You are on page 1of 14

ARALING PANLIPUNAN

MODULE 7-WEEK 7
SAGUTANG ANG MGA SUMUSUNOD:

Ano ako magaling?


Ano ang balik – tanaw ko?
KAHALAGAHAN NG
KATANGIANG PISIKAL SA
PAG-UNLAD NG BANSA
Natutuhan mo na ang kalagayan ng Pilipinas bilang bahagi
ng Pacific Ring of Fire, ang kalagayan nito sa karagatang
Pasipiko, at ang pagiging arkipelago nito ay nagdudulot ng
maraming pagkabahala. Ngunit, napaunlad nito ang
katatagan ng maraming Pilipino lalo na sa mga lugar na
madalas makaranas ng kalamidad. Ang kaalamang ito ay
nagsisilbing binhi upang maunawaan ang mga pangyayari sa
pisikal na kapaligiran ng Pilipinas at ang kaugnayan ng mga
ito sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Ano ang gagawin ko?
Panuto: Suriin ang larawan.
Tanong:
1.Anong mga lugar sa Pilipinas ang ipinapakita sa
larawan na madalas dinarayo ng mga turista?
____________________________________
2. Paano ito nakakatulong sa ekonomiya ng
bansa ? ____________________________
Ano ang kahulugan?
KAHALAGAHAN NG KATANGIANG PISIKAL SA
PAG-UNLAD NG BANSA
Ano pa ang gagawin ko?
A. Tukuyin ang mga larawan sa ibaba. Hanapin
sa kahon at isulat ang tamang sagot.
A.) Mayon Volcano B.) Underground River C.) Bangui windmills
D.) Pagsanjan Falls E.) Banawe Rice Terraces

1
2

3 4 5
B. Lagyan ng Tsek (√ ) kung ang pangungusap kung ito ay
may wastong pahayag at Ekis ( X ) kung hindi.
______1. May malalawak na kapatagan kung saan
matatagpuan ang malalaking taniman ng palay at iba pang
mga produkto.
______2. Ang mga bulkan na matatagpuan sa Pilipinas ay
nagdudulot ng panganib.
______3. Ang mahahabang bulubundukin ay nagsisilbing
panangga sa mga bagyong dumarating.
______4. Mga napakagagandang dalampasigan ay
nagsisilbing taniman ng mga palay at mais.
______5. Ang pagiging mayaman sa katangiang pisikal ng
Pilipinas ay nagpaunlad ng ugaling Pilipino
C. Piliin at bilugan ang bilang ng mga pangungusap na nagpapahayag ng
wastong kaalaman tungkol sa katangiang pisikal ng Pilipinas.
1. Ang pagiging arkipelago ng bansa ay malaking pakinabang sa pag-
unlad ng bansa.
2. Ang pagiging mayaman sa katubigan ay maaaring pagkakitaan katulad
ng pangingisda.
3. Nahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa Pilipinas dahil sa
likas na kagandahan nito.
4. Nagdulot ng magandang epekto sa kalikasan ang pagdami ng turista
sa Pilipinas.
5. Nakakabuti sa pag-unlad ng bansa ang pagkakaroon ng mayamang
katangiang pisikal nito.
6. Ang magagandang tanawin at pook-pasyalan ay dapat nating
pangalagaan.
7. Ang pagiging arkipelago ng bansa ay binubuo ng malalaking mga pulo.
Ano ang natamo ko?
Tandaan Natin Ito!
Ang Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng malalaki
at maliliit na mga pulo. Binubuo ang bansa ng
malalawak na kapatagan, mahahabang bulubundukin,
nakabibighaning mga kabundukan at bulkan,
napakagandang mga dalampasigan, nakahihikayat na
mga ilog at talon, at maliliit na mga pulo. Ito ay
nagbibigay ng malaking kapakinabangan sa kaunlaran
ng ating bansa lalo na sa larangan ng turismo. Ito rin ay
nagbigay daan upang napaunlad ang ugaling Pilipino
SAGUTAN ANG MGA SUMUSUNOD:

Ano pa ang gagawin ko? (A,B AT C)


Kumusta na ang target ko?

You might also like