You are on page 1of 13

Department of Education

Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF MAASIN CITY
CANYUOM INTEGRATED SCHOOL
Canyuom, Maasin City, Southern Leyte
School ID: 501052

DIAGNOSTIC TEST
Araling Panlipunan 8

Pangalan:_________________________Baitang:______________Petsa:_______________ Iskor:_______
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang itinuturing na pinakamalaking kontinente sa Daigdig?
A. South America B. Europa C. Asya D. Africa
2. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya?
A. 6 B. 7 C. 4 D. 5
3. Alin sa sumusunod na bansa ang kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Asya?
A. United Arab Emirates B. China C. Myanmar D. Azerbaijan
4. Alin sa sumusunod ang isinasaalang-alang sa paghahating heograpiko ng rehiyon sa Asya?
A. Isinaalang-alang sa paghahating heograpiko ang porma ng anyong lupa at anyong tubig sa lugar.
B. Isinasaalang-alang ang klima at panahon ng isang lugar.
C. Isinasaalang-alang ang aspektong historikal, kultural at heograpikal.
D. Isinasaalang-alang ang pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal.

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya ay maaaring nasa anyong lupa o anyongtubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa tulad ng tangway, kapuluan, bundok, kapatagan,
talampas, disyerto atkabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng behetasyon tulad ng savanna, prairie, rainforest, taiga at tundra.
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay lamang ng iisang uri ng klima.
6. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro?
A. Mt. Everest B. Mt. Fuji C. Mt. Pinatubo D. Mt. Kanchenjunga
7. Ano ang mahahalagang ilog na nagsilbing lundayan ng mga kabihasnan
hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig?
A. Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho C. Ilog ng Amu Darya
B. Ilog ng Lena D. Yangtze
8.Ano ang pinakamalaking lawa sa mundo?
A. Lake Baikal B. Caspian Sea C. Aral Sea D. Dead Sea
9. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya na nagtataglay ng mayamang likas na yaman.
Ano ang pangunahing produkto na iniluluwas ng bansang Pilipinas?
A. Langis ng niyog at kopra C. Palay at Trigo
B. Natural gas at Liquefied gas D. Tilapia at Bangus

10. Ang paglaki ng populasyon ay isa sa suliraning kinakaharap ng ilang bansa sa Daigdig. Alin sa sumusunod na bansa
ang may pinakamalaking populasyon sa daigdig?
A. India B. Indonesia C. China D. Pakistan

11. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?


A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar
B. Pagkakaroon ng mas mataas na porsyento ng kriminalidad
C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman
D. Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan
12. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?
A. Pag-unlad ng mga industriya C. Pagkasira ng kagubatan
B. Pagkawala ng biodiversity D. Pagkakaroon ng mga polusyon
13. Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating pangunahing
pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.
C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang Agrikultura.
D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang- aabuso ng tao.
14. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay
ang tao at ang likas na pinagkukunan?
A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang
pamumuhay.
15. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?
A. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao upang matugunan ang kanilang
pangangailangan
B. Dahil kailangan ng tao ang lupa upang matustusan ang kanilang mga sariling hangarin
C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay
16. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?
A. Ang pagkatuyo ng mga lupa C. Pagrami ng punong kahoy
B. Paggulo ng lupa D. Pagtaba ng lupa

17. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira ng lupa?
A. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan
B. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
C. Maaaring magdulot ng kawalan ng hanap-buhay sa mga mamamayan.
D. Pagkakaroon ng di inaasahang sakuna.

18. Kamakailan lamang ay ipinasara ni Pangulong Duterte ang Boracay upang muling maibalik ang ganda at linis nito,
gayundin ang pagpapalinis sa mga ilog sa Kamaynilaan tulad ng Manila Bay, Ilog Pasig at marami pang iba. Sa iyong
palagay, bakit mahalaga ang naging hakbang na ito ng Pangulo ng Pilipinas?
A. Ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ng pagmamalasakit ng Pangulo sa pangangalaga ng kalikasan.
B. Ito ay nagpapakita ng katapangan ng Pangulo na maisakatuparan ang kanyang mga plano sa
pagpapanumbalik ng ganda ng Pilipinas.
C. Ito ay mahalaga sapagkat muling mapapanumbalik ang kalinisan at kagandahan ng mga anyong tubig natin
na nakatutulong sa pagpapababa turismo ng bansa.
D. Ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaroon ng timbang na ekolohikal ng
bansang Pilipinas.

19. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay
ang tao at ang likas na pinagkukunan?
A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang
pamumuhay.

20. Ang tao ay itinuturing na yaman ng isang bansa. Bilang isang kabataaan, paano mo maipakikita na ikaw ay yaman ng
bansa?
A. Pagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamamayan.
B. Pagsali sa mga rally upang maiparinig ang tinig ng kabataan.
C. Pakikibahagi sa mga gawain na magbibigay ng pansariling kasiyahan.
D. Sisikaping maragdagan ang kaalaman upang magamit sa pansariling kapakanan.
Department of Education
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF MAASIN CITY
CANYUOM INTEGRATED SCHOOL
Canyuom, Maasin City, Southern Leyte
School ID: 501052

DIAGNOSTIC TEST
Araling Panlipunan 9

Pangalan:_________________________Baitang:______________Petsa:_______________ Iskor:_______
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng
daigdig?
A. antropolohiya C. heograpiya B. ekonomiks D. kasaysayan
2. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa
ibang lugar?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng
heograpiya?
A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.
B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.
D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
4. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati sa northern at
southern hemisphere?
A. equator B. latitude C. longitude D. prime meridian
5. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa wika?
A. etniko B. etnisidad C. etnolinggwistiko D. katutubo
6. Ano ang pangunahing batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay?
A. etniko B. etnisidad C. lahi D. relihiyon
7. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?
A. lahi B. relihiyon C. teknolohiya D. wika
8. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang India?
A. Budhismo B. Hinduismo C. Islam D. Shintoismo
9. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse at Tanso C. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse
B. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal D. Panahon ng Tanso, Bronse at Bakal
10. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleotiko?
A. Agrikultura B. Apoy C. Irigasyon D. Metal
11. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng
Mesolitiko?
A. gitnang panahon ng bato C. panahon ng bagong bato
B. panahon ng lumang bato D. gitnang panahon ng bronse
12. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang sinaunang kabihasnan ng Indus?
A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog
13. Bakit itinayo ang Great Wall of China?
A. Depensa sa bagyo C. Depensa sa mga kalaban
B. Pananggalang sa baha D. Harang sa anumang kalamidad

14. Anong mahalagang estruktura ang nagawa ng kabihasnang Mesopotamia kung saan dito idinadaos ang pagsamba sa
kanilang diyos?
A. Templo ni Babel C. Templong Ziggurat
B. Templo ni Hammurabi D. Templo ng mega Paraon
15. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga sinaunang tao
sa Mesopotamia?
A. Kodigo ni Moses C. Kodigo ni Kalantiyaw
B. Kodigo ni Hammurabi D. Kodigo ng mga Paraon
16. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?
A. Akkadian B. Aryan C. Assyrian D. Chaldean
17. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?
A. nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain
B. madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban
C. nagiging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya
D. pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan
18. Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon?
A. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa.
B. Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa komunidad.
C. Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan.
D. Lahat ng nabanggit.
19. Ano ang ipinapahiwatig nang pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian at hieroglyphics ng mga taga Ehipto?
A. Ang mga sinaunang tao ay matatalino.
B. Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat.
C. Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sistema ng pagsulat.
D. Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong sistema ng komunikasyon.
20. Bakit mahalaga ang pag-unlad ng isang pamayanan?
A. Napapaunlad nito ang ekonomiya --- sa paggawaat kalakalan.
B. Natutugunan ang problema ng kakapusan sa pagkakaroon ng makabagong teknolohiya sa produksiyon.
C. Nagkakaroon ng organisadong paninirahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamahalaan at batas,
pananampalataya, sistemang edukasyon at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit.
Department of Education
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF MAASIN CITY
CANYUOM INTEGRATED SCHOOL
Canyuom, Maasin City, Southern Leyte
School ID: 501052

DIAGNOSTIC TEST
Araling Panlipunan 10

Pangalan:_________________________Baitang:______________Petsa:_______________ Iskor:_______
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
a. pamamahala ng negosyo. c. pamamahala ng tahanan
b. pakikipagkalakalan. d. pagtitipid.
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na
pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at
yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
a. Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao
b. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
c. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
d. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
a. Dinadaluhang okasyon c. Opportunity cost ng desisyon
b. Kagustuhang desisyon d. Tradisyon ng pamilya
6. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng mga tao ang kanilang pangangailangan
at kagustuhan kahit limitado lamang ang pinagkukunang-yaman?
a. Antropolohiya b. Ekonomiks c. Heograpiya d. Sosyolohiya
7. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin ang
kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at kaunti lang ang pinagkukunang-yaman
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang
pinagkukunang-yaman
8. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng KDrama ng mga oras na iyon.
Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off

9. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang makakuha ng average
grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong
pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off
10. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
11. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market economy.
a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng
pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain.
12. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:
a. Konsyumer b. Pamahalaan c. Pamilihan d. Prodyuser

13. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksyon?
a. tinataniman ng mga magsasaka c. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
b. patayuan ng mga imprastraktura d. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon

14. Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?


a. maraming hilaw na sangkap ang magagamit c. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
b. maraming output ang mabubuo d. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
15. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksyon?
a. interes b. kita c. pera d. regalo
16. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
a. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
b. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
c. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
d. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan
17. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?
a. kakaunti ang suplay c. mataas ang presyo
b. marami ang suplay d. mababa ang presyo

18. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
a. Hindi sumusunod sa uso
b. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
c. Binibili ang mga napapanahong gamit
d. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista
19. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mamimili MALIBAN sa isa.
a. Maipapahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo
b. Mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo
c. Magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at
mapangalagaan ang ating kapakanan
d. Makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng
anumang patakaran ng pamahalaan

20. Bakit mahalaga ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mamimili?


a. Madali lamang matutunton ng pamahalaan ang mga negosyanteng lumalabag sa patakaran ng pagkonsumo
b. Nagbibigay-proteksiyon ito sa mga mamimili laban sa mga panganib sa pagkonsumo
c. Napapadali nito ang pamimili ng mga konsyumer sa mga tindahan
d. Pinangangalagaan nito ang mga nagmamay-ari ng tindahan o negosyo
Department of Education
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF MAASIN CITY
CANYUOM INTEGRATED SCHOOL
Canyuom, Maasin City, Southern Leyte
School ID: 501052

DIAGNOSTIC TEST
Araling Panlipunan 7

Pangalan:_________________________Baitang:______________Petsa:_______________ Iskor:_______
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Bakit mahalaga ang pagbukas ng Suez Canal?


A. Dahil naging matagal ang paglalakbay mula Maynila patungong Spain
B. Dahil nakarating sa atin ang kaisipang liberal
C. Dahil naging mahal ang bilihin
D. Dahil naging mayaman ang Pilipinas
2.Alin ang hindi naging salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?
A.Pagbukas ng Suez Canal C.Pagbayad ng buwis
B.Pagdating ng liberal na kaisipan sa Pilipinas D.Pag-alsa sa Cavite
3.Ano ang tawag sa paglagay ng mga Paring Sekular sa mga parokya?
A.Regular B.Sekularisasyon C.GOMBURZA D.Principalia
4.Ano ang tawag sa mga anak ng mayayamang Pilipino na nakapag-aral at naging propesyonal?
A.Middle Class B.Mestiso C.Tsino D.Ilustrado
5. Ano ang layunin ng KKK?
A. mapatanyag sa buong daigdig C. magkaroon ng Kalayaan mula sa Espaňa
B. makipagkalakalan sa ibang bansa D. humihingi ng pagbabago sa pamahlaang Español
6. Siya ang itinuring na Ama ng Katipunan.
A. Emilio Aguinlado B. Emilio Jacinto C. Andres Bonifacio D. Jose Rizal
7. Ang Katipunerong nagbunyag ng lihim na samahan ng Katipunan.
A. Pedro Paterno B. Teodoro Patiño C. Mariano Gil D. Andres Bonifacio

8. Sino ang sumulat ng Saligang Batas na ipinagtibay noong Nobyembre 1, 1897?


A. Isabelo Artache B. Pedro Paterno C. Andres Bonifacio D. Emilio Aguinaldo
9. Matapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas itinatag ang _____.
A. Pamahalaang Komonwelt C. Republika ng Biak-na-Bato
B. Pamahalaang Rebolusyonaryo D. Misyong Pangkalayaan
10. Siya ay naglingkod bilang pangulo ng lupon ng kababaihan.
A. Josefa Rizal B. Melchora Aquino C. Gregoria de Jesus D. Trinidad Tecson
11. Isa siya sa iilang kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban kasama ng kalalakihan sa rebolusyon sa Bulacan.
A. Josefa Rizal B. Melchora Aquino C. Gregoria de Jesus D. Trinidad Tecson

12. Kinikilalang “Lakambini ng Himagsikan,” asawa ni Andres Bonifacio.


A. Trinidad Tecson B. Marcela Agoncillo C. Gregoria de Jesus D. Marina Santiago
13. Ano ang dahilan ng pagtungo ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. Ang pagkakasangkot ng Estados Unidos sa himagsikan sa Cuba.
B. Ang pagtatatag ng pamahalaang Amerikano.
C. Ang pagpapalawak ng teritoryo ng Estados Unidos sa Asya.
14. Bakit tutol ang mga Pilipino sa Kasunduan sa Paris?
A. Nais nilang magpasakop sa mga Español.
B. Nais nilang maging malaya.
C. Nais nilang maging kolonya ng Estados Unidos.

15. Paano tinanggap ng mga Pilipino ang Kasunduan sa Paris?


A. Ipinaubaya nila sa Estados Unidos ang pagpapasya.
B. Tinanggap nila ang Kasunduan nang mapayapa.
C. Mahigpit nilang tinutulan ang kasunduan.

16. Kailan pinasinayaan ang Unang Republika sa Malolos, Bulacan?


A. Enero 23,1899 B. Enero 24,1899 C. Enero 25,1899

17. Ano ang unang hudyat ng pagbabago ng pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Pilipino?
A. Ang hindi pagkilala ng Republika ng Estados Unidos.
B. Ang kawalan ng malasakit ng mga Amerikano sa mga Pilipino.
C. Ang pagbaril ng isang sundalong Amerikano sa isa sa apat na sundalong Pilipino.

18. Anong hangarin ng Katipunan na palayain ang Pilipinas sa mga Español sa pagsasagawa ng isang armadong
himagsikan tungo sa pagbuo ng isang bansang malaya?
A. Layuning Pampulitika C. Layuning Moral
B. Layuning Pansibika D. Layuning Agham

19. Ano ang naging importanteng lokasyon ng rebolusyon na dito nanalo ang Magdalo sa maraming labanan kontra
Español?
A. Bulacan B. Laguna C. Cavite D. Batangas

20. Sino ang tinawag na Supremo ng Katipunan?


A. Apolinario Mabini B. Emilio Jacinto C. Andres Bonifacio D. Emilio Aguinaldo
Department of Education
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF MAASIN CITY
CANYUOM INTEGRATED SCHOOL
Canyuom, Maasin City, Southern Leyte
School ID: 501052

DIAGNOSTIC TEST
Filipino 9

Pangalan:_________________________Baitang:______________Petsa:_______________ Iskor:_______
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bugtong at sawikain na nasa ibaba.
1. Lantang gulay
A. sira na ang gulay C. sobrang pagod
B. lanta na ang gulay D. sobrang tulog
2. Makapal ang palad
A. makalyo ang palad C. masipag
B. malikhain D. matulungin
3. Maikling landas, di maubos lakarin.
A. anino C. sapatos
B. daan D. tsinelas
Panuto: Ibigay ang eupemistikong pahayag sa mga salitang bulgar na may guhit na ginamit sa pangungusap.
4.Nalasing ang binata sa magdamag na inuman.
A. nalunod sa bote C.nadaganan ng bote
B. nababad sa bote D. nasagasaan ng bote
5. Sa hindi inaasahan, siya ay nabuntis na wala sa panahon.
A.nagdadalang-tao C.nagdadalang-habag
B.nagdadalang-poot D. nagdadala ng buhay
6. Huwag maniwala sa tsismis.
A.kuwentong- tubero C. kuwentong-bangkero
B. kuwentong-barbero D. kuwentong- karpentero
Panuto: Punan ng angkop na pariralang may paghahambing ang patlang upang mabuo ang diwa ng salawikain at
kasabihan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
7. Ang tunay na kaibigan sa buhay ay kapilas, totoong mahalaga ___________________
A. katulad ng isang ginto C. katulad ng isang pilak
B. katulad ng isang hiyas D. katulad ng isang diyamante
8. Ang pag-aasawa ay hindi biro, _______________________, na iluluwa kongmapaso.
A. tulad ng kanin C. hindi tulad ng kanin
B. tulad ng sabaw D. hindi tulad ng sabaw
9. Ang batang matapat ay _________________ng lahat kaysa sa batang mapagpaimbabaw.
A. lalong kinaiinggitan C. lalong kinagigiliwan
B. lalong kinagagalitan D. lalong pinagtitiwalaan
10. ____________________ ang taong sa hirap nagmula kaysa sa mga taong sa ginhawa nagmula.
A. Higit na umaani ng salat C. Higit na umaani ng lungkot
B. Higit na umaani ng tuwa D. Higit na umaani ng pighati
Panuto: Punan ng angkop na hudyat ng sanhi at bunga batay sa pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
11. ___________hindi nakikinig sa magulang, siya ay napariwara.
A. Bunga nito C. Dahilan
B. Dahil D. Kaya

12. Hindi nahuhuli sa klase si Ana, __________maagang maaga siyang gumigising.


A. bunga nito C. sa ganitong dahilan
B. dahilan D. sapagkat
13. _______ nagkakasakit dahil palaging nakatutok sa gadgets.
A. Dahil C. Kaya
B. Dahilan D. Sapagkat
14. ___________ ng kanilang pagsisikap, lalong yumaman ang magkakapatid.
A. Bunga C. Kung kaya
B. Dahilan sa D. Sa ganitong dahilan
15. Nagkamit siya ng iba’t ibang karangalan sa kanyang paaralan _________ nagaral siya nang mabuti.
A. bunga ng C. mangyari
B. dahil D. kung kaya

Panuto: Isulat sa sulatang papel ang letra ng tamang sagot.


16. Sistematikong paghahanap ng mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
A. Pagbabalita C. Panayam
B. Pananaliksik D. Pagtatanong
17. Isa sa hakbang sa pananaliksik na tuloy-tuloy ang pagsulat ng kaisipan o ideyang dumadaloy sa kaisipan.
A. Balangkas C. Pagwawasto at pagbabasa
B. Pangangalap-tala D. Pagsulat ng burador
18. Hakbang sa paghahanap ng mga impormasyon at pagsulat para sa pananaliksik na karaniwang ginagamitan ng index
card, ano ito?
A. Balangkas C. Piliin ang paksa.
B. Pangangalap-tala D. Pinal na balangkas
19. Dito naipapakita ang mga dahilan kung bakit nais isagawa ang pananaliksik.
A. Balangkas C. Pangangalap-tala
B. Paglalahad ng layunin D. Pagsulat ng pinal na pananaliksik

20. Ito ang huling hakbang sa pananaliksik.


A. Piliin ang paksa C. Pagwawasto at pagrebisa
B. Pinal na balangkas D. Pagsulat ng pinal na pananaliksik
Department of Education
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF MAASIN CITY
CANYUOM INTEGRATED SCHOOL
Canyuom, Maasin City, Southern Leyte
School ID: 501052

DIAGNOSTIC TEST
ESP 9

Pangalan:_________________________Baitang:______________Petsa:_______________ Iskor:_______
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng House& Lot ng Engineer na anak. Bilang
Kabataan, anong impluwensiya angmasasalamin sa anak ni Aleng Nina?
A. pag-aalaga sa kaniyang Ina
B. pagmamahal sa kaniyang Ina
C. pag-aasikaso sa kaniyang Ina
D. pagbibigay-buhay sa kaniyang Ina
2. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sapagtaguyod sa kanila. Alin sa sumusunod ang
positibong impluwensiyangipinakita ng ama?
A. pagiging matatag
B. pagiging madasalin
C. pagiging masayahin
D. pagiging disiplinado
3. Ang kumain nang sabay-sabay ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino. Ano ang magandang dulot ng kaugaliang
ito?
A. respeto sa pamilya
B. pagiging buo ng pamilya
C. pagpapahalaga sa kaugalian
D. nagpapatibay ng samahan ng pamilya
4. Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang pinatira sa bahay ng kaniyang byanan
upang maipagamot ang kaniyang asawa. Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang byanan?
A. madasalin
B. matulungin
C. mapagkunwari
D. mapagkumbaba
5. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay ng pagmamahal sa sarili?
A. Pagsisikap na mapabuti, maging maayos ang sarili at may pagmamahal saiba.
B. Pagsisikap na makamit ang pangarap kahit na kapalit nito ay ang sarilingkalusugan
C. Pagsisikap na makinig sa hinaing ng ibang tao kahit na hindi itonaintindihan.
D. Pagsisikap na baguhin ang sarili upang matugunan ang mataas naekspektasyon ng lipunan.
6. Nagmamadali si Ellen na umalis ng bahay dahil ipinatawag siya ng boss tungkol sa negosyo at nakita niyang umiiyak
ang sanggol na kapatid at tila nagugutom. Sa halip na ipagtimpala ng gatas ay nagmamadali siyang umalis ng bahay.
Angkop ba ang kilos na ipinakita ni Ellen?
A. Oo, sapagkat ipinatawag siya ng boss.
B. Hindi, dahil iniwan niya ang kapatid na gutom.
C. Oo, dahil mas importante ang trabaho kaysa pamilya
D. Hindi, sapagkat dapat inuuna ang kapakanan ng pamilya bago ang trabaho dahil makapaghihintay naman
ito.
7. Alin sa sumusunod ang kakikitaan ng paggabay sa pagpapasya?
A. sama-samang pagdarasal
B. pagturo sa anak ng tama at mali
C. pagbabasa ng mga kuwento gabi-gabi
D. pagturo sa paggamit ng banal na aklat
8. Ano ang bunga ng maling pagpili sa pagpapasya?
A. karahasan
B. karanasan
C. pagmamahal
D. pagsisisi
9. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagharap sa mga banta sa pagbibigay ng
edukasyon?
A. Nalagpasan ni Martin ang lahat ng problema sa loob at labas ng tahanan.
B. Makailang beses na inisip ni Keil ang sasabihin bago ito magbitiw ng salita.
C. Kahit na napakahirap ng kalagayan ni Nel nakapagtapos pa rin ito ng may medalya.
D. Sa labis na pangungulila ni Gaze nakagawa siya ng desisyong nagpabago sa takbo ng kaniyang buhay.

10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagharap sa mga banta sa paggabay sa
pagpapasiya?
A. Si William ang gumagawa ng desisyon para sa kaniyang mga anak.
B. Nakagawa ng pasiya si Alisah na pinagsisihan niya sa bandang huli.
C. Hindi nababahala si Marga sa kaniyang kinabukasan dahil handang ibigay ng ina ang lahat ng kaniyang
gusto.
D. Binigyan ng pagkakaton ni Aling Susan ang anak na unawain ang sitwasyong kinalalagyan dahil sa
ginawang pagpapasiya.

11. Paano mahuhubog ng magulang ang pananampalataya ng anak?


A. magbasa ng aklat
B. sabay-sabay na manalangin
C. ituro ang daan papuntang simbahan
D. palaging magsuot ng mahahabang damit

12. Bakit itinuturing na bukod tangi at pinakamahalagang gampanin ng magulang ang pagbibigay ng edukasyon?
Sapagkat ito ay:
A. humuhubog sa lahat ng aspeto ng isang tao
B. basihan ng pagiging isang respetadong indibidwal
C. kwalipikasyon sa paghanap ng magandang trabaho
D. nauuso sa ngayon na dapat makapagtapos ng pag-aaral

13. Bakit kailangang malinang ng mag-aaral ang aspetong pisikal, mental, emosyonal, sosyal at ispiritwal sa pagbibigay
ng maayos na edukasyon? Upang maging kapaki-pakinabang sa:
A. lolo at lola
B. sarili at mga kakilala
C. lipunang ginagalawan
D. pamilya at kamag-anak

14. Nakaugalian ni Anabel na magsimba araw-araw upang magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Ito ang turo ng
kaniyang mga magulang. Anong gawi ang pinaunlad ni Anabel sa kaniyang pagkatao?
A. mabait
B. maka-Diyos
C. malikhain
D. matapang

15. Alin sa sumusunod na pahayag ang mabisang naglalarawan sa pagpapaunlad sa mga mabuting gawi upang
maisabuhay ang pananampalataya?
A. matulungin sa kapuwa
B. masipag sa mga gawaing bahay
C. matapat sa kaniyang mga gampanin
D. may pag-iibigan sa miyembro ng pamilya at pagsamba sa Diyos

16. Madalas na nakararanas ng pambubulas si Noel sa loob ng klase kaya ayaw na niyang pumasok sa eskwela. Kanino
siya dapat unang sumangguni sa suliraning kaniyang kinakaharap?
A. mga kaibigan C. mga magulang
B. punong-guro D. gurong tagapayo
17. Ano ang maidudulot ng pamilyang hindi bukas ang komunikasyon?
A. Mapagaganda ang buhay.
B. Mapapariwara ang buhay.
C. Makakamtan ang tagumpay.
D. Magiging matalino ang bawat isa

18. Tumawag si Joel sa kanyang kaibigan upang kumustahin ang kalagayan ng katrabaho nito matapos sumailalim sa
isang operasyon dahil sa pagkahulog nito sa sinasakyang motorsiklo. Anong antas ng komunikasyon ang nangyayari sa
sitwasyong ito?
A. interpersonal
B. intrapersonal
C. pangkaunlaran
D. organisasyonal
19. Habang nakaupo sa sala ng kanilang bahay ang mag-inang Susan at Carlo, napansin ng anak ang lungkot sa mukha ng
kanyang ina. Maya-maya ay hindi niya napigilang tanungin kung may problema ba ito. “Okay lang ako anak huwag kang
mag-alala”, mahina at basag na sagot ng ina. Ano ang mahihinuha sa pag-uusap na ito?
A. Walang problema at dinaramdam ang ina hindi lang ito palangiti.
B. May inaalala lang ang ina ngunit hindi ito malungkot gaya ng nakita ng anak.
C. May seryosong bagay na iniisip ang ina kaya mukhang pangit siya sa paningin ng anak.
D. Sinabi lang ng ina na okay siya para maitago sa anak ang tunay na dahilan kung bakit siya malungkot sa
pagkakataong iyon.

20. Ano ang nararapat gawin kung napansin palaging pinapaburan ng iyong mga magulang ang iyong bunsong kapatid?
A. pagselosan mo ang bunsong kapatid
B. aawayin ito nang madalas hanggang sa mapansin
C. kakausapin ang magulang at ipagtapat ang napuna
D. Kakausapin ang magulang at sabihing ikaw ang mas magaling

You might also like