You are on page 1of 3

Learning Area Araling Panlipunan IV

Learning Delivery Modality Face to Face Modality


SDO CAVITE PROVINCE Grade Level VI
Teacher LUCHIE S. CABALIDA Learning Area Araling
LESSON Panlipunan
EXEMPLAR Teaching Date Novemver 8, 2023 Quarter 2nd Quarter
Teaching Day Miyerkules

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang mga iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan batay sa
heograpiya at mga oportunidad at hamong kaakibat nito tungo sa
likas kayang pag-unlad
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang hanapbuhay at
gawaing pangkabuhayan na nakatutulong sa pagkakakilanlang
Pilipino at likas kayang pag-unlad ng bansa.
C. Pinakamahalagang Kasanayan Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang ekonomiko ng mga likas
sa Pagkatuto (MELC) na yaman ng bansa
D. Pagpapaganang Kasanayan
II. NILALAMAN Aralin 1 Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na
Yaman
III. KAGAMITANG PANTURO Mga Larawan: iba’t-ibang uri ng kapaligiran, hanapbuhay
A. Mga Sanggunian Kagamitan ng Mag-aaral, Gabay ng Guro, Internet
a. Mga Pahina sa Gabay
TG pp. 57-59
ng guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag- LM pp: 127-131
aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang Audio/Visual Presentations
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
e. Integrasyon ESP- Kahalagahan sa pangangalaga sa kalikasan

f. Dulog Constructivism

g. Istratehiya Direct Instruction

h. Activity Pangkatang Gawain

B. Listahan ng mga Kagamitang powerpoint


Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Introduction Panimulang Gawain
(Panimula) Panalangin
Patalista
Balitaan- napapanahong balita sa bansa

Pagganyak
Piliin ang sagot sa kahon.
1. Ang ___________ ay produktong nagagawa mula sa niyog.
2. Ang __________ ay yamang namimina at karaniwang ginagawang alahas.
3. Ang __________ ay produktong nahuhuli sa dagat, ilog o lawa.
4. Ang _________napakahalagang produkto na nakukuha sa mga punongkahoy
sa kagubatan.
5. Ang __________ ay magandang uri ng bato na namimina sa romblon.
B. Development Sa araling ito ay mapapaunlad mo ang iyong kaalaman ukol sa pakinabang pang
( Pag-papaunlad ) ekonomiko ng ating bansa na nagmumula sa ating mga likas na yaman. Ito ay
nahahati sa tatlo:
1. Pakinabang sa kalakal at produkto
2. Pakinabang sa turismo
3. Pakinabang sa enerhiya

Pakinabang sa Kalakal at Produkto


Ang likas na yaman ng bansa ay nakatutulong sa pag-angat ng antas ng ekonomiya ng
bansa sapagkat;
1) Maraming produkto ang nanggagaling dito gaya ng isda at iba pang lamang dagat
at tubig; mga prutas at gulay at mga pangagrikulturang produkto; mga troso; mga
mineral, ginto, pilak at tanso; at marami pang iba na napagkakakitaan natin ng
malaking halaga.
2) Ang mga produktong ito ay nailuluwas din sa ibang bansa.
3) Nangangahulugan ito ng karagdagang kita sa ating kabangyaman na
napakahalagang sangkap sa pag-angat ng ating ekonomiya.
4) Nakasalalay sa paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.

Pakinabang sa Turismo
Bukod sa mga kalakal at produkto, likas na yaman ding maituturing ang maraming lugar
at tanawin sa bansa. Malakas itong atraksyon sa mga turista buhat sa mga karatig-
lalawigan at maging sa labas ng bansa. Ilan sa mga atraksyong ito ang mga
dalampasigan, talon, ilog. Dinarayo rin ng mga turista ang mga makasaysayang lugar sa
bansa. Bunga nito, malaki ang naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng ekonomiya.

Pakinabang sa Enerhiya
Isa itong malaking bagay na nakatutulong sa ating ekonomiya dahil hindi na natin
kailangang umangkat pa ng maraming krudo o langis. Pinatatakbo ang mga planta ng
kuryente sa pamamagitan ng pwersa ng tubig mula sa talon ng Maria Cristina, lawa ng
Caliraya, at lakas ng hangin sa Bangui, Ilocos Norte sa pamamagitan ng windmill.

C. Engagement IPunan ng tamang salita ang mga sumusunod na patlang upang mabuo ang
( Pakikipagpalihan ) konsepto. Piliin ang sagot sa kahon.

Ano ang pakinabang ng mga produkto sa atin?


Sa anong mga likas na yaman sagana ang ating bansa?

Paano nakakatulong ang mga likas na yaman sap ag-angat ng ating kabuhayan?

D. Assimilation Basahin ang mga sumusunod na pakinabang pang-ekonomiko na naibibigay sa


( Paglalapat ) atin ng mga likas na yaman. Isulat sa patlang ang mga sumusunod:

PKP kung ito ay pakinabang sa kalakal at produkto


PT kung pakinabang sa turismo

PE kung pakinabang sa enerhiya

______1. Taniman ng strawberry sa Baguio

______2. Tarsier sa Bohol

______3. Windmill sa Ilocos Norte

______4. Geothermal Power Plant sa Tiwi, Albay Tatlong

______5. Hundred Islands sa Pangasinan

______6. Minahan ng ginto sa Paracale, Camarines Norte

______7. Kaban ng bigas sa Gitnang Luzon

______8. Isla ng Boracay

______9. Mangga mula sa Guimaras

______10. Marmol mula sa Romblon


IV. Kasunduan Magsagawa ng pananaliksik sa inyong lugar tungkol sa likas na yaman na nagdudulot ng
kapakinabangan at di-kapakinabangan sa ekonomiya ng bansa.

Prepared by:
LUCHIE S. CABALIDA
Teacher I Checked by:
ALDRIN O. ROSOPA
Principal II

You might also like