You are on page 1of 8

ARALING

PANLIPUNAN
MRS. MENJIE F.
ABAPO
TEACHER

GRADE

3
AP GRADE 3

NAME:_________________________________GRADE/SEC._____

ARALIN -1 “ ANG MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON”

LAYUNIN ;
1. Naipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolo na ginagamit sa mapa
sa tulong ng panuntunan.

PAGHAHANDA:

Ang mga Lalawigan sa Aking Rehiyon

2
Binubuo ng labimpitong (17 ) rehiyon ang Pilipinas. Walong ( 8 )rehiyon
ang bumubuo sa Luzon, tatlo (3) sa Visayas at anim (6) sa Mindanao, Ang
bawat rehiyon ay binubuo ng mga lalawigan. Kilalanin ang sariling
lalawigan sa kinabibilangang rehiyon. Tungkulin nating pangalagaan at
pangasiwaan nang wasto ang mga likas na yamang nakapaloob sa ating
lalawigan upang maabutan pa ito ng mga susunod na henerasyon.

3
Tatlong Pangkat ng Pulo sa Pilipinas
Nahahati sa tatalong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pilipinas. Ito ay ang
Luzon, Visayas, at Mindanao.

Luzon
Ang Luzon ang pinakamalaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas.
Matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Ang naturang pangkat ng mga
pulo ay kinabibilangan ng pangunahing isla ng Luzon na siya ring pinakamalaki.
Kabilang din ditto ang Palawan, Mindoro, Masbate, Catanduanes, Maringduque, 4
at Romblon.
Ang Visayas ang pinakamaliit na pangkat ng mga pulo sa Pilipinas.
Matatagpuan ang Visayas sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Ang Negros ang
pinakamalaking pulo sa Visayas. Ang ilan sa mga pulo sa Visayas ay ang Samar,
Panay, Leyte, Cebu, Bohol, at Guimaras.

Ang Mindanao ang ikalawang pinakamalaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas.


Matatagpuan ito sa timog na bahagi ng Pilipinas. Kabilang sa pangkat ng
pangunahing pulo ng Mindanao ang Basilan, Jolo, Samal, Dinagat, at Camiguin.

5
GAWAIN 1
Kilala moba ang mga hugis ng mga pulo sa Pilipinas na kinabibilangan nga iyong
lalawigan? Simulan natin ang aralin sa pamamagitan ng pagkilala sa mga hugis ng
iba-ibang pulo sa Pilipinas. Gawing gabay ang ibinigay na unang titik ng bawat
lalawigan.

------------------------------ ----------------------------- ----------------------------


----

------------------------------ -----------------------------

GAWAIN 2
Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung wasto ang sinasabi ng pangungusap, at ng
ekis ( X ) kung hindi ito wasto.
____ 1. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas.
____ 2. Ang pinakadulong bahagi ng Pilipinas sa timog ang Pulo ng Basilan.
____ 3. Ang bansang Pilipinas ay matatagpuan sa itaas ng ekwador at sa ilalim ng
Tropiko ng Kanser.
____ 4. Binubuo ang Pilipinas ng 7,641 na mga pulo kaya ito ay isang archipelago.
____ 5. Nakapaligid sa Pilipinas ang Dagat Celebes sa Dakong kanluran.
____ 6. Ang pinakadulong bahagi ng Pilipinas sa hilaga ay ang pulo ng Y’ami na malapit
sa bansang Taiwan.
____ 7. Ang Mindanao ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas.

6
____ 8. Ang Pilipinas ay bahagi ng Timpog – Kanlurang Asya.
____ 9. Ang Luzon at Mindanao ay dalawang pinakamaliliit na pangkat ng mga pulo sa
Pilipinas.
____ 10. Ang pulo ay lupang napaliligiran ng tubig.

GAWAIN 3
Itiman ang mga bilog ng tamang sagot.
1. Saang kontinente matatagpuan ang Pilipinas?
Asya Antartika
Aprika Hilagang Amerika
2. Aling dagat ang matatagpuan sa timog ng Pilipinas?
Dagat Pilipinas Karagatang Pasipiko
Dagat Celebes Dagat Kanlurang Pilipinas
3. Aling dagat ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?
Dagat Sulu Dagat Pilipinas
Dagat Tsina Dagat Celebes
4. Saang direksiyon sumisikat ang araw?
Timog Silangan
Hilaga Kanluran
5. Saang direksiyon lumulubog ang araw?
Timog Silangan
Hilaga Kanluran

GAWAIN 4
Sumasangguni sa mapa ng Pilipinas at hanapin ang mga sumusunod na
lalawigan.
Lagyan ng (√ ) ang pangkat na kanilang kinabibilangan.
Luzon Visayas Mindanao
1. Cotabato
2. Iloilo
3. Bulacan
4. Negros Oriental
5. Marinduque
6. Zamboanga del Norte

7
7. Palawan
8. Guimaras
9. Cebu
10. La Union

CONGRATULATIONS!!!!!!!!!

You might also like