You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 5 (UNANG KAPATAN)

WORKSHEET 1

Pangalan: ___________________________________________
Pangkat: ____________________________________________

ANG LOKASYON NG PILIPINAS

Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na mahalaga sa pagtugon ng pamahalaan sa mga


pangangailangan ng mga tao at pagpapanatili ng kalayaan ng bansa. Isa sa mga maaaring makatulong sa
pagtukoy ng kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo ay ang globo. Ang globo ay representasyon o modelo ng
mundo na may imaginary lines na nakatutulong sa paghahanap ng lokasyon ng isang lugar.

Alamin mo
Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas?
Ano-ano ang nakapaligid sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga pangunahing direksiyon?

Timingin sa blankong globo at tukuyin ang espesyal na linya na tinutukoy sa bawat bilang.
1. Latitud na makikita sa 23 ½ hilaga.
2. Latitud na makikita sa 23 ½ timog.
3. Latitud na makikita sa 66 ½ hilaga.
4. Latitud na makikita sa 66 ½ timog.
5. Longhitud na may sukat na 0 at humahati sa silangan at
kanluran ng globo.

a. International Date Line c. Kabilugang Artiko e. Tropiko ng Kanser


b. Kabilugang Antartiko d. Prime meridian f. Tropiko ng Kaprikorn

Piliin ang pinakatama at itiman ang bilog ng titik ng iyong sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng mahalagang gamit ng linya sa globo o mapa?
a. Pagtukoy ng oras sa iba’t ibang bansa sa mundo
b. Pagtukoy sa lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa
c. Pagpapakita ng kayamanan na makukuha sa isang bansa
d. Paglalarawan ng nararanasan na panahon sa partikular na bahagi ng mundo
2. Bakit nakararanas nang mas mainit na panahon ang mga bansa malapit sa ekwador?
a. Ang ekwador ay malapit sa araw kumpara sa ibang bahagi ng mundo.
b. Nababalutan ng mga makakapal na ulap ang mga bansa na malayo sa ekwador.
c. Ang mga bansang malapit sa ekwador lamang ang nakatatanggap ng init mula sa araw.
d. Direktang nakatatanggap ng init ng araw ang mga bansang malapit sa ekwador kaysa sa iba.
3. Alin ang nagpapakita ng positibong epekto ng pagiging isang kapuluan?
a. maraming yamang-dagat dito c. mayaman sa kultura ang bawat pulo nito
b. maunlad ang pamumuhay ng mga tao d. madaling bumiyahe patungong ibang pulo
4. Bakit mahalagang malaman natin ang teritoryo ng ating bansa?
a. upang mapagkakitaan ito c. para ipagtanggol ang ating mga nasasakupan
b. para ipagmalaki ito sa ibang bansa d. upang malaman kung saan pa maaaring tumira
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahinaan ng pagiging isang kapuluan?
a. Nagiging sentro ng kalakalan ang mga daungan ng mga pulo.
b. Maraming magagandang kultura sa iba’t ibang lugar ng bansa.
c. Mabagal ang komunikasyon at transportasyon sa mga lugar sa bansa.
d. Maraming yamang tubig ang makukuha sa mga nakapaligid na dagat.
ARALING PANLIPUNAN 5 (UNANG KAPATAN)
WORKSHEET 2

Pangalan: ___________________________________________
Pangkat: ____________________________________________

ANG LOKASYON NG PILIPINAS

Ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking kapuluang matatagpuan sa rehiyong Timog-silangang


Asya sa gawing itaas ng ekwador. Ang Asya ang pinakamalaking kalupaan o lupalop sa buong daigdig.
Tinagurian ang Pilipinas bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi
ng kontinente at lupalop ng Asya. Nasa pagitan ito ng latitud na 4°–21° hilagang latitud at 116°–127°
silangang longhitud.

Alamin mo
Ano-ano ang nakapaligid sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga pangunahing direksiyon?
Ano-ano ang pumapalibot sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga pangalawang direksiyon?

Isulat sa patlang ang H kung sa gawing hilaga, S kung sa silangan, T kung sa timog, at K kung sa kanluran
ng Pilipinas makikita ang mga nasa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
_____ 1. Dagat Celebes _____ 5. Indonesia
_____ 2. Vietnam _____ 6. Karagatang Pasipiko
_____ 3. Brunei _____ 7. Dagat Sulu
_____ 4. Bashi Channel _____ 8. Taiwan

Piliin ang pinakatama at itiman ang bilog ng titik ng iyong sagot.


1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ___________.
a. Timog Asya
b. Silangang Asya
c. Kanlurang Asya
d. Timog-silangang Asya

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa Pilipinas?


a. Mahalagang ruta ng kalakalan sa Asya ang Pilipinas.
b. Ang ating bansa ay natatangi dahil sa angking likas na yaman.
c. Ang Pilipinas ay dinarayo ng mga turista dahil sa mga tanawin dito.
d. Natatakot na magtayo ng mga negosyo sa Pilipinas ang mga dayuhan.

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtupad sa tungkuling pangalagaan ang ating teritoryo ng
mga mamamayan?
a. Tinatapon ni Andrew sa tabing sapa ang kanilang mga basura.
b. Gumagamit ng dinamita sa pangingisda ang pangkat ni Mang Andres.
c. Sinusunog ni Aling Marta ang mga basurang naipon niya sa pagwawalis.
d. Nagpupulot ng mga basura sa tabing dagat ang mga taga-Baranggay Malinis.

4. Bakit maituturing na ESTRATEHIKO ang lokasyon ang Pilipinas?


a. Sentro tayo ng kalakalan sa Asya. c. Hindi tayo nadadaanan ng mga bagyo.
b. Napalilibutan tayo ng mga katubigan. d. Maraming mga aktibong bulkan sa bansa.

.5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?
a. Gamitin muli (irecycle) ang mga lumang gamit.
b. Gumuhit ng mga magagandang larawan ng kalikasan.
c. Magsulat ng tula tungkol sa pangangalaga sa kalikasan
d. Mag-ipon ng mga barya upang may gastusin pag nagigipit.
ARALING PANLIPUNAN 5 (UNANG KAPATAN)
WORKSHEET 3

Pangalan: ___________________________________________
Pangkat: ____________________________________________
ANG LOKASYON NG PILIPINAS

Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog-silangang Asya. Napapaligiran ito ng


Bashi Channel sa hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan, Dagat Celebes sa timog, at Dagat Kanlurang
Pilipinas sa kanluran. Humigit-kumulang sa 1000 kilometro ang layo ng Pilipinas mula sa
kalakhang kontinente ng Asya. Napapaligiran ito ng Taiwan, China, at Japan sa hilaga; Malaysia, Vietnam,
Laos, Cambodia, at Thailand sa kanluran; at Indonesia sa timog.

Alamin mo
Ano ang mga hangganan ng bansa?
Masasabi bang mainam ang lokasyon ng bansa?

Tumingin sa inyong mapa ng Pilipinas. Alamin kung anong lugar ang tinukukoy ng bawat bilang. Isulat ang
iyong sagot sa linya bago ng bilang.
__________ 1. H- Ilocos/Apayao ; K- Ilocos; T- Ilocos/Mt. province ; S- Kalinga
__________ 2. H-Cebu/Camotes Is. ; K- Cebu; T- Squijor/ Camiguin ; S- Leyte
__________ 3. H-Masbate ; K-Negros; T- Siquijor ; S- Bohol
__________ 4. H- Quezon ; K-Mindoro; T- Romblon ; S- Quezon
Abra Maynila Zambuanga Bohol
Cebu Aklan Marinduque Sulu

Piliin ang pinakatama at itiman ang bilog ng titik ng iyong sagot.


1. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang __________.
a. Bashi Channel c. Karagatang Pasipiko
b. Dagat Celebes d. Dagat Kanlurang Pilipinas
2. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng klima sa Pilipinas?
a. Tropikal ang klima na may apat na uri ang nararanasan sa Pilipinas.
b. Ang Pilipinas ay may dalawang uri ng klima, ang tag-ulan at tag-araw.
c. Nakararanas ang ating bansa ng sobrang init kapag Marso hanggang Agosto.
d. May tag-araw, taglagas, tagsibol at taglamig dito dahil malapit tayo sa ekwador.
3. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang __________.
a. China b. Taiwan c. Japan d. Hongkong
4. Ang pinakamalayong bansa mula sa kanluran ng Pilipinas ay ang __________.
a. Laos b. Myanmar c. Thailand d. Cambodia
5. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng ________.
a. tao b. tubig c. lupa d. hayop
6. Ang Estados Unidos ay masasabing _______________.
a. malapit sa Pilipinas c. napakalayo sa Pilipinas
b. malayo sa Pilipinas d. napakalapit sa Pilipinas
7. Kung ihahambing sa kapuluan ng Indonesia, ang lawak ng teritoryo ng Pilipinas ay masasabing _______.
a. kasinlaki b. mas maliit c. mas malaki d. malaking-malaki
8. Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas ay masasabing _________________.
a. buong kalupaan na napaliligiran ng tubig c. maliit na isla ngunit matubig
b. matubig at watak-watak ang mga isla d. layo-layo ang mga isla
9. Bakit maituturing na ESTRATEHIKO ang lokasyon ang Pilipinas?
a. Sentro tayo ng kalakalan sa Asya.
b. Napalilibutan tayo ng mga katubigan.
c. Hindi tayo nadadaanan ng mga bagyo.
d. Maraming mga aktibong bulkan sa bansa.
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa Pilipinas?
a. Mahalagang ruta ng kalakalan sa Asya ang Pilipinas.
b. Ang ating bansa ay natatangi dahil sa angking likas na yaman.
c. Ang Pilipinas ay dinarayo ng mga turista dahil sa mga tanawin dito.
d. Natatakot na magtayo ng mga negosyo sa Pilipinas ang mga dayuhan.

You might also like