You are on page 1of 11

Learner’s Activity Sheet

Assessment Checklist

FILIPINO
Unang Markahan – Ika-6 Linggo

Pagsalaysay Muli ng mga Pangyayari sa


Pamamagitan ng Sariling Salita at
Pangungusap

________________________________________________
Mag-aaral

________________________________________________
Pangkat

________________________________________________
Guro

________________________________________________
Magulang o Tagapangalaga

________________________________________________
Paaralan

________________________
Petsa ng Pagpasa
5
TEACHER’S REFERENCE GUIDE (TRG)
Paaralan: Baitang: 5
Guro: Asignatura: Filipino
Petsa ng Pagtuturo: Markahan: 1 Linggo: 6

I. LAYUNIN 1. Naibibigay muli ang pangyayari sa kuwento gamit


ang sariling salita
2. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa
tulong ng mga pangungusap
A. Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita
Pamantayan at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
g karanasan at damdamin
Pangnilalam
an
B. Pamantayan Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu
sa Pagganap
C. MELC 1. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit
ang sariling salita
2.Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa
tulong ng mga pangungusap

F5PS-IIh-c-6.2
II. PAKSANG Pagsalaysay Muli ng mga Pangyayari sa
ARALIN Pamamagitan ng Sariling Salita at Pangungusap
a. www.learnerkids.com, youtube, Hiyas sa pagbasa IV
Sanggunian pahina 158-160
b. LAS,AC,Gabay sa Pag-aaral,Tsart,atbp.
Kagamitan
c. Science, ESP, Health, Araling Panlipunan
Integrasyon
III. PAMAMARAAN
GAWAIN Gawain1.
2. Ipabasa ang kuwento at ipasagot ang mga tanong.
PAGSUSURI Gawain 2
Mga gabay na tanong:
1.Paano naisasalaysay muli ang napakinggang
teksto?
2. Ano ang maaring gawing pantulong upang
maisalaysay muli ang isang kuwento?
PAGHAHALAW Gawain 3
Presentasyon at pagtalakay ng aralin:
 Pagsalaysay ng mga Pangyayari sa
Pamamagitan ng Sariling Salita at
Pangungusap
PAGLALAPAT Gawain 4
Ipasagot ang mga tanong hinggil sa
kuwentong binasa.
IV - PAGTATASA Gawain 5
Ipabuo ang pangungusap sa bawat bilang base sa
pagkakaunawa sa napakinggang/nabasang
kuwento.

V - PAGNINILAY Ipasagot ang mga sumusunod na katanungan:


SA SARILI  Alin sa mga Gawain sa aralin ang madali kong
naisagawa?
 Ano-ano ang aking natutuhan sa araling
tinalakay?
 Alin sa mga gawain ang hindi mo naisagawa nang
tama?
LEARNER’S ACTIVITY SHEET

Mahal kong mag-aaral,


Magandang Araw!
Nasa ibaba ang iyong mga kasanayan para sa unang linggong pag-aaral. Ang
mga gawaing ito ay sadyang binuo para sa iyo kaya’t basahin, unawain at sundin
ang mga panuto sa bawat gawain. Maaring humingi ng gabay sa sinumang
makatutulong sa iyong mga gawain. Maging malikhain sa paggawa ng mga
aktibidad ngunit tiyakin ang kaligtasan sa lahat ng oras. Masayang pag-aaral!
Nagmamahal,
Ang iyongGuro

Pagsalaysay Muli ng mga Pangyayari sa Pamamagitan ng


Sariling Salita at Pangungusap

Panuto:
Unang hakbang:Basahin at unawain ang kuwentong “Alamat ng Makahiya”.

Ang Alamat ng Makahiya

Noong unang panahon ay may isang dalagang nagngangalang


Maria na naninirahan sa isang malayong bayan. Si Maria ay kilala
sa dalawang katangian bukod sa pagiging maganda. Ang una ay
ang pagiging labis na mahiyain at ang pangalawa ay ang
pagmamahal nito sa mga halamang nasa bakuran ng kanilang
bahay.
Hindi umaalis ng bahay si Maria. Kung lumalabas man siya ay
sa bakuran lang upang alagaan ang minamahal niyang mga
halaman.“Iyang si Maria ay maganda at masipag subalit hindi natin
nakakausap man lang dahil sobrang mahiyain,” wika ng isang
kapitbahay na si Aling Trining. “Oo nga. Nang minsang madaanan
ko at batiin ay biglang nagtago sa loob ng bahay,” sang-ayon
naman ni Aling Delia. Wala siyang kaibigang isa man dahil hindi
naman nakikipag-usap subalit tila nagkakaintindihan sila ng mga
halaman. Napakaganda ng mga bulaklak sa kanyang hardin.
Minsan, may ilang malilikot na batang pumasok sa kanyang
bakuran upang manira ng halaman. Dito’y naglakas-loob siyang
sigawang palayo ang mga bata.
Ayaw na ayaw ni Maria na may sumisira sa kanyang halaman.
Pagkatapos nito’y naglagay siya ng tinik sa paligid ng bakuran
upang hindi makadaan ang mga batang malikot. Isang araw ay
hindi nakita ng mga kapitbahay si Maria sa hardin. Sa ikalawa at
ikatlong araw ay nag-alala na ang kanyang mga kapitbahay.
“Bakit kaya hindi na lumabas si Maria sa kanyang hardin?
Hindi kaya nagkasakit siya? Tanong ng mga ito sa isa’t isa. Dahil sa
pag-aalala ay pinuntahan ng mga kapitbahay ang munting kubo ni
Maria. “Maria! Maria! Nasaan ka ba?” sigaw ni Aling Trining at Aling
Delia. Walang sumasagot kaya’t pumasok sila sa loob ng kubo.
Maliit lang ang kubo at makikita kaagad kung may tao sa loob o
wala. Maayos naman ang loob nito subalit hindi nila makita si
Maria. Lumabas sila sa hardin nang biglang napasigaw sa Aling
Trining,” Aray! Ang sakit naman ng tinik na ito. Ano ba ito? Sabi
nito habang nakayuko at tinitingnan ang natinik na paa.
Napayuko rin ang iba niyang kasamahan at nagulat sila sa nakita.
Isang halamang halos nakadikit sa lupa at may pinong-pinong
dahon ang kanilang nakita. May pinong tinik din ito na nakapalibot
sa kanyang mga sanga. Nang madikit ang paa ni Aling Trining ay
biglang tumiklop ang mga dahon ng halaman. “Ngayon lang ako
nakakita ng ganitong uri ng halaman.
Napakamahiyain naman nito. Nasanggi ko lang at tumiklop na
at tila ayaw niyang palapitin ang mga tao sa mga halaman dahil sa
mga tinik nito na tila pumipigil sa mga tao para lumapit. Parang si
Maria,” sabi ni Aling Trining.
Hindi na muling nakita sa kanilang nayon si Maria. Ang
halamang mahiyain na tumutubo sa palibot ng kanyang mga
bulaklak ay lumago pa kaya lalong naniwala ang mga kapitbahay
na ito na nga si Maria.
Pinangalanan nilang makahiya ang halamang ito mula sa
unang pantig ng pangalan ni Maria at idinugtong ang salitang
kahiya dahil sa kanyang sobrang pagiging mahiyain.

Ikalawang hakbang:
Panuto: Isalaysay muli ang kuwentong binasa gamit ang sariling
salita sa tulong ng mga inihandang mga katunungan.

1. Ano ang katangian ni Maria? Bakit siya hindi nakikipag-usap sa


mga tao

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

__________________________________________________________________
2. Tama ba ang ginawang pagtataboy ni Maria sa mga batang
pumasok sa kanyang halamanan? Bakit?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang kapitbahay, pupunta ka rin ba sa bahay ng
dalaga kapag napansin mong hindi na siya lumalabas ng bahay?
Bakit?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________
4. Bakit naisip ng mga kapitbahay na si Maria ang tumubong
halaman?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________
5. Ano-ano ang maaaring gawin upang mabawasan ang iyong
pagiging mahiyain?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Panuto:Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.


1.Paano naisasalaysay muli ang napakinggang teksto?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang maaring gawing pantulong upang maisalaysay muli

ang isang kuwento?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tandaan:
Ang pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto ay maaaring
gawin gamit ang sariling salita o sa tulong ng mga ibinigay na
pangungusap.

Mga gabay sa muling pagsasalaysay ng kuwentong


binasa/napakinggan:
1.Bigkasin nang malakas gamit ang sariling salita.
2.Damhin ang mga pangyayari sa kuwento at iugnay sa sariling
buhay.

Sa pagbuo ng mga pangungusap at sa pagsasaayos ng mga ito


ayon sa wastong pagkakaugnay ng mga pangyayari ay mailalahad ang
tunay na buod nito.

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong nang buong
pangungusap gamit ang sariling salita.

May Babala ang Bagyo


(LARAWAN NG MALAKAS NA BAGYO)
Mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.
Napakalamig kasi ng panahon. Ang lakas-lakas ng hangin at walang
katigil-tigil ang malakas na ulan.
Nagising si Andrea. Ginaw na ginaw siya. Natanggal kasi ang
makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan.
“ Signal number two,” ang sabi ng tagapagbalita sa radio. “ Ang
ibig sabihin, sa loob ng na oras, papalapit ang masamang panahon.
Ang dumating na hangin ay may lakas na 80-hanggang 100 kilometro
bawat oras,Walang pasok sa mga paaralan,elementarya at haiskul.
Ang lahat po ay pinagiingat.”
Nag-isip siya. Naalala niya ang napag-aralan sa paaralan
tungkol sa bagyo. Kapag signal number one, sa loob ng 36 na oras ay
maaring dumating ang hanging may lakas na hindi hihigit sa 60
kilometro bawat oras. Kapag signal number two, ang hangin ay may
lakas na 60 hanggang 100 kilometro bawat oras. Kapag signal
number three, sa loob ng 12 hanggang 18 oras, maaring dumating
ang hanging may lakas na higit sa 100 kilometro bawat oras.
Idinilat ni Andrea ang kanyang mga mata. Inalis nang tuluyan
ang makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan at siya’y
bumangon. Ibig niyang subaybayan ang balita tungkol sa bagyo
upang ganap silang makapag-ingat.

1. Alin ang unang pangyayari sa nabasang kuwento?

2. Isalaysay ang pagitnang pangyayari sa kuwento.

3. Kung ikaw ang magwawakas ng kuwento,ano ang wakas nito?


4. Anong kabutihang asal ang makukuha sa kuwento?Ipaliwanag
gamit ang sariling salita.

Unang hakbang:
Panuto:Balikan at basahing muli ang kuwentong Alamat ng Makahiya.
Ikalawang hakbang:
Panuto:Buuin ang pangungusap sa bawat bilang base sa pagkakaunawa mo
sa napakinggang/nabasang kuwento. Punan ang patlang ng angkop na
salita.
1. Si Maria ay kilala bilang ________________________at mapagmahal sa
mga halaman.
2. ___________________ sa loob ng kubo ni Maria sina Aling Trining at
Aling Delia.
3. Lakas-loob niyang ____________________ ang mga bata na pumasok sa
bakuran.
4. May tumubong halaman na ______________________ kapag nasanggi ang
dahon.

5. Biglang _____________________ si Maria at hindi na nakita ng mga


kapitbahay.
ASSESSMENT CHECKLIST (AC)
(Para saMagulang o Tagapangalaga)
Pagsalaysay Muli ng mga Pangyayari sa Pamamagitan ng
Sariling Salita at Pangungusap
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang kolum na naaayon sa iyong obserbasyon.
Kung may mga komento o suhestiyon, mangyari lamang pong isulat sa
nakalaang puwang sa dakong kanan.

OBSERBASYON

NagawaBahagyang

NagawaLahat
NagawaHindi

Komento o
BATAYAN NG PAGTATASA Suhestiyon
ngMagulang

GAWAIN 1
Nabasa ng mag-aaral ang kuwento
at nasagot ang mga tanong..
GAWAIN 2
Nasagot ng mag-aaral ang ibinigay
na tanong.
GAWAIN 3
Nabasa at naunawaan ng mag-
aaral ang aralin.
GAWAIN 4
Nasagot ng mag-aaral ang mga
tanong hinggil sa kuwentong
binasa.
GAWAIN 5
Nabuo ng mag-aaral ang
pangungusap sa bawat bilang
base sa pagkakaunawa sa
napakinggang/nabasang
kuwento.

_______________________________________
Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga

You might also like