You are on page 1of 16

9

FILIPINO
Ikaapat na Markahan
Modyul 5
Paggamit ng Tamang Pang-uri sa
Pagbibigay-Katangian

1
Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS

SCHOOLS DIVISION OF SIQUIJOR


PAMATID SA COPYRIGHT

Ayon sa “Section 9, Presidential Decree No. 49”, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.

Ang materyal na ito ay binuo sa pamamagitan ng inisyatiba ng Curriculum Implementation Division (CID) ng
Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Siquijor.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa tagapaglathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

OIC-Schools Division Superintendent: Dr. Neri C. Ojastro

Assistant Schools Division Superintendent: Dr. Edmark Ian L. Cabio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Vergil Lyn S. Ladion
Mga Tagasuri: Charity Dimagnaong Rodson Jumalon Mary Jean Larot
Christine Marchan Christine Ghaye Largo Kathleen Rose Aso-Ocay AnabelJimenez
Tagapamahala: Dr. Marlou S. Maglinao
CID – Chief
Flora A. Gahob
Education Program Supervisor (Filipino)

Edesa T. Calvadores
Education Program Supervisor (LRMS)
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng _______________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Region VII, Dibisyon ng Siquijor

Office Address: Larena, Siquijor

Telephone No.: (035) 377-2034-2038

E-mail Address: deped.siquijor@deped.gov.ph

2
9
FILIPINO
Ikaapat na Markahan
Modyul 5
Paggamit ng Tamang Pang-uri sa
Pagbibigay-Katangian

3
INTRODUKSIYON
Ang modyul na ito ay inihanda upang matugunan ang mga programa ng K to 12

Basic Education Curriculum na mabigyan ng sapat na kaalaman at malinang ang iyong mga

kasanayan bilang mag-aaral.

Layunin ng modyul na ito na malinang ang iyong kahusayang maging mapanuri sa

nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na mga kasanayan:

 Mga layunin ng pagkatuto na inaasahang matamo pagkatapos mong masuri

ang modyul na ito.

 Panimulang Pagtataya na nasa bahaging Subukin. Layon nitong masukat ang

dati mong kaalaman tungkol sa paksa.

 Taglay ng modyul na ito ang mga aralin na dapat mong matutunan. Pag-aralan

mong mabuti ang mga ito upang masagot mo nang wasto ang mga

pagsasanay.

 Mga kasanayang pampagkatuto na tiyak lilinang sa iyong kahusayan at

kakayahang umunawa. Huwag mong kalimutang basahin at unawaing mabuti

ang panuto upang masagot mo nang tama ang mga gawaing inihanda. Pag-

isipan mong mabuti ang mga tanong bago mo sagutin ang mga ito.

 Pangwakas na Pagtataya na nasa bahaging Tayahin. Layunin nitong matasa

ang iyong kaalaman matapos mong masuri at napag-aralan ang mga aralin.

Sana ay matulungan ka ng modyul na ito upang lalo mong mapaunlad at

mapayaman ang iyong mga kasanayang pangkomunikatibo at mapahalagahan mo ang mga

aral at kaalamang iyong natutuhan upang mahubog ang iyong tunay na pagkatao.

4
Alamin
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo
ang kasanayang:
♦ Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian

Subukin
Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layon lamang ng pagsusulit na
masukat ang dati mong kaalaman tungkol sa paksa.
Handa ka na ba? Magsimula ka na!

Panuto: Anong pang-uri ang maglalarawan sa sumusunod na tauhan: Hal. Maria


Clara - mahihinhin o dalagang-Filipina. Isulat ito sa iyong kuwaderno (2 pts. bawat
aytem).
1. Ibarra - __________________
2. Padre Damaso - ___________________
3. Donya Consolacion - ___________________
4. Sisa - _____________________
5. Padre Salvi -___________________
6. Donya Victorina- __________________

Balikan

Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay sa paksang


tatalakayin. Subukin mong sagutin ang gawain sa ibaba.

5
Panuto: Isulat ang mga salitang mailalarawan mo sa larawang makikita sa ibaba.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________

May malaking kaugnayan ang katatapos mong gawain sa akdang babasahin


mo. Halina na at tuklasin mo.

Tuklasin
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang bayang pinagmulan. Bayang maituturing
nating pangalawa na nating tahanan sapagkat dito na tayo lumaki at dito rin naganap
ang maraming karanasan sa ating buhay. Ang maraming bagay sa iyong buhay
kagaya ng iyong pag-aaral, pagsisimba, ang pagboto ng iyong magulang at ang
paglahok mo at ng iyong pamilya sa iba’t ibang gawaing panlipunan ay kalimitang
nagaganap sa loob ng bayang iyong kinabibilangan. Ngunit gaano mo nga ba kakilala
ang iyong sariling bayan? Ngayon ay basahin at unawaing mabuti ang isang
kabanatang magpapakilala sa bayang kinagisnan ng isa sa mga pangunahing tauhan
ng nobelang Noli Me Tangere.

ANG SAN DIEGO


(Kabanata X)

Ang bayan ng San Diego ay isang bayan sa baybay-lawa na may malawak na mga
bukid. Sagana ito sa asukal, palay, kape at prutas na ipinagbibili sa iba’t ibang bayan
o sa mga mapagsamantalang Instik.

6
Tanaw na tanaw mula sa simboryo ng simbahan ang buong kabayanan. Tabi-tabi
ang mga bahay na may bubong na pawid, yero, tisa, at kabonegro. Parang ahas ang
ilog sa gitna ng luntiang bukid. Sa di kalayuan ay may isang kubo na nakatirik sa
mataas na pampang.
Ang higit na kapansin-pansin ay ang gubat sa gitna ng malawak na bukid. Makapal
ang damo at punongkahoy sa gubat na iyon at may naglawit na baging. Sa ibaba ay
may mga lumot. May tumutubong kabute sa mga balat ng kahoy at may orkidya sa
mga sanga.
Maraming itinatagong alamat ang gubat na iyon. Kabilang dito ang sumusunod:
Noong araw, nang panay na kubo pa lamang ang mga bahay sa San Diego at
maraming naglisaw na usa at baboy-ramo kung gabi ay may dumating doong isang
matandang Kastilang malalalim ang mata at matatas managalog. Nilibot niya ang
paligid at pagkatapos ay ipinagtanong kung sino-sino ang may-ari ng gubat na iyon na
noon ay may bukal na mainit na tubig. Humarap sa kanya ang ilang nagpapanggap na
may-ari. Binigyan sila ng damit, alahas at salapi ng matanda bilang kapalit ng gubat.
Ngunit hindi nagtagal at bigla na lamang nawala ang matanda. Akala ng mga tao roon
ay naengkanto na ito. Ilang pastol ang nakaamoy ng mabaho mula sa gubat. Hinanap
nila ang pinagmumulan at nakita ang nabubulok ng bangkay ng Kastila na nakabitin
sa sanga ng balite. Noong buhay pa ito ay kinatatakutan na ang kanyang impit na tawa
at tinig na parang nanggagaling sa loob ng kuweba. Lalo na nang matagpuang patay.
Halos ay hindi makatulog sa takot ang mga babae. Dahil dito ay itinapon nila sa ilog
ang mga alahas at sinunog ang mga damit na binigay ng matanda. Mula nang ilibing
nila ang bangkay sa tabi ng punong balite ay wala isa mang ibig lumapit doon. Nabalita
na isang pastol ang nakakita roon ng mga ilaw. Ayon naman sa ilang binata ay
nakarinig sila roon ng mga panaghoy. Mula noon ay marami ng kuwento at alamat ang
nagsulputan tungkol sa nasabing lugar.
Ilang buwan ang lumipas at may dumating doong isang binatang mukhang
mestisong Kastila. Anak daw siya ng namatay at balak niyang doon na manirahan.
Nagsaka siya at nagtanim ng tina. Don Saturnino ang kanyang pangalan. Walang kibo,
mapusok, malupit, ngunit masipag. Pinaderan niya ang paligid ng libingan ng kanyang
ama na paminsan-minsan ay dinadalaw niya. May gulang na siya nang maisipang
mag-asawa sa isang dalagang Manilenya. Sila ang naging ama’t ina ni Don Rafael
Ibarra na siyang ama ni Crisostomo Ibarra.
Nakagiliwan na ng mga magsasaka si Don Rafael mula pa sa kabataan. Sa tulong
ng pamamaraan ng kanyang ama ay napaunlad niya ang pagsasaka. Bunga nito ay
dumagsa roon ang mga dayuhan, kabilang ang maraming Intsik. Dahil dito lumaki ang
nayon. Nagpadala tuloy roon ng isang paring Indio. Hindi nagtagal at naging bayan
ang nayon, namatay ang pari at pumalit si Padre Damaso. Gayon man, ang libingan
at ang karatig-lupa ay iginalang.

Paglinang ng Talasalitaan:
Panuto: Pag-aralan ang kahulugan ng mga salita at gamitin sa pagbubuo ng sariling
pangungusap.
1. Naglisaw- naggala, naglipana
2. matatas managalog- mahusay magsalita ng Tagalog

7
3. panaghoy- panangis, malakas na pag-iyak at nakapaninindig ng balahibo
4. nagsulputan- lumabas, lumitaw

Mga Gabay na Tanong:


1. Sino ang nanguna sa pagpapaunlad ng bayan ng San Diego?
2. Paano naging bayan ang San Diego?
3. Isalaysay ang relasyon ni Crisostomo Ibarra sa matandang Kastilang inilibing sa
gubat ng San Diego.

Suriin

Alam mo ba na…

Ang pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan at


panghalip. May tatlong kaantasan ang pang-uri.

Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay - tumutukoy sa tanging katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

• Nais kong makapaglakbay sa malayong lugar.


• Ang mabait na anak ay biyaya mula sa Maykapal.

2. Pahambing - nagpapahayag ng magkatulad o magkaiba ang kalagayan ng


isang pangngalan o panghalip. Ang pahambing na pang-uri ay may dalawang
kalagayan: magkatulad at di-magkatulad.

a. Pahambing na magkatulad- Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-


/kasing-/magsing-/magkasing-. Ipinapakita ang magkapantay na katangian ng
dalawang bagay na pinaghahambing.

Halimbawa:

- Magkakasingganda ang mga orkidya.

b. Pahambing na di-magkatulad- Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian


ng pinaghahambing.

8
(1) Pahambing na palamang- May katangiang nakahihigit sa
pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang higit at lalo at
tinutulungan ng kaysa sa o kaysa kay.

Halimbawa:

- Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Rizal


Park.
(2) Pahambing na Pasahol- May katangiang kulang o kapos sa
pinaghahambingan. Tinutulungan ito ng mga salitang di-gaano, tulad ni,
o tulad ng.

Halimbawa:

- Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga


makikita sa Zamboanga.

3. Pasukdol - nagpapakilala ng nangingibabaw o namumukod na katangian ng


pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

• Siya ang pinakamatalino sa klase.


• Walang ibang hari ng sablay kundi si Anita lang.
• Ang banda nila Bamboo ang pinakasikat sa buong bansa.

Mga paraan ng panukdulan:


a. pang-uri + pang-uri (inuulit o R2), pinag-uugnay ng pang-
angkop
magandang-maganda pangit na pangit

b. unlaping kay- + R2 pang-uri


kaytaas-taas kaylamig-lamig

c. ka- + R2 S.U. (salitang-ugat) + -an


katamis-tamisan kataas-taasan

d. napaka- + S. U.
napakaramot napakayaman

e. napaka- + pangngalan/pang-uri sa ma-, mapag-, at pala


napakamaawain napakamapagkandili

f. pagka- + R2 pangngalan/pang-uri
pagkaganda-ganda pagkaliit-liit

g. pinaka- + pang-uri
pinakamabait pinakamaramot

h. mga salitang ulo ng, sakdal ng, ubod ng, labis ng, pisik
ng, sukdulan ng, hari/reyna ng + pang-uri
sukdulan ng tapang reyna ng ganda

i. wala + sing/kasing-
walang kasindunong walang kasimbagsik

9
j. wala + katulad, kapara, kahambing, kaparis, kawangis,
atb.
Walang kapantay sa buti walang kapara sa ganda

Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Lagyan ng tsek ang tamang paglalarawan sa San Diego. Kopyahin ito
sa iyong kuwaderno.
___ 1. Dating isang nayon ang San Diego.
___ 2. Ang San Diego ay isang bayan sa baybay-lawa na may malalawak na
mga bukid.
___ 3. Mula sa tuktok ng munisipyo ay tanaw na tanaw ang buong kabayanan.
___ 4. Layu-layo ang mga bahay na may bubong na pawid, yero, tisa, at
kabonegro.
___ 5. Kapansin-pansin ang isang gubat sa gitna ng malawak nitong kabukiran.

Gawain B

Panuto: Ilarawan ang barangay na iyong kinabibilangan. Magbigay ng anim na


katangian sa lugar mo. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Pangalan ng Barangay

Isaisip

10
Napag-alaman ko na…

- Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan at


panghalip.
- May tatlong kaantasan ang pang-uri: lantay, pahambing, at pasukdol.
- Lantay- tumutukoy sa tanging katangian ng pangngalan o panghalip.
- Pahambing- nagpapahayag ng magkatulad o magkaiba ang kalagayan
ng isang pangngalan o panghalip. Ang pahambing na pang-uri ay may
dalawang kalagayan: magkatulad at di-magkatulad.
- Pasukdol- nagpapakilala ng nangingibabaw o namumukod na
katangian ng pangngalan o panghalip.

Isagawa

Palawakin pa Natin
Panuto: Basahin ang liham upang mas mauunawaan ang paksang tinalakay tungkol
sa pang-uri. Pumili ng labindalawang pang-uring ginamit sa liham at isulat sa
kuwaderno. Pagkatapos, tukuyin ang kaantasan (lantay, pahambing o pasukdol) para
makakuha ng tigdalawang puntos sa bawat pang-uring pinili.

Zamboanga City
Mayo 20, 2003

Mahal kong Edel,

Pinagkalooban ng napakaraming likas na kababalaghan ang Pilipinas!


Tungkol dito ang mga sasabihin ko sa iyo na nakita ko sa mga lugar na aming
napuntahan.
Napakalayo pala ng Zamboanga. Ito na ang pinakamalayong pook na aking
narating sa Mindanao. Biruin mong tatlong oras yata ang aming ipinaglakbay at bali
pa, natapat na masama ang panahon nang naglalakbay na kami. Ganggamunggong
pawis ang namuo sa aking noo sa nerbiyos gayong airconditioned ang eroplano.
Walang iniwan sa patay ang aking katawan paglapat nito sa aking higaan nang nasa
bahay na kami ng aming kamag-anak.

11
Alam mo, ang ganda-ganda ng Zamboanga! Lalong kahali-halina ang mga
bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Rizal Park. Iba’t ibang orkidya ang namumulaklak
at humahalimuyak sa kapaligiran. Tamang tawagin itong Lungsod ng mga Bulaklak.
Di-gaanong magaganda ang mga moskeng Nakita ko sa Muslim Village sa
Taguig. Dito pala, iba’t ibang istilo at disenyo ng moske ang maaaring makita. Higit
na malalaki’t higit na matataas.
Para sa maglalakbay, isa na ang Zamboanga na dapat mapuntahan. Mula sa
kaakit-akit na kasuotang Muslim, sa mga disenyong olric, iba’t ibang kulay ng layag
ng mga vinta, mga relikya nang panahon pa ng Kastila at mga kabataang badjao sa
kanilang pag-uunahan sa pagsisid sa perang inihahagis ng mga turista, maaakit na
tiyak ang mga panauhin sa Lungsod ng mga Bulaklak.
Marating mo rin sana ang kabigha-bighaning pook na ito.
Sa pagbubukas pa marahil ng klase ako uuwi. Hanggang sa aking pagdating.

Nagmamahal,
Luisa

Natutuwa ako at mahusay mong naisagawa ang mga gawain. Ngayon, lubusan
kong mababatid kung talagang naunawaan mo ang araling ito.

Tayahin
Gawain A

Panuto: Alamin kung ang ginamit na pang-uri sa pangungusap ay pang-uring


magkatulad ang hambingan o pahambing na di-magkatulad. Isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot.

1. Tila maganda ngayon ang tanghalan kaysa noong isang taon.


2. Lalong mataba si Nenet kaysa kay Auring.
3. Gamais ang laki ng brilyante sa mga alahas na suot niya.
4. Di-gaanong maraming mamamayan ang sinalanta ng bagyong nagdaan.
5. Magsinlaki ang mga loteng ipinagbibili sa subdibisyon.
6. Higit na malalaki ang alon sa dagat kung ganitong tag-ulan.
7. Kasintataba ng aking baboy ang mga baboy ni Lita.

Gawain B

Panuto: Isulat kung pasahol o palamang ang hambingan ng pang-uri sa sumusunod


na pangungusap. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Higit na tahimik ang aming nayon kaysa sa lungsod.


2. Di-gaanong mahal ang kaimito na tulad ng manga.
3. Lalong masinop si Lety kaysa kay Auring.
12
4. Di-gaanong mabait si Bb. Leynes na tulad ni Gng. Reyes.
5. Higit na matao ang lungsod kaysa sa nayon.

Magaling! Mahusay mong naisagawa ang lahat ng mga kasanayan. Pwede ka


ng magpatuloy sa susunod na modyul. Binabati kita!

13
Bibliyograpiya

Peralta, Romulo N. et al. Panitikang Asyano 9. Pasig City: Department of Education-


Instructional materials Council Secretariat (Dep Ed-IMCS).
Julian, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma (K to 12). Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc., 2014.
“Light Bulb PNG Clpart/ png Mart” Date accessed June 22, 2020
http://www.pngmart.com/image/91336.
“Try clipart- Clip Art Library” http://clipart-library.com/clipart/1606568.html.
“Free Review Cliparts, 2020. https://www.clipart.email/download/8050980.html.
“Printable question mark clipart-WikiClipArt “https://wikiclipart.com/question-mark-
clipart_3791/.
“Discovery Clip Art Clipartlook “ https://clipartlook.com/img-142562.html.
InspectionCartoonIllustrations &Vectors” https://www.dreamstime.com/illustration/inspection-
cartoon.html.
“EnrichmentActivity4sites.google.com”
https://sites.google.com/site/hobbiesarefun1/home/lesson-1/enrichment-activity-4
Thinking Kids Clipart Transparent Png- Insights About K To 12
https://www.netclipart.com/isee/iiJiRwx_thinking-kids-clipart-transparent-png-insights-
about-k/
Crafts Clipart Co Curricular Activity- Enrollment is Ongoing Clip
https://www.pinclipart.com/pindetail/iTwibR_crafts-clipart-co-curricular-activity-
enrollment-is-ongoing/
Collection of Evaluation Cliparts (41) 2016-2018http://clipart-library.com/evaluation-
cliparts.html
Key free To Use Clip Art- Yellow Key Clipart, HD
Pnghttps://www.pngitem.com/middle/oRbmoJ_key-free-to-use-clip-art-yellow-key/
PNG image- Key Clipart https://www.freepngimg.com/png/36710-key-clipart
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.ph%2Fsitiehainadiag
one%2Fpanguri%2F&psig=AOvVaw1p9tnQCDiLzm50HhKTrcS2&ust=1599542456189
000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIinz_ml1usCFQAAAAAdAAAAA
BAD

14
SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin:
Posibleng sagot
1. Ibarra- matalino
2. Padre Damaso- malupit
3. Donya Consolacion- malaswa ang pananalita
4. Sisa- mapagmahal na ina
5. Padre- Salvi- mabait
6. Donya Victorina- mapagpanggap na mestisang Kastila
Balikan:

 I-tsek ang sagot


Paglinang ng Talasalitaan:

 I-tsek ang sagot


Mga gabay na tanong:
1. Don Saturnino
2. Naging bayan ang San Diego sa pamamagitan ng pagpapaunlad ni Don Rafael sa
pagsasaka ditto sa tulong na rin ng pamamaraan ng kanyang ama. Bunga nito ay
dumagsa ang mga dayuhan, kabilang ang maraming Intsik.
3. Si Crisostomo Ibarra ay apo sa tuhod sa matandang Kastilang inilibing sa gubat ng
San Diego dahil ang kanyang amang si Don Rafael Ibarra na anak ni Don Saturnino
Ibarra ay apo ng matandang Kastila inilibing sa gubat.

Pagyamanin:
1. /
2. /
3.
4. /
5. /

Isagawa:

Napakarami- pasukdol
Napakalayo- pasukdol
Pinakamalayo- pasukdol
Tatlo-lantay
Masama- lantay

15
Ganggamunggo- pahambing
Ganda-ganda- pasukdol
lalong kahali-halina- pahambing
iba’t iba- lantay
humahalimuyak- pasukdol
di-gaanong magaganda- pahambing
higit na malalaki- pahambing
higit na matataas- pahambing
kaakit-akit-pasukdol
kabigha-bighani-pasukdol

Tayahin:
Gawain A
1. Di-magkatulad
2. Di-magkatulad
3. Magkatulad
4. Di-magkatulad
5. Magkatulad
6. Di-magkatulad
7. Magkatulad
Gawain B
1. Palamang
2. Pasahol
3. Palamang
4. Pasahol
5. palamang

16

You might also like