You are on page 1of 12

Araling

Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Kinalalagyan Ng Aking Bansa
MODYUL 1: UNANG MARKAHAN
UNANG LINGGO: ANG KINALALAGYAN NG
AKING BANSA

Pangalan:__________________________________________ Petsa:_____________
Baitang at Seksyon__________________________________ Iskor:______________

ALAMIN
Ang modyul na ito ay inihanda upang maging kasangkapan sa paghubog
sa tulad mong nasa ikalimang baiting at tuklasin ang kinalalagyan ng mahal na
bansa.
Pagkatapos mong pag aralan ang aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
A. natutukoy ang dalawang paraan ng pagtukoy sa kinalalagyan ng Pilipinas
B. natutukoy ang mga imahinasyong guhit na guhit ng globo
C. nailalarawan ang pagkakaiba ng mga guhit parallel at meridian

PAGTUKLAS
Sagutin ang bugtong na nakasulat sa dalawang kahon. Isulat ang iyong
sagot sa guhit.

Isa akong hugis Tulad ng aking


bilog, dala ko’y kaibigan,direksyon din
direksyon. Ginagamit ang aking hatid,bawat
ako sa ekspidisyon, lugar iyong nababatid
makikita sa akin kaibahan ko lang sa
lahat ng nasyon. kanya,ako ay natutupi.
Sino ako? Sino ako?
-
_____________________ ____________________
PAG-ARALAN

PAGTUKOY SA KINALALAGYAN NG PILIPINAS

Gumagamit ng globo at mapa sa pagtukoy ng lokasyon ng mga lugar sa


mundo. Ang globo ay bilog na replica ng daigdig. Ang mapa naman ay patag
na representasyon ng kabuuan o bahagi ng isang pook o lugar. May mga
imahinasyong guhit na makikita sa mapa at globo na nakatutulong sa
paghahanap ng isang lugar.

ANG GLOBO AT ANG MGA IMAHINASYONG GUHIT

Ang GLOBO ay modelo o representasyon ng


daigdig na ginagagamit sa pag-aaral ng Heograpiya.
Ang Heograpiya ay pag-aaral sa pisikal na daigdig at
atmospera nito pati na ang mga tao rito at kanilang
uganayan sa kapaligiran
MERIDIAN (LONGHITUD)
- patayong imihinasyong guhit sa globo
- nakaguhit mula hilaga patimog
Espesyal na Meridian (Longitude)
1. Prime Meridian – naghahati sa globo sa dalawang
bahagi – silangang hating globo at kanlurang hating globo
- tinatawag ding Greenwich Meridian sapagkat
bumabagtas ito sa Greenwich, England

2. International Date Line – naghahati sa mundo sa


magkaibang araw.
- katapat ng Prime Meridian sa kabilang panig ng daigdig

- Dumaraan ito sa Bering Strait, tumatagos sa Karagatang


Pasipiko at nagtatapos sa kontinente ng Antarktiko
Silangan ng International Date Line – nauuna ng isang araw
PARALLEL (LATITUD)
- pahigang imahinasyong guhit sa globo
- nakaguhit paikot mula silangan pakanluran
Espesyal na Parallel (Latitud)

1. Ekwador – pinakagitnang likhang guhit


Nahahati ang globo sa dalawang magkasinlaking
bahagi. Ang mga ito ay tinatawag na hatingglobo
o hemisphere.
Hilagang Hating-Globo at Timog Hating Globo
2. Tropiko ng Kanser (Tropic of Cancer) – pinakahilagang bagahi ng daigdig
na tuwirang nasisinagan ng araw.
- nagsisilbing hilagang hangganan ng tropics (rehiyon sa ekwador at may mainit
na klima).
3. Tropiko ng Capricorn (Tropic of Cancer) – pinakatimog na bahagi ng mundo
na tuwirang nasisinagan ng araw.
- nagsisilbing timog na hangganan ng tropics (rehiyon sa ekwador at may mainit
na klima).
4. Kabilugang Arktiko (Artic Circle) –pinakadulong bahagi ng mundo na
naaabot ng pahilis na sinag ng araw sa hilaga.
5. Kabilugang Antarktiko (Antartic Circle) – pinakadulong bahagi ng mundo
na naaabot ng pahilis na sinag ng araw sa timog.

PAGTUKOY SA TIYAK NA KINALALAGYAN GAMIT ANG LATITUDE AT


LONGITUDE
Gamit ang mga guhit latitud at guhit longhitud, matutukoy ang tiyak na
lokasyon o absolute location ng alinmang lugar sa mundo. Tinatawag na GRID
ang mga pinagsamang guhit latitude at longhitud. Digri(°) at minute(’) ang
ginagamit na batayan sa pagsukat ng latitude at longhitud ng isang lugar mula
sa ekwador at maging sa punong meridyano.
LONGHITUD – angular na distansya pasilangan o
pakanluran na mula sa Prime Meridian
LATITUD – angular na distansya
pahilaga o patimog mula sa ekwador

000000000000
- Sa pagkilala at pagbasa sa mga digri ng latitud at longhitud at kanilang
pagtatagpo sa grid (vertex)

Ang tiyak o absolutong lokasyon ng Pilipinas:


1. nasa Hilagang Hatingglobo
2. sa pagitan ng ekwador at Tropiko ng Kanser sa pagitan ng 4˚ 23’ at 21˚
25’ hilagang latitude at sa pagitan ng ng 116’00˚ at 127’00˚ silangang
longhitud.
Sa tulong ng mapang pandaigdig, tuntunin ang Pilipinas gamit ang mga
sumusunod na hakbang.
1. Hanapin ang ekwador. Mula rito, hanapin ang 4° at 21° hilagang latitud.
Markahan ang dalawang guhit na ito.
2. Hanapin ang prime meridian. Mula rito, hanapin ang 116° at 127° silangang
longhitud. Markahan ang dalawang guhit na ito.
3. Makikita sa loob ng apat na intersection ng mga guhit ang Pilipinas.

RELATIBONG LOKASYON
Ang relatibong lokasyon ay tumutukoy sa kinalalagyan o lokasyon ng isang
lugar o bansa batay sa mga katabing pook o bahaging tubig nito.
Dalawang paraan ng pagtukoy ng relatibong lokasyon ng Pilipinas
1.Lokasyong Bisinal – tumutukoy sa lokasyon nito ayon sa mga bansang
nakapaligid dito. Ang mga kalapit na bansa natin sa hilaga ay Japan, China at
Taiwan. Sa Kanluran ay Laos, Vietnam, Cambodia Thailand, Kanlurang
Malaysia, at sa Timog ay Brunei at Indonesia.
2.Lokasyong Insular –kinalalagyan ng Pilipinas ayon sa lapit nito sa mga
anyong tubig. Nasa kanluran at hilaga ang Dagat Timog Tsina. Nasa timog ang
Dagat Celebes. Nasa Silangan ang Karagatang Pasipiko at Dagat Pilipinas.

PAGBASA NG MAPA

COMPASS ROSE – representasyon ng mga direksiyon


makikita sa isang compass
Pangunahing Direksyon – gamit ang Compass Rose,
hilaga (nasa harap), timog(nasa lkod), silangan(nasa
kanan), kanluran(nasa kaliwa)
Pangalawang Direksyon – nasa pagitan ng mga pangunahing direksyon. Timog-
kanluran(lugar sa gitna ng timog at kanluran), Timog-silangan(lugar sa gitna ng
timog at silangan), Hilagang –silangan(lugar sa gitna ng hilaga at silangan),
Hilagang-kanluran(lugar sa gitna ng hilaga at kanluran)
SIMBOLO NG MAPA

ISKALA AT PAGSUKAT NG DISTANSYA


ISKALA – ginagamit upang matukoy ang katumbas na sukat at distansya ng
mga lugar sa mapa sa aktuwal na daigdig
1. Iskalang Grapik – grapikong sukatan katulad ng ruler. Ang yunit ng panukat
ng mapa ay may katumbas nay unit panukat sa aktwal na daigdig

2. Iskalang Verbal – pasalitang pagpapaliwanag sa ugnayan na yunit panukat


sa mapa at yunit panukat sa aktwal na daigdig

Ang isang sentimetro katumbas ng 25 kilometro


3. Iskalang Fractional – ratio o tumbasan.
- ang abawat tunit ng panukat ng mapa ay may katumbas na bilang ng yunit sa
ibababaw ng daigdig

1 : 25 000
UNAWAIN
Sagutin ang mga tanong batay sa iyong pang unawa sa binasa.
1. Ano ang dalawang paraan ng pagtukoy ng kinalalagyan ng Pilipinas?
________________________________________________________________
2. Anu-ano ang mga imahinasyong guhit na makikita sa globo?
________________________________________________________________
3. Ano ang dalawang espesyal na meridian? Ilarawan ang pagkakaiba.
________________________________________________________________
4. Anu-ano ang parallel na guhit ng globo? Ilarawan ang pagkakaiba
________________________________________________________________
5. Ano ang kahalagahn ng kinalalagyan ng ating bansa sa ating pamumuhay
?
________________________________________________________________

TANDAAN
 Ang mapa at globo ay mga representasyon ng mundo. Ito ay binubuo ng
maraming bansa kabilang na ditto ang Pilipinas.
 Nagiging madali ang paghahanap sa mga lugar sa mundo sa tulong ng
ekwador, prime meridian, international date line at iba pang mga guhit
sag lobo at mapa.
 Ang ekwador ay pabilog na guhit na humahati sa mundo sa hilaga at timog
hatingglobo.
 Ang mga guhit latitude o parallel na nagmumula sa silangan patungo ng
ekwador ay mga guhit na kaagapay nito.

GAWIN MO
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang absolutong lokasyon ng Pilipinas mula sa ekwador?
_________________________________________________
2. Ano ang absolutong lokasyon ng Pilipinas mula sa International
Dateline?
__________________________________________________
3. Ano ang absolutong lokasyon ng Pilipinas mula sa Tropiko ng Kanser at
Tropiko ng Capricorn?
__________________________________________________
4. Ano ang absolutong lokasyon ng Pilipinas mula sa Kabilugang Arktiko at
Kabilugang Antarktiko?
____________________________________________________
5. Ano ang ibig sabihin ng kaugnay na kinalalagyan?
_________________________________________________
6. Ano ang pagkakaiba ng isinal at insuar na lokasyon?
__________________________________________________
7. Ano-ano ang pumapalibot na anyong lupa at anyong tubig sa Pilipinas
kung pagbabatayan ang mga pangunahing direksiyon?
__________________________________________________
8. Ano-ano ang pumapalibot na anyong lupa at anyong tubig sa Pilipinas
kung pagbabatayan ang mga pangalawang direksiyon?
____________________________________________________
9. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
__________________________________________________

PAGTATAYA

A. Basahin at intindihin ang isinasaad sa bawat pangungusap. Ayusin ang


mga letra upang mabuo ang iyong sagot.

1. Likhang isip na linyang pahalang sa gitna nang globo na may sukat na


0°.
R E D A W K O - ______________________
2. Guhit longhitud na may sukat na 0° na makikita sa Greenwich,
England.
R I P M E I N D A I R E M - _______________________
3. 180° mula sa punong meridyano at ginagamit na batayan sa pagpapalit
ng araw o petsa.
L A N I O T A N R E T N I D E A T I N E L -_________________________
4. Pinagsama-samang mga salasalabat na parallel at meridyano at
ginagamit sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng bansa.
D G R I - __________________
5. Ito ang mga guhit na paikot sag lobo na kahanay ng ekwador.
L A D I T U T E - ___________________

B. Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang letra ng iyong sagot sa
guhit.

________1. Ito ay bilog na representasyong ng daigdig na ginagamit sap ag aaral


ng heorgrapiya.

a. Mapa b. globo c. grid d. ekwador

________2. Ito ay espesyal na parallel na matatagpuan sa sa 66 ½ “na hilaga ng


ekwador.
a. Tropiko ng Kanser c. Tropiko ng Kaprikonyo
b. Kabilugan Arktiko d. Kabilugang Antartiko
________ 3. Pinakahilagang bagahi ng daigdig na tuwirang nasisinagan ng araw.
a. Tropiko ng Kanser c. Tropiko ng Kaprikonyo
b. Kabilugan Arktiko d. Kabilugang Antartiko
________ 4. Pinakatimog na bahagi ng mundo na tuwirang nasisinagan ng araw.
a. Tropiko ng Kanser c. Tropiko ng Kaprikonyo
b. Kabilugan Arktiko d. Kabilugang Antartiko
________ 5. Ito ang imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang
araw.
a. Green Line c. International Date Line
b. Spectral Line d. Base Line

C. Isulat ang pangalan ng espesyal na guhit sa kahon.


D. Punan ang patlang ng wastong sagot.
1. Ang tiyak o absolutong lokasyon ng Pilipinas sa mundo ay nasa pagitan ng
____ at ___ hilagang latitude at sa pagitan ng ___ at ___ silangang longhitud gamit
ang mapa o globo.
2. Ang _______ ay nabubuo kung pagsasamahin ang mga guhit latitude at guhit
longhitud sa mapa ng mundo o globo.
3. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa _____________ Hatingglobo.
4. Ginagamit ang ________ at _________ na unit sa pagsukat ng latitude at
longhitud.
5. Ang ___________ ay ang punto kung saan nagtagpo ang dalawang panig o linya
ng anggulo.

E. Gamit ang mapa ng daigdig, tukuyin ang bansa batay sa tiyak na lokasyon
o absoulute location nito. Isulat ang iyong sagot sa guhit.

1. 26° - 31° Hilagang Latitud


80° - 89° Silangang
Longhitud
2. 10° - 15° Hilagang Latitud
102° - 108° Silangang
Longhitud
3. 8° - 24° Hilagang Latitud
102° - 110° Silangang
Longhitud

4. 18° - 54° Hilagang Latitud


73° - 135° Silangang
Longhitud

5. 28° - 31° Hilagang Latitud


46° - 49° Silangang
Longhitud

F. Isulat kung opinion lamang o katotohanan ang isinasaad ng tungkol sa


lokasyon ng bansa
_________1. Ginagamit ang pangunahin at pangalawang direksyon upang
madaling hanapin ang lokasyon ng isang lugar. Ang pangunahing direksyon ay
ang Hilaga, Timog , Kanluran, at Silangan.
_________2. Ang Karagatang Pasipiko, Karagatang sa Timog Kanluran , Dagat
Celebes, at Dagat Sulu ay ilan lamang sa mga anyong tubig na nakapalibot sa
Pilipinas.
________3. Ang pangalawang direksyon ay ang Hilaga, Kanluran Timog,
Kanluran, at Hilagang Silangan.
________4. Ang mga bansang nakapalibot o karatig bansa sa Kanluran bahagi ng
bansa ay ang Vietnam, Laos, Cambodia at Malaysia.
________5. Ang Taiwan, Japan, Hongkong, North at South Korea ay nasa
pangunahing direksyon Silangang bahagi ng Pilipinas.

G. Tukuyin ang pangalan ng simbolo na ginagamit sa mapa. Isulat ang iyong


sagot sa guhit.

1. 6.

2. 7.

3. 8.
4. 9.

5. 10.

KARAGDAGANG GAWAIN
A. Sumulat ng 3-5 pangungusap na sumasagot sa tanong, Bakit
mahalagang pag-aralang ang likhang guhit at ispesyal na guhit?

________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________

B. Sumipi o gumupit ng mga lathalain o balita na nagpapakita ng


kahalagahan ng lokasyon o teritoryo ng ating bansa. Idikit ito sa ibaba.

Inihanda nina:

Lino Rosario
Mark Rosario
Eddie Eroma
Irene N. Cudal

AP Teachers

You might also like