You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN

SA ARALING PANLIPUNAN

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Makapagbibigay ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa.
II. Paksang- Aralin
Paksa: Kahalagahan ng mga Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, mga larawan, at video
Sanggunian: PIVOT 4A Learner’s Material p. 33-35
III. Pamamaraan/Estratehiya

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo tumungo sa tatalakayin natin sa araw na ito Magsisitayo ang lahat at mananalangin. Sa ngalan ng
manalangin muna ang lahat. Ama ng Anak… Amen.
2. Pagbati
Magandang Umaga at sa inyong Lahat!
Magandang Umaga din po sa inyo Sir, Sayago.
3. Pagtala ng mga Liban
Sa klaseng ito, meron bang lumiban ngayon sa araw
na ito? Tatlo po Sir.

B. Balik- Aral
Bago tayo magsimula magbalik-tanaw muna tayo
tungkol saan ang pinag- aralan natin noong nakaraang Tungkol po sa Mga Paraan Upang Mabawasan ang
linggo? Epekto ng Kalamidad …

Magaling!

1. Isang di pangkaraniwang paglaki ng alon sa


dalampasigan dulot ng malakas na paglindol sa ilalim o -Tsunami
sa baybay dagat.
2. Mahina hanggang sa malakas na pagyanig ng lupa -Lindol
dulot ng biglaang paggalaw ng mga bato sa ilalim nito.
3. Labis na pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig - Baha
na natatakpan ang lupa. Dahil sa patinding pagbuhos ng
ulan.
4. Ito ay malakas na hanging kumikilos ng paikot na - Bagyo
madalas ay may kasamang malakas at matagal napag-
ulan.
5. Isang ubod ng lakas na bagyo, kadalasan ang hangin
nito ay umaabot sa bilis na 220 kph o mahigit pa sa loob - Super Typhoon
ng 12 oras.

Magaling! Nasagot ninyo ng mahusay ang mga tanong.

C. Pagganyak
SCRAMBLED WORDS

1. SANIPILIP PILIPINAS
2. RODAWKE EKWADOR
3. OGALEPIKRA ARKIPELAGO
4. SAKIL AN NAMAY LIKAS NA YAMAN
5. CIFICAP GNIR FO ERIF PACIFIC RING OF FIRE
D. Paglalahad
Ngayong araw ay pag-aaral natin “Kahalagahan ng mga Ang mga mag-aaral ay masayang na nakikinig sa
Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa” talakayan.

Sa araling ito ay mo ang kahalagahan ng Anyong Lupa at (Binasa nang saba-sabay ) Ang Pilipinas ay binubuo ng
Anyong Tubig sa ating bansa.. (BASAHIN) 7,109 mga pulo na napalilibutan ng iba't ibang bahagi ng
anyong tubig.

Matatagpuan ito sa bahagi ng Pacific Ring of Fire sa gitna


ng ekwador.
Dahil sa pagiging isang bansang arkipelago maraming
likas na yaman na tinataglay ang bansang Pilipinas.

Lubos itong mahalaga dahil dito kinukuha ang lahat ng


pangangailangan ng mga tao. Ang katangiang pisikal na
ito ng Pilipinas ang dahilan ng pagiging sagana nito sa
likas na yaman. Ito ay mahalaga sa pag-unlad ng bansa.

Gaano nga ba kahalaga ang katangiang pisikal ng


Pilipinas?

-Ang Pilipinas ay biniyayaan ng maraming yamang tubig


na tulad ng dagat, look, golpo, lawa, talon, at ilog na
ginagawang pangisdaan, pinagkukunan ng inumin,
daanan ng mga sasakyang pantubig, at pinagkukunan ng
enerhiya.
- Marami ring yamang tubig ang bansa ang dinarayo ng
mga turista at nagbibigay ng hanap-buhay sa maraming
tao.
- Nabiyayaan din ang Pilipinas ng malalawak na yamang
lupa na ginagamit sa pagtatanim at pagsasaka.
-Dahil sa malulusog at matatabang kapatagan naging
mainam itong taniman ng iba’t ibang pananim gaya ng
tubo, mais, palay, at mga gulay na siyang ikinabubuhay
ng mga tao.
-Ang iba pang yamang lupa na gaya ng bundok, burol,
talampas, at bulkan na bukod sa napakaraming
kapakinabangan naibibigay para sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao

E. Generalisasyon
• Okay class magkakaroon naman tayo ng Kahalagahan ng mga Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng
generalisasyon, ano ang tinalakay natin Bansa po Sir.
ngayong araw?
• Ano ang natutuhan mo sa aralin nating ngayong Tungkol po sa kalagahan ng Anyong Lupa at Anyong
araw. Tubig sa bansa..
• Ano ang kahalagahan ng Anyong Lupa at Nagbibigay ng hanapbuhay, kabuhayan, pagkain sa mga
Anyong Tubig sa ating bansa? tao at nagiging dahilan ng pagyabong ng turismo..
Magaling class talagang naunawan niyo ang ating
talakayan ngayong araw...

IV.Pagtataya
Panuto: Magbigay ng 4 anyong lupa at anyong tubig ng
Pilipinas.

LIKAS NA YAMAN NG BANSA


ANYONG LUPA ANYONG TUBIG
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

IV.TAKDANG- ARALIN
Gumawa ng isang sanaysay ukol sa kahalagahan ng
katangiang pisikal ng Pilipinas at kung paano ito
nakatutulong sa pag-unlad. Gawing gabay ang mga
sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang katangiang pisikal ng bansa? Magbigay
ng halimbawa at ilarawan ito.
2. Paano nakatutulong sa paglago ng turismo ang
katangiang pisikal ng bansa?
3. Bakit mahalaga ang katangiang pisikal ng bansa sa
pag-unlad nito?

INIHANDA NI:
SELWYN JOSH M.SAYAGO

You might also like