You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Division of Ilocos Sur
Sta. Lucia District
SANTA LUCIA NORT CENTRAL SCHOOL

UNANG MARKA NG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan V
2018-2019

A. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng
bawat pangungusap. Itiman ang bilog na katapat ng titik ng tinutukoy sa bawat bilang.

1. Ang ginagamit bilang modelo ng mundo ay ang __________.


A. grid B. globo C. mapa D. compass
2. Pabilog na guhit ito sa pinakagitnang bahagi ng globo na naghahati sa dalawang hatingglobo.
Ang guhit na ito ay ang ________.
A. Ekwador B. Longhitud C. Prime Meridian D. International Date Line
3. Hinahati ng ________ ang hilangang silangang hating-globo at kanlurang hating-globo.
A. Grid B. Ekwador C. Prime Meridian D. International Date Line
4. Nagiging batayan sa pagkakaiba ng araw o petsa sa magkabilang panig ng mundo ang
________.
A. Grid B. Ekwador C. Prime Meridian D. International Date Line
5. Sa pagtatagpo ng meridian at parallel nabubuo angn mala-parihabang espasyo sa ibabaw ng
globo. Ito ay tinatawag na __________.
A. Grid B. Ekwador C. Prime Meridian D. International Date Line
6. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa _______________.
A. Timog Asya B. Silangang Asya C. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
7. Ang direksiyon ng Vietnam mula sa Pilipinas ay nasa gawing ________________.
A. timog B. hilaga C. silangan D. kanluran
8. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang __________________.
A. China B.Taiwan C. Hongkong D. Japan
9. Ang representasyon ng mga direksiyong makikita sa isang compass ay tinatawag na _______.
A. Grid B. mapa C. Iskala D. Compass Rose

Unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat bilang. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Itiman
ang wastong letra na katapat ng inyong sagot.

10. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?


A. Napakainit sa Pilipinas.
B. Napakalamig sa Pilipinas
C. Malamig at mainit sa Pilipinas
D. Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas.
11. Ano ang tawag sa nararanasang init o lamig sa isang lugar?
A. Klima B. Panahon C. Humidity D. Temperatura
12. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa hanging mainit na nagmumula sa timog-kanluran ng
Pilipinas?
A. Hanging Amihan B. Hanging Habagat C. Hanging Silangan D. Trade Wind
13. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Hanging Amihan?
A. Hanging nagbabago ng direksiyon.
B. Mainit na hangin na nagmumula sa timog-kanluran ng Pilipinas.
C. Hanging nagdadala nang malalakas na pag-ulan sa Pilipinas.
D. Malamig na hangin na nagmumula sa hilagang-silangan ng Pilipinas.
14. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa klima?
A. Nararanasang init o lamig sa isang lugar.
B. Hindi pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan.
C. Malamig na hangin na buhat sa hilagang-silangan.
D. kondisyon ng atmospera sa loob ng mahabang panahon.
15. Ano ang tawag sa kalagayan ng atmospera sa loob ng isang araw sa isang tiyak na lugar?
A. Klima B. Humidity C. Panahon D. Presipitasyon
16. Anong klima ang nararanasan ng mga bansang nasa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Tropiko
ng Kaprikornyo?
A. Klimang Polar
B. Klimang Tropikal
C. Malamig na klima
D. Mainit na mainit na klima
17. Anong espesyal na guhit latitud ang matatagpuan sa 66 ½ sa timog ng Ekwador?
A. Tropiko ng Kanser
B. Kabilugang Artiko
C. Kabilugang Antarktiko
D.Tropiko ng Kaprikornyo
18. Ang Pilipinas ay kapuluang napaliligiran ng _______________.
A. tao B. lupa C. tubig D. hayop
19. Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas ay masasabing _________________.
A. layo-layo ang mga isla
B. maliit na isla ngunit matubig
C. matubig at watak-watak ang mga isla
D. buong kalupaan na napaliligiran ng tubig

Kilalanin ang tinutukoy sa bawat bilang. Itiman ang wastong letra na katapat ng inyong
magiging sagot.

20. Tawag sa supercontinent na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas.


A. Eurasia B. Pangea C. Laurasia D. Gondwana
21. Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa pagputok ng mga bulkan sa paligid ng Pacific
Basin.
A. Teoryang Bulkanismo
B. Teorya ng Tulay na Lupa
C. Teorya ng Tectonic Plate
D. Teorya ng Continental Drift
22. Teoryang nagsasabing dating karugtong ang Pilipinas ng Timog-silangang Asya.
A. Teoryang Bulkanismo
B. Teorya ng Tulay na Lupa
C. Teorya ng Tectonic Plate
D. Teorya ng Continental Drift
23. Naghain ng teoryang nagmula ang Pilipinas sa pagputok ng bulkan sa paligid ng Pacific
Basin.
A. Bailey Willis
B. Alfred Wegener
C. Peter Bellwood
D. Henry Otley Beyer
24. Naghain ng teoryang nagmula ang kalupaan ng daigdig mula sa isang supercontinent.
A. Bailey Willis
B. Alfred Wegener
C. Peter Bellwood
D. Henry Otley Beyer
25. Sila ang pinaniniwalaang kultural na ninuno ng mga Pilipino.
A. Taong Tabon B. Negrito C. Indones D. Austronesian
26. Isang arkeologong Australiano na niniwalang ang mga unang tao sa Pilipinas ay nagmula sa
Taiwan.
A. Bailey Willis
B. Alfred Wegener
C. Peter Bellwood
D. Henry Otley Beyer
27. Teorya na inihain ni Felipe Landa Jocano na kung saan ang mga unang Filipino ay mula sa
isang malaking pangkat ng mga sinaunang tao sa timog-silangang Asya.
A. Teorya ng Wave Migration
B. Teorya ng Core Population
C. Teorya ng Nusantao Migration
D. Teorya ng Austronesian Migration
28. Batay sa teoryang ito, dumating sa Pilipinas ang pangkat-pangkat na mga tao mula sa iba’t
ibang bahagi ng Asya.
A. Teorya ng Wave Migration
B. Teorya ng Core Population
C. Teorya ng Nusantao Migration
D. Teorya ng Austronesian Migration

Tukuyin ang uring panlipunan sa sinaunang lipunang Filipino na tinutukoy sa bawat bilang.
Itiman ang bilog na katapat ng letra ng inyong sagot.

29. Ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya.


A. Alipin at Oripun
B. Maginoo at Datu
C. Maharlika at Timawa
D. Babaylan at Katalonan
30. Binubuo ang antas na ito ng mga malalayang tao at mga inanak o inapo ng mga datu mula
sa kanilang ikalawang asawa.
A. Alipin at Oripun
B. Maginoo at Datu
C. Maharlika at Timawa
D. Babaylan at Katalonan
31. Sila ang bumubuo sa pinakamababang antas panlipunan noong sinaunang panahon.
A. Alipin at Oripun
B. Maginoo at Datu
C. Maharlika at Timawa
D. Babaylan at Katalonan
32. Tawag sa mahuhusay na mandirigma sa panahon ng mga sinaunang Filipino.
A. Gat B. Lakan C. Bagani D. Umalohokan
33. Uri ng alipin sa Tagalog na maaaring magkaroon ng ari-arian.
A. Ayuey
B. Tumarampuk
C. Aliping Saguiguilid
D. Aliping Namamahay
34. Uri ng alipin sa Bisaya na naninilbihan kailanman naisin ng datu.
A. Ayuey
B. Tumarampuk
C. Aliping Saguiguilid
D. Aliping Namamahay
35. Ang datu ang pinuno ng pamahalaang barangay noong ____________.
A. panahon ng mga Hapones
B. panahon ng mga Espanyol
C. panahon ng mga Amerikano
D. panahon ng mga sinaunang Pilipino
36.Ang mga _______________ ay katulong ng datu sa pamumuno sa barangay.
A. kanyang pamilya
B. mga mandirigma
C. lupon ng mga matatanda
D. kanyang mga anak na lalaki
37. Ano ang isinasagisag ng sanduguan na isinasagawa ng mga pinuno ng barangay?
A. pakikipagkalakalan
B. kasaganaan at kayamanan
C. pakikipagkaibigan at kapatiran
D. paglilitis ng isang kaso sa barangay
38. Sa sinaunang barangay, nasa kamay ng _______ ang pagiging mambabatas at
tagapagpatupad ng batas.
A. datu B. sultan C. babaylan D. umalohokan
39. Siya ang tagapagbalita sa mga batas na ginawa ng datu at ng mga matatanda sa barangay.
A. datu B. sultan C. babaylan D. umalohokan
40. Siya ang pinakamataas na pinuno ng sultanato.
A. sultan B. datu C. babaylan D. umalohokan
41. Siya ang nagtatag ng pamahalaang sultanato sa Pilipinas at tumayo bilang sultan nito.
A. Baguinda B. Ul-Hashim C. Abu Bakr D. Ul-Makdum
42. Siya ang katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas.
A. ruma bichara
B. kanyang asawa
C. mga matatanda
D. panganay na anak
43. Ang parusa noong sinaunang barangay ay tunay na ____________.
A. magaan B. malupit C. makatao D. makatarungan
44. Ang pagtiyak sa tao o mga taong dapat parusahan dahil sa paglabag sa batas ng barangay ay
isinasagawa sa pamamagitan ng paglilitis at _____________.
A. pagsubok
B. pagpapahula
C. paghahandog ng ginto
D. pagsasagawa ng seremonya
45. Tawag sa pantaas na damit ng mga kalalakihan noong sinaunang panahon.
A. saya B. baro C. bahag D. kanggan
46. Tawag sa pantaas na kasuotan ng mga kababaihan noong sinaunang panahon.
A. saya B. baro C. bahag D. kanggan
47. Siya ang nagbibigay ng pangngalan sa kanyang anak noong sinaunang panahon sa Pilipinas.
A. ama B. ina C. lolo D. lola
48. Tawag ng mga sinaunang Filipino sa mga espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran.
A. anito B. barangan C. numbaki D. mangangaway
49. Tawag sa banal na aklat ng mga Muslim.
A. Qur’an B. Bibliya C. Tarsila D. Baybayin
50. Relihiyon ng mga Muslim na itinatag ng propetang si Muhammad.
A. Islam B. Animismo C. Paganismo D. Kristiyanismo

You might also like