You are on page 1of 65

ARALIN 1 : Lokasyon ng Pilipinas

Sa modyul na ito ay matutunan ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:

 naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontibusyon ng Pilipinas sa


isyung pandaigdig batay sa lokasyon

MAGLARO
TAYO

Pag-ugnayin ang mga larawan at buo ng isang mahalagang salita o konsepto


mula sa mga ito.
A O Y N K
O P T L S

1. Ano-ano ang mga bagay na tinutukoy sa larawan?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ano ang salitang iyong nabuo? Bigyan ito ng sariling pakahulugan.

_____________________________________________________________
_________________________________________________________

Alam mo ba?

Alam mo ba na nararapat nating malaman ang ang heograpiya ng


Pilipinas? Bilang mamamayan nito, huwag nating ipagsawalang bahala
ang ating bansa dahil taglay nito nag mga katangiang nakatawag-pansin
sa mga dayuhan noon man at maging sa kasalukuyan.
Ang mga salitang tinutukoy sa ibaba ay makatutulong upang higit
mong maunawaaan ang aralin. Isulat ang tamang sagot sa loob ng
kahon.
1. .Representasyon ng mundo

OBOLG
2. Kapuluan

RAKIEPLAGO

3. Malawak na bahagi ng tubig.

RAKAAGNTA

4. Pinagsamang linya ng longhitud at latitude.

GIRD

5. Kontinenteng kinabibilangan ng Pilipinas.

GIRD

TANDAAN
MO
 Ang heograpiya ay pag-aaral sa ibabaw ng mundo at ang katangiang
pisikal nito.
 Ang Pilipinas bilang isang kapuluan o archipelago ay napalilibutan ng
katubigan. Mailalarawan ang lokasyon o kinaroroonan ng ng bansang
Pilipinas gamit ang mapa o globo.
 Ang mapa ay lapad na representasyon ng mundo.

 Ang globo ay pabilog na modelo ng mundo.

 Ang lokasyon ng Pilipinas ay matutukoy sa pamamagitan ng mga


likhang-isip na guhit pahlang na kilala sa tawag na latitude at guhit
patayo na kilala naman sa tawag na longhitud. Ang mga ito ay may
sukat o bilang.
 Ang ekwador ay ang pahalang na guhit na nahahati sa mundo sa
dalawang bahagi: ang hilaga at timog
 Digri ( ˚ ) ang ginagamit upang masukat ang mga latitude at longhitud.
Ang pagitan ng mga distansiya o layo ng mga latitude ay
magkakatulad ang sukat o bilang mula sa ekwador patungong
Hilagang Polo o ekwador patungong Timog Polo.
 Iba pang espesyal na linyang pahalang na latitude ay ang Tropiko ng
Kanser, Tropiko ng Kaprikornyo, Kabilugang Artiko, at ang
Kabilugang Antartiko.
 Ang mga longhitud ( meridian ) ay tuwid na guhit mula sa hilaga
patungong timog.
 Prime meridian ang batayang guhit longhitud. Ito ay may sukat na
zero degree (0◦). Tinutukoy ng longhitud ang bahaging silangan at
kanluran ng globo. Ang guhit longhitud ay may kabuuuang 360˚. Sa
kalagitnaan ng Karagatang Pasipiko ay ang kinaroroonan ng
International Date Line na nasa 180˚.

 Grid ang tawag sa pagtatagpo o pagsasalubong ng mga paralelo


( latitud ) at meridian ( longhitud ). Sa pamamagitan ng latitude at
longhitud o paggamit ng grid, naitatakda ang tiyak na lokasyon o
absolute location ng isang lugar o bansa sa mundo.
 Ang Pilipinas ay nasa 4˚- 21˚ H latitude at 116˚- 127˚ S longhitud. Ito
ay matatagpuan sa hilaga ng ekwador. Binubuo ang bansa ng
humigit-kumulang na 7,100 pulo at tinatayang may lawak na 300,000
kilometro-kuwadrado. Sakop ito ng kontinente ng Asya sa bahaging
timog-silangan.
 Isang kapuluan ang Pilipinas na napapalibutan ng mga karatig-bansa
kaya’t ang lokasyon nito ay maaring matukoy ayon sa mga bansang
nakapaligid dito.
 Ang lokasyong bisinal ay tinutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas ayon
sa mga katabing bansa o estado.
 Insular ang lokasyon na kinalalagyan ng Pilipinas dahil nakahiwalay
ito sa ibang bansa at napapalibutan ito ng mga anyong tubig. Tulad
ng Dagat Timog Tsina ( hilaga ), Dagat Celebes ( timog ), Karagatang
Pasipiko at Dagat Pilipinas ( silangan ). Tinutukoy ang lokasyong
bisinal ang kinalalagyan ng Pilipinas ayon sa mga katabing bansa o
estado nito. Ang Taiwan , Tsina at Hapon ay matatagpuan sa hilaga.
Sa timog naman ay ang mga bansang Vietnam, Cambodia, Laos, at
Thailand.

Gawain 1 Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap.


____________________ 1. Pahalang na guhit na naghahati sa mundo
sa dalawang bahagi.
_____________________2. Modelo ng mundo
_____________________3. Tawag sa guhit na patayo
_____________________4. Tawag sa lapad na representasyon ng
mundo
_____________________5. Ito ay ginagamit upang masukat ang mga
latitude at longhitud.
_____________________6. Tawag sa pagtatagpo o pagsasalubong ng
mga paralelo at meridian.
_____________________7. Ito ang batayang guhit longhitud.
_____________________8. Tuwid na guhit mula sa hilaga patungong
timog.
_____________________9. Bilang ng pulo sa Pilipinas
_____________________10. Tawag sa kinalalagyan ng Pilipinas ayon
sa katabing bansa o estado.

Pagtataya A. Sa bawat bilang ay may dalawang pahayag. Isulat sa patlang ang


G, R, I, o D batay sa kaakmaan nito sa mga pangungusap.

G - Ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawang pangungusap at mali.

R – Ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawang pangungusap ay tama.

I – Ang una at angikalawang pangngusap ay parehong tama.

D – Ang una at ang ikalawang pangungusap ay parehong mali.

______1. Ang Pilipinas ay bahagi ng Asya. Matatagpuan ang Pilipinas sa


Timog-Silangang Asya.

______2. Latitud ang linyang tinutunton ang Hilagang Polo patungo


hanggang pakanlurang direksiyon.

Longhitud ang likhang –isip na linya na pasilangan hanggang


pakanlurang direksiyon.

______3. Sa Timog na bahagi ng Pilipinas makikita ang dagat Celebes.

Sa hilagang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Karagatang


Pasipiko.

______4. Ang ekwador ay nas 180˚.

Ang Prime meridian ay nasa 0˚.


______5. Matutukoy ang lokasyon bisinal ng Pilipinas sa pamamagitan ng
mga karatig-bansa nito.

Ang lokasyong insular ng isang bansa ay matutukoy sa


pamamagitan ng mga nakapalibot na anyong tubig dito.

B. Tukuyin kung saang direksiyon matatagpuan ang mga sumusunod na


nakapalibot na bansa ( o estado ) o katubigan sa Pilipinas.( hilaga, timog,
kanluran, silangan )

_________________1. Karagatang Pasipiko

_________________2. Dagat Celebes

_________________3. Taiwan

_________________4. Dagat Sulu

_________________5. Vietnam

_________________6. Indonesia

_________________7. Thailand

_________________8. Hapon

_________________9. Tsina

_________________10. Brunei

Gumawa Tayo!

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakararanas ng pagbabago ng


klima ( climate change ).Nanganganib ang ating bansa dahil patuloy ang
pagtunaw ng mga tipak na yelo o glacier sa bahagi ng Hilaga at Timog Polo.
Isa sa mga suliranin ng bansang insular gaya ng Pilipinas ay ang pagbaha sa
tuwing may bagyong dumarating sa bansa. Sa pamamagitan ng poster,
ipakita ang paraan ng paglutas sa suliraning dala ng pagbabago ng klima.
Gawin ito sa isang short bond paper. Ang rubric sa ibaba ay gagawing
pamantayan sa iyong ginawang poster.

Pamantayan Puntos Nakuhang


puntos

1. Nilalaman. Tama ang mga 5


impormasyong inilatag sa paglutas
ng suliranin sa pagbabago ng klima.
2. Malikhain. Mahusay ang disenyong o 5
simbolismong ginamit sa poster.
3. Presentasyon. Makabuluhan ang 5
mensaheng ipinahahatid ng poster sa
mga tumitingin nito.

Kabuuan 15
____________________________
SANGGUNIAN
*MELC

*SIGLO ( Batayang Aklat sa Araling Panlipunan ) ( St. Augustin)

*Kayamanan ( Batayan at Sanayan Aklat sa Araling Panlipunan ) ( Rex )

*https://www.google.com/search?q=map
*https://www.google.com/search?q=globe

*https://www.google.com/search?q=mga+bayani+ng+pilipinas

_______________________________________

Susi sa Pagwawasto
ARALIN 2 : Pag-usbong ng Nasyonalismong
Pilipino

Sa modyul na ito ay matutunan ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:

 nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng


damdaming nasyonalismo

Paano mo naipapakita ang nasyonalismo o ang iyong damdaming


makabayan ? Piliin sa ibaba ang mga gawaing sa iyong palagay ay karapat-
dapat nang isantabi at isulat ang mga ito sa arrow na pababa. Isulat naman
sa arrow na pataas ang mga gawaing dapat na ipagpatuloy ng mga Pilipino.

Pagsasagawa ng welga Pagkakaroon ng digmaan


Pagbabayad ng buwis Pagpunta sa ibang bansa
Pagpapakalat ng fake news Pagpunta sa ibang bansa
Pagboto nang wasto Pagsuporta sa mga lokal na
produkto
Paglilinis ng kapaligiran Pagtatayo ng negosyo
Mag-isip Tayo!

1. Bilang mag-aaral, paano mo ipinakikita ang iyong pagkamakabayan?


________________________________________________________
________________________________________________________

2. Ano ang nasyonalismo?


________________________________________________________
________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang pag-iral ng nasyonalismo sa isang Pilipino?


________________________________________________________
________________________________________________________

ALAM MO BA?

Gamit ang mga salita bilang clue, bumuo ng titulo o pamagat sa


pamamagitan ng paglalagay ng wastong titk sa patlang.

1. Makabayan N ___ S ___ Y O___ ___ L ___ S ___ ___


Makabansa
Antikolonyal

2. Egypt S ___ E ___ ___ A N ___ ___


Lagusan
Sasakyang pandagat

3. Pagsulat ___ D U ___ ___ S Y ___ N


Pagbasa
Pagbilang

4. Kalayaan K A ___ ___ ___ P A ___ ___ L ___ B E ___ ___ ___
Kapatiran
Pagkakapantay-pantay
5. Paring Pilipino S ___ K U ___ ___ ___
Seminaryo
Orden

TANDAAN
MO

Sa pamamagitan ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas,


maraming paghihimagsik ng mga Pilipino ang nangyari, ngunit hindi
nagtagumpay ang marami sa mga ito sapagkat hiwa-hiwalay ang mga pulo
ng bansa na hadlang sa pag-iisa ng layuning makalaya mula sa mga
dayuhan. Hindi kailanman binalak ng mga Espanyol na pag-isahin ang
damdamin at layunin ng mga Pilipino sa takot na malagay sa alanganin ang
kanilang kapangyarihan.

Noong ika-19 na siglo, maraming pagbabago ang nangyari sa Pilipinas


na gumising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.

1. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan

Ang pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan ay nagbigay-


daan upang makilala ang bansa sa mga produktong agrikultural na
ginagamit ng mga Europeo at Amerikano sa kanilang mga industriya bilang
mga hilaw na sangkap sa paggawa ng mga produkto tulad ng bigas , asukal,
abaka, tabako, at indigo ay ang mga kalakal na kilala bilang “ cash crop “.
Ang pagluluwas nito nang maramihan ay pinagkakakitaan ng mga
mangangalakal sa bansa.

2. Pagbubukas ng Suez Canal

Ang Suez Canal ay isang lagusan sa Egypt na daanan ng mga sasakyang


pandagat. Pinaikli ng pagbubukas ng Suez Canal ang paglalakbay mula
Europa hanggang Pilipinas.
3. Pagsikat ng Gitnang- uri ng Lipunan

Nagkaroon ng pagbabago maging sa pag-uuri ng tao sa lipunan sa


pagpasok ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Maraming katutubong
Pilipino ang nagsiyaman.

Ang mga Pilipnong nakapag-asawa ng Europeo at nanirahan sa bansa


ang mga itinuturing na mestizo.

Gumanda ang kanilang pamumuhay at sila ay nakapag-aral sa mga


unibersidad sa Maynila at sa Europa. Tinawag silang mga ilustrado.

Sa kabila ng kanilang pinag-aralan at yamang taglay, itinuturing pa rin


silang mababa sa paningin ng mga Espanyol. Sa mga paglalakbay na
kanilang nakita ng mga ilustrado ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa
ibang lupain na hindi nararanasan sa Pilipinas.

4.Pagpapalabas ng Dekretong Pang-edukasyon ng 1863

Sa tulong ng mga ilustrado, naiparating nila sa hari ng Espanya ang


abang kalagayan ng mga Pilipinong hindi nakapag-aral, kaya nagpalabas ang
hari ng Espanya ng isang dekreto o batas pang-edukasyon noong 1863. Ito
ay nagsasaad ng pagtatayo ng pampublikong paaralan para sa kalalakihan
at paaralan para sa kababaihan. Nagkaroon din ng paaralang normal para
sa mga lalaking nais maging guro. Ang mga paaralan para sa mga lalaki ay
kolehiyo samantalang beatrio naman sa mga babae.

 Carlos Maria de la Torre

- Isang gobernador-heneral

- Siya ay may kaisaipang liberal at naging bukas siya sa mga hinaing ng


mga Pilipino na magkaroon ng pagbabago sa kanyang panunungkulan.

 Ang mga paring secular ay mga paring hindi kabilang sa anumang


ordeng relihiyoso .
 Ang mga paring regular ay kabilang sa mga ordeng relihiyoso gaya
ng Agustino, Dominiko, Pransiskano, at Heswita.
 Padre Pelaez
- Isa sa mga nagtanggol sa mga paring secular.

4. Ang Pagkakaaklas sa Cavite

Sumunod na nanungkulan si Gobernador Heneral Rafael Izquierdo


noong 1871-1873. Mahigpit ang pamamahala ni Izquierdo at kasabwat pa
niya ang mga prayle at mga paring regular kaya’t nagalit ang mga
katutubong Pilipino.

Nangyari noong Enero 1872 ang isang pag-aaklas ng mga


mangagawa at sundalo sa arsenal ng Cavite sapagkat ang mga pribilehiyo
nila gaya ng hindi pagbabayad ng buwis ay inalis sa kanila, maging ang hindi
paglilingkod sa polo ay isinama. Naging matagumpay ang kanilang pag-
aaklas, ngunit natalo rin sila nang dumating ang mga sundalong galing sa
Maynila.

 Ang GOMBURZA
- Dahil sa pangyayari sa Cavite, pinagbintangan sina Padre
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na kasama sa
pag-aalsa. Sa masugid nilang pagtataguyod ng sekularisasyon,
nagalit sa kanila ang mga paring Espanyol. Isinumbong sila
bilang mga lider ng pag-aalsa. Nilitis at pinaslang sila sa
paraang paggarote o pagsakal sa leeg noong Pebrero 17,1872.

- Ang kamatayan ng tatlong pari ay nagpapakita lamang maging


ang mga lingkod ng simbahan ay wala na ring ligtas sa
pagmamalupit ng mga Espanyol. Ang pagkamatay ng
GOMBURZA ay isang pangyayaring naghudyat sa pagsibol ng
nasyonalismong Pilipino.
Gawain 2
Tuklasin mo ang laman ng iyong puso’t isipan. Lagyan ng hugis puso

( ) ang patlang kung nararapat malinang sa mga Pilipino ang


sumusunod na pahayag upang maipakita ang nasyonalismo.

_______1. Pagnanais na maging edukado upang mapaunlad ang sarili.

_______2. Pangungutang upang maiangat ang kabuhayan ng pamahalaan

_______3. Pagsasagawa ng rebelyon laban sa pamahalaan

_______4. Pagpoprotesta upang ipakita ang hindi pagsang-ayon sa


administrasyon

_______5. Paggalang sa mga simbolo ng bansa, gaya ng watawat

_______6. Paggalang sa pananampalataya ng kapwa Pilipino, gaya ng mga


Muslim

_______7.Pagsunod sa batas-trapiko

_______8. Pakikipagdigmaan ng mga sundalo laban sa terorismo

_______9. Pagkamkam ng yaman ng bansa para sa pansariling kapakanan

_______10. Pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan laban sa droga.

Pagtataya
A. Isulat ang tumpak kung ang pahayag ay tama at lagapak kung
mali.

______________1. Ang mga hilaw na sangkap para sa industriya ay iniaasa


ng mga Europeop at Amerikano sa mga bansa sa Asya gaya ng Pilipinas.
______________2. Sa pagpasok ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan,
umunlad ang impraestruktura at teknolohiya lalo na sa agrikultura.

______________3. Itinututing na kapantay ng mga Espanyol ang mga


kabilang sa gitnang –uri ng lipunan dahil sa natamong yaman at edukasyon
ng huli.

______________4. Ang mga ilustrado ay ang mga Pilipinong nakapag-aral


nang pormal sa mga unibersidad.

______________5. Nagpalabas ang hari ng Espanya ng isang dekretong


pang-edukasyon na nagsasaad na magkasamang mag-aaral ang mga babae
at lalaki.

______________6. Malaki ang naging impluwensya ng mga Tsino sa


pagkakaroon ng mga Pilipino ng kaisipang liberal.

______________7. Isa si Maria Carlos de la Torre sa mga mahigit na


gobernador heneral at kasabwat ng mga prayle na namamahala sa Pilipinas.

______________8. Isinantabi ng mga Pilipino ang kanilang paghihinagpis sa


pagkamatay ng GOMBURZA dahil sa takot nila sa mga Espanyol.

______________9. Ipinaglaban ni Padre Pedro Pelaez ang mga paring


sekular.

______________10. Ang mga gawaing liberal ang nagtulak sa mga


Pilipinona naising lumaya mula sa mga mananakop.

B. Pagtambalin ang mga pahayag na nagpapakita ng sanhi at bunga.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

SANHI BUNGA
______1. Nagbukas ang Suez Canal. A. Namulat ang mga katutubo na
sila ay may mga karapatang na
dapat tamasahin.
______2. Lumago ang kalakalan. B. Napadali ang paglalakbay at
kalakalan sa pagitan ng mga
negosyante.
______3. Nakarating sa bansa ang C. Maraming bangko ang nagbukas.
kaisipang liberal

______4. Nagpalabas ang hari ng D. Nagising at naisilang ang


Espanya nasyonalismong Pilipno

______5. Nalitis at pinarusahan ng E. Natutuhan ng mga Pilipino ang


kamatayan ang GOMBURZA. mga wikang Kastila at Latin.

_______________________________________
SANGGUNIAN
*MELC

*SIGLO ( Batayang Aklat sa Araling Panlipunan ) ( St. Augustin)

*Kayamanan ( Batayan at Sanayan Aklat sa Araling Panlipunan ) ( Rex )

*https://www.google.com/search?q=map
*https://www.google.com/search?q=globe

*https://www.google.com/search?q=mga+bayani+ng+pilipinas

_______________________________________
Susi sa Pagwawasto
ARALIN 3: Ang Kilusang Propaganda
at ang Katipunan

Sa modyul na ito ay matutunan ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:

 naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkatatag ng Kilusang


Propaganda at Katipunan sa paglinang ng Nasyonalismong
Pilipino.

MAGLARO
TAYO

Marami ka bang kilalang natatangi at maituturing na bayaning


Pilipino?

Ayusin ang ginulong mga titik upang mabuo ang mga salita.
Gawing clue ang nasa ibabang impormasyon upang makilala ang
tinutukoy na mahalagang tao. Isulat ang sagot sa ibaba.

1. ______________________________
SERDNA OICFAINOB
Ama ng Katipunan
2. ______________________________
OSJIE IRLAZ
La Liga Filipina
3. ______________________________
GARNOCIA ZEPLO JAENA
La Solidaridad
4. ______________________________
LOCERMAR ELD RALPI
Dasalan at Tocsohan

5. ______________________________
EIMOIL CINJATO
Utak ng Katipunan

Mag-isip Tayo!
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Kilala mo ba ang mga tinukoy sa unang gawain?
Sino-sino sila?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
2. Bakit mahalagang kilalanin ang bawat isa sa kanila?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Alam mo ba?

Alam mo bang may mga natatanging nagawa angm


ating mga itinuturing na bayani na nakapukaw sa damdaming
makabansa ng mga Pilipino noong pamamahala ng mga Espanyol
sa ating bansa? Alamin natin ang kanilang ginawa sa paghahangad
ng kalayaan at pagmamahal nang lubusan sa ating bansa. Basahin
ang paglalarawan sa ibaba at punan ng mga nawawalang titik ang
mga kahon upang mabuo ang mga salita.
1. Opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
2. Isang kilusan na binubuo ng mga mag-aaral na Pilipino at ilang
Espanyol
3. Isang kilusan na binubuo ng mga mag-aaral na Pilipino at ilang
Espanyol.
4. Isang nobela ni Jose Rizal tungkol sa pagkaganid ng mga
prayleng Espanyo
5. Ang pahayagang naglalaman ng isinulat ng mga sanaysay ni
Marcelo del Pilar na tumutuligsa sa mga Espanyol
6. Isang akda na nagbubunyag ng kasibaan at kasamaan ng isang
prayle
7. Isangkilusang natatag nang mabigo ang Kilusang Propaganda
8. Nailathalang pahayagan ng KKK
9. Pangunahing Layunin ng Kilusang Propaganda
10. Isinulat upang maging gabay ng mga kasapi ng Katipunan

1. L S
L D A D
2. R P
G A A
3. L A I G F P I A
4. O L M T A G E
5. D I R G T A L G
6. F R Y B T D
7. A T I N N
8. K L Y N
9. A S M S Y N
10 K R T I Y
.
TANDAAN
MO

 Mga Propagandista
Ang pag-aalsa sa Cavite noong 1872 ang nagpamulat sa mga
Pilipino ng kawalang pag-asa na sila ay makaahon pa sa lumalaking
kalagayan ng pang-aabuso ng mga Espanyol. Ang mga Pilipinong sumuporta
sa kilusang tumatangkilik sa GOMBURZA ay panandaliang nanahimik dahil
sa pang-aaresto at pagpapatapon ng pamahalaang Espanyol. Samantala,
ang mga Pilipinong nakaaangat sa buhay at nakapag-aral sa ibang bansa ay
nagbuklod at nagkaisa upang maglunsad ng isang kilusan- ang Kilusang
Propaganda. Ito ay binubuo ng kabataang mas kilala bilang mga ilustrado
na humihingi ng reporma at pagbabago sa sistema ng pamahalaan ng
Espanya sa Pilipinas.
Layunin ng mga Propagandista ay ang gawing lalawigan o
probinsiya ng Espanya ang Pilipinas (asimilasyon). Ang pagiging
mamamayan ng Espanya ay ang pagkakaroon ng mga karapatan gaya ng
tinatamasa ng mga Espanyol. Kasama na rin dito ang karapatan na
magkaroon ng kinatawan ang mga Pilipino sa Spanish Cortes; ang kalayaan
sa pamamahayag at pananalita; at ang pagtamasa ng katarungan na
matagal nang pinapangarap ng mga Pilipino.
Ilang sa sa mga kilusang kasapi nito ay sina:
1. Jose Rizal –bilang Laong Laan at Dimasalang; sumulat ng nobelang
Noli Me Tangere ( tungkol sa pagmamalupit, pagkanid, at
pagmamalabis ng mga pinuno at prayleng Espanyol sa mga
katutubong Pilipino) at ang El Filibusterismo ( inilahad ang nalalapit
na rebolusyon sa bansa ); dinakip si Rizal at ikinulong sa Fort Santiago
at ipinatapon sa Dapitan noong 1892; Disyembre 30,1896, binaril si
Rizal ng mga Espanyol sa Bagumabayan ( Luneta ).
2. Marcelo H. del Pilar- bilang Plaridel; sumulat ng mga sanaysay na
tumutuligsa sa mga Espanyol at nailathala sa pahayagang Diariong
Tagalog
3. Mariano Ponce – bilang Naning, Tikbalang at Kalipulako
4. Jose Ma. Panganiban – bilang Jomapa
5. Antonio Luna- bilang Taga-Ilog
6. Garciano Lopez Jaena – Siya ang sumulat ng Fray Botod na tungkol sa
isang prayleng nagpapakita ng kasamaan at katakawan sa
Pilipinas.
7. Juan Luna – isang pintor at nagpinta ng “ Spolarium”; gumuhit ng
Espanya y Filipinas

Sila ay mga manunulat na ginanit ang mapayapang paraan ng


pakikipaglaban sa mga Espanyol. Gumamit sila ng mga alyas upang itago
ang kanilang pagkakakilanlan.
 Ang La Solidaridad ay isang pahayagan ng mga Pilipino sa
Espanya. Naitatag ito sa pamumuno ni Garciano Lopez Jaena. Ito
ang pahayagan ng Kilusang Propaganda. Una itong inilathala sa
Barcelona noong ika-15 ng Pebrero 1889 at tumagal hanggang sa
buwan ng Oktubre 1889.
 Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 sa
Ilaya, Tondo upang maging daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino.
Ang sawikain o motto ng liga ay “Unus instar omnium” o “Isa
tulad ng lahat”. Ang lahat ng Pilipinong may malasakit at
pagmamahal sa bayan ay maaring maging kasapi sa kilusang ito.

 Ang Katipunan
Ang kabiguan ng Kilusang Propaganda ay ang siya namang
pagsibol ng isang bagong kilusan. Noong gabi ng Hulyo 7, 1892, nagkaroon
ng lihim na pagpupulong dahil sa balitang pagpapatapon kay Rizal sa
Dapitan. Isang lihim na kilusan ang naitatag sa Kalye Azcarraga sa Maynila.
Ang kilusan ay tinawag na Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan (KKK) o mas kilala bilang Katipunan. Pinamunuan ito
ni Andres Bonifacio (bilang “Ama ng Katipunan” at “Ang Supremo”) kasama
sina Ladislao Diwa, Teodoro Plat, Deodato Arellano, at iba pa. isa sa mga
pagsubok ang mga nagnanais na maging kasapi nito. Isa sa mga pagsubok
na ito ay ang paglagda gamit ang kanilang dugo. Marami ang nahikayat na
sumapi sa Katipunan. May mga kasaping nasa gitnang-uri at ang ilan ay mga
propesyonal, gaya ni Dr. Pio Valenzuela.

Si Emilio Jacinto ang kanang kamay ni Bonifacio at kinilalang “Utak


ng Katipunan”. Siya ay 18 taong gulang lamang ng sumanib sa Katipnan.ang
kasgsagan ng Katipunan, nailathala rin ang Kalayaan, opisyal na pahayagan
ng samahan sa pasiya ni Bonifacio, Jacinto, at Valenzuela.

ilio Jacinto

Gawain 3
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda?
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________________________________________
2. Sino-sino ang mga propagandista?
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________________
3. Sino ang sumulat ng Fray Botod? At ano ang tungkol dito?
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________________
4. Ano-ano ang dalawang nobelang sinulat ni Rizal? Ipaliwanag ang
bawat isa.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________________________________________
5. Sino at kailan itinatag ang La Liga Filipina?
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________________________________________
6. Ano ang La Solidaridad?
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________________

7. Sino si Marcelo H. del Pilar?


________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________________
8. Sino ang tinaguriang Ama ng Katipunan at Ang Supremo?
________________________________________________________
___________________________________________________
9. Ano-ano ang naging bahagi ng mga katipunera na lumahok sa
pakikipaglaban?
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________________
10. Ano ang ibig sabihin ng KKK?
________________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________________

Isulat ang KP kung tumutukoy ang pahayag sa Kilusang


Pagtataya Propaganda at KK kung tumutukoy sa Katipunan.
___________1. Paghiling na magkaroon ng pagbabago sa pamamahala ng
mga Espanyol sa ating bansa.
___________2. Pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol.
___________3. Pagkilala sa Pilipinas bilang isang lalawigan at hindi bilang
kolonya.
___________4. Paghango sa bayan mula sa pagkaalipin.
___________5. Pagkakaroon ng Pilipinas sa anais sumapi sa samahan
___________6. Pagbibigay ng pagsubok sa nais sumapi sa samahan
___________7. Pagtuligsa sa mga masamang gawain ng mga Espanyol
___________8. Paniniwalang ang rebolusyon o armadong pakikibaka ang
tutupad sa layuning kalayaan
__________9. Pagtulong sa mahihirap at naaapi
__________10. Paggamit ng mapayapang paraan sa pagtamo ng layunin.

B. Hanapin sa kahon ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang


tamang sagot.
Asimilasyon Katipunan
Kalayaan La Liga Filipina
Kartila ng katipunan La Solidaridad

___________________1. Ito ang tawag sa paglalayong gawing


probinsiya ng Espanya ang Pilipino.
___________________2. Layunin nitong ipaalam sa mga may
kapangyarihan sa Espanya ang mga pang-aabuso at hinaing ng mga
Pilipino.
___________________3. Layuni nitong palaganapin ang mga nasimulan
ng Katipunan.
__________________4. Ito ang nagsisilbing pang-araw-araw na gabay
ng mga kasaping Katipunan.
_________________5. Ninanais nito ang kalayaan o paghihiwalay ng
bansang Pilipinas mula sa Espanya.

_______________________________________
SANGGUNIAN
*MELC
*SIGLO ( Batayang Aklat sa Araling Panlipunan ) ( St. Augustin)
*Kayamanan ( Batayan at Sanayan Aklat sa Araling Panlipunan ) ( Rex )
*https://www.google.com/search?q=map
*https://www.google.com/search?q=globe
*https://www.google.com/search?q=mga+bayani+ng+pilipinas

_______________________________________
Susi sa Pagwawasto
ARALIN 4: Rebolusyong Pilipino ng 1896

Sa modyul na ito ay matutunan ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:

 Nasusuri ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa Panahon ng


Himagsikang Pilipino
 Sigaw ng Pugad Lawin
 Tejeros Convention
 Kasunduan sa Biak-na-Bato

MAGLARO
TAYO

Punan ng nawawalang salita ang patlang upang mabuo ang


pambansang awit Pilipinas.

Lupang Hinirang
Bayang ___________________
_______________ ng Silanganan,
Alab ng __________________,
Sa ___________________ mo’y buhay.

Lupang ___________________
Duyan ka ng __________________,
Sa manlulupig,
Di ka ______________________.
Sa __________________ at _________________
Sa simoy at sa ____________________ mong bughaw,
May ___________________ ang tula
At awit sa paglayang __________________.
Ang kislap ng ____________________ mo’y
Tagumpay na ____________________,
Ang _____________________ at araw niya
Kailan pa ma’y di _____________________.

Lupa ng _______________, ng ____________ pagsinta,


Buhay ay langit sa ___________________ mo;
Aming _______________, na pag may mang-aapi
Ang _________________ nang dahil sa iyo.
Mag-isip Tayo!
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Napunan mob a nang maayos at tama ang mga patlang? Ipaliwanag.
________________________________________________________
____________________________________________________

2. Para kanino isinulat ang Lupang Hinirang?


________________________________________________________
____________________________________________________
3. Bakit kailangang pahalagahan ang awit na ito?
________________________________________________________
___________________________________________________

ALAM MO BA?
Alam mo ba ang mga mahahalagang pangyayari nang magkaroon
ng himagsikan sa ating bansa noong 1896? Kung hindi pa,, hanapin at
bilugan ang 10 mahahalagang salita na may kinalaman sa Rebolusying
1896. Ang mga ito ay maaaring pahiga o pahalang.

Cavite republika
Sedula Pugad Lawin
Tejeros Magdalo
Magdiwang rebolusyonaryo
Diktador Biak-na-Bato
R E B O L U S Y O N A R Y O
R O I W X G E N A G D E T D
C C A M A G D A L O F P T I
A D K A Y L U K P K G U T K
V E N G J Y L L R L H B E T
I F A D K K A S E J I L J A
T F B I L A N R W G J I E D
E B A W M S U I O K M K R O
S C T A N T G A U L D A O R
I D O N O U M K L A O V S R
P P U G A D L A W I N Q R S

TANDAAN
MO

Natuklasan ng mga Espanyol ang Katipunan noong Agosto 19,


1896. Hinuli at ibinilanggo ang sino mang mapaghinalaang kasabwat sa
pagtatatag ng samahan.
Si Heneral Camilo de Polavieja, isang malupit at matapang na
gobernador , ang ipinadala ng Espanya uoang lutasin ang suliranin.
Maraming Pilipino ang kanyang ipinadakip, ipinapatay, at ipinatapon. Si
Jose Rizal ay pinagbintangan niya na may kinalaman sa paghihimagsik
kaya’t siya ay ipinadakip at ipinakulong sa Fort Santiago, kung saan ang
hatol ng kanyang kamatayan ay nilagdaan ni Polovieja. Si Rizal ay binaril
sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896. Ito ang malaking
pagkakamali na nagawa ng mga Espanyol dahil nagpatindi lamang ito ng
galit ng mga Pilipino.
Sa pangyayaring ito, ang tanging mapagpipilian na lamang ng mga
Katipuner ay ang simulan na ang himagsikan sa pangunguna ni Andres
Bonifacio.
 Ang Sigaw ng Pugad Lawin
Sa bahay ni Juan Ramos, anak ni Melchora Aquino, nagpatawag ng
pulong si Bonifacio na ginanap noong Agosto 23, 1896 sa Pugad Lawin.
Nagpasiyahang simulan na ang himagsikan sa pagpunit ng kanilang sedula.
Ita ay nakilala sa kasaysayan bilang “Sigaw ng Pugad Lawin”. Hudyat ito ng
paglaya ng Pilipinas mula sa mga kolonyalistang Espanyol at opisyal na
pagsisimula ng Himagsikang Pilipino labann sa mga Espanyol.

 Mga Kaganapan sa Kumbensiyong Tejeros


Naging matagumpay ang pananalakay ng mga rebeldeng Caviteno,
ngunit sila ay nahati sa dalawa. Pinamunuan ni Baldomero Aguinaldo ang
pangkat ng Magdalo na nasa Kawit, Cavite. Ang pangkat naman ng
Magdiwang, na ang himpilan ay nasa Noveleta, Cavite ay oinamunuan ni
Mariano Alvarez. Nagtungo si Bonifacio sa Cavite noong hapon ng
Disyembre 30,1896 matapos ang pagbaril kay Rizal. Siya ay naimbitahan na
mamamgitan upang lutasin ang kanilang sulirani. Kasama niya noon ang
kanyang asawa at ang dalawang kapatid na sina Ciriaco at Procopio.
Noong Marso 22, 1897, nakipagpulong si Bonifacio sa mga
kinatawan ng Magdalo at Magdiwang sa Tejeros. Ang pagpupulong na ito
ay kilala bilang ang Kumbensiyong Tejeros. Sa hapil na magkasundo ay
lalong nagkaroon ng malaking suliraninang pagpupulong. Napagkaisahan sa
pagpupulong na palitan ang Katipunan ng isang pamahalaang
rebolusyunaro. Noong una ay hindi sinang-ayunan ni Bonifacio ang
mungkahing ito, ngunit ito ang gusto ng nakararaming kasapi ng
kumbensiyon.
Dahil dito ay nagkaroon ng halalan, at kahit wala roon si Emilio
Aguinaldo ay siya ang nahirang na pangulo ng pamahalaang
rebolusyonaryo. Naging pangalawang pangulo naman si Mariano Trias,
kapitan heneral si Artemio Ricarrte; director ng digmaan si Emiliano Riego
de Dios; at director panloob si Bonifacio.
Sa pagtatapos ng halalan ay tinutulan ni Daniel Tirona ang
pagkakahalal kay Bonifacio dahil ang nararapat na humawak sa posisyong
ito ay isang abogado. Ikinagalit ito ni Bonifacio at pinawalang – bisa niya
ang ano mang napagkasunduan na sa kumbensiyon. Umalis siya kasama
ang kanyang mga tagasunod.
Kinilala ng nakararaming Katipunero sa Cavite ang bagong
pamahalaang rebolusyonaryo na ang pangulo ay si Aguinaldo. Samantala, si
Bonifacio ay nagtatag na hiwalay ng pamahalaan at nabalitaan ito ni
Aguinaldo kaya ipinag-utos niya arestuhin ito. Nagkaroon ng labanan sa
pagitan ng mga pangkat nina Aguinaldo at Bonifacio. Nadakip si Bonifacio at
namatay ang kanyang kapatid na si Ciriaco, habang si Procopio naman ay
sugatan. Sa payo ng kanyang mga kasama, sinang-ayunan ni Aguinaldo ang
hatol na kamatayan kay Bonifacio. Noong Mayo 10, 1897, binaril ang
magkapatid na Andres at Procopio sa Bundok Tala sa Maragondon, Cavite.
Sinasabing hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang mga bangkay
maging ang pinaglilibingan sa magkapatid.
Bumagsak sa kamay ng mga Espanyol ang mga teritoryong
napalaya na ng mga rebolusyonaryo dahil sa pagkakawatak-watak ng mga
Katipunero.
 Kasunduan sa Biak-na- Bato
Naging masugid ang pagtugis ng mga Espanyol kay Aguinaldo.
Nagwagi sila sa pakikipaglaban sa Cavite. Napadpad sina Aguinaldo sa
Batangas at nakiisa kay Heneral Miguel Malvar. Nakarating si Aguinaldo sa
Morong mula sa tangkang paghuli sa kanya kaya’t nagpalipat-lipat siya
hanggang sa makarating sa Biak-na-Bato, Bulacan. Noong Mayo 31,
1897,itinatag ni Aguinaldo ang bagong pamahalan sa Biak-na-Bato sa
pagnanais na pagisahin muli ang mga rebolusyonaryo sa ilalim ng kanyang
pamamahala. Tinawag ang pamahalaang ito na Republika ng Biak-na-Bato.
Noong Disyembre 14-15, 1897, nakipagkasundo sa isang tigil-
putukan ang pamahalaang Espanyol sa pangunguna ni Gobernador Heneral
Primo de Rivera at ang kumakatawan sa pamahalaang rebolusyonaryo na
si Pedro Paterno. Kinilala ito na Kasunduan sa Biak-na-Bato. Ang tatanggap
ng ₱800,000 galing sa pamahalaang Espanyol kapalit ng pagtigil ng
labanan.Tuupad sa kasunduan si Aguinaldo kasama ang ilang pinuno
rebolusyonaryo. Sila ay nakarating sa Hongkong noong Disyembre 27, 1897
dala ang ₱400,000. Pansamantalang natigil ang Himagsikang Pilipino laban
sa Espanya, ngunit sa kabuuan ay bigo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato dahil
sa hindi pagtupad sa mga napagkasunduan.

Gawain 4
Itiman ang bilog na iyong sinang-ayunan sa mahalagang pangyayari
sa Himagsikang Pilipino. Pagkatapos ay ipaliwang ang iyong sinang-ayunan.

A – Tagumpay K – Kasawian O – Maipagmamalaki

A K O
1. Sigaw ng Pugad Lawin
_________________________________________
2.Kumbensiyong Tejeros
_________________________________________
3.Kasunduan sa Biak- na – Bato
_________________________________________

Gawain 5
Ang Katipunan at Himagsikan ng 1896
Bilugan ang bilang ng mga pangyayari upang makamit ang kalayaan.
1. Pagkatatag ng Katipunan
2. Sigaw ng Pugad Lawin
3. Paghimagsik laban sa mga Espanyol
4. Pagkatatag ng La Liga Filipina
5. Pagbuo ng mga grupong Magdiwang at Magdalo
6. Kumbensiyong Tejeros
7. Pagpatay kay Andres Bonifacio
8. Pagpatay kay Jose Rizal
9. Kasunduan sa Biak-na- Bato
10.Pagsuko ni Emilio Aguinaldo

Pagtataya
Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang at isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.

Camilo de Polaviejo Marcela Agoncillo Kumbensiyong Tejeros

Apolinario Mabini Andres Bonifacio Kasunduan ng Biak-na-Bato

Jose Palma Emilio Agulnaldo Sigaw ng Pugad Lawin


______1. Ang pagpupulong ng mga kinatawan ng Magdalo at Madiwang
kung saan nagkaroon ng halalan.

______2. Ang pagpupunit ng sedula bilang pagsisimula ng himagsikan

______3. Ang nagpagkaisahan sa kumbensiyon na palitan ang Katipunan sa


pamahalaang rebolusyonaryo

______4. Ang pansamantalang tigil-putukan ang isa sa mga


napagkasunduan bg kumkatawan sa pamahalaan ng Espanya at
pamahalaang rebolusyonaryo.

______5. Ang “ Ama ng Katipunan “

______6. Ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas

______7. Ang gumawa ng bandila ng Pilipinas

______8. Ang sumulat ng musika ng pambansang awit ng Pilipinas

______9. Ang “Utak ng Himagsikan”

______10. Isang malupit at matapang na gobernador at ipinadakip si Jose


Rizal.

_______________________________________
SANGGUNIAN
*MELC
*SIGLO ( Batayang Aklat sa Araling Panlipunan ) ( St. Augustin)
*Kayamanan ( Batayan at Sanayan Aklat sa Araling Panlipunan ) ( Rex )
*https://www.google.com/search?q=map
*https://www.google.com/search?q=globe
*https://www.google.com/search?q=mga+bayani+ng+pilipinas

_______________________________________
Susi sa Pagwawasto

ARALIN 5: Kababaihan ng Rebolusyon


Sa modyul na ito ay matutunan ng mga mag-aaral na:

 natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong


Pilipino.

MAGLARO
TAYO

Kilalanin ang mga nasa larawan.

______________________ _____________________

Ano ang partisipasyon ng mga kababaihan sa pagkamit ng


kalayaan?

TANDAAN
MO
Sa simula , lalaki lamang ang mga kasapi sa Katipunan . Dahil sa
paghihinala ng kanilang mga asawa sa kanilang pag-alis-alis kung gabi at
nababawasan ang kanilang sahod, napilitan silang itatag ang isang samahan
para lamang sa mga asawa, kapatid, at anak ng mga Katipunero.

Kabilang dito si Gregoria de Jesus, ang kabiyak ni Bonifacio na


tinaguriang “Lakambini ng Katipunan” kung may pagpupulong ang mga
Katipunero, ang kababaihan ay nagsasayawan, nagkakantahan, at
nagsasaya upang hindi mahalata ng mga guardia sibil at isipin lamang ng
mga ito na sila ay nagdiriwang.

Pagtulong ni Tandang Sora


Upang makaiwas sa pagtugis ng mga Espanyol, nagtungo ang
mga Katipunero sa bahay ni Melchora Aquino. Kinalinga sila ni Tandang
Sora. Siya ay 84 na taong gulang na noon. Sila ay kanyang pinakain at
pinamalagi sa kanyang bahay. Ang mga sugatan ay kanyang ginamot.
Binuo ang Sangay ng Kababaihan sa Katipunan at hinirang bilang
mga opisyales nito sina Josefa Rizal, Pangulo; Gregoria de Jesus,
Pangalawang Pangulo; Mariana Dizon, Kalihim; Angelica Rizal Lopez, Piskal.

Gawain 6
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Mahalaga ba ang naging bahagi ng mga kababaihan sa panahon
ng rebolusyon? Ipaliwanag
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________________

Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino si Gregoria de Jesus? Ano ang naging ambag niya sa panahon ng
rebolusyon?
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________________________________________
2. Paano tinulungan ni Tandang Sora ang mga Katipunero?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

_______________________________________
SANGGUNIAN
*MELC
*SIGLO ( Batayang Aklat sa Araling Panlipunan ) ( St. Augustin)
*Kayamanan ( Batayan at Sanayan Aklat sa Araling Panlipunan ) ( Rex )
*https://www.google.com/search?q=map
*https://www.google.com/search?q=globe
*https://www.google.com/search?q=mga+bayani+ng+pilipinas

_______________________________________

Susi sa Pagwawasto

ARALIN 6: Deklarasyon ng Kasarinlan ng


Pilipinas at Pagkatatag ng Unang Republika
Sa modyul na ito ay matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

 Napahahalagahan ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas at


ang pagkatatag ng Unang Republika

Gawin
Iguhit at kulayan ang watawat ng Pilipinas

TANDAAN
MO

Ang pagbabalik ni Aguinaldo


Sa pagbabalik ni Aguianldo sa Pilipinas , nahimok siya na umanib
kina Komodoro George Dewey ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos sa
pag-aakalang wala itong interes o masamang hangarin sa Pilipinas.
Sa tulong ni Apolinario Mabini (kilala bilang “Utak ng
Himagsikan”) ay naitatag ang isang pamahalaang rebolusyonaryo na ang
layunin ay makamit ang kasarinlan sa Pilipinas.
Hindi pa man nagtatapos ang pakikipaglaban sa mga Espanyol,
idineklara na ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. Noong Hunyo 12,
1898, itinaas at iwinawagayway ang watawat ng Pilipinas na tinahi ni
Marcela Agoncillo. Kasabay nito ang pagtugtog ng Himno Nacional Filipino,
kung saan ang himig ay likha ni Julian Felipe na nilapatan ng liriko ni Jose
Palma. Ganap ang kasiyahan ng mga mamamayang Pilipino nang mga araw
na iyon.
Lingid sa kaalaman ng mga Pilipino ay may kasunduan na sa
pagitan nina Dewey at ang bagong gobernador ng Espanya na magkaroon
ng kunwaring labanan at palalabasin na natalo ang mga Espanyol sa mga
Amerikano.

Ang Kongreso at Saligang Batas ng Malolos

Naganap ang unang pagpupulong ng Kongreso sa Malolos, Bulacan


noong Setyembre 15, 1898 sa panahon ng pamahalaang rebolusyonaryo.
Ito ay kinilalang Kongreso ng Malolos na binubuo ng mga kinatawang halal
ng mga lalawigan. Si Felipe Calderon ang kumatawan sa paghahanda ng
saligang batas habang naging pangulo ng Kongreso si Pedro Paterno.
Pinagtibay ng Kongreso ang kasarinlang ipinahayag noong Hunyo 12,1898.

Napagpasiyahan ng mga kinatawan na bumuo ng isang saligang


batas. Nilagdaan ito ni Aguinaldo at tinawag na Saligang Batas ng Malolos.
Ito ay nagtatadhana ng isang pamahalaang demokratiko kung saan ang
mga mamamayan ay may karapatan at kapangyarihan na maghalal ng mga
opisyal ng pamahalaan. Noong Enero 23, 1899, pinasiyaan ang Unang
Republika na ang unang pangulo ay si Aguinaldo. Republika ang anyo ng
demokrasyang nagsasaad sa saligang batas. Ang pamahalaan ay nahahati sa
tatlong sangay; ang ehekutibo o tagapagpaganap, ang lehislatura o
tagapagbatas, at ang hudikatura. Ang bawat isa ay may kapangyarihan at
sakop na gawain.

Unang Republika ng Pilipinas

Ilan sa mga isinaayos sa ilalim ng bagong pamahalaan upang maging


matatag ito ay ang sumusunod:

1. Nagkaroon ng isang pahayagan, ang El Heraldo de la Revolucion, na


naglalaman ng pagpapabatid ng mga nangyayari sa bansa. Iba’t iba
ang naging pangalan ng pahayagang ito hanggang sa naging Graceta
de Filipinas.
2. Binuksan ang ilang paaralan at ipinag-uutos ni Aguinaldo na magtayo
ng Literarya University of the Philippines.
3. Nagbukas ng ugnayang pandiplomatiko na maglalagay ng mga
kinatawan ng Pilipinas sa ibang bansa upang makakuha ng pagkilala
at suporta sa ibang mga bansa. Ang mga nahirang na kinatawan sa
iba’t ibang bansa ay sina: Felipe Agoncillo sa Estados Unidos;
Mariano Ponce at Faustino Lichauco sa Hapon; Antonio Regidor sa
Inglatera; Pedro Roxas sa Pransya; at Edilberto Zarcal sa Australia.

Gawain 7
Isulat ang mga pangyayaring naganap sa mga sumusunod na taon.

Enero 23, 1899 pinasiyaan ang Unang Republika na ang


unang pangulo ay si Aguinaldo

1.itinaas at iwinawagayway ang


watawat ng Pilipinas
Hunyo 12, 1898
2. Pinagtibay ng Kongreso ang
kasarinlang ipinahayag noong Hunyo
12,1898

Setyembre 15, Naganap ang unang pagpupulong ng


1898 Kongreso sa Malolos, Bulacan

Pagtataya A. Itugma ang Hanay A sa Hanay B.

A B

____1. Julian Felipe a. Unang pangulo ng Republika ng Pilipinas


____2. Emilio Aguinaldo b. pangulo ng Kongreso

____3. Padre Paterno c. lumikha ng himig

____4. Marcela Agoncillo d. kumakatawan sa paghahanda ng Saligang

Batas

____5. Jose Palma e. naglathala ng liriko

____6. Felipe Calderon f. gumawa ng watawat

B. Ibigay ang hinihingi.


 Ang mga nahirang na kinatawan sa iba’t ibang bansa (6)
________________________ ________________________
________________________ ________________________
________________________ ________________________
 (3)Tatlong Sangay ng pamahalaan
________________________, ________________________,
________________________
 Nilagdaan ito ni Aguinaldo
__________________________________________________
 Pahayagan na naglalaman na pagpapabatid ng mga nangyayari sa
bansa
__________________________________________________
 Paaralan na pinatayo ni Agunaldo
__________________________________________________

_______________________________________
SANGGUNIAN
*MELC
*SIGLO ( Batayang Aklat sa Araling Panlipunan ) ( St. Augustin)
*Kayamanan ( Batayan at Sanayan Aklat sa Araling Panlipunan ) ( Rex )
*https://www.google.com/search?q=map
*https://www.google.com/search?q=globe
*https://www.google.com/search?q=mga+bayani+ng+pilipinas

_______________________________________

Susi sa Pagwawasto

ARALIN 7:
Ang Paghihimagsik ng mga Amerikano
Sa modyul na ito ay matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

 nasusuri ang pakikibaka ng mga ng mga Pilipino sa panahon ng


Digmaang Pilipino-Amerikano
 Unang Putok sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta Mesa
 Labanan sa Tirad Pass
 Balanggiga massacre

Maglaro Tayo

Kilalanin natin ang ilan sa mga pakikipaglaban at pangyayari na


nagpapakita ng katapangan sa pagtatamo ng kalayaan. Ang mga salita sa
loob ng kahon ang magsisilbing clue. Punan ng tamang titik ang patlang
upang mabuo ang salita.

1. Samar, masaker, Amerikano

B _____ L _____ N G ____ ____ A

2.
Kalye, baril, sundalo

S O _____ I _____ G _____

3.
Lugar, Aguinaldo, himpilan
T _____ R _____ D P _____ S _____
4.
Iwinawagayway, simbolo, kalayaan
B _____ N _____ I L ______

5.
Sundalo, Estados Unidos, mananakop
A _____ E _____ I _____ A ______ O

TANDAAN
MO

Simula ng Digmaang Pilipino at Amerikano

May utos noon ang mga pinunong Amerikano na huwag


magpapaputok kung hindi lumalaban ang mga Pilipino . Nagpaputok ang
isang kawal na Amerikanonang makita nito ang Pilipino sa panulukanng
Calle Silencio at Sociego, Sta. Mesa, Maynila noong gabi ng Pebrero 4, 1899.
Sinigawan niya ang Pilipino upang huminto ngunit hindi tumigil kaya’t
binaril niya ito. Pagkatapos ay binaril pa ang kasama nito. Dito nagsimula
ang pagpapalitan ng putukan at digmaan ng mga Pilipino at Amerikano.

Simula noon, marami nang naganap na labanan. Lumiban ang mga


Pilipino sa mga Amerikano sa loob ng tatlong taon. Magiting nilang
ipinagliban ang Pilipinas sa pagnanais nilang makalaya kahit higit na
makabago at marami ang sandata ng mga Amerikano.

Nang pumasok ng mga Amerikano ang Maynila, hinadlangan sila ni


Heneral Antonio Luna, ang pinuno ng hukbong Pilipino sa Kalookan. Sa
kabila ng pakikipaglaban ay nakubkob pa rin ang paligid ng Maynila.

Dumating ang karagdagang sandatahang kawal ng mga Amerikano sa


Pilipinas na pinamumunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Sinalakay nila
ang Guiguinto at Malolos na parehong nasa Bulacan. Noong Marso 31,
1899, napasakamay nila ang Malolos.

Isang napakalaking pagkatalo ang nangyari sa puwersa ng mga


Amerikano sa San Mateo sa probinsiya ng Rizal, sa pangunguna ni Heneral
Licerio Geronimo. Sa labanang ito, napatay nila si Heneral Henry Lawton.
Labanan sa Tirad Pass

Tumakas si Aguinaldo kasama ang kanyang gabinete, kagawad ,


at
sundalo upang maiwasan ang pagtugis ng mga Amerikano. Dumaan sila
sa Pasong Tirad at dito humimpil. Si Heneral Gregorio del Pilar ay 24 taong
gulang at tinaguriang “Bayani ng Tirad Pass”, kasama ang 60 kawal, upang
hadlangan ang mga tumutugis na Amerikano. Napatay si del Pilar kasama
ang 54 na Pilipinong sundalo noong Disyembre 2,1899.

Ang Balangiga Massacre

Patuloy na nakipaglaban ang iba pang mga Pilipino sa mga


Amerikano. Sa Balangiga , Samar noong Setyembre 28, 1901, patuloy na
lumaban ang mga rebolusyonaryong Pilipino. Sila ay nagtagumpay laban sa
mga Amerikanong mananakop sa pangunguna ni Heneral Vicente Lucban.
Sinuportahan ng taong-bayan ng Balangiga ang mga rebolusyonaryo. Ang
tagumpay nila laban sa mga mananakop ay nagpakita ng kagitingan at lubos
nilang pagmamahal sa ating kalayaan at bayan. Sa paningin ng mga
Amerikano , ang naganap ay isang masaker dahil namatay ang 46 na
sundalong Amerikano. Nang gumanti ang mga Amerikano , minasaker nila
ang mga taga- Samar mula sa utos ni Heneral Jacob Smith . Pati mga batang
lalaking may gulang 10 pataas ay kanilang pinatay. Ito ay lumikha ng
malaking eskandalo sa Amerika. Bumagsak din sa kamay ng mga
Amerikano ang Leyte, Samar, at Negros.

Pagtataya
45434333 A. Isulat ang salitang tama sa patlang kung nagsasabi ng
katotohanan ang pahayag at mali naman kung hindi ito
katotohanan.

________1. Hinadlangan ni Heneral Antonio Luna na pumasok ang mga


Amerikano sa Maynila.
________2. Tumakas si Aguinaldo kasama ang mga gabinete, kagawad at
sundalo mula sa mga Amerikano.

________3. Unang nagpaputok ang sundalong Amerikano

________4. Dumating si Heneral Jacob Smith kasama ang mga sandatahang


Amerikano.

________5. Nakipagtulungan ang mga Pilipino sa mga Amerikano na itaboy


ang mga Espanyol.

B. Ipaliwanag ang kahalagahan ng sumusunod sa Digmaang


Pilipino- Amerikano. Ilarawan ang mga sanhi at bunga nito.
Maari gumamit ng graphic organizer.
 Labanan sa Tirad Pass
 Balangiga Massacre

_______________________________________
SANGGUNIAN
*MELC
*SIGLO ( Batayang Aklat sa Araling Panlipunan ) ( St. Augustin)
*Kayamanan ( Batayan at Sanayan Aklat sa Araling Panlipunan ) ( Rex )
*https://www.google.com/search?q=map
*https://www.google.com/search?q=globe
*https://www.google.com/search?q=mga+bayani+ng+pilipinas

_______________________________________

Susi sa Pagwawasto

ARALIN 8: Mga Natatanging Pilipino na


Nakipaglaban para sa Kalayaan
Sa modyul na ito ay matutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

 nabibigyang halaga ang mga konribusyon ng mga natatanging


Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan

Maglaro Tayo

Kilalanin ang mga nasa larawan at punan ang sumusunod na kailangan.

Pangalan: ___________________________
Taguri o pagkakakilala:
____________________________________
Katangian :
____________________________________

Pangalan: ___________________________
Taguri o pagkakilala:
____________________________________
Katangian :
____________________________________

Pangalan: ___________________________
Taguri o pagkakilala:
____________________________________
Katangian: ___________________________

Mag-isip Tayo!

Sagutin ang sumunod na tanong.

1. Sino sa mga nasa larwan ang madaling kilalanin? Bakit?


________________________________________________________
________________________________________________________
2. Sino sa mga larawan ang dapat mong tularan? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________

TANDAAN
MO

Mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban para sa Kalayaan Noon

 Heneral Emilio Aguinaldo


 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa digmaan laban sa mga
Amerikano
 Nahalal bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas
 Noong Abril 19,1901, lumagda sa isang pahayag ng nagsasabing
dapat nang tanggapin ng bayan ang pamahalaan ng Estado Unidos

 Heneral Antonio Luna


 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain
 Commander-in-chief sa panahon ng pamumuno ni Aguinaldo
 Isa sa pinakamahusay na heneral noon
 Namuno sa pakikipagdigma laban sa mga Amerikano
 Pinatay siya ng mga sundalong kaalyado ni Aquinaldo noong Hunyo
5,1899

 Gregorio del Pilar


 Pinakabatang heneral sa gulang na 24
 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa digmaan laban sa
mga Amerikano
 Ipinagtanggol ang Pasong Tirad, kasama ang 60 kawal, upang
hadlangan ang mga tumutugis kay Aguinaldo na mga Amerikano
 Tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad”

 Heneral Miguel Malvar


 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain
 Nagging pinunong heneral ng Batangas
 Lumaban sa Digmaang Pilipino- Amerikano

 Macario Sakay
 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain at sa digmaan laban sa
mga Amerikano
 Ipinagpatuloy ang paglaban sa mga Amerikano kahit nahuli na
si Heneral Aguinaldo
 Itinatag ang “Republikang Tagalog” sa bulubundukin ng Sierra
Madre
 Tinawag na tulisan ng mga Amerikano
 Kahuli-hulihsng Pilipinong heneral na sumuko dahil
pinanakuang patatawarin
 Sumuko kasama ang kanyang mga tauhan, noong Hulyo 14,
1906 ngunit nilinlang at pinabitay ng mga Amerikano

 Heneral Artemio Ricarte


 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain
 Namuno sa pag-atake sa kampo ng mga Espanyol sa San
Francisco De Malabon
 IPinatpon sa Guam dahil ayaw kilalanin ang kapangyarihan ng
mga Amerikano
 Palihim na bumalik sa Pilipinas at nagbalak na buuing muli ang
hukbo ng rebolusyon ngunit sinuplong siya ng kapwa kaya’t
pinaratangang isang subersibo at nakulong sa bilibid ng anim
na buwan
 Tumangging manumpa sa bandilang Amerikano kay’t
pinatapon sa Hongkong
 Bumalik ng Pilipinas sa panahon ng administrasyon ni Jose P.
Laurel

 Heneral Franciso Macabulos


 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain saTarlac
 Nagtatag ng sangay ng Katipunan sa Tarlac
 Nagtatag ng sariling pamahalaan sa Gitnang Luzon matapos
ang Kasunduan sa Biak-na-Bato
 Namuno sa pakikidigma laban sa mga Amerikano sa Tarlac,
Pampanga, at Nueva Ecija

 Heneral Vicente Lukban


 Pinuno ng hukbong nakipagdigma laban sa mga Amerikano sa
Timog Luzon
 Pinamahalaan ang Samar at Leyte noong unang Republika ng
Pilipinas
 Namuno sa pakikidigma laban sa mga Amerikano sa Balangiga,
Samar kung saan natalo ang mga Amerikano

 Heneral Mariano Llanera


 Lumaban sa himagsikan laban sa Spain sa Bulacan, Tarlac,
Pampanga, at Nueva Ecija
 Numuno sa mga himagsikan laban sa mga Amerikano sa
Maynila

 Apolinario Mabini
 Kilala bilang Utak ng Himagsikan
 Kilala bilang ang : Dakilang Lumpo”
 Ipinatapon sa Guam dahil ayaw manumpa at kilalanin ang
kapangyarihan ng mga Amerikano

 Trinidad Tecson
 Siya 40 taong gulang nang sumapi nang lihimsa Katipunan at
tangi siyang babaing sumumpa, nanghiwa ng kanyang bisig, at
lumagda sa sariling dugo
 Sumama sa tropa ni Heneral Francisoco Macabulos sa Zaragoza
at San Antonio, Nueva Ecija laban sa mga Espanyol
 Nakipagdigma laban sa mga Amerikano kasama ni Hen.
Gregorio del Pilar
 Naging commissary of War noong maitatag ang Republika ng
Malolos
 Pagkatapos ng digmaann nang itatag ang Philippine Red Cross,
kinilala ng mga Amerikano bilang Ina ng Red Cross sa Pilipinas
dahil sa kanyang pag-aarugo sa mga sugatang sundalong
Pilipino at mga nasalanta ng digmaan

 Melchora Aquino
 Tinagurian Tandang Sora dahil 84 taong gulang na noong
sumiklab ang himagsikang 1896 na pinamumunuan ni Andres
Bonifacio
 Kinalinga at kinupkop ang mga Katipunero
 Tinaguriang “ Ina ng Katipunan’
 Hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas ng mga Espanyol
 Bumalik sa Pilipinas noong Pebrero 26, 1903
 Inalok na mabigyan ng pensyon ng mga Amerikano ngunit ito
ay kanyang tinanggihan

Pagtataya
45434333 Tukuyin kung sino ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

______1. Ang batang heneral na lumaban sa Pasong Tirad.

______2. Ang namuno sa Labanang Balangiga.

______3. Nagtatag ng Republikang Tagalog.

______4. Tinaguriang Tandang Sora.

______5. Namuno sa pkikipagdigma laban sa mga Amerikano at nagging


commander – in - chief .

______6. Nahalal bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.

______7. Lumaban sa himagsikan laban sa Spain sa Bulacan, Tarlac,


Pampanga, at Nueva Ecija.

______8. Kilala bilang Utak ng Himagsikan

______9. Naging commissary of War noong maitatag ang Republika ng


Malolos

______10. Namuno sa pag-atake sa kampo ng mga Espanyol sa San


Francisco De Malabon
A. Kilalanin ang mga nasa larawan. Isulat ang kanilang naging ambag
sa pakikipaglaban para sa ating bansa.

_______________________________________
SANGGUNIAN
*MELC
*SIGLO ( Batayang Aklat sa Araling Panlipunan ) ( St. Augustin)
*Kayamanan ( Batayan at Sanayan Aklat sa Araling Panlipunan ) ( Rex )
*https://www.google.com/search?q=map
*https://www.google.com/search?q=globe
*https://www.google.com/search?q=mga+bayani+ng+pilipinas

_______________________________________

Susi sa Pagwawasto

First United Methodist Church Ecumenical School Inc.


Bancal, Guagua, Pampanga

Modyul 6 6
Araling Panlipunan
Unang Markahan (Aralin 7-8)

Pangalan:______________________________________

TALAAN
Inihanda ni:NG MGAC. NILALAMAN
Gng. Cathaly Gutierrez

ARALIN 1 : Lokasyon ng Pilipinas

ARALIN 2 : Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

ARALIN 3: Ang Kilusang Propaganda at ang


Katipunan
ARALIN 4: Rebolusyong Pilipino ng 1896

ARALIN 5: Kababaihan ng Rebolusyon

ARALIN 6: Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at


Pagkatatag ng Unang Republika

ARALIN 7: Ang Paghihimagsik ng mga Amerikano

ARALIN 8: Mga Natatanging Pilipino na Nakipaglaban para sa


Kalayaan

You might also like