You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN

Pangalan: _______________________________________

Pangkat __________Guro: _________________________


Aralin
ANG TERITORYO NG PILIPINAS
3
Most Essential Learning Competencies/Kasanayan:
Natutukoy ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit

ang mapa. (AP4AAB-Ic- 4)

Ang Pilipinas ay bansang ating sinilangan. Atin itong minamahal,


ipinagmamalaki, at patuloy na itinatangi sa lahat, kaya bilang isang Pilipino,
marapat na pahalagahan at ipagmalaki mo ang taglay na lawak ng ating bansa.

Sa modyul na ito ay inaasahang:


• Mailalarawan ang kinalalagyan ng bansa gamit ang mga batayang heograpiya

tulad ng iskala, distansya, at direksyon;


• Matutukoy ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang

mapa.

Panuto: Batay sa kinalalagyan ng Pilipinas sa mapa ng mundo, buuin ang


pahayag sa pamamagitan ng pagpili sa pinakaangkop na salita o mga salitang
bubuo sa pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel.
1. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng ________.
A. burol B. lupa C. kagubatan D. tubig
2. Ang Estados Unidos ay masasabing _______________.
A. malapit sa Pilipinas C. napakalayo sa Pilipinas
B. malayo sa Pilipinas
D. napakalapit sa Pilipinas

AP 5-Qrt1- Week 3
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN

3. Kung manggagaling ka sa Pilipinas, ang iyong lalakbayin papuntang South


Korea ay _ A. malayong-malayo B. malayo
C. malapit D. malapit na malapit

4. Kung ihahambing sa kapuluan ng Indonesia, ang lawak ng teritoryo ng


Pilipinas ay masasabing _______. A. kasinlaki B. mas malaki C.mas maliit
D. malaking-malaki

5. Sa kabuoan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas ay masasabing___


A. buong kalupaan na napaliligiran ng tubig C. maliit na isla ngunit matubig
B. matubig at watak-watak ang mga isla D. layo-layo ang mga isla

Panuto: Iguhit sa patlang ang ↑ kung sa gawing hilaga,→ kung sa silangan,

↓ kung sa timog, at ← kung sa kanluran ng Pilipinas makikita ang mga lugar o


bansa na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa palasagutang papel.

1. Dagat Celebes ____4. Bashi Channel


2. Indonesia ____5. Dagat Sulu
3. Taiwan

Sa aralin na ito ay iyong malalaman kung gaano kalawak ang sakop ng Pilipinas

at kung hanggang saan din ang hangganan nito. Dahil bilang isang bata mahalagang

malaman mo ang teritoryo ng bansang Pilipinas dahil ang teritoryo ng bansa ang

siyang napapahiwatig na may kakayahang manirahan at mamuno ang tao, higit sa

lahat ang teritoryo ng bansa ang siyang nabibigay sa atin ng karapatan na maging

malaya sa mananakop ng mga dayuhan.


Sanggunian:(https://brainly.ph/question/611463

AP 5-Qrt1- Week 3
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN 3

Ang teritoryo ay karaniwang tinutukoy

bilang isang pagmamay-ari ng

nasasakupan. Ito ay tumutukoy sa lupang

tinitirahan. Pinagkukunan ito ng mga likas

na yaman na kailangan at magagamit ng

mga mamamayan na naninirahan sa

nasasakupan nito.
Sanggunian: www.slepeditions.com/2015/08/199-
philippine-territorial-bounds.html

Ang Pilipinas ay may tinatawag na Pambansang Teritoryo ito ay batay

sa Artikulo 1 ng Saligang Batas ng 1987 na nagsasabing ang lahat ng mga

pulo, kalupaan, katubigan, at himpapawirin. Kasama na rin ang dagat teritoryal,

ang ilalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at iba

pang pook submarina nito. Ang dagat at karagatang nakapaligid, nakapagitan,

at naguugnay sa mga pulo ng kapuluan maging ano man ang lawak ng dimensyon,

ay bahagi ng panloob na dagat at karagatan ng Pilipinas.

Sa mapa sa ibaba, makikitang ang Pilipinas ay bahagi ng Timog- Silangang

Asya. Humigit-kumulang sa 1 000 kilometro ang layo ng Pilipinas kumpara sa

laki ng kontinenteng Asya. Ito ay napapaligiran ng mga bansang Taiwan, China,

at Japan sa hilaga .

AP4-Qrt1-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN 4

Pinagkunan: www.nationsonline.org/oneworld/map_of_southeast_asia.htm

Ang Pilipinas ay isang kapuluan na naglalaman ng humigit-kumulang


7 641 na mga pulo na may kabuuang lawak na 300 000 kilometro kuwadrado.
May 1 851 kilometro ang haba mula sa hilaga patimog at umaabot naman sa
1 107 kilometro ang lawak nito mula sa kanluran pasilangan.
[Administrator Tiangco welcome 2017 National mapping & Resource Information Authority (NAMRIA)]

Ang bahaging dagat nito ay may sukat na 438 957 na milya kuwadrado.
Ang 70% ng Pilipinas ay binubuo ng Luzon at Mindanao.

AP4-Qrt1-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN 5

Ang Pilipinas ay mas malaki kaysa Great Britain, Halos kasinglaki


naman ito ng bansang Italy. Kaya kung ikaw ay sasakay ng eroplano mula
Batanes hanggang Sulu, malalaman mo na rin ang distansya ng Denmark
papuntang Italy. [Mayuga, Jonathan (Pebrero 10,2016) ‘NAMRIA DISCOVERS’ 400 previously
‘unknown’ PHL island using IfSAR]

https://wwwnc.cdc.gov/travel/destinations/traveler/none/Italy-Philippines

Hindi dambuhala ang Pilipinas, at hindi rin naman ito katiting. At dahil
kalat-kalat ang mga isla natin ay malawak rin ang teritoryong nasasakupan
nito. Maraming teritoryo ng Pilipinas ang inangkin ng mga karatig bansa nito. Ito
ay bunga ng pagkakaroon ng overlap sa mga teritoryo. Ang mga sumusunod
ay mga teritoryong inangkin o inaangkin ng ibang bansa:

BENHAM RISE –
matatagpuan sa
kanlurang bahagi ng
Aurora ang talampas na
nakalubog sa ilalim ng
Dagat ng Pilipinas.
Pinaniniwalaang
maraming mineral sa
nasabing talampas.
Sanggunian: www.flipscienceph.

AP4-Qrt1-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN 6

• SPRATLY ISLANDS o KALAYAAN GROUP OF ISLAND –

bahagi ito ng Palawan at napapalibutan ng dagat na mayaman sa isda at malalaking


deposito ng langis. • PANATAG SHOAL– Tinatawag
din SCARBOROUGH SHOAL o
BAJO DE MASINLOC ang
katubigang ito ay nasa silangan ng
Zambales,Sa kasalukuyan , nasa
kontol ng Tsina ang shoal habang
hindi pa naayos ang problema
tungkol dito.

Sanggunian: www.reuters.com

Hanggang ngayon ay patuloy pa din ang pag-aangkin ng karatig bansa sa


mga isla sa teritoryo ng Pilipinas sapagkat ito ay nagtataglay ng mga likas yaman.

Gawain 1:Tukuyin kung anong lugar o isla sa Pilipinas ang kinalalagyan ng


larawang ito , Ilagay ang inyong sagot sa sagutang papel.

3
1
2

AP4-Qrt1-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN 7

Gawain 2: Isulat sa loob ng kahon ang tamang sagot batay sa sinasaad ng


pangungusap sa bawat bilang.

1. Ilang kilometro ang haba mula hilaga patimog ng bansang


Pilipinas?
2-3. Kung ikaw ay sasakay ng eroplano mula Batanes hanggang
Sulu, mababagtas mo na rin ang distansya ng bansang ________
papuntang _______.

4. Sa anong bansa mas malaki ang bansang Pilipinas?


5. Ilang milya kwadrado ang sukat ng dagat ng Pilipinas?

Ang Pilipinas ay isang kapuluan na naglalaman ng humigit-kumulang


7 641 na mga pulo na may kabuuang lawak na 300 000 kilometro
kuwadrado. May 1 851 kilometro ang haba mula sa hilaga patimog at
umaabot naman sa 1 107 kilometro ang lawak nito mula sa kanluran
pasilangan.

• Ang bahaging dagat nito ay may sukat na 438 957 na milya kuwadrado

• Ang 70% ng Pilipinas ay binubuo ng Luzon at Mindanao.

Panuto: Dugtungan ng salita upang mailapat moa ng iyong natutuhan

sa aralin na ito. Ilagay ang iyong sagot sa portfolio.

Ang aking natutuhan sa araling ito ay …


_____________________________________________________
_____________________________________________________

AP4-Qrt1-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN 8

Kumpletuhin ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng paglagay ng


tamang sagot. Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon.

70% 7 641 438 957 300 000 ITALY

1. Ang bahaging dagat ng Pilipinas ay may sukat na ____________ milya


kuwadrado.
2. Kasinglawak ng bansang _________ ang bansang Pilipinas.
3. Ang Pilipinas ay may kabuuang lawak na __________
4. Humigit kumulang na _________ na pulo mayroon ang bansang Pilipinas.
5. _______porsyento ng Pilipinas ay binubuo ng Luzon at Mindanao.

PAGNINILAY

Maraming teritoryo ng Pilipinas ang inaangkin ng mga karatig bansa nito.

Ito ay ang bunga ng pagkakaroon ng overlap sa mga teritoryong inaangkin ng

ibang bansa. Kahit na ang buong mundo ay nakakaranas ngayon ng pandemya,

hindi pa din nila pwedeng hayaan na may umangkin sa teritoryo ng Pilipinas kaya

kahit ang kanilang mga buhay ay nasa panganib hindi nila pinapansin ito dahil ang

mahalaga sakanila ay mabantayan ng maayos ang pambansang teritoryo ng Pilipinas.

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makausap ang presidente ng mga bansang

umangkin sa mga pulo na nasa teritoryo ng Pilipinas, Ano ang iyong sasabihin

Petsa:
Sa mga mahal na Presidente,

______Isulat ito sa isang malinis na papel.___________________

_____________________________________________________.
Lubos na gumagalang,

pangalan at pirma

AP4-Qrt1-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN 9

SAGUTANG PAPEL

Pangalan: _______________________________________

Pangkat __________Guro: _________________________


Aralin
ANG TERITORYO NG PILIPINAS
3
I. PAUNANG PAGSUSULIT

1. 2. 3. 4. 5.

II. BALIK-TANAW

1. 2. 3. 4. 5.

III. GAWAIN

A. 1. 2. 3. 4. 5.

B. 1. 2. 3. 4. 5.

IV. PAG-ALAM SA NATUTUHAN

1. 2. 3. 4.

V. PANGHULING PAGSUSULIT

1. 2. 3. 4. 5.

VI. PAGNINILAY

Ilagay ang sagot sa iyong portfolio o pap

AP4-Qrt1-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 4- UNANG MARKAHAN 10

AP4-Qrt1-Week 3

You might also like