You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

ARALING PANLIPUNAN – IKAPITONG BAITANG


Unang Markahan, Ikaapat at Ikalimang Linggo
Modyul 4

Implikasyon ng Kapaligiran sa
Pamumuhay ng mga Asyano

Kasanayang Pagkatuto:

Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng


kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano noon at
ngayon

Address: D. Macapagal Highway, Poblacion, Toledo City


Tel. No.: (032) 322-7770; Fax. No.: (032) 467-8629;
Email Address: toledo.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Para sa Mag-aaral

Minamahal naming mga mag-aaral, dahil sa kinakaharap natin ngayong pandemya na


Covid 19, sinikap ng Kagawaran ng Edukasyon na maipagpatuloy ang inyong pag-
aaral sa kabila ng banta ng sakit na ito. Sa layuning mapanatili ang edukasyon at
masiguro ang inyong kaligtasan, ipinagkaloob namin sa iyo ang Self Learning Kit na
ito upang maging gabay sa inyong pag-aaral habang kayo’y nasa inyong mga
tahanan.Maari niyo ring gamitin ang mga susi sa pagwasto na makikita sa huling
bahagi ng Kit na ito upang iwasto ang sarili ninyong kasagutan sa mga katanungan at
gawain na napapaloob ditto.

Para sa Magulang o Tagapagdaloy

Minamahal naming mga magulang at guro, para mas mapa-unlad at mapalinang pa


ang kaalaman ng ating mga mag-aaral, kayo ay hinihiling na patnubayan ang ating
mga estudyante alisunod sa mga angkop na gawain, katanungan at pagsusulit na
nakapaloob sa modyul na ito. Malaki ang gagampanan ninyong papel sa pag-aaral ng
mga bata dapat maging magandang halimbawa sa kanila upang sila’y maging
masigasig parin sa pag-aaral sa kabila ng kinakaharap nating pandemya.
Siguraduhing masasagutan nila lahat ang mga gawaing napapaloob rito.Sa
pamamagitan ng pagtutulungan ng mga guro, mga magulang at mga mag-aaral
magiging matagumpay ang ating layunin sa pagpapunlad ng kaalaman ng mga mag-
aaral.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Panimula
Binuo ang modyul o self-learning kit na ito para sa iyo upang matulungan kang
mapalawak ang iyong kaalama tungkol sa mga likas na yaman ng Asya at ang
implikasyon nito sa pamumuhay ng Asyano noon at ngayon. Kalakip dito ang mga
babasahin at katanungan na kailangan mong sagutin. Ikaw ay pinapakiusapan na
alagaan ang modyul na ito at iwasang sulatan ang anumang pahina upang sa gayon
ay magamit pa ito ng iba pang mag-aaral na katulad mo.

Alamin
Narito ang mga layunin para sa araling ito:

1. Naibibigay ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng


mga Asyano noon at ngayon
2. Nakapagsagawa ng isang interview sa dalawang tao sa kanilang barangay na
ang pamumuhay ay nakasalalay sa kapaligiran
3. Napahahalagahan ang implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng
mga Asyano noon at ngayon
4. Naipapakita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kapaligiran na may
pagmamalasakit sa mga bagay na may malaking implikasyon sa pamumuhay
ng tao

Bago pa natin simulan ang paksang aralin, sagutin muna ang panimulang
pasulit upang malaman kung gaano ka kapamilyar sa paksa.

Subukin
1. Anong bansa sa Timog Silangang Asya ang pinaka industriyalisado?
A. Cambodia B. Thailand C. Singapore D. Vietnam

2. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo ng 70% ng ekonomiya ng Cambodia?


A. Paggawa ng bakal
B. Paggawa ng kahoy pangkonstruksyon
C. Paggawa ng mga mamahaling mga alahas
D. Paggawa ng mga bahay na gawa sa mamahaling bakal

3. Anong bansa sa Timog Asya ang pang-apat sa nagtataglay ng pinakamaraming


reserbang karbon?
A. Bhutan B. India C.Nepal D. Pakistan

4. Anong bansa ang mayaman sa wind at solar energy, na nakatulong sa


pagpapaunlad ng mga industriyang panteknolohiya tulad ng gadget?
A. China B. Japan C. Korea D. Taiwan

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

5. Anong bansa ang tinaguriang unang economic miracle sa rehiyon matapos


ang World War II?
A. China B. Japan C. Korea D. Taiwan

6. Anong bansa ang nangunguna sa hydropower sa buong daigdig?


A. China B. Japan C. Korea D. Taiwan

7. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang produkto ng Yemen?


A. abacca B.bulak C. rubber D. troso

8. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nangunguna sa Knowledge Economy


mula pa noong 2004?
A. Iraq B.Korea C.Qatar D. Saudi

9. Anong bansa ang tinaguriang pinakamayamang bansa sa daigdig?


A. Japan B. Qatar C. Saudi D. Taiwan

10. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang Golden Fiber?


A. cereal B. jute C. rice D. wheat

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo ukol sa bansang Vietnam?
A. Ito ay may pinakamalaking minahan sa buong mundo.
B. Ito ang pinakaindustriyalisadong bansa sa Timog Silanganga Asya.
C. Ang Vietnam ang Pangwalo sa pinakamalaking prodyuser ng ginto sa buong
mundo.
D. Ang Vietnam ay kasalukuyang kilala sa paggawa ng mga tela, electronics
at sasakyan.

12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama ukol sa bansang Malaysia?
A. ipinapatupad rito ang transmigration policy
B. matagumpay na nagsuporta ng industriyang handicraft
C. pinakaindustriyalisadong bansa sa Timog Silangang Asya
D. paggawa ng kahoy para sa pangkonstraksyon ang bumubuo ng kanilang
ekonomiya.

13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang implikasyon ng likas na yaman sa


larangan ng agrikultura?
A Naging masigla ang turismo sa mga bansa dahil sa agrikultura
B. Natustusan ang pangangailangan ng teknolohiya dahil sa likas na yaman
C. Natustusan ang pangagailangan ng pagkain sa buong mundo dahil sa pagsasaka
D. Dumarami ang mga paggawaan ng mga produkto at umunlad ang kabuhayan ng
mga bansa dahil sa mga hilaw na sangkap na nakukuha mula sa likas na yaman

14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang implikasyon ng likas na yaman sa


larangan ng ekonomiya?
A. Naging masigla ang turismo sa mga bansa dahil sa agrikultura
B. Natustusan ang pangangailangan ng teknolohiya dahil sa likas na yaman
C. Natustusan ang pangagailangan ng pagkain sa buong mundo dahil sa
pagsasaka
D. Dumarami ang mga paggawaan ng mga produkto at umunlad ang kabuhayan ng
mga bansa dahil sa mga hilaw na sangkap na nakukuha mula sa likas na yaman

4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang implikasyon ng likas na yaman sa


larangan ng pananahanan?
A. Ang dami ng likas na yaman ang nakabatay sa dami ng populasyon.
B. Ang dami ng sasakyan ay nakabatay sa laki ng populasyon sa isang lugar.
C. Ang pananahanan ay nakabatay sa katangian ng likas na yaman sa isang lugar.
D. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng likas na
yaman nito.

Gusto mo na bang malaman kung tama ba ang iyong mga kasagutan? Darating
din tayo niyan. Titingnan muna natin kung may naalala ka pa ba sa nakaraang
aralin ukol sa kaugnayan ng tao at kapaligiran, kaya sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng inyong tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang pangunahing pananim ng bansang Pakistan?


A. bulak B. mais C. palay D. trigo

2. Ang mga sumusunod ay mga pinagkukunang mineral ng India MALIBAN sa _____.


A. bauxite B. chromium C. manganese D.Titanium

3. Anong bansa sa Timog Silangang Asya ang may pangunahing


yamang-mineral na lata?
A. Laos B. Taiwan C.Thailand D. Vietnam

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ay tama ukol sa Pilipinas?


A. Walang mga panluwas na produkto.
B. Karamihan sa mga produktong iniluluwas ay sardinas.
C. Karamihan sa mga produktong iniluluwas ay asukal at kopra.
D. Karamihan sa mga produktong iniluluwas ay sasakyan, celphone at computers.

5. Ano ang pinakamahalagang produkto ng Indonesia?


A. Bauxite B.karbon C.langis D. Tanso

6. Ano ang natatanging yamang gubat ng Hilagang Asya?


A. baboy ramo B. ibon C. karbon D. troso

7. Ano ang tawag sa itlog ng mga sturgeon na malalaking isdang likas sa


Hilagang Asya?
A. Cadier B. Caviar C.Cavier D. sturgeon egg

8. Anong bansa ang may pinakamalaking deposito ng ginto?


A. Afganista B. Kyrgystan C. Tajikistan D. Turkmenistan

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

9. Ang mga sumusunod ay kabilang sa tatlong uri ng yamang mineral sa Tajikistan


MALIBAN sa __________.
A. Karbon C. mineral na panggatong
B. Metaliko D. industriyal na mineral

10. Ano ang pinakamahalagang pinagkukunan ng enerhiya sa Tsina?


A. Karbon B. lata C. phosphate D. natural gas

11. Anong bansa ang nangunguna sa industriya ng telang sutla?


A. China B. Japan C. Korea D. Taiwan

12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama ukol sa agrikultura ng Timog Korea?
A. Mais ang natatanging produkto.
B. Salat sa mga likas na yaman gaya ng palay.
C. Palay ang pinakamahalagang produktong agrikultura.
D. Bulak ang pinakamahalagang produktong panluwas.

13. Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng salapi sa bansang Iraq?


A. Computer B. gamut C. petrolyo D. sasakyan

14. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing industriya ng bansang Lebanon maliban
sa_____.
A. Paghahabi ng tela
B. Pagrerepina ng asukal
C. Pagproproceso ng pagkain
D. Paggawa ng sardinas na iniluluwas ng bansa

15. Anong bansa sa Timog Asya ang nagluluwas ng tsaa at jute?


A. Bangladesh B. Bhutan C. India D. Pakistan

Mabalis mo sigurong nasagot ang pagbabalik aral, kaya simulan na nating tuklasin
ang bagong aralin. Tingnan ang mga larawan at sagutin ang katanungan sa suriin

6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Tuklasin

Source: www.googleimages.com

Suriin
1. Ano-anong uri ng likas na yaman ang nakikita mo sa larawan?
2. Paano nililinang ng mga tao ang mga ito?
3. Bakit nakadepende sa mga likas na yaman ang mga pamumuhay ng mga tao?
Patunayan.

Ito na ang sasagot sa mga katanungang nasa iyong isipan. Basahing mabuti ang
maikling aralin upang lubos na matutunan ang paksang ito.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

MaiklingAralin

IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN AT KATANGIANG PISIKAL NG


KAPALIGIRAN SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO NOON AT NGAYON

SILANGANG ASYA

AGRIKULTURA

 Naging pusod ng agrikultura ang China. Naging kilala bilang pinakamalaking


pinanggagalingan ng bigas, bulak, tsaa, trigo, at mais sa buong daigdig. 15% lamang
ng lupain ng bansa ang napagtatamnan. Ang 15% na ito ay katumbas ng 10% ng
pangkalahatang lupaing napagtatamnan sa buong daigdig na sumusuporta naman
sa 20% ng populasyon ng daigdig. Ipinatupad ang land reclamation schemes,
sistemang irigasyon, paggamit ng iba’t ibang uri ng butil, at makabagong abono.
Bunga nito, ang bansa ay nakapag-aani na rin ng iba pang produktong pagkain tulad
ng barney, soybeans at patatas.
 Pangunahing ani ng Mongolia ay Trigo.

8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

EKONOMIYA

 Mayaman ang China sa langis at iba pang mineral na karaniwang nagmumula


sa gitna at hilagang kabundukan nito. • Pinakamalaking tagapagtustos ng
tungsten, tin, antimony, zinc, at iba pang metal. • Nangunguna din sa yamang
hydropower sa buong daigdig.
 Japan:Taiwan: Wind and Solar Energy Nuclear Power and Oil- fire Fuel
 Naging mayaman ang Taiwan sa wind at solar energy na nakatulong sa
pagpapaunlad ng mga industriyang panteknolohiya tulad ng gadget.
 Ang Japan naman ang nagging kauna- unahang economic miracle sa rehiyon
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. • Ang bagay na
ito ang naglagay sa Japan sa daigdig ng ekonomiya bilang World’s Leading
Industrial Power.
 Ang South Korea ay naging maunlad sa industriyang tela, plastic, abono, at
mga kagamitang elektroniko sa bansa. Samantala, ang North Korea naman ay
nagunguna sa produksiyon ng graphite, tungsten, at magnesite.
 Samantala, mayaman naman ang Mongolia sa mineral na ginto at wolfarm.

PANANAHANAN AT KULTURA

 Ang mga magsasaka rito ay karaniwang nakatira sa magkakalapit na mga


pamayanang ang panirahan ay gawa sa luwad at adobe.
 Sa Sichuan, ang mga panahanan ay gawa sa ladrilyo na karaniwang
nakatayo sa gilid ng mga bundok at kung hindi naman ay naglalakihang
pampublikong gusali.
 Nomadic naman ang buhay sa hilagang bahagi ng Xinjiang at Tian Shan.
 Condominium naman ang tirahan ng mga Tsinong nasa mga lungsod at
naghahanapbuhay sa mga opisina. China:
 Japan: • Ang mga taong naninirahan sa malalayong pulo ng bansa ay
karaniwan ng mangingisda at magsasaka samantalang ang mga naninirahan
naman sa mga lungsod na karaniwang naghahanapbuhay sa mga sentrong
gusali ay naninirahan sa nagtataasang gusali at gumagamit ng pinakabagong
teknolohiya.
 Karaniwang mga magsasaka ang mga Koreanong naninirahan sa Hilagang
bahagi ng South Korea. Sila ay karaniwang naninirahan sa mga bulubundukin
kung saan matatagpuan ang kanilang tera-terasang mga sakahan. Hindi
naglaon, sa pagsisimula ng modernisasyon sa bansa, ang karamihan sa mga
kabataang Koreano ay nagsimula ng lumipat sa mga lungsod upang mag aral
o maghanapbuhay. South Korea:

9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

TIMOG ASYA

AGRIKULTURA

 Ang malawak na lambak ng Indus, Ganges, at Brahmaputra ay kabilang sa


pinakamatabang kapatagang sakahan sa daigdig. •
 Tinaguriang “Pusong Lupain ng India” at kinikilalang pinagmulan ng sinaunang
kabihasnan.
 Agrikultura ang pinakamahalagang sector ng ekonomiya ng Bangladesh. •
Pagsasaka at paghahayupan naman ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga
Bhutan at taga Nepal. • 80% ay nakasalalay sa pagsasaka.
 Ang jute ay tumutubo lamang sa mauulan na lupaing tulad ng Bangladesh.
Tinaguriang “golden fiber”.
 Bigas, trigo, mais, barley at iba pa ay ang pangunahing ani ng Bhutan at
Bangladesh. Mayaman sa kagubatan.

EKONOMIYA

 Matatagpuan ang mga tanyag na teak wood at sandal wood na gamit sa


konstruksiyon.
 Mayaman sa mineral.

 Pumapang apat ang India sa mga bansang nagtataglay ng pinakamaraming


reserbang karbon sa buong daigdig.
 Ang Bangladesh naman ay mayaman sa natural gas at karbon.
 Sa Pakistan, bagama’t mahinang uri ng karbon ang matatagpuan dito ay may
maipagmamalaki naman itong natural gas, petrolyo, iron ore, tanso at limestone.
 Sa Nepal naman matatagpuan ang maraming uri ng calcium carbonate, hydropower,
at gypsum.
 Sa Sri Lanka ay may mayaman na mga batong sapphire at ruby at mga yamang
tubig.
 Nakakatulong din sa India, Pakistan, at Bangladesh ang hydroelectric power.

10
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

PANANAHANAN AT KULTURA

 Ang pananahanan at kultura ng mga bansa sa Timog Asya ay nauugnay sa uri ng


klima at topograpiya sa rehiyon.
 Sa pulo ng Sri Lanka at Maldives ang mga panahanang ang loob ay
makapagbibigay ng mas malamig na pakiramdam.
 Sa Bhutan, kailangan ang mga tirahan na makatatagal sa mahaba at napakalamig
na klima.
 Sa Bangladesh, rural pa rin ang uri ng buhay. Ang mga panahanan ay karaniwang
parihaba na gawa sa luwad, kawayan, o pulang ladrilyo

TIMOG SILANGANG ASYA

AGRIKULTURA

 May klimang monsoon na nagbibigay ng higit na masaganang produksiyon ng bigas


at iba pang produktong nakatutulong sa paglinang ng ekonomiya ng mga bansa.
 May malalawak na taniman ng goma sa Malaysia, Thailand at Cambodia kung saan
matatagpuan ang malalawak na rubber plantation. • Sa Java matatagpuan ang
masaganang sakahang karaniwang ikinabubuhay ng mga Indonesian.
 Ipinatupad ang transmigration policy.

EKONOMIYA

 Kinilala bilang “rising tiger economy” o may pinakamaunlad na ekonomiya sa mundo


dahil sa nagging mahalagang produkto ng rehiyon ang mga pampalasa tulad ng
paminta, luya, bawang, at nutmeg.
 Ang paggawa ng mga kahoy na pangkonstruksiyon ay bumubuo ng 70% ng
ekonomiya ng Cambodia.
 Pinakamahalaga ang industriya ng timber sa Malaysia.
 Ang Laos ay matagumpay na nasusuportahan ng industriyang handicraft
 Ang Vietnam ay kasalukuyang kilala sa paggawa ng mga tela, electronics at
sasakyan.
 Ang pangunahing likas na yaman ng Singapore ay ang malalim na daungang
baybayin nito.
 Nalinang ng bansa ang kalakalang extended entrepot. Ito ay may kinalaman sa
pagbili ng hilaw na materyales mula sa ibang bansa. Halimbawa ang water
fabrication industry at oil refining.

11
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

 Ang Singapore ang kilala sa kasalukuyan bilang pinaka industriyalisadong bansa sa


Timog- Silangang Asya. – kinilala bilang pangunahing destinasyon.
 Turismo ay nagbigay sa Thailand at Lao PDR ng 7% na pagtaas ng GDP. Mula
noong 2000,
 Naunahan naman ng Cambodia ang lahat ng bansang ASEAN sa kita na nagmula sa
turismo na umabot ng 15% na pagtaas ng GDP ayon sa 2006 WDI. SINGAPORE:

PANANAHANAN AT KULTURA

 Karaniwan sa mga lalawigan dito ay gumagamit ng prefabricated o pinagkabit- kabit


na materyales sa pagbuo ng panahanan.
 Ang mga panahang stilt na nakatayo sa tabing dagat na nasusuportahan ng mga
poste ang karaniwang tahanan ng mga mangingisda sa rehiyon. Nipa hut o bahay-
kubo na nabububungan ng mga pawid ang karaniwang panahanang matatagpuan sa
paligid ng mga sakahan.

KANLURANG ASYA

 Higit na kilala bilang Gitnang Silangan o Middle East at Near East batay sa lokasyon
nito sa Europe.
 Karamihan sa mga bansang ito ay kasapi sa Organization of Petroleum Exporting
Countries (OPEC).
 Ang organisasyong ito ay binubuo ng mga bansang mayaman sa langis at siyang
nagluluwas ng pinakamalaking bahagi nito sa buong mundo.

AGRIKULTURA

 Bulak ang pinakamahalagang produkto ng Yemen bukod sa millet, sorghum at


sesame.
 Ang Iran naman ay kilalang pinanggagalingan ng cereal, tubo, iba’t ibang prutas,
wheat at barley. • 16% ng lupain ng Armenia ay pawang mga sakahan kung saan
ang sampung porsiyento ng lakas- manggagawa ay nagsasaka. • 30% naman ng
lakas- paggawa ng Azerbaijan ay pawang magsasaka.

12
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

EKONOMIYA

 Ang mga bansang Turkey at Cyprus ay nakapagtatanim at nakapag-aani ng mais,


barley, at bigas.
 Paghahayupan at pagsasaka ang pangunahing pinanggagalingan ng kanilang
kitang pang- ekonomiya.
 Nakasandig sa pagluluwas ng langis at natural gas.
 Pag-aari ng Saudi Arabia ang ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong
mundo.
 Ang Saudi Arabia ang pinakamayang bansa sa daigdig.
 Nagpoprodyus ng mga produktong dairy at explorasyon ng mineral sa bansa.
 Nilinang ang industriyang turismo upang higit na mapasigla ang padayo ng mga
turista sa kanilang mga bansa.
 Pinangunahan naman ng Qatar ang paglilinang ng knowledge economy mula pa
noong 2004.
 Knowledge economy ay tumutukoy sa pagkilala at paggamit ng teknolohiya sa
paglilinang, pagbabahagi at paggamit ng kaalaman
 Turismo, financing, manufacturing at sector ng serbisyo naman ang kasalukuyang
pinagtutuunan ng pansin ng Dubai sa United Arab Emirates.

PANANAHANAN AT KULTURA

 Itim na tolda ng mga taong nomad ay karaniwang makikita sa mga lugar na malapit
sa oasis.
 Ang mga nomad ay karaniwang nagpapalipat-lipat ng tirahan batay sa panahon ng
pagpapastol.
 May mga tirahang gawa sa luwad at bato.
 May mga panirahang gawa sa malaking tipak na bato at semento sa mabubundok
na bansa ng Lebanon, ilang bahagi ng Syria, Turkey, Iran at Iraq.
 Karaniwang kawani ng mga pagawaan ay naninirahan sa townhouse na gawa sa
luwad at semento.

13
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

HILAGANG ASYA

AGRIKULTURA

 Fergana Triangle at ang lambak ng Chui River ang itinuturing na sentrong


agricultural ng rehiyon.
 Bantog sa pagkakaroon ng masagana at mayamang lupain.
 Ang Syr Darya River at Amu Darya River ang pinagmumulan ng koryente sa
malawak na lupain sa rehiyon.
 Sa Kazakhstan matatagpuan ang pinakamalaking paglobo ng populasyon sa daigdig
na may bilang na halos 90,000.
 Kagubatang alpine ng rehiyon ang siyang sumusustento sa pangangailangan ng
mga alagang hayop.

EKONOMIYA

 Hindi lamang umaasa sa mga produktong agricultural.


 Nasusustentuhan ng yamang mineral.
 Bantog na mayaman sa mga mineral na tulad ng krudo, iron ore, petrolyo, natural
gas.
 Matatagpuan ang Muruntau Gold Mine sa disyerto ng Qyzylqum, Uzbekistan na
tinatayang pinakamalaking minahan sa buong mundo.
 Pangwalo sa pinakamalaking prodyuser ng ginto at kemikal sa buong mundo.

PANANAHANAN AT KULTURA

 Yurts ang tawag sa kanilang tirahang animo tolda.


 Madali nilang tinitiklop sa sandaling kinakailangan nilang lumipat ng lugar upang
makapanginain ng kanilang mga alagang hayop.
 Samantala, ang mga nasa pook urban naman ay nananahan sa mga pabahay na
gawa sa modernong arkitektura.

Naging malinaw naba sayo ang lahat ukol sa naging implikasyon ng Likas na yaman
at kapaligirang pisikal sa mga tao? Para mas lumawak pa ang iyong kaalaman, gawin
ang mga sumusunod na Gawain.

14
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Pagyamanin
Panuto: Punan ang Data Retrieval Chart base sa inyong natutunan ukol sa
Implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga
Asyano

Implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano

Mga Likas na Yaman Uri ng Panahanan


Mga Rehiyon Produktong na Nagpaunlad Dulot ng
Pang ng Ekonomiya Kapaligirang
Agrikultura na Pisikal
Nagbibigay
Kabuhayan

Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Silangang Asya
Timog Asya
Timog Silangang Asya

Isaisip
1. Paghambingin ang likas na yaman ng mula dalawa hanggang limang rehiyon. Ano
ang mahihinuha mong nagbunsod sa pagkakaroon ng mga ganitong katangian ng
likas na yaman sa Asya?
2. Ano-anong likas na yaman ang sagana sa Asya? Paano ito nakatulong sa
pag-unlad ng pamumuhay sa mga rehiyon nito?
3. Ano ang masasabi mo sa bansang Japan na bagamat salat sa likas na yaman ay
maunlad? Ipaliwanag kung paano ito nangyari.
4. Ano ang implikasyon ng likas na yaman at kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng
mga Asyano?

Isapuso
1. Ano ang kahalagahan ng likas na yaman sa larangan ng agrikultura?
2. Bakit mahalagang mapangalagaan ang likas na yaman at ang kapaligiran?
3. Paano maipapakita ang mabuting pangangangalaga sa kapaligiran?
4. Ano ang kahalagahan ng kapaligiran sa pamumuhay ng mga Asyano?

15
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Isagawa
Maglista ng mga likas na yaman sa inyong lugar at isulat ang implikasyon nito.
Maaring pumili lamang kung saang implikasyon ang iyong sasagutin, sa agrikultura
ba o sa ekonomiya. Gawing halimbawa ang gabay na sagot sa tsart.

Likas na yaman sa Implikasyon sa Implikasyon sa


inyong lugar agrikultura Ekonomiya noon at
ngayon
1. Yamang Nagbibigay Dumarami ang beach
dagat kabuhayan sa resort na nagbibigay ng
mangingisda trabaho sa mga tao.

Ito na huling pasulit na tutukoy sa lawak ng iyong natutunan mula sa


mga basahin at mga Gawain sa modyul na ito. Kaya basahin at unawaing
mabuti ang mga katanungan at isulat sa sagutang papel ang titik ng iyong
napiling sagot.

Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat sa inyong


sagutang papel ang titik ng napiling sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo ukol sa bansang Vietnam


A. Ito ay may pinakamalaking minahan sa buong mundo
B. Ito ang pinakaindustriyalisadong bansa sa Timog Silanganga Asya
C. Ang Vietnam ang Pangwalo sa pinakamalaking prodyuser ng ginto sa buong
mundo
D. Ang Vietnam ay kasalukuyang kilala sa paggawa ng mga tela, electronics
at sasakyan.

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama ukol sa bansang Malaysia?


A. ipinapatupad rito ang transmigration policy
B. matagumpay na nagsuporta ng industriyang handicraft
C. pinakaindustriyalisadong bansa sa Timog Silangang Asya
D. paggawa ng kahoy para sa pangkonstraksyon ang bumubuo ng kanilang
ekonomiya.

16
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang implikasyon ng likas na yaman sa


larangan ng agrikultura?
A. Naging masigla ang turismo sa mga bansa dahil sa agrikultura
B. Natustusan ang pangangailangan ng teknolohiya dahil sa likas na yaman
C. Natustusan ang pangagailangan ng pagkain sa buong mundo dahil sa pagsasaka
D. Dumarami ang mga paggawaan ng mga produkto at umunlad ang kabuhayan ng
mga bansa dahil sa mga hilaw na sangkap na nakukuha mula sa likas na yaman

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang implikasyon ng likas na yaman sa


larangan ng ekonomiya?
A. Naging masigla ang turismo sa mga bansa dahil sa agrikultura.
B. Natustusan ang pangangailangan ng teknolohiya dahil sa likas na yaman.
C. Natustusan ang pangagailangan ng pagkain sa buong mundo dahil sa pagsasaka.
D. Dumarami ang mga paggawaan ng mga produkto at umunlad ang kabuhayan ng
mga bansa dahil sa mga hilaw na sangkap na nakukuha mula sa likas na yaman.

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang implikasyon ng likas na yaman sa


larangan ng pananahanan?
A. Ang dami ng likas na yaman ang nakabatay sa dami ng populasyon.
B. Ang dami ng sasakyan ay nakabatay sa laki ng populasyon sa isang lugar.
C. Ang pananahanan ay nakabatay sa katangian ng likas na yaman sa isang lugar.
D. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng likas na
yaman nito.

6. Anong bansa sa Timog Silangang Asya ang pinaka industriyalisado?


A. Cambodia B. Thailand C. Singapore D. Vietnam

7. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo ng 70% ng ekonomiya ng Cambodia?


A. Paggawa ng bakal
B. Paggawa ng kahoy pangkonstruksyon
C. Paggawa ng mga mamahaling mga alahas
D. Paggawa ng mga bahay na gawa sa mamahaling bakal

8. Anong bansa sa Timog Asaya ang pang-apat sa nagtataglay ng pinakamaraming


reserbang karbon?
A. Bhutan B. India C.Nepal D. Pakistan

9. Anong bansa ang mayaman sa wind at solar energy, na nakatulong sa


pagpapaunlad ng mga industriyang panteknolohiya tulad ng gadget?
A.China B. Japan C. Korea D. Taiwan

10.Anong bansa ang tinaguriang unang economic miracle sa rehiyon matapos


ang World War II?
A. China B. Japan C. Korea D. Taiwan

11. Anong bansa ang nangunguna sa hydropower sa buong daigdig?


A. China B. Japan C. Korea D. Taiwan

17
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

12. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang produkto ng Yemen?


A. Abacca B.bulak C. rubber D. troso

13. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nangunguna sa Knowledge Economy


mula pa noong 2004?
A.Iraq B.Korea C.Qatar D. Saudi

14. Anong bansa ang tinaguriang pinakamayamang bansa sa daigdig?


A. Japan B. Qatar C. Saudi D. Taiwan

15. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang Golden Fiber


A. cereal B. jute C. jute D. wheat

Karagdagang Gawain

1. Magsagawa ng interview sa dalawang tao sa inyong barangay na ang trabaho ay


may kinalaman sa kapaligirang pisikal kagaya ng magsasaka, mangingisda,
pagmimina. Maaring tawagan lamang ang mga taong ito.

2. Isulat ang interview questions at ang mga sagot ng interviewee sa isang long
bondpaper. Siguruhing maisulat din ang personal na impormasyon sa tao gaya
ng pangalan, edad at ang trabaho.

3. Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong:


A. Paano nakatulong ang kapaligirang pisikal sa inyong pamumuhay?

B. Bakit ito ang naisipan niyong uri ng pamumuhay?

C. Sa inyong sariling opinion, hindi ba nakakasira ng kapaligiran ang uri ng


kabuhayan meron kayo ngayon? Paano? at bakit?

D. Paano naapektuhan ng pabago-bagong klima ang inyong kabuhayan?

E. Paano mo maihahambing ang iyong kabuhayan noon at ngayon?

4. Maging magalang sa pagsagawa ng interview. Gumamit ng po at opo at huwag


kalimutang magpasalamat.

18
19
Suriin
1. Yamang Lupa, tubig, kagubatan at mineral
2. Nalilinang ng mga tao ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagawa ng
mga hakbang upang ang mga likas na yaman at ang kapaligiran ay hindi
patuloy na mawawala at masisira.
3. Nakadepende sa Likas na yaman ang pamumuhay ng mga tao dahil ang
Mga ito ang nagsilbing panustos sa ating mga pangangailangan upang
mabuhay. Kagaya halimbawa ng yamang lupa, dito tayo kumukuha ng
pagkain, sa pamamagitan ng mga halaman nakakagawa ng mga gamot,
sa kabundukan nakakuha ng mga kahoy para gawing tahanan at mga
hilaw na sangkap para gawing mga produkto.
PAGTATAYA Balikan SUBUKIN
1. D
1. D 2. D 1. C
2. A 3. A 2. B
3. C 4. C 3. C
4. D 5. C 4. D
6. D
5. C 5. B
7. B
6. C 8. B 6. A
7. B 9. A 7. B
8. C 10.A 8. C
9. D 11.B 9. B
10. B 12.C 10. C
11. A 13.C 11. D
14.D
12. B 12. A
15.A
13. C 13. C
14. B 14. D
15. C 15. C
16. 16.
Susi saPagwawasto
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
Region VII
Department of Education
Republic of the Philippines
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Sanggunian

websources
 Retrieved July 15,2020 www.slideshare.net/SMAPACHARITY/Aralin 2-
90303460
 Retrieved July 15, 2020 www.deped.negor.net

Aklat:

Blando, Rosemarie C.,Sebastian, Angelo C.,Espiritu, Erna C.,Golveque, August M., Jamora,
Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I, Balgos, Allan F., Del Ros at Mariano, R.Randy
textbook para sa Araling Panlipunan ikapitong taon, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba, Eduresources Publishing,Inc., 5th floor Mabini Building, DepED complex
Meralco Avenue Pasig City Philippines pages 42
Pp 16-21

Larawan

1.Retrieved July 03, 2020 www.googleimages.com

MARY LOU B. UNDALOC


TEACHER III
AWIHAO NATIONAL HIGH SCHOOL
AWIHAO, TOLEDO CITY

20
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

21

You might also like