You are on page 1of 9

Sintahang Romeo at Juliet

(Dula mula sa Inglatera ni William Shakespeare)

Isinalin sa Filipino ni Gregorio Borlaza

 PAGKILALA SA MAY-AKDA

 
William Shakespeare 

   Isang makatang Ingles, mandudula, at aktor, at malawakang kinikilala


    

bílang pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles at preeminenteng


dramaturgo ng mundo. Madalas siyang tinatawag na pambansang makata
ng Inglatera, at tinaguriang "Bardo ng Avon". Sa edad na 18, pinakasalan
niya si Anne Hathaway, at nagkaroon sila ng tatlong anak.

Bakit isinulat ni William Shakespeare ang “Sintahang Romeo at


Juliet?”
       
Walang nakakaalam ng tunay na rason kung bakit isinulat ni Shakespeare an
g Romeo at
Juliet. Ang dulang ito ay dapat na gagawing komedya ngunit pagdating sa w
akas, naging trahedya na ang katapusan nito. Mayroong mga teorya kung ba
kit sinulat ni William Shakespeare ang akda.
Isa na rito ang sinasabing malungkot daw siya sa pagpapakasal niya sa kany
ang asawa na 8 taon ang tanda sa kanya na siyang nag-udyok na isulat ang 
trahedyang bahagi nito.

URI NG PANITIKAN
Isang eksena habang itinatanghal ang Romeo at Juliet

     Ginamit ni William Shakespeare ang dula. Ang dula ay isinulat upang itanghal. Ito ay
nahahati sa mga yugto na humuhudyat ng paglaladlad ng telon sa pagtatanghal. Ang mga
pangyayari sa dula ay isinasalaysay sa pamamagitan ng mga diyalogo.

LAYUNIN NG AKDA

     Imulat ang mga taong walang ganap na pag-intindi sa mga bagay. Tulad ng kwento nina
Romeo at Juliet, ang kamatayan nila ang naging bunga ng hidwaang walang tigil sa pagitan
ng dalawang pamilya. Nais niya ring ipabatid sa mga kabataan na hindi laging puno ng saya
at kulay ang pagmamahalan, mayroon ding kasamang lungkot at pighati sa pag-iibigan.

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


Teoryang Romantisismo

•Romantisismo – Kitang-kita sa dulang ito ang iba’t ibang mga paraan ng pagpaparamdam
ng pagmamahal ng magkasintahan. Pag-ibig ang pinaka-paksa ng dula.

“Sa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling, dito, dito na ako tatahan” –Romeo

(Handang mamatay si Romeo upang makasama lamang ang kanyang mahal sa kabilang
buhay)

   
Teoryang Klasismo

 •Klasismo – masasabing klasismo ito  sa parteng pagpapakita ng pag-iibigan ng


magkasintahan na magkaibang estado ngunit masasabi rin itong hindi dahil hindi payak at
hindi tinipid ang mga salita o diyalogo ng dula. 

“Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo! O kung hindi, isumpa mong ako’y
iniibig, at hindi na ako magiging Capulet” –Juliet
 
(Ipinapakita rito ang mga balakid sa kanilang pagmamahalan ng dahil lamang sa kanilang
mga pamilya)
Teoryang Eksistensyalismo

•Eksistensyalismo – nagdesisyon si Juliet na magpakasal kay Romeo para sa kanyang


sariling kaligayahan. 

“Ako’y papakasal sa taong di pa man nanliligaw” –Juliet 

(Ipinahihiwatig na si Juliet ay nagdesisyon na magpakasal kay Romeo)

Teoryang Formalistiko

•Formalistiko – Tuwirang ipinahayag ni Shakespeare ang kanyang mensahe. Kahit


mayroong mga simbolismo sa ilang mga diyalogo, madali naman itong intindihan at
unawain. 

“Sapagkat wala pang makakasinlungkot ang naging buhay ni Juliet at ni Romeo na kanyang
irog”

(Tuwirang ipinapabatid ni Shakespeare ang kanyang mensahe patungkol kina Romeo at


Juliet)
TEMA O PAKSA NG AKDA

    Ito ay patungkol sa pag-ibig. Ang kanilang pag-ibig na hinahamak ng maraming


pagsubok. Kahit na maraming humahadlang sa kanilang pagsasama, ipinaglaban nila ito
hanggang kamatayan.  

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA


(Nabanggit lamang sa akda)

Ilang mga tauhan sa akda

•Romeo at Juliet – ang magkasintahang nagkaroon ng masaklap na wakas


•Tybalt – kapamilya ni Juliet
•Capulet – tiyo ni Juliet ayon sa aklat ngunit walang pangalan (pangalan ng pamilya ni
Juliet)
•Montague – pamilya ni Romeo
•Nars – tagapangalaga ni Juliet
•Padre – tumulong kina Romeo at Juliet
•Baltazar – nagdala ng masamang balita kay Romeo
• Butikaryo – tagagawa ng lason.
Ang mga taong ito ay fictional lamang. Hindi totoo at likhang-isip lamang ni Shakespeare.
Sila ang naging susi upang maging matagumpay ang dula. 

TAGPUAN/PANAHON

     Nabanggit sa unang tagpo na pupunta sa piging sa bahay ng mga Capulet sina Paris at
Romeo.

    Sa ikalawang tagpo naman binanggit ang pagtatagpo sa bulwagan ng mga bidang


karakter.

    Sa ikapitong tagpo inilahad ang pagdating ni Baltazar sa Verona kung saan naroroon si
Romeo.
Opinyon:
     Ang mga tagpuan at kapanahunan na ito ay masasabi naming totoo at nangyayari sa
totoong buhay. Mayroon namang mga pangyayari na di na ganong nagagawa sa panahon
ngayon kaya’t masasabi naming luma na ang dula at ang estilo ng pagkakasulat nito.

NILALAMAN O BALANGKAS

Hindi naging magulo para sa amin ang dula. Naintindihan namin ito dahil sa simula pa
lamang ay maayos at detalyadong ipinaliwanag ang mga pangyayari. Mas nagiging kasabik-
sabik ang dula habang ito’y patapos na. Sa pamamagitan nito, napatunayan ni Shakespeare
ang pagiging malikhain at pagiging organisado niyang tao sa pagsusulat ng dula. Ginamitan
niya ito ng mga talinghaga upang mas mapa-isip ang mga tao at maakit sila. Ipinakita niya 
na nananaig pa rin hanggang dulo ang tunay na pag-ibig na siyang nag-aayos sa lahat ng
gusot.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

•Ipaglaban kung ano ang ninanais ng puso ngunit gawin ito ng may respeto sa iyong sarili.
•Hahamakin ang lahat para sa pag-ibig.
•Dahil sa pagmamahalan nina Romeo at Juliet, nagbunga ito ng mga pagkakasundo ng
kanilang mga pamilya na dati ay magkaaway.

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA


Ilang mga diyalogo sa Romeo at Juliet

   

 Sa unang pagbasa’y mahirap intindihin ang mga diyalogo ng mga karakter ngunit kung
hihimay-himayin ito ay maliliwanagan ka sa nais iparating ng may-akda. Mayroong mga
diyalogong payak at mababaw ngunit noong ipinagsamasama ito ay nagkaroon ito ng iba
pang kahulugan kaya’t masasabi naming masining at mahusay ang pagpili at pag-isip ng
mga diyalogo. Kawili-wili itong basahin dahil nararamdaman mong kasapi ka rin ng
dulang/diyalogong iyong binabasa. Tila ang dula at mambabasa ay nagkakaroon ng
koneksyon dahil sa ginamit na mga salita.

BUOD
      Matagal nang may hidwaan ang mga pamilyang Capulet at Montague. Nagkita sa isang
piging sina Romeo at Juliet na pawang mga kasapi ng magkaaway na pamilya. Sila’y agad
na nangako na magpakasal. Natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib. Dahil sa mga
masasamang pangyayari, naipatapon si Romeo sa ibang lugar (Verona). Nakatakdang
ipakasal si Juliet sa ibang lalaki kaya’t naghanap siya ng paraan at siya’y natulog ng
mahabang panahon. Inakala ni Romeo na patay na si Juliet kaya’t uminom siya ng lason at
namatay sa tabi ni Juliet. Nang magising si Juliet at nalaman na patay na si Romeo,
sinaksak niya ang kanyang sarili. Nagkabati ang dalawang pamilya.

You might also like