You are on page 1of 9

Learner’s Activity Sheet

Assessment Checklist

FILIPINO
Unang Markahan – Ika-7 Linggo

Paksa ng Napakinggan at Nabasang Kuwento


o Usapan

________________________________________________
Mag-aaral

________________________________________________
Pangkat

________________________________________________
Guro

________________________________________________
Magulang o Tagapangalaga

________________________________________________
Paaralan

________________________
Petsa ng Pagpasa
5
TEACHER’S REFERENCE GUIDE (TRG)
Paaralan: Baitang: 5
Guro: Asignatura: Filipino
Petsa ng Pagtuturo: Markahan: 1 Linggo: 7

I. LAYUNIN Nakabibigay ng paksa sa mga napakinggan at nababasang


kuwento o usapan

A. Pamantayang Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-


Pangnilalaman unawa sa napakinggan

B. Pamantayan sa Napag-uusapan ang tungkol sa isyu o paksang napakinggan


Pagganap

C. MELC Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento o usapan.


F5PN-Ic-g-7

II. PAKSANG ARALIN Paksa ng Napakinggan at Nabasang Kuwento o Usapan

a. Sanggunian Alab Filipino 5 Batayang Aklat p. 12


-(F5PN-lc-g-7)-youtube

b. Kagamitan LAS,AC,Gabay sa Pag-aaral,Tsart,atbp.

c. Integrasyon ESP, Health, Araling Panlipunan

III. PAMAMARAAN

GAWAIN Gawain1.
Ipatukoy ang larawang nakikita at ipabigay ang mga paraan
kung paano maiiwasan ang COVID-19.
PAGSUSURI Gawain 2
Mga gabay na tanong:
1.Ano ang kahalagahan ng paksa sa kuwento o usapan?
2.Saang bahagi maaaring matagpuan ang paksa sa kuwento o
usapan ?
PAGHAHALAW Gawain 3
Presentasyon at pagtalakay ng aralin:
 Paksa ng Napakinggan at Nabasang Kuwento o Usapan
PAGLALAPAT Gawain 4
Ipabasa ang kuwento at ipasagot ang mga tanong.
Ipatukoy ang paksa ng mga talata.
IV - PAGTATASA Gawain 5
Ipapili ang angkop na paksa at pabilugan ang titik ng tamang
sagot.
V - PAGNINILAY SA Ipasagot ang mga sumusunod na katanungan:
SARILI  Alin sa mga Gawain sa aralin ang madali kong
naisagawa?
 Ano-ano ang aking natutuhan sa araling tinalakay?
 Alin sa mga gawain ang hindi mo naisagawa nang tama?
LEARNER’S ACTIVITY SHEET
Paksa ng Napakinggan at NabasangKuwento o Usapan

Unang hakbang:
A. Panuto: Ano ang larawang ito?

________________________________

Ikalawang hakbang:
B. Panuto:Magbigay ng limang paraan kung paano maiiwasan ang COVID-
19.

Halimbawa: social distancing

1. ____________________________________________________

2. ____________________________________________________

3. ____________________________________________________

4. ____________________________________________________

5. ____________________________________________________

Panuto:Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng paksa sa kuwento o usapan?


2. Saang bahagi maaaring matagpuan ang paksa sa kuwento o usapan ?

____________________________________________________________________

TANDAAN:

Ang paksa ay iniikutang diwa sa kuwento o talata. Ito ang pangkalahata

kaisipan sa isang teksto. Ito ay isang mahalagang bahagi na pinag-uusapan sa tekst

usapin. Kadalasan ito ay makikita sa unahan ng kuwento o anumang teksto.

Gawain 4.1

Unang hakbang:

Panuto:Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong nang buong


pangungusap.

“Ang Buhay sa Loob ng Emergency Room”


Ni: Sheryl F. Mahinay

Si Fatima ay isang nars na kasalukuyang


nagbibigay ng kanyang serbisyo sa isang pampublikong
ospital sa Cotabato City. Siya ay kilalang nars dahil sa
kanyang dedikasyon sa kanyang tungkulin
Ang kasanayan niyang pang araw-araw na gawain sa loob ng
emergency room ay biglang nagbago dahil sa pagputok ng pandemyang
COVID 19.

Gulat na gulat siya sapagkat ang pasyente ay may


temperaturang 39.5 degree Celsius, may ubo at
namamaga ang lalamunan.

Dali-dali siyang sinabihan ng doctor na


magsuot ng PPE o personal protective equipment at isagawa ang swab
testing sa naturang pasyente. Agad ding ipinadala sa isolation room
ang pasyente. Sabay-sabay kumilos ang mga nars upang gawin ang
sinasabi ng doktor.

Makalipas lamang ang ilang sandali, sunod-


sunod na dumating ang iba pang pasyente na may
kaparehong sintomas. Sa nakitang sitwasyon, unti-
unting nauubos ang lakas ni Fatima at mangiyak-
ngiyak habang nakatingin sa
mga tao sa loob ng silid.

Nilapitan siya ng doktor at sinabihan, “Hindi tayo


dapat panghinaan ng loob sapagkat sa atin naiatang
na tulungan silang gumaling. Magdasal tayo na tayo
ay gabayan ng Panginoon upang magawa natin ang
lahat ng kaya natin upang matulungan silang
gumaling.” Matapos marinig ito, ay buong lakas na
tumayo si Fatima upang ituloy ang kanyang gawain.
Makalipas a ng dalawang linggo, sabay-sabay
na inihatid ng mga kawani ng ospital, kasama si
Fatima at ang mga pasyenteng gumaling mula sa
sakit. Masayang-masaya ang bawat isa at
nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat nalagpasan
nila ang pagsubok sa kanilang buhay. Ngunit sa isip
ni Fatima, alam niyang hindi pa tapos ang kanilang
pakikipagtunggali sa sakit na COVID 19.
Ikalawang hakbang:

Panuto: Sagutin ang mga sumunsunod na tanong.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento at ano ang kanyang


hanapbuhay?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano sa iyong palagay ang sakit ng mga pasyenteng dumating sa ospital?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Paano nagampanan ng mga kawani ng ospital ang kanilang tungkulin?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang pagtulong na ginagawa ng mga doktor at nars sa


mga pasyente sa ospital?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Ano ang paksa ng kuwentong inyong nabasa?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 4.2

Panuto: Tukuyin ang paksa ng mga talata.


Halimbawa:
Talata:
May iba’t ibang ibig sabihin at simbolo ang bawat kulay. Ang puti ay
kalinisan. Ang asul ay kapayapaan at ang pula naman ay tanda ng
katapangan. Ang kulay rosas naman ang sinisimbolo nito ay ang pag-ibig at
panibugho naman ang dilaw. Kasaganahan naman ang berde at
kalungkutan at pagdadalamhati ang dala ng kulay itim. Marami pang kulay
ang may iba’t ibang kahulugan.

Paksa: Simbolo ng mga kulay.

Talata 1:
Mahalaga ang bitamina sa ating katawan. Ito ay nagbibigay lakas at
sustansiya. Ang mga pagkaing may taglay na bitaminang ito ay ang mga
pagkaing gulay at prutas. Kaya kung gusto mong malayo sa sakit ay
kumain ka ng gulay at prutas upang ang iyong katawan ay lumakas at
tumibay.

Paksa:
_______________________________________________________________
Talata 2:
Ang pamilya ay isa sa pinakamahalagang antas sa ating lipunan. Sa
dami ng pagsubok na dumarating, dapat umiiral pa rin ang pagmamahal sa
bawat isa.Pagkakaisa at pagtutulungan ang kailangan upang tumibay ang
samahan. Anumang pagsubok ang haharapin dapat maging matatag ang
bawat isa. Sapagkat ang pamilya ay biyaya ng ating Panginoon.

Paksa:
_______________________________________________________________

Talata 3:
Isa sa katangian ng mga Pilipino ay ang mabuting pakikitungo o
pagtanggap sa mga bisita. Kapag may isang inaasahang bisita ang isang
miyembro ng pamilya, bawat isa ay abala sa paglilinis at paghahanda ng
mga pagkain. Nagluluto at naghahanda ng masasarap na pagkain ang
pamilya. Nag-iisip din sila ng maaaring ipauuwi sa bisita.

Paksa: _______________________________________________________________

Panuto: Piliin ang angkop na paksa at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Si Leslie ay masipag gumawa ng takdang aralin. Tuwing hapon bago siya


maglaro ay ginagawa muna niya ang kaniyang takdang aralin.
Tumutulong din siya sa gawaing bahay kaya naman tuwang-tuwa ang
kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait at
masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal na anak.

a. Ang Magagandang Ugali ni Leslie


b. Ang Pag-aaral ni Leslie
c. Ang Paglalaro ni Leslie
d. Ang Takdang-Aralin ni Leslie

2. Tuwing hapon, pagkatapos gumawa ng takdang-aralin ni Mary Rose ay


pumupunta siya sa palaruan. Nakikipagkita siya sa kanyang mga
kaibigan. Doon ay marami na silang nakikitang naglalaro at iba’t iba ang
mga ginagawa. Abala ang lahat at halos walang maupuan. Libangan na
niya ang pumunta sa palaruan.

a. Ang Pinupuntahan ni Mary Rose


b. Ang Libangan ni Mary Rose
c. Ang Paglalaro ni Mary Rose
d. Ang Takdang-Aralin ni Mary Rose

3. Pinakaaabangan ng mga tao sa Pilipinas ang kapistahan sa bawat lugar.


Iba’t ibang tradisyon ang iyong makikita. Hindi mawawala ang
paghahanda ng masasarap na pagkain. Ang iba ay dumarayo pa upang
makikain at makipiyesta. May mga palaro at palabas na inihanda upang
maging Masaya ang kapistahan.

a. Pinakaaabangan ng mga Pilipino


b. HandaanTuwing Pista
c. Mga Palaro Tuwing Pista
d. Iba’t ibang Tradisyon Tuwing Pista.
ASSESSMENT CHECKLIST (AC)

Paksa ng Napakinggan at NabasangKuwento o Usapan

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang kolum na naaayon sa iyong obserbasyon.


Kung may mga komento o suhestiyon, mangyari lamang pong isulat sa
nakalaang puwang sa dakong kanan.

OBSERBASYON

NagawaBahagyang

NagawaLahat
NagawaHindi
Komento o
BATAYAN NG PAGTATASA Suhestiyon
ngMagulang

GAWAIN 1
Natukoy ng mag-aaral ang ideya sa
larawang nakita.
Nabigay ng mag-aaral ang mga
paraan kung paano maiiwasan ang
COVID-19.
GAWAIN 2
Nasagot ng mag-aaral ang ibinigay
na tanong.
GAWAIN 3
Nabasa at naunawaan ng mag-
aaral ang aralin.
GAWAIN 4
4.1 Nasagot ng mag-aaral ang mga
katanungan pagkatapos basahin
ang kwento.

4.2 Natukoy ng mag-aaral ang


paksa ng talata.
GAWAIN 5
Napili ng mag-aaral ang angkop na
paksa at nabilugan ang titik ng
tamang sagot.

_______________________________________
Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga

You might also like