You are on page 1of 53

PRE-TEST IN AP

5
(FIRST
QUARTER)
1. Sa globo makikita ang kabuuang larawan kung saan nakalagay o
nakapuwesto ang bawat bansa, mga karagatan, at mga kontinente.
Saan eksaktong guhit makikita ang kinalalagyan ng Pilipinas sa
globo?
A. 4°21”at 21°25” Hilaga latitud – 116°00” at 127°00” Silangan
longitude
B. 3°21” at 12°25” Hilaga latitud – 115°00” at 127°00” Silangan
longitude
C. 4°21” at 21°25” Timog latitud – 116°00” at 127°00” Kanluran
longitude
D. 3°21” at 21°25” Timog latitud – 115°00” at 127°00” Silangan
longitude
2. Ang grupo ninyo ay inatasan ng inyong guro na iguhit
ang mapa ng Pilipinas sa globo. Bilang ikaw ang lider,
gumamit ka nang mga imahinaryang guhit latitud at guhit
longhitud para madali mong mailagay ito sa tamang
lugar. Ano ang tawag sa mga nabuong guhit?
A.digri
B. Grid
C. latitude
D. longhitud
3. Nagbigay ng paligsahan ang guro sa mga bata na mahanap ang
mga espesyal na guhit sa globo. Anong espesyal na guhit sa globo ang
may sukat na 66 ½ digri H latitude?
A. Tropiko ng Kanser
B. Kabilugang Antartiko
C. Kabilugang Artiko
D. Tropiko ng Kaprikornyo
4. Tinawag si Jun ng guro upang ituro sa mapa ang
bansang Cambodia kung magmumula ito sa Pilipinas.
Saang direksyon ito makikita?
A. Hilaga
B. Silangan
C. Timog
D. Kanluran
5. Maraming bansa ang nakapalibot sa Pilipinas, Alin
sa mga sumusunod ang matatagpuan sa Hilagang
Kanluran nito?
A. Borneo
B. Indonesia
C. Japan
D. Taiwan
6. Magkakaiba ang temperature sa iba’t ibang lugar.
Anong temperatura ang nararanasan ng mga nakatira
sa bulubunduking lugar?
A.Mainit na temperatura
B. Malamig na temperatura
C. Katamtamang init ng temperatura
D. Katamtamang lamig ng temperatura
7. Naka-aapekto ang panirahan sa pamumuhay ng tao. Alin sa
mga sumusunod na pangungusap ang nararapat gawin?
A. Mainam manirahan sa matataas na lugar sa panahon ng tag-
ulan.
B. Mainam manirahan sa mabababang lugar sa panahon ng tag-
ulan.
C. Mainam manirahan sa matataas na lugar sa panahon ng tag-
init
D. Mainam manirahan sa ligtas na lugar sa lahat nang panahon.
8. Ang Hanging Silangan na nararanasan tuwing mga buwan
ng Pebrero hanggang Marso ay nagdadala ng mainit na
hangin. Paano mo pananatilihing ligtas sa ubo at sipon ang
iyong katawan sa mga panahong ito?
A. Magsuot ng maluluwag na kasuotan
B. Kumain ng tatlong beses isang araw.
C. Manatili sa loob ng tahanan sa lahat ng oras
D. Uminom ng walong basong tubig araw -araw.
9. Bawat bansa sa mundo ay may kanya-kanyang uri ng
panahon at klima. Ito ay nakasalalalay sa lokasyon ng
mga ito. Ano ang tawag sa pansamantalang kalagayan ng
atmospera ng isang lugar na maaring mabago anumang
oras?
A. Atmospera
B. Lokasyon
C. Klima
D. panahon
10. Magkakaiba ang klimang nararanasan ng mga bansang
nasa rehiyong temperate, tropical, at polar. Bakit naiiba ang
klima sa rehiyong temperate at tropikal?
A. Dahil malamig ang klima sa rehiyong polar
B. Dahil higit na mainit ang klima sa rehiyong tropikal kaysa
rehiyong polar
C. Dahil may mainit na klima sa rehiyong temperate at
tropical kaysa rehiyong polar
D. Dahil may malamig na klima sa rehiyong temperate at
polar kaysa sa rehiyong tropikal.
11. Ang Hanging Habagat ay nararanasan sa bansa mula buwan
ng Mayo hanggang Oktubre na kadalasan ay nagdudulot ng
malalakas na pag-ulan at pagbaha sa mababang lugar. Ano ang
nararapat mong gawin para maging ligtas sa anumang panganib?
A. Makinig nga balita sa radio
B. Lumikas pansamantala sa inyong lugar
C. Bumili ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya
D. Maghanda, magdasal at ibayong pag-iingat sa lahat ng oras.
12. Bakit malamig at tuyo ang amihan tuwing buwan ng
Nobyembre hanggang Pebrero?
A. Dahil ang hangin ay nagmumula sa malalamig ng bansa sa
Asya
13. Sa pag-ikot ng mundo sa kanyang aksis, nagkakaroon ng
pagkakaiba ang oras sa ibat-ibang panig ng mundo. Ano ang maaring
mangyari sa ibang bahagi ng kapuluan?
A. Mainit ang mararanasan sa mahabang panahon
B. Makararanas ng kadiliman sa ibat-ibang lugar sa mundo
C. Mapapanatiling maulan sa ibat-ibang bajhagi ng mundo
D. Makararanas ng ibat-ibang klima ang ibat-ibang lugar sa mundo
14. Nagkakaiba-iba ang tindi ng sikat ng araw sa
ibat-ibang bahagi ng mundo. Ano ang dahilan nito?
A.Pagkiling ng mundo sa aksis
B. Pagligid ng mundo sa araw
C. Pag-ikot ng mundo sa araw
D. Pag-ikot ng mundo sa sariling aksis
15. Ang klima sa Pilipinas ay tropikal ngunit
magkaiba ang temperatura sa iba’t ibang panig
ng bansa. Bakit nararanasan natin ito?
A.Dahil malaki ang lugar
B.Dahil sa lokasyon nito
C. Dahil sa kalat ang tag-init
D. dahil sa katangiang pisikal
16. Ang mga Pilipino ay madalas pumupunta sa “beaches” at
naliligo tuwing buwan ng Abril at Mayo. Pumupunta rin sila sa
Baguio at Tagaytay upang magpalamig. Ano ang dahilan nito?
A.Mahilig ang mga Pilipino sa pamamasyal
B. Nais ng mga Pilipino na makarating sa ibang lugar
C. Maraming pera ang mga Pilipino makapunta sa beaches
D.Ang mga lugar na ito ang angkop sa panahon ng tag-init
17. Bakit ang Pilipinas ay tinawag na isang archipelago?
A.Sapagkat ito’y isang pulo na napaliligiran ng bundok
B. Sapagkat ito ay napaliligiran ng dagat sa hilaga at timog
C. Sapagkat ito ay binubuo ng mga pulo na napaliligiran ng mga
dagat.
D.Sapagkat ito’y isang makipot na lupain na kakikitaan ng mga
bundok at tubig
18. Dahil ang Pilipinas ay isang archipelago, sagana ito s
mga kapatagan at malawak na taniman. Ano ang epekto nito s
bansa?
A.Sagana sa mga isda na kanilang nahuhuli
B.Sagana sa mga yamang mineral tulad ng ginto
C.Sagana sa mga produktong halaman tulad ng palay
D.Sagana sa mga beaches at resorts na napapagliwaliwan
19. Ang Pilipinas ay isang lugar o rehiyon na may maraming
aktibong bulkan at nagaganap ang madalas na paglindol. Baki
kaya nagyayari ito?
A.Dahil tayo ay nasa lugar ng “Pacific Ring of Fire”
B.Dahil tayo ay nasa lugar na maiinit na kalupaan.
C.Dahil tayo ay nasa lugar na may maiinit na tubig.
D.Dahil tayo ay nasa lugar na nagbubuga ng apoy.
20. Batay sa pag-aaral ng mga dalubhasang heologo sa mga kapulua
ng Pilipinas nabuo ang ibat-ibang anyong lupa sa bansa. Paano nabu
ang mga kapuluan ayon sa teoryang Bulkanismo?
A. Gumuho ang lupa sa matataas na bahagi ng bansa
B. Sumabog ang mga bato galing sa ilalim ng katubigan
C. Sumabog ang lupa sa kapatagan na naging sanhi ng pagkahiwa
hiwalay nito
D. Pumutok ang mga bulkan na naging sanhi ng pagkahiwa-hiwalay n
bato at nagkaroon ng tubig sa mga pagitan nito.
21. Sinasabing malaki ang naging impluwensiya ng mga
Austronesian sa mga unang Pilipino. Bukod sa wika, ano pa ang
nai-ambag nila sa atin?
A.paraan ng pagsamba nila sa kalikasan.
B.paraan ng pananamit ng mga kababaihang Pilipino.
C.paraan ng pagbasa at pagsulat ng mga unang Pilipino
D.paraan ng pagsasaka bilang hanapbuhay ng ating mga
ninuno.
22. Sang-ayon sa mga pag-aaral, matagal nang may
naninirahan sa bansang Pilipinas. Sino ang kauna-
unahang nanirahan dito?
A. Austronesyano
B. Ita
C. Indones
D. Malay
23. Paano napatunayan ng mga dalubhasa sa kanilang pananaliksik
na matagal nang may naninirahan sa Pilipinas bago pa man dumating
ang mananakop?
A. Dahi sa kultura na nakikita sa kasalukuyan.
B. Dahil may mga natitira pang Pilipino na nagpapatunay.
C. Dahil sa may natagpuang mga buto o kalansay sa Kweba ng Tabon
sa Palawan.
D. Dahil sa mga kagamitang ginagamit pa rin nila hanggang sa
kasalukuyan.
24. Kung ikaw ay susulat ng sanaysay tungkol sa pinagmulan ng lahing
Pilipino batay sa Teorya ni H. Otley Beyer, alin sa ibaba ang iyong
isusulat?
A. Naniniwala sila na ang mga unang tao ay mismong katutubo ng
Pilipinas
B. Dumating ang tatlong pangkat ng tao mula sa iba’t-ibang panig ng
Asya
C. Dumating ang mga pangkat ng tao galing sa iba’t-ibang lupalop ng
Europa
D. Nanggaling sila sa South China Sea, naglakbay at nakakita ng mga
produkto na pwede nilang ipagbili sa ibang bansa.
25. Ang mga sinaunang Pilipino ay may lipunang
kinabibilangan. Binubuo ito ng iba’t ibang pangkat ayon sa
katayuan ng pamumuhay. Aling pangkat ng tao sa Luzon ang
maituturing na pinaka-makapangyarihan sa lahat?
A. Alipin
B. Datu
C. Maharlika
D. Timawa
26. Sino ang pangkat ng tao na binubuo ng may
pinakamalaking bahagdan sa lipunan ang malaya na tumutulong
sa mga gawain ng datu gaya ng pagtatayo ng bahay, pagsalakay
sa mga kalaban at paggaod ng bangka kapag siya ay
naglalakbay?
A. Alipin
B. Datu
C. Maharlika
D. Timawa
27. Sa pamahalaang Sultanato, may mga nagtuturo ng
nilalaman ng kanilang Kor’an. Sila rin ang namumuno
sa oras ng pagdarasal. Ano ang tawag sa kanila?
A.Kadi
B. Imam
C. Pandita
D. Panglimas
28. Noon pa man ay may pamahalaang maituturing na ang ating mg
ninuno. Paano mo mailalarawan ang pamahalaang barangay ng mg
sinaunang Pilipino?
A. Sumasakop sa buong bansa na ang pinuno ay Datu
B. Sumasakop sa isang tiyak na lugar na binubuo ng mahigit 30
pamilya.
C. Sumasakop sa isang tiyak na lugal na binubuo ng 30 hanggang 10
pamilya.
D. May sistema ng pamamahala at di-maaaring pakialaman ng iban
pangkat.
29. May mga pangkat sa Visayas na alipin ng mga Datu.
Kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon noon, paano ka
maaring makalaya mula sa pagiging alipin?
A.Hihiwalay ako sa aking pamilya
B.Bubukod ako ng tirahan sa datu
C.Magsasaka ako sa lupang sakahan ng timawa
D.Magbabayad ako sa aking amo ng 18 tael na ginto
30. Sa pangkat ng tao sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino ay
may tinatawag na alipin. Dalawang uri ng alipin sa mga tagalog
at tatlong uri sa mga Bisaya. Alin sa mga Tagalog ang aliping
may tungkuling magbigay ng tributo taun-taon katumbas ng 100
salop na palay?
A.ayuey
B. tumarampuk
C. Alipin sa saguiguilid
D. Aliping namamahay
31. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo ng pamunuan sa
panahon ng pamahalaang sultanato?
A.Datu, Sultan, Timawa, Alipin
B. Tenyente, Inspektor, Hepe, Deputy
C. Kapitan, Konsehal, Mayor, Gobernador
D. Kabesa de Barangay, Sarhento, Ministro
32. May dalawang uri ng batas ang naipatupad ng datu sa
kanyang nasasakupang barangay. Anong uri ng batas ang
may kinalaman sa mga relasyong pampamilya, mga
karapatan sa mana at ari-arian?
A. Batas Pambayan
B. Batas na Nakasulat
C. Batas Pambarangay
D. Batas na Di-nakasulat
33. Ang mag-asawang mangingisda na sina Mang Mario a
Aling Ely ay nakatira malapit sa tabing dagat. Bukod s
pagiging mangingisda, ano pang hanapbuhay ang pwed
nilang pagkakitaan?
A.Paninisid ng perlas.
B.Pagbebenta ng dinamita
C.Pagtatanim sa tabing dagat
D.Paggawa ng palamuti yari sa mga maliliit na shells
34. Ang paninisid ng perlas at kabibe ay ginawa upang
makalikha ng mga alahas o palamuti Kaugnay ng ganitong
hanapbuhay, paano pinakikinabangan ng ating mga ninuno ang
mga produktong ito?
A.Isinuot nila sa kanilang katawan
B.Ipinamana nila sa kanilang mga anak
C.Ipinamigay sa mga dayuhang kaibigan
D.Ipinapamalit nila ng ibang produkto mula sa mga dayuhan
35. Ang sinuman ay maaring magkaroon ng kapirasong lupa
kahit walang perang ibinibili. Ano ang tawag sa paraang ito ng
ating mga ninuno?
A. Pagbibili
B. Pagmamana
C. Paghihingi
D. Pangkakaingin
36. Ang ating mga sinaunang Pilipino ay gumagamit ng mga
sandata upang ipagtanggol ang kanilang sarili at mga
kasangkapan para sa kanilang paghahanapbuhay na yari sa bato.
Anong panahon ito nagsimula?
A.Panahon ng Silver
B. Panahon ng Bagong Bato
C. Panahon ng Metal
D. Panahon ng Lumang Bato
37. Ang pagiging mabuti ay isang katangiang
maipagmamalaki nating mga Pilipino. Ang pagdadamayan ay
naipapakita lalo na sa panahon ng kagipitan o kalamidad.
Ano ang tradisyong ito na hanggang ngayon ay nananatili sa
mga Pilipino?
A. Pagbabayanihan
B. Pagbibigayan
C. Pagkakaisa
D. Pakikisama
38. Ang mga sinaunang Pilipino ay nagsasagawa ng mga
ritwal upang makuha ang tulong at pagsang-ayon ng mga
anito. Ano ang tawag sa ritwal na ito?
A. pag-aanito
B. pagdarasal
C. kultura
D. tradisyon
39. May ilang paniniwala ang ating mga ninuno tulad ng
paglalagay ng libro sa ilalim ng unan bago matulog. Ano kaya
ang ibig sabihin nito?
A.para magising nang maaga
B.para hindi masira ang libro o aklat
C.para hindi raw malimutan ang pinag-aralan
D.para maala-alang dalhin ang aklat sa paaralan kinabukasan
40. “Baligtarin ang suot na damit kung ikaw ay naligaw n
daan” ay isa sa pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino
Anong ibig sabihin nito?
A.para makita ang pinanggalingan
B.para hindi agad marumihan ang suot na damit
C.para makita ang daan at hindi paglaruan ng tikbalang
D.para makarating nang mabilis sa lugar na pupuntahan
41. Anong tawag sa pista opisyal na
ipinagdiriwang ng mga Pilipino upang gunitain
ang kamatayan ng mga yumao?
A. Bagong Taon
B. Pasko
C. Pista
D. Undas
42. Isa sa tradisyon ng mga Kristyanong Katoliko ang pag-
aalay ng bulaklak sa mahal na Birheng Maria tuwing buwan
ng Mayo. Kung iba ang iyong relihiyon, ano ang iyong
gagawin?
A.Tatawanan ko sila
B.Di ko na lang sila papansinin
C.Sasawayin ko sila sa kanilang ginagawa
D.Igagalang ko ang kanilang tradisyon at paniniwala
43. Ang mga Pilipinong Muslim ay may pag-aayuno tuwing Ramada
gayundin ang mga Pilipinong Katoliko tuwing Semana Santa. Ano an
ipinahihiwatig nito?
A. Ang mga Pilipino simula noon hanggang ngayon ay may matibay n
pamamaraan ng paniniwala at pananampalataya.
B. Ang mga Pilipino ngayon ay may hiwa-hiawalay na pananampalataya n
sinusunod.
C. Ang pananampalataya ng mga Pilipino ay unti-unti nang nawawala.
D. Ang bawat isa ay may kalayaang pumili ng gustong paniwalaan.
44. May ilan pa sa mga Pilipino ngayon ang
naniniwala sa kaugalian kagaya ng “hindi na dapat
magwalis kapag lumulubog ang araw”. Anong
paniniwala ang ibig sabihin nito?
A.Mawawala ang biyaya
B. May panauhing darating
C. May magandang balita
D. Mamalasin sa pamumuhay
45. Ang mga sinaunang Pilipino ay sumamba at
sumampalataya sa ating kalikasan lalo’t higit sa
kanilang pinaniniwalaang espiritu, ano ang tawag sa
pananampalatayang ito?
A. Pananampalatayang Muslim
B. Pananampalatayang Pagano
C. Pananampalatayang Katoliko
D. Pananampalatayang Kristiyano
46. Sa Bibliya o banal na aklat nakasaad ang mga
utos, aral at salita ng Diyos ng mga Kristiyano. Saan
naman nakatala ang aral ng mga Muslim?
A. Bibliya
B. Diksyonaryo
C. Pahayagan
D. Quran
47. Ano ang tawag sa payak na kasuotan ng mga
sinaunang Pilipinong lalaki na kalimitan ay pang itaas
na walang manggas?
A. Bandana
B. Kangan
C. Putong
D. Sando
48. Ang ating mga ninuno ay natuto ring magsulat noong
panahong iyon. Sumusulat sila sa mga dahon, balat ng
punongkahoy at biyas ng kawayan gamit ang mga matutulis na
bagay. Ano ang tawag nila dito?
A. Alibata
B. Botoan
C. Lubus
D. Sipol
49. Ang paggamit ng “po” at “opo” ay isang
napakagandang kaugalian na dapat hanggang ngayon
ay hindi mawala sa atin. Anong kaugalian ang
ipinapakita nito?
A.Pagka-mapagbigay
B. Pagka-matulungin
C. Pagka-mapagmahal
D. Pagka-magalang
50.Para sa mabuting pagsasamahan ng pamilya, lubhang mahalaga ang
tungkuling ginagampanan ng bawat kasapi. Paano mo ipinapakita ang mabuti
mong pakikisama sa bawat kasapi ng iyong mag-anak?
I. Nakikinig sa mga tamang sinasabi ng mga nakatatanda.
II. Gumagalang sa mga opinyon at damdamin ng bawat isang kasapi ng
pamilya.
III.Magiging bukas ang isIpan sa iba‟t ibang ugali ng bawat kasapi
IV. Nakikipagtulungan sa mga gawain kahit sila ay nakababata
A. I at II B. I, II, at III C. II, III at IV D. I, II, III at IV
KEY TO
CORRECTION
1. A 11. D 21. D 31. A 41. D
2. B 12. D 22. C 32. B 42. D
3. C 13. D 23. C 33. D 43. A
4. D 14. A 24. B 34. D 44. A
5. D 15. B 25. B 35. B 45. B
6. B 16. D 26. C 36. D 46. A
7. D 17. C 27. B 37. B 47. B
8. D 18. C 28. C 38. A 48. D
9. C 19. A 29. D 39. C 49. D
10. C 20. D 30. C 40. C 50. D

You might also like