You are on page 1of 4

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN V
S.Y. 2023-2024

Pangalan:________________________________________________ Marka:____________________
Pangkat:_________________________________________________ Petsa:____________________

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap at piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Sa aspektong ______________ ay sinasabing ang Pilipinas ay sentro ng pinaghalong kultura ng mga


bansang kanluran at silangan.
A. Kultural C. Imperio
B. Kalakalan D. Kristiyanismo
2. Madaling naitatag ang _______________sa mga kalapit bansa tulad ng Tsina, Indian, Hapones, at Arabe.
A. Kultural C. Imperio
B. Kalakalan D. Kristiyanismo
3. Sinakop tayo ng ______________ at nagtayo sila ng mga pangkaligtasang base militar laban sa
pagsalakay ng mga bansa sa silangan.
A. Hapon C. Espanyol
B. Tsino D. Amerika
4. Ang ______________ lokasyon nito ay may malaking kinalaman sa paghubog ng kasaysayan.
A. Base militar C. Estrahetikong
B. Kalakalan D. Kristiyanismo
5. Anyong lupa na binubuo ng mga malalaki at maliliit na pulo at napapalibutan ng tubig.
A. Moluccas C. Estrahetiko
B. Arkipelago D. Kristiyanismo
6. Ang islang hinahanap ng mga Europeo na naging daan sa pagkakatuklas sa ating bansa.
A. Moluccas C. Estrahetiko
B. Arkipelago D. Kristiyanismo
7. Mga katutubong naniniwala na si Melu, ang kanilang diyos ang gumawa ng
Pilipinas.
A. Diyos C. Teorya
B. Mitolohiya D. Bagobo
8. Itinuturing bilang tama o tumpak, na maaaring gamitin bilang mga prinsipyo ng
paliwanag at prediksiyon.
A. Diyos C. Teorya
B. Mitolohiya D. Bagobo
9. Pinaniniwalaang dating kabahagi ang Pilipinas sa Continental Shelf o mga tipak ng lupa sa katubigan na
nakakabit sa mga kontinenteng mga tulay na lupa ang mga pulo sa isa’t-isa at ang ilang karatig bansa sa
Timog-silangan Asya.
A. Teoryang Tulay ngLupa o Land Bridges
B. Teoryang Bulkanismo o Pacific Theory
C. Mitolohiya
D. Paniniwalang Panrelihiyon
10. Ayon sa paniniwalang ito nilikha ng isang makapangyarihang Diyos sang buong sanlibutan kasama na
ang bansang Pilipinas.
A. Teoryang Tulay ngLupa o Land Bridges
B. Teoryang Bulkanismo o Pacific Theory
C. Mitolohiya
D. Paniniwalang Panrelihiyon
11. Ipinaliwanag ni ______________ ang kanyang sa teoryang Continental Drift, na gumalaw ang pangaea o
malaking masa ng kalupaan ng daigdig 240 milyong taon na ang nakalipas.
A. Bailey Willis C. Bruce Willis
B. Melu D. Alfred Wegener

12. a paniniwala ng mga Bagobo, nilikha daw ng kanilang diyos na si _______ ang Pilipinas mula sa kanyang
libag.
A. Bailey Willis C. Bruce Willis
B. Melu D. Alfred Wegener
13. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kasali sa pinuntahan ng ilang pangkat ng
Austronesyano?
A. Hawaii C. New Guinea
B. Madagascar D. Palau
14. Sino ang nagpakilala sa teoryang Wave Migration?
A. F. Landa Jocano C. Otley Beyer
B. Peter Bellwood D. Wilhelm Solheim II
15. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang teorya?
A. Ang pagkakatulad ng klima saTimog-Silangang Asya at sa Pasipiko
B. Ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
C. Ang pagkakatulad ng kulay ng balat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya at sa
Pasipiko
D. Ang pagkakatulad ng wika, kultura, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya
at sa Pasipiko
16. Ayon kay Peter Bellwood, ang mga Austronesyano ang mga ninuno ng mga Pilipinong
nagmula sa___________.
A. Taiwan C. Amerika
B. Mexico D. Saudi Arabia
17. Sino sino ang dalawang taong nagmula sa malaking kawayan?
A. Adan at Eba C. Adan at Maganda
B. Malakas at Maganda D. Malakas at Eba
18. Ayon sa mitolohiya, nailuwal sa mundo ang tao mula sa isang uri ng halaman.
A. Narra C. Gumamela
B. Kawayan D. Buho
19. Sa panahong _____________ sinasabing natutong mamuhay ang mga Pilipino ayon sa kanilang
kapaligiran.
A. Neolitiko C. Paleolitiko
B. Mandirigma D. Maharlika
20. Noong panahong ng ___________ ay nagbago ang kanilan pamumuhay ng matuto silang gumamit ng
mga hinasa at pinakinis na bato.
A. Neolitiko C. Paleolitiko
B. Mandirigma D. Maharlika
21. Ang ________ ay mga lumayang tao mula sa pagkakaalipin.
A. Katalonan C. Sanduguan
B. Saguiguilid D. Timawa
22. Ang aliping ___________ may sariling bahay at naninilbihan lang sa datu kung may
okasyon.
A. Sanduguan C. Namamahay
B. Saguiguilid D. Timawa
23. Ano ang ibig sabihin ng NUSANTAO?
A. Tao mula sa Silangan C. Tao mula sa Kanluran
B. Tao mula sa Timog D. Tao mula sa Hilaga
24. Sa panahong Sa mga Tagalog, ang pinakamababang uri ng alipin ay tinatawag na________.
A. Aliping namamahay C. Ayuey
B. Aliping saguiguilid D. Tumarampuk
25. Ang pagpapalitan ng produkto na ito ay tinatawag na sistemang ______________.
A. Barter C. Pagpapanday
B. Pagmimina D. Tumarampuk
26. Ang pagmimina ay isang gawaing ekonomiko noong sinaunang panahon. Ano ang pangunahing minimina
ng mga Pilipino?
A. Tanso C. Ginto
B. Perlas D. Bato
27. Bukod sa pagsasaka, ano ang pangunahing kabuhayan ng mga unang Pilipino?
A. Pangingisda C. Paggawa ng barko
B. Paglililok D. Paghahabi

28. Anong paraan ng pagsasaka ang nililinis at sinusunog muna ang burol bago taniman?
A. Pag-aararo C. Pagnanarseri
B. Pagbabakod D. Pagkakaingin
29. Ano ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na mula sa metal tulad ng
ginto?
A. Pangangaso C. Metaluhiya
B. Pangingisda D. Pangangalap ng pagkain
30. Anong bansa ang HINDI tuwirang nakipagkalakalan sa Pilipinas noon?
A. Tsina C. Indonesia
B. India D. Saudi Arabia
31. Tanyag na lugar kung saan naging sentro ng kalakalan sa bansa noong pre-kolonyal?
C. Cebu C. Leyte
D. Davao D. Manila
32. Nagbubuklod-buklod ang mga barangay at bumuo ng alyansa sa pamamagitan ng______________.
A. Pagdiriwang C. Paligsahan
B. Pag-iinuman D. Sanduguan
33. Ang kaunaunahang Arabeng Muslim na nagtatag ng pamahalaang Sultanato sa Sulu noong 1450.
A. Sharif ul-Hashim o Sayyid Abu Bakr C. Tuan Masha‘ika
B. Karim Ul-Makdum D. Raja Baginda
34. Ang sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa ng bisig gamit ang punyal, pagpapatulo ng
dugo sa kopang may alak at pag-inom nito. Ano ang simbolismo nito?
A. Pagkakaibigan C. Pakikipagkalakalan
B. pagpapatawad D. pag-iisang dibdib
35. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di- pagkakaunawaan at
alitan sa ibang barangay?
A. Nagkaroon sila ng isang paligsahan.
B. Kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo.
C. Sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu.
D. Nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sanduguan.
36. Upang maging isang datu, kailangang ikaw ay kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan, at kung
sultan naman, kailangang ikaw ay____________.
A. Matapang at mayaman
B. Magaling gumawa ng batas
C. Galing sa angkan ni Muhammad
D. Galing sa pinakamataas na antas ng lipunan
37. Sino ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal ng mga Bisaya na
pinaniniwalaang tagapamagitan sa mundo, diyos at yumao?
A. babaylan C. pari
B. ganbanes D. pomares
38. Ang mga sumusunod ay batas ng Pamahalaang Sultanato MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Adat C. Qur’an
B. Sharia D. Ulama
39. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?
A. Bibliya C. Islam
B. Qur’an D. animismo
40. Bakit matatagpuan sa bahaging Mndanao ang karamihan sa naniniwala sa relihiyong
Islam?
A. Natakot sa pagdating ng mga Espanyol kung kaya sa Mindanao sila nagtungo.
B. Nagtungo sila sa katimugan ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanilang pagsasarili at paniniwala sa
Islam.
C. Nahirapan sila sa pamamalakad ng pamahalaang Espanyol.
D. Napadpad sila sa Mindanao dahil sa apgtakas nila sa pananalakay ng mga Espanyol sa kanilang lugar
na tinitirhan.
41. Sino ang itinuturing na kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas?
A. Tuan Masha’ika C. Abu Bakr
B. Rajah Baginda D. Karim-Ul-Makdum

42. Paano nakarating ang mga Muslim sa Pilipinas?


A. Dahil sa pakikipagkalakalan
B. Dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
C. dahil sa pakikipagsanduguan
D. dahil sa palalakbay
43. Ito ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim.
A. Islam C. Allah
B. Qur'an D. Muhammad
44. Ang nag-iisang Diyos na pinaniniwalaan ng mga Muslim.
A. Islam C. Allah
B. Qur'an D. Muhammad
45. Tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino.
A. Babaylan C. Baybayin
B. Abakada D. Banalan
46. May sariling sistema ng pagsulat, wika at edukasyon ang mga sinaunang Pilipino. Ano
ang nangyari sa kanilang pagpapangkat pangkat?
A. Marami at iba-iba ang nabuong wika
B. Napalaganap ang Islam
C. Dumami ang tao sa bansa
D. Dumami ang mga ginto
47. Bahagi ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino ang mga sumusunod. Alin sa mga ito
ang hindi itinuturo noon?
A. Pagtatanggol sa sarili C. Pangangaso
B. Pangingisda D. Paggamit ng baril sa pakikidigma
48. Paano nakatulong sa pagbuo ng ating lipunan ngayon ang mga sinaunang Pilipino?
A. Sa pamamagitan ng pananakop
B. Sa pamamagitan ng pangagaya sa mga dayuhan
C. Sa pamamagitan ng sobrang paggamit ng kalikasan
D. Sa pamamagitan ng kanilang kultura, kagawian, paniniwala, at wika
49. Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod na
henerasyon?
A. Sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan
B. Sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang barangay
C. Sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito
D. Lahat ng nabanggit
50. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating
mga ninuno sa ating lipunan ngayon?
A. Uri ng pananamit
B. Sistema ng pagsulat
C. Paraan ng makikipagdigma
D. Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha

ANSWER KEY
1 A 11 D 21 D 31 D 41 A
2 B 12 B 22 C 32 D 42 A
3 D 13 D 23 A 33 A 43 B
4 C 14 C 24 B 34 A 44 C
5 B 15 D 25 A 35 D 45 C
6 A 16 A 26 C 36 C 46 A
7 D 17 B 27 A 37 A 47 D
8 C 18 B 28 D 38 D 48 D
9 A 19 C 29 C 39 B 49 D
10 D 20 A 30 B 40 B 50 B

You might also like