You are on page 1of 8

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA AP 5

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1 .Paano mo matutukoy ang relatibong lokasyon ng isang lugar?
a. Sa pamamagitan ng paggamit ng eskala.
b. Sa pamamagitan ng latitud at longhitud.
c. Sa pamamagitan ng paggamit ng sinaunang mapa.
d. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga karatig na lugar gamit ang direksyon.
2. Paano mo matutukoy ang tiyak ng lokasyon ng isang lugar?
a. Sa pamamagitan ng latitud at longhitud.
b. Sa pamamagitan ng paggamit ng eskala.
c. Sa pamamagitan ng paggamit ng sinaunang mapa.
d. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga karatig na lugar gamit ang direksyon.
3. Bakit nakatagilid o nakahilig ang globo?
a. Upang madaling iikot.
b. Upang maitayo ito nang maayos.
c. Dahil ito ang napagkasunduan ng mga sinaunang tao.
d.Dahil ito ay representasyon ng ating nakahilig na mundo.
4. Ang mga sumusunod ay ilan sa pagkakaiba ng globo sa mapa, piliin ang hindi
kabilang dito.
a. Ang mapa ay maaaring magpakita ng maliliit na lugar tulad ng isang bansa,
lalawigan, bayan, at maging barangay samantalang ang globo naman ay
pangkabuuan ng mundo
b. Isang tingin mo lang sa mapa ng mundo ay maaari mo nang makita ang lahat ng
bansa nang hindi ito hinahawakan samantalang sa globo naman ay kailangan mo
pa itong ikutin upang makita ng mga bansa na nasa likod nito.
c. Ang mapa ay isang patag na representasyon samantalang ang globo naman ay
bilog at nakahilig.
d. Ang mapa ay maaaring gamitin ninuman samantalang ang globo ay tanging
pang eksperto lamang.
5. Bakit mahalaga ang ekwador sa mapa at pagtukoy ng lokasyon?
a. Ang ekwador ang naghahati sa Silangan at Kanlurang hatingglobo.
b. Ang ekwador ang naghahati sa Hilaga at Timog hatingglobo
c. Ang ekwador ang naghahati sa Silangan at Hilagang hatingglobo
d. Ang ekwador ang naghahati sa Timog at Kanlurang hatingglobo
6. Bakit mahalaga ang Prime Meridian sa pag-aaral ng lokasyon?
a.Ang ekwador ang naghahati sa Silangan at Kanlurang hatingglobo.
b.Ang ekwador ang naghahati sa Hilaga at Timog hatingglobo
c.Ang ekwador ang naghahati sa Silangan at Hilagang hatingglobo
d.Ang ekwador ang naghahati sa Timog at Kanlurang hatingglobo
7. Gamit ng iyong mapa, alin sa mga sumusunod ang relatibong lokasyon ng Pilipinas?
a. Taiwan sa Hilaga, Vietnam sa Kanluran, Indonesia sa Timog, at Thailand sa
Silangan.
b. Vietnam sa Kanluran, Malaysia sa Timog, Saipan sa Silangan, Taiwan sa Hilaga.
c. Brunei sa Timog, Cambodia sa Silangan, Japan sa Hilagat, Vietnam sa Kanluran.
d. Celebes Sea sa Silangan, West Philippine Sea sa Hilaga, Pacific Ocean sa
Kanluran at Sulu Sea sa Timog.
8. Gamit ang mapa ng mundo, alin sa mga sumusunod na grid ang tutumbok sa
Pilipinas?
a. 15o Timog Latitud, 120o Silangang Longhitud
b. 30o Timog Latitud 120o Kanlurang Longhitud
c. 15o Hilagang Latitud 120o Silangang Longhitud
d. 30o Hilagang Latitud 120o Kalurang Longhitud
9. Bakit kadalasang mainit ang panahon sa Pilipinas?
a. Dahil ang Pilipinas ay nasa tropiko ng kanser at hindi tiyak ang klima
b. Dahil ang Pilipinas ay nasa kabilugang Artiko kung saan bihira ang pag-ulan
c. Dahil ang Pilipinas ay nasa tropiko ng kaprikorn kaya mainit talaga ang panahon
d. Dahil ang Pilipinas ay may klimang tropikal, malapit sa ekwador kaya
nakakaranas ito ng direktang sikat ng araw sa buong taon.
10. Bakit nakakaranas ng apat na panahon (Winter, Spring, Summer, Fall) ang mga bansang
malapit sa Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikorn?
a. Dahil sa mga hayop na naninirahan dito.
b. Dahil malapit sa karagatan ang mga bansang ito.
c. Dahil sa matataas na bundok ang mga bansang ito.
d. Dahil sa pagkahilig ng mundo ay iba’t ibang haba ng sikat ng araw ang kanilang
nararanasan batay sa posisyon ng mundo sa araw.
11. Paano nagkakaiba ang Klima sa Panahon?
a. Ang klima ay kondisyon ng atmospera sa loob ng mahabang panahon samantalang
ang panahon naman ay lagay ng atmospera sa isang araw o mas maiksing oras.
b. Ang klima ay tumutukoy sa lagay ng atmospera ng isang probinsya samantalang
ang panahon naman ay tumutukoy sa lagay ng panahon ng isang bansa.
c. Ang klima ay ginagamit na salita ng mga eksperto samantalang ang salitang
panahon ay para sa mga ordinaryong mamamaya pero pareho itong tumutukoy sa
lagay ng atmospera
d. Ang klima ay ang pabago-bagong lagay ng init ng dagat oras-oras samantalang
ang panahon namay ay pabago-bagong temperatura sa taas ng bundok.
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik na nakakaapekto sa klima?
a. Latitude c. Topograpiya
b. Altitude d. Distansya mula sa ilog
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik na nakakaapekto sa panahon?
a. Humidity c. Dami ng ulan
b. Temperatura d. Bilis ng alon ng dagat
14. Bakit tuwing buwan ng Hunyo hanggang Setyembre ay madalas ang suspensyon ng
klase?
a. Dahil ito ang panahon kung kailan natin nararanasan ang matinding sikat ng araw na
hindi maganda sa kalusugan ng tao.
b. Dahil ito ang panahon kung kailan natin nararanasan ang hanging habagat na
nagdadala ng pag-uulan at ito rin ang panahon na dumarating sa Pilipinas ang
malalakas na bagyo.
c. Dahil ito ang panahon kung kailan nararanasan ang hanging amihan na nagdadala ng
hanging malamig at hindi kakayanin ng mag-aaral na magpokus sa ganitong lamig.
d. Dahil ito ang panahon kung kailan may malalaking bloke ng yelo na maaaring
bumagsak sa ating lugar.
15. Paano nakakatulong ang pagbibigay babala at paalala ng Philippine Atmospheric
Geophysical and Astronomical Services o PAGASA sa tuwing may paparating na
sam ng panahon?
a. Nagkakaroon ng paghahanda ang mga local government at nagsususpinde ng klase
para sa kaligtasan ng lahat
b. Naghahanda ang mga mamamayan ng mga gamit na maaaring gamitin kung sakaling
mananalasa ang bagyo
c. Nagkakaroon ng pagkukumpuni sa mga sira o mahunang bahagi ng bahay upang
hindi lubos na maapektuhan ng sama ng panahon
d. Lahat ng nabanggit
16. Ano ang ating maaaring gawin kapag nanalasa ang isang malakas na bagyo?
a. Maingat na suriin ang lugar na naapektuhan lalo na ang may mga nasirang bahagi
tulad ng bubong at kisame na maaaring tuluyang bumagsak, suriin rin ang mga kable.
b. Ilista ang mga nasira, dapat ayusin at dapat palitan.
c. Tumulong sa pagkukumpuni at pagpapalit ng mga nasirang gamit
d. Lahat ng nabanggit
17. Ang inaakalang dating 7,107 na isla ng Pilipinas ay nabago na pala at nagkaroon ng
karagdagang 534 isla ayon sa National Mapping Resource and Information
Authority o NAMRIA. Ilan na ang opisyal na bilang ng isla na bahagi ng Pilipinas?
a. 7, 461 c. 7, 641
b. 7,614 d. 7, 446
18. Paano nabuo ang Pilipinas ayon sa Teorya ng Continental Drift?
a. Dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa, mula sa isang malaking tipak ng lupa na
tinatawag na Pangaea ay nahati ito sa kasalukuyang itsura nito at isa ang Pilipinas sa
nahiwalay sa malalaking tipak ng lupang ito.
b. Dahil sa mga tumigas na magma o lava na lumabas sa mga bulkan sa ilalim ng dagat at
umusbong hanggang sa tuluyang makabuo ng mga isla
c. Dahil sa pagkatunaw ng mga yelo dahilan ng paglubog ng mga tulay na lupa.
d. Dahil sa mga pagkaubos ng mga bundok na ginawang sakahan.
19. Paano nabuo ang Pilipinas ayon sa Teorya ng Bulkanismo?
a. Dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa, mula sa isang malaking tipak ng lupa na
tinatawag na Pangaea ay nahati ito sa kasalukuyang itsura nito at isa ang Pilipinas sa
nahiwalay sa malalaking tipak ng lupang ito.
b. Dahil sa mga tumigas na magma o lava na lumabas sa mga bulkan sa ilalim ngdagat at
umusbong hanggang sa tuluyang makabuo ng mga isla
c. Dahil sa pagkatunaw ng mga yelo dahilan ng paglubog ng mga tulay na lupa.
d. Dahil sa mga pagkaubos ng mga bundok na ginawang sakahan.
20. Paano nabuo ang Pilipinas ayon sa Teorya ng Lupa na Lupa?
a. Dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa, mula sa isang malaking tipak ng lupa na
tinatawag na Pangaea ay nahati ito sa kasalukuyang itsura nito at isa ang Pilipinas sa
nahiwalay sa malalaking tipak ng lupang ito.
b. Dahil sa mga tumigas na magma o lava na lumabas sa mga bulkan sa ilalim ng
dagat at umusbong hanggang sa tuluyang makabuo ng mga isla
c. Dahil sa pagkatunaw ng mga yelo dahilan ng paglubog ng mga tulay na lupa.
d. Dahil sa mga pagkaubos ng mga bundok na ginawang sakahan.
21.Ano-ano ang mga ibinigay na ebidensiya ni Alfred Wegener sa kanyang Continental Drift
Theory?
a. Pagkakapareho ng mga labi ng hayop na natagpuan sa South America at Africa;
Akmang hugis ng South America sa Africa
b. Mga korales at lumang volcanic material na natagpuan sa Baguio City at kalapit na
mga bundok.
c. Pagkakapareho ng mga hayop at halaman sa Pilipinas at mga karatig na bansa
d. Mga natagpuang kagamitan ng tao sa India, Australia, at Madagascar.
22. Ano-ano ang mga ibinigay na ebidensiya ni Bailey Willis sa kanyang Teorya ng
Bulkanismo o Pacific Theory?
a. Pagkakapareho ng mga labi ng hayop na natagpuan sa South America at Africa;
Akmang hugis ng South America sa Africa
b. Mga korales at lumang volcanic material na natagpuan sa Baguio City at kalapit na
mga bundok.
c. Pagkakapareho ng mga hayop at halaman sa Pilipinas at mga karatig na bansa
d. Mga natagpuang kagamitan ng tao sa India, Australia, at Madagascar.
23. Alin sa mga sumusunod na Teorya ang pinabulaanan dahil sa kakulangan sa ebidensya?
a. Teorya ng Bulkanismo c. Teorya ng Tulay na Lupa
b. Continental Drift Theory d. Wala sa mga nabanggit

24. Ano-ano ang ibinigay na ebisensya ng Teorya ng Tulay na Lupa?


a. Pagkakapareho ng mga labi ng hayop na natagpuan sa South America at Africa;
Akmang hugis ng South America sa Africa
b. Mga korales at lumang volcanic material na natagpuan sa Baguio City at kalapit na
mga bundok.
c. Pagkakapareho ng mga hayop at halaman sa Pilipinas at mga karatig na bansa
d. Mga natagpuang kagamitan ng tao sa India, Australia, at Madagascar.
25. Paano natukoy ng mga eksperto na mayroon nang mga sinaunang tao ang nanirahan sa
Pilipinas daang taon na ang nakalipas?
a. Base sa mga bibliya
b. Base sa mga kwento ng matatanda
c. Base sa natagpuang aklat na nahukay sa Sierra Madre
d. Base sa mga natagpuang labi ng tao, hayop, at kagamitan.
26. Paano nakarating sa Pilipinas ang mga sinaunang tao ayon sa Austronesian migration?
a. Gamit ang tulay na lupa
b. Gamit ang mga sasakyang pandagat
c. Gamit ang mga sasakyang panghimpapawid
d. Gamit ang mga kalabaw at kabayo na kanilang sinakyan papuntang Pilipinas
27. Alin sa mga sumusunod ang ibinigay na ebidensya ng Teorya ng Autronesian Migration?
a. Magkakatulad na itsura ng mga natagpuang labi
b. Magkakatulad na salita o Wika
c. Magkakatulad ng itsura ng kasalukuyang tao
d. Magkakatulad na klima
28. Alin sa mga sumusunod ang ibinigay na ebidensya sa Teorya ng Core Population?
a.Magkakatulad na itsura ng mga natagpuang labi
b.Magkakatulad na salita o Wika
c.Magkakatulad ng itsura ng kasalukuyang tao
d.Magkakatulad na klima
29. Paano natutukoy kung gaano na katanda ang isang bungo o kagamitan na nahuhukay?
a. Sa pamamagitan ng thermometer c. Sa pamamagitan ng anemometer
b. Sa pamamagitan ng carbon dating d. Sa pamamagitan ng copper dating
30. Nito lang Mayo 2018 ay may nahukay sa Rizal, Kalinga na labi ng isang rhinoceros na
pinaniniwalaang nabuhay 709,000 taon na ng nakakaraan, kapansin-pansin ang hiwa sa buto
nito. Ano ang pinahihiwatig nito?
a. Namatay ang rhinoceros sa pagkalunod
b. Namatay ang rhinoceros dahil sa tama ng baril.
c. Namatay ang rhinoceros dahil sa tama ng kidlat
d. Namatay ang rhinoceros dahil sa pangangaso na kinabubuhay ng sinaunang tao
31. Karapatdapat bang paniwalaan ang Teorya ng Wave Migration na nagsasabing tayo ay
nagmula sa mga pangkat-pangkat na dumating sa Pilipinas tulad ng mga Negrito, Indones, at
Malay?
a. Oo sapagkat Pilipino ang nagmungkahi ng Teoryang ito
b. Oo sapagkat may sapat itong ebidensiya.
c. Hindi dahil hindi sikat ang nakaisip nito
d. Hindi dahil hindi sapat ang ebidensiya nito at ito ay pinabulaanan na ng mga eksperto.

32. Paano pinipili ang isang datu? Piliin ang hindi kasali sa mga pamantayan sa pagiging
datu.
a. Kung anak ng isang datu (pamana)
b. Kapag nagpakita ng katapangan sa pakikidigma
c. Kapag ipinanganak na may kakamabal na umalagad.
d. Kung nagpakita ng katalinuhan na lubos na nakatulong sa banwa o tribo.
33. Paano nagiging alipin ang isang tao noong sinaunang panahon? Piliin ang hindi
kasali sa mga dahilan.
a.Kapag ipinanganak na may kambal ahas c. Parusa sa nagawang kasalanan
b.Kapag anak ng parehong alipin d. Pinambayad utang
34. Bakit sinasabing matatapang ang mga lalaking maraming tattoo noong sinaunang
panahon?
a. Ito ay kumakatawan sa kakayanan niyang makita ang mangyayari sa hinaharap.
b. Ito ay kumakatawan sa bilang ng kanyang nahuling hayop sa pangangaso
c. Ito ay kumakatawan sa bilang ng kalabang napatay sa pakikidigma
d. Ito ay kumakatawan sa dami ng espiritung sumanib sa kanya
35. Paano makakawala sa pagiging alipin ang isang Pilipino noong sinaunang panahon?
Piliin ang hindi kabilang sa mga dahilan.
a. Kapag nahuli niya ang bakunawa
b. Kapag nabayaran na ang pagkakautang
c. Kapag natubos ng ginto ang kaniyang kalayaan
d. Kapag nakompleto na ang isang kautusan o kasunduan sa parusang ibinigay dahil sa
pagkakasala.
36. Saan nakabase ang kabuhayan ng mga sinaunang Filipino sa ating bansa?
a. kalakalan b. kapaligiran c. kalangitan d. pananalapi
37. Alin sa mga sumusunod ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
1) Pagsasaka 3. Paggawa ng banga 5. Pagtotroso
2) Pangingisda 4. Pangangaso
a. 1, 2 b. 3, 4, 5 c. 1, 2, 4 d. 1, 2, 3, 4, 5
38. Naging tanyag ang mga Pilipino noon dahil sa mga gawaing ito maliban sa isa. Ano ito?
a. Pagpapalayok c. Paggawa ng kasangkapang elektroniks
b. Paghahabi d. Paggawa ng sasakyang pandagat
39. Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng mga
sandata mula sa bakal, ano ang tawag sayo?
a. Karpentero b. Latero c. Mason d. Panday
40. Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay may
sariling kultura, paniniwala, wika at pagsulat.
a. Tama b. Mali c. Hindi ako sigurado d. Hindi ako naniniwala
41.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang pamahiin?
a. Uminom ng tubig pagkatapos kumain.
b. Kapag makapal ang ulap, maaaring umulan.
c. Ang maagang pagtulog sa gabi ay nagdudulot ng malulusog na pangangakatawan.
d. Ang isang bisita na nanatili sa labas ng bahay o sa may hagdanan ng tahanan na may
isang buntis ay maaaring magdulot ito ng paghihirap sa panganganak.
42. Bakit kapag may bumabahing na isang tao ay may ilang Pilipino na nagsasabi ng “God
bless you!”?
a. Sapagkat ito ay nasa bibliya d.Wala sa nabanggit
b. Sapagkat ito ay nasa batas
c. Sapagkat ayon sa sinaunang paniniwala ng mga Pilipino ang pagbahing ay senyales ng
isang hindi magandang pangitain

43. Bakit sinasamba ng sinaunang Pilipino ang kalikasan tulad ng bundok, ilog, at araw?
a. Naniniwala sila na ito ay tirahan ng kanilang mga yumaong ninuno
b. Ito ay nasusulat sa kanilang banal na aklat
c. Ito ay nasa kanilang batas
d. Naniniwala sila na ang pagsamba sa kalikasan ay magbibigay ng swerte
44. May natagpuang isang banga sa Kweba ng Manunggul at naglalaman ito ng labi ng tao.
Paano nagkasya ang labi ng tao sa isang banga na kasing taas lang ng tuhod ng isang tao?
a. Sinunog ang labi
b. Pinira-piraso ang labi ng namatay
c. Pinilit ipasok sa banga ang labi ng namatay
d. Ito ay pangalawang paraan ng paglilibing. Matapos ilibing sa lupa at maagnas ang
katawan ay huhukaying muli ang mga buto at ililipat sa banga na dadalhin sa loob ng isang
kweba.
45. Sa kasalukuyang panahon, paano nagagamit ang mga banga bilang isang libingan?
a. Sa pamamagitan ng cremation at inilalagay ang abo sa isang banga o urn at ilalagay sa
columbarium.
b. Pinuputol ang katawan at ilalagay sa banga at ilalagay sa punongkahoy
c. Hinihintay rin na mabulok sa lupa at huhukayin at ilalagay rin sa kweba
d. Hindi gumagamit ng banga sa kasalukuyang panahon

46. Paano nagsimula ang Islam sa Pilipinas?


a. Sa pagdating ng mga Espanyol
b. Sa pagdating ng mga Amerikano
c. Sa pakikipagkalakalan sa mga Arabo
d. Sa pakikipagkalakalan sa mga Intsik
47. Sino ang diyos ng mga Muslim?
a. Bathala b. Allah c. Buddha d.Vishnu
48. Noong sinaunang panahon ang isang banwa o barangay ay pinamumunuan ng isang Raja
o Datu, sa kasalukuyang panahon ano ang tawag sa namumuno sa isang barangay?
a. Pangulo b. Gobernador c. Alkalde d. Kapitan
49. Paano tayo makakatulong sa pag-unlad ng ating barangay?
a. Magsaalang bahala c. Siraan ang kapitan sa iba
b. Makiisa sa mga proyekto at programa d. Magkalat sa barangay
50. Kailangan ba nating pahalagahan at ingatan ang kultura ng ating mga ninuno?
a. Oo sapagkat ito ang kumakatawan sa ating mayamang kultura bago pa man
dumating ang mga dayuhan
b. Oo sapagkat ito ay ating pagkakakilanlan na maipagmamalaki natin sa ibang lahi
c. Hindi dahil wala naman itong halaga
d. A at B

You might also like