ang maaari nilang maging hanapbuhay sa lugar na
ito?
A. Pangangaso C. Pangingisda
B. Pagmimina D. Pagtotroso

13. Sa panahon ni Pangulong Quirino, itinatag niya ang Agricultura Credit


Cooperatives Financing Administration (ACCFA). Ano ang layunin nito?

2
NAT GRADE SIX REVIEWER – AP
ALAYON’2024

A. Mamigay ng pera sa magsasaka.


B. Matulungan ang magsasaka sa pagbenta ngg kanilang produkto.
C. Magpautang ng puhunan sa magsasaka.
D. Makabili ng binhi.

14. Bakit mahalaga ang patakarang “Pilipino Muna” ng administrasyon ni Pangulong


Carlos P. Garcia?
A. Pinalaganap ang nasyonalismo sa mga mamamayan.
B. Pumasok ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.
C. Itinaguyod ang pagtutulungan sa pamayanan.
D. Tinangkilik ang mga produktong dayuhan.

15. Isa sa mga pangunahing programa ng administrasyon ni Pang. Ferdinand E.


Marcos ay ang Green Revolution. Ano ang layunin ng programang ito?
A. Maisulong ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Mapataas ang produksyon ng bigas.
C. Mapaunlad ang mga pamayanang rural.
D. Mapabuti ang ugnayang panlabas ng bansa.

16. Ano ang pangunahing dahilan ng pandarayuhan sa mga lugar na may


nagaganap na paglalaban sa pagitan ng militar at mga rebelde?
A. Pangkarunungan C. Pangkabuhayan
B. Pangkaligtasan D. Pangkalusugan

17. Maraming bilang ng mag-aaral ang nagsipagtapos ng kolehiyo sa Pilipinas. Subalit


kulang ang hanapbuhay dito. Bunga nito, karamihan sa kanila ay nangibang-
bansa upang doon na maghanapbuhay. Ano ang dahilan ng pandarayuhan sa
pagkakataong ito?
A. Pangkabuhayan C. Pangkalakalan
B. Pangkaligtasan D. Pangkatanyagan

18. Nagsilaki na ang mga anak ni Mang Mario. Kailangan niya ang karagdagang kita
upang mapag-aral ang mga anak kung kaya’t siya ay nagpasyang pumunta sa
Saudi Arabia upang humanap ng magandang kapalaran. Ano ang dahilan ng
pandarayuhan sa kasong ito?
A. Makapaglakbay sa ibang bansa.
B. Magkaroon ang mga anak sa pribadong paaralan.
C. Mapag-aral ang mga anak sa pribadong paaralan.
D. Maghanapbuhay upang kumita nang mas malaki.

19. Ano ang tawag sa enerhiya mula sa ilalim ng lupa na matatagpuan sa Tiwi, Albay?
A. Magnetic Energy C. Geothermal Energy
B. Solar Energy D. Hydroelectric Energy

20. Ang Pulo ng Basilan ay itinuturing na “Hardin sa Ilalim ng Kuweba”. Anong likas na
yaman ang sagana dito?
A. Mmais at palay

3
NAT GRADE SIX REVIEWER – AP
ALAYON’2024

B. halamang-ugat, kabibe at mga korales at tubo


C. gulay at mga bulaklak
D. abaka at torso

21. May mga likas na yaman na nauubos at napapalitan at may mga likas na yaman
din na nauubos at di-napapalitan. Aling likas na yaman ang di-napapalitan at
nauubos?
A. Pangisdaan C. Kagubatan
B. Mineral D. Lupang Sakahan

22. Ang Bantayan ay isang isla. Maraming mangingisda rito na gumagamit ng mga
lambat na maliliit ang mga butas. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy
itong gagawin?
A. Manatili ang mga isda dahil ang iba pang isda ay pupunta rito.
B. Malalaking isda na lamang ang makikita sa paligid ng isla.
C. Maaaring maimpluwensyahan ang iba pang mangingisda.
D. Darating ang araw na mauubos ang mga isda kung hindi ititigil ang paraang ito ng
paghuli ng isda.

23. Aling gawain ang nagpapakita ng maling paraan ng paggamit ng likas na


yaman?
A. Pagtatanim ng mga puno C. Pagkakaingin sa kagubatan
B. Paglilinis ng ilog D. Pagbabawas ng mga sanga ng puno

24. Mabilis ang pagkaubos ng kagubatan sa ating bansa. Ano ang maaaring ibunga
nito?
A. Dadami ang mga kaingin sa gubat.
B. Magkakaroon ng daan pantungo sa iba pang pamayanan.
C. Magiging malawak na kapatagan ang dati’y isang gubat.
D. Babaha sa mabababang lugar.

25. Bakit itinuturing na isang demokratikong bansa ang Pilipinas?


A. Pinipili ang mga opisyal ng bansa sa pamamagitan ng halalan.
B. Itinatalaga ng Kongreso ang pangulo ng Pilipinas.
C. Korte Suprema ang humihirang sa pangulo ng bansa.
D. Ang militar ang nagtatalaga ng sibilyang pangulo.

26. Iba’t iba ang katangian ng pamahalaan ng isang bansa. Alin ang nagpapakita
ng ito ay isang demokratiko?
A. Ang kabuhayan ng taong bayan ay maunlad.
B. Ang ari-arian ay hawak ng pamahalaan.
C. Ang bayan ay pinamumunuan ng mga makakaliwa.
D. Ang taong bayan ay malayang nagtatamasa ng karapatan.

27. May kani-kaniyang tungkulin ang tatlong sangay ng pamahalaan. Ano ang
kapangyarihang ibinigay sa sangay ng ehekutibo?
A. Gumawa ng mga batas. C. Magpatupad ng batas.
B. Magpaliwanag ng mga batas. D. Magrepaso ng mga batas.

4
NAT GRADE SIX REVIEWER – AP
ALAYON’2024

28. Si Hector ay nasasakdal. Wala siyang pambayad sa abogado. Paano


mapangangalagaan ang kanyang karapatan?
A. Pagmultahin na lamang siya.
B. Garantiyahan ang pag-utang niya ng pang-piyansa.
C. Bigyan siya ang abogadong maniningil ng mahal.
D. Bigyan siya ng pampublikong abogado na magtatanggol sa kanya.

29. Alin ang pinakamabuting paraan ng pangangalaga ng karapatan?


A. Paggalang sa karapatan ng kapwa C. Pagsunod sa batas
B. Pagsusumbong sa pulis D. Pagdedemanda

30. Lahat ng mamamayang Pilipino ay may pantay na proteksyon sa batas. Paano


mapapangalagaan ang karapatan sa pagbabayad ng buwis?
A. Ang mayayaman lamang ang dapat singilin ng buwis.
B. Ang ibinabayad na buwis sa lungsod at lalawigan ay magkatulad.
C. Ang buwis ay ayon sa laki o liit ng kita.
D. Ang buwis na dapat bayaran ng lahat ng tao ay pareho.

31. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kumpanyang multinational sa bansa?


A. Nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga mamamayan ng bansa.
B. Nakapagtayo ng malalaking gusali.
C. Nagiging kilala ang Pilipino sa buong mundo.
D. Nakakabili ng mga imported na produkto.

32. Isang samahang pandaigdig ang binuo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig upang isulong ang pagkakaisa at kapatiran ng mga bansa sa daigdig.
Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagkakaroon ng isa pang digmaang
pandaigdig. Anong samahan ito?
A. United Nations C. Asia-Pacific Economic Cooperation
B. League of Nations D. North Atlantic Treaty Organization

33. Bawat bansa ay may adhikaing maging maunlad. Ano ang palatandaan sa pag-
unlad ng kabuhayan ng isang bansa?
A. Ang kakulangan ng mga sangkap sa paggawa ng produkto.
B. Ang mabagal na pagtaas ng ekonomiya ng bansa.
C. Ang bansa ay industriyalisado.
D. Ang pagdami ng industriyang gumagawa ng mahalagang produkto.

34. Pangunahing layunin ng bawat bansa na maging maunlad ang kabuhayan nito.
Alin sa mga sumusunod ang magpapatunay na maunlad ang kabuhayan ng
bansa?
A. Ang pagdami ng suliranin ng bansa.
B. Ang paglaki ng bahagdan ng taong may hanapbuhay.
C. Ang pagliit ng industriyang gumagawa ng mahalagang produkto.
D. Ang pag-asa sa tulong ng ibang bansa.

SUSI SA PAGWAWASTO

1 A
2 B

5
NAT GRADE SIX REVIEWER – AP
ALAYON’2024

3 A
4 D
5 A
6 C
7 B
8 B
9 D
10 D
11 B
12 C
13 B
14 A
15 A
16 B
17 A
18 D
19 C
20 A
21 B
22 D
23 C
24 D
25 A
26 D
27 C
28 D
29 A
30 C
31 A
32 A
33 C
34 B
35
36
37
38
39
40

You might also like