You are on page 1of 11

Learner’s Activity Sheet

Assessment Checklist

ARALING PANLIPUNAN
Unang Markahan-Unang Linggo

Lokasyon sa Paghubog ng
Kasaysayan
________________________________________________
Mag-aaral

________________________________________________
Pangkat

________________________________________________
Guro

________________________________________________
Magulang o Tagapangalaga

________________________________________________
Paaralan

________________________
Petsa ng Pagpasa 5
TEACHER’S REFERENCE GUIDE (TRG)

Paaralan: Asignatura: ARALING PANLIPUNAN


Guro: Markahan: Unang Markahan
Baitang: 5 Linggo: Unang Linggo

I - LAYUNIN:
1. Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang
mapa/globo sa absolute location nito (longitude at latitude).
2. Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas
batay sa karatig bansa na nakapaligid dito gamit ang pangunahin at
pangalawang direksyon.
A. Batayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at
kaalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan
ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/
pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo
ng kasaysayan ng Pilipinas.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay naipamalas ang pagmamalaki sa nabuong
kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino gamit ang kaalaman sa
kasanayang pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng kasaysayan
ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo
ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino.
C. MELC
Naipaliliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng
kasaysayan.
II - PAKSANG ARALIN:
Lokasyon sa Pag Hubog ng Kasaysayan
a. Sanggunian: Batayang Aklat: Araling Panlipunan 5 (Pilipinas
Bilang Isang Bansa) pahina: 2-10
https://tl.wikipedia.org/wiki/Meridyano
b. Kagamitan: Learners Activity Sheet (LAS), Assessment
Checklist (AC), Study Guides.
c. Pagpapahalaga Mapahalagahan ang pag-unawa at kaalaman ng
kaugnayan ng heograpiya at ang mga teorya sa
pinagmulan ng lahing Pilipino.
III – PAMAMARAAN:
GAWAIN Gawain 1: Tukuyin ang mga salitang may
kinalaman sa pagkilala ng lokasyon.
PAGSUSURI Patnubay na tanong para sa Gawain 1:
1. Paano matatagpuan ang kapuluan ng
pilipinas sa globo at mapa?
2. Paano malalaman ang lokasyon ng Pilipinas
gamit ang compass rose?
PAGHAHALAW Paglalahad at pagtatalakay ng kaisipan.
PAGLALAPAT Gawain 2: Tukuyin ang mga guhit sa globo.
IV - PAGTATASA SA Gawain 3: 3.1Tukuyin ang lokasyon ng Pilipinas
SARILI gamit ang relatibong lokasyon.
3.2 Sagutin ang mga tanong ayon sa sariling pag-
unawa
LEARNER’S ACTIVITY SHEET

Mahal kong mag-aaral,

Magandang araw sa iyo. Ang mga aktibidad sa buong linggo ay nakasulat sa


ibaba. Basahin ng maigi at sundin ang mga nakasaad na alituntunin. Kung may
kakilala ka na pwedeng tumulong sa iyo, maari mong lapitan at hingan ng payo.
Higit sa lahat, isaalang-alang ang kaligtasan habang ika’y nag-aaral.

Matapat na sumasaiyo,
Ang iyong guro

Tukuyin ang mga salitang may kinalaman sa pagkilala ng lokasyon.

Panuto : Ayusin ang mga letra upang makabuo ng mga salita na may
kinalaman sa pagkilala ng lokasyon. Isulat ang sagot sa patlang. Ang unang
bilang ay ang iyong halimbawa.

oglob arkagatan
1. 6.
globo _________________

sinapiilp yasa
2. 7.
______________ _________________

odmun pmaa
3. 8.
_______________ _________________

dirg ridimean
4. 9.

_______________ _________________

anulapku ralusni
4. 10.

________________ __________________
Lokasyon sa Paghubog ng Kasaysayan
Ang globo ay isang modelo ng daigdig. Ito’y ginagamit upang higit nating
maunawaan ang daigdig.

 Ang mapa ay ang patag na paglalarawan ng mundo. Nailalarawan din


ng mapa ang mga lugar, populasyon, klima, paghahati-hati ng bansa
pati sukat, hugis, lokasyon ng mga kontinente, rehiyon at mga bansa
sa mundo.

Ang tiyak na lokasyon ay natutukoy sa pamamagitan ng longhitud


(longitude) ito ay ang angular na distansiya pasilangan o pakanluran mula
sa Prime Meridian at ang latitude (latitude) naman ay ang angular na
distansiya pahilaga o patimog mula ekwador. Ang bawat isang guhit ay may
may itinakdang digri (degree) upang mabasa ang latitude at longhitud at
ang kanilang pagtatagpo sa grid. Ginagamit ang digri (0) at minute(‘) bilang
yunit sa pagsukat ng longhitud at latitude upang tukuyin ang eksaktong
lokasyon ng isang lugar sa globo o sa mapa ng mundo.
Pagkilala sa mga imahinasyong guhit na makikita sa globo
Hilagang Polo

Prime Meridian

International Date Line

Timog Polo
Ang meridian (line of longhitude) ay ang patayong imahinasyong
guhit sa globo. Ito ay nakaguhit mula hilaga patimog ng globo. Hilagang
Polo (North Pole) at Timog Polo (South Pole) ang tawag sa magkabilang dulo
ng globo sa hilaga at sa timog.

Dalawang Espesyal na Meridian

1. Prime Meridian ay ang naghahati sa globo sa dalawang bahagi ang


silangang hating- globo at kanlurang- hating globo. Tinatawag din itong
Greenwich Meridian dahil bumabagtas ito sa Greenwich, England.
2. International Date Line (IDL) ay ang imahinasyong guhit na naghahati
sa mundo sa magkaibang araw. Ang bahagi ng mundo sa silangan ng IDL ay
nauuna ng isang araw kaysa sa bahaging nasa kanluran ng guhit nito.
Ang Parallel ay ang pahigang imahinasyong guhit sa globo.

Limang Espesyal na Parallel

1. Ekwador (equator) ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo, may


pantay pantay na layo mula North Pole hanggang South Pole. Ito ay
imahinasyong guhit na humahati sa daigdig sa hilagang hating-globo at
timog hating-globo.
2. Tropiko ng Kanser (Tropic of Cancer) ay ang pinakahilagang bahagi ng
daigdig na tuwirang nasisinagan ng araw. Ito ay nagsisilbing hilagang
hangganan ng tropics o ang rehiyong malapit sa ekwador at may mainit
na klima.
3. Tropiko ng Kaprikorn (Tropic of Capricorn) ay ang pinaka timog na
bahagi ng mundo na tuwirang nasisinagan ng araw. Ito ang timog na
hangganan ng tropics.
4. Kabilugang Artiko (Arctic circle) ay ang pinaka dulong bahagi ng
daigdig sa hilaga na naaabot ng pahilis na sinag ng araw.
5. Kabilugang Antarktiko (Antarctic Circle) ay ang pinaka dulong bahagi
ng daigdig sa timog na naaabot ng pahilis na sinag ng araw.

Ang relatibong lokasyon ay natutukoy batay sa mga anyong lupa at


anyong tubig na nakapaligid sa isang lugar.
Dalawang Paraan sa Pagtukoy ng Relatibong Lokasyon
1. Insular ito ay ang paraan sa pagtukoy ng katubigan nakapalibot sa
Pilipinas.

2. Visinal naman ay ang paraan sa pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas batay


sa nakapalibot na mga kalupaang dito.

Compass Rose
N = Hilaga
S = Timog
E = Silangan
W = Kanluran
Tukuyin ang mga guhit sa globo.
Panuto : Piliin mula sa kahon ang sagot at tukuyin ang mga guhit na
itinuturo sa globo at isulat ito sa nakalaang espasyo.

longhitud ekwador tropiko ng kanser

tropiko ng kaprikornyo kabilugang arktiko kabilugang antarktiko

5.
3.

2.

1. Timog polo
4.
3.1 Tukuyin ang lokasyon ng Pilipinas gamit ang relatibong lokasyon.
Panuto: Gamit ang compass rose, isulat sa patlang ang H kung sa gawing
hilaga, S kung sa gawing silangan, T kung sa gawing timog, at K kung sa
Kanluran ng Pilipinas makikita ang mga nasa ibaba. Isulat sa patlang ang

tamang sagot.

1. Egypt K___ 6. Sri Lanka

2. Philippine Sea 7. North Korea

3. East Timor 8. Brunei

4. Taiwan 9. Thailand

5. Japan 10. Indonesia

3.2 Sagutin ang mga tanong ayon sa iyong sariling pag-unawa. Isulat sa
nakalaang espasyo sa ibaba ang iyong sagot.
a. Ano ang kaugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng
kasaysayan nito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

b. Sa iyong palagay mag-iiba ba ang kasaysayan ng Pilipinas kung


nasa ibang lokasyon ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PANSARILING PAGSUSURI
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Alin sa mga gawain ang madali kong naisagawa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________
2. Ano- ano ang aking natutunan sa araling ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________

ASSESSMENT CHECKLIST (AC)


LOKASYON SA PAGHUBOG NG KASAYSAYAN
Lagyan ng Tsek (√) ang angkop na sagot. Bilugan ang tambilang sa MGA
PUNA ayon sa iyong obserbasyon.
Sa scale na 1,2, 3 at 4 bilugan ang antas ng natutunan.
1- Bahagyang nagawa
2- Kasiya-siya
3- Mahusay na naisagawa
4- Napakahusay

Pahayag HINDI OO MGA PUNA


Gawain 1: 1 – Bahagyang nagawa
Natukoy ng mag-aaral ang mga 2 – Kasiya-siya
salitang may kinalaman sa 3 – Mahusay na naisagawa
pagkilala ng lokasyon. 4 – Napakahusay
Gawain 2: 1 – Bahagyang nagawa
Natukoy ng mag-aaral ang mga 2 – Kasiya-siya
mahalagang guhit sa globo. 3 – Mahusay na naisagawa
4 – Napakahusay
Gawain 3: 1 – Bahagyang nagawa
3.1Natukoy ng mag-aaral ang 2 – Kasiya-siya
lokasyon ng Pilipinas gamit ang 3 – Mahusay na naisagawa
relatibong lokasyon. 4 – Napakahusay

Gawain 3.2 1 – Bahagyang nagawa


Nasagot ng mag-aaral ang mga 2 – Kasiya-siya
tanong ayon sa sariling pag- 3 – Mahusay na naisagawa
unawa. 4 – Napakahusay

Pansariling Pagsusuri: 1 – Bahagyang nagawa


Nasagutan ng mag-aaral ang 2 – Kasiya-siya
mga tanong tungkol sa 3 – Mahusay na naisagawa
pansariling pagsusuri. 4 – Napakahusay

Komento/Reaksyon o Suhestiyon:

_____________________________ _________________________________
Magulang o Tagapangalaga Pangalan ng guro

_________________________
Petsa ng pagpasa

You might also like