You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Luna St. La Paz, Iloilo Ctiy

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
ARALING PANLIPUNAN 7
(Araling Asyano)
UNANG MARKAHAN
SY 2018-2019

LEVELS OF ASSESSMENT (with item placement) Total Percen


NILALAMAN (Content) Bilang ng Unders Eva Numb tage
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (Learning Competencies) Remem Applyi Ana Crea
er of
Araw tan Lua
bering ng lysing ting
ding ting Items
A. Katangiang Pisikal  Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa 1(#2) 1(#3) 1(#1) 3 6
Ng Asya paghubog ng kabihasnang Asyano
1. Konsepto ng  Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating 2 (#4- 2 3 6
Asya heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya,Timog 5) (#6)
2. Katangiang Asya,Kanlurang Asya at Hilaga/Gitnang Asya
Pisikal  Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa 2 (#7- 1(#9) 3 6
mga rehiyon ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, 8)
sukat,klima at “vegetation cover” (tundra, taiga, grasslands,
dessert, tropical forest, mountain lands)
 Napaghahambing ang kalagayan ng kapaligiran sa iba-ibang 1 (#11) 1 1 3 6
bahagi ng Asya. (#10) (#12)
 Nakakagawa ng pangkalahatang profile ng heograpiya ng 2 1 1 4 8
Asya (#13,16) (#15) (#14)

B. Mga Likas Na  Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya; 1 (#20) 1 (#18) 1(#17) 1(#19) 4 8
Yaman Ng Asya  Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at 1 (#21) 1 (#23) 3 5 10
yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano (#22,2
noon at ngayon sa larangan ng (1) agrikultura, (2) 4,25)
ekonomiya, (3) pananahanan, (4) kultura
 Naipapahayag ang kahalaganah ng pangngalaga sa timbang 1(#26) 1(#28) 3 5 10
ng kalagayang ekolohiko ng rehiyon. (#27,
29,30)
C. Yamang Tao  Napapahalagahan ang Yamang Tao ng Asya 1(#34) 2 (#32- 2 5 10
1. Yamang Tao at  Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng 33) (#31,35
)
Kaunlaran Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa
2. Mga Pangkat kasalukuyang panahon batay sa: (1) dami ng tao, 1(#39) 4(#36, 5 10
37,38,
Etniko sa Asya at (2) komposisyon ayon sa gulang, (3) inaasahang haba ng 40)
Kani-kanilang buhay, (4) kasarian, (5) bilis ng paglaki ng populasyon, (6) uri
Wika at Kultura ng hanapbuhay (7) bilang ng may hanapbuhay, (8) kita ng
bawat tao, (9) bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, at
(10) migrasyon
 Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa 2 2 (#42, 1(#45) 5 10
44)
Asya. (#41,43)
 Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa paghubog 1(#46)
1 (#50) 1(#47)
ng kultura ng mga Asyano. 2 (#48- 5 10
49)

KABUUANG BILANG NG AYTEM 14 10 3 18 5 50


PORSYENTO 28% 20% 6% 36% 10% 100%

Inihanda nina : ANGELINE B. SARABIA – San Joaquin School of Fisheries NENITA P. ANGELICAL – Abangay NHS

MELINDA C. BAJENTING – Janiuay Nat’l Comp. HS MARGIE C. LAGUNA – Janiuay Nat’l Comp. HS

ANALYN A. CASTOR – Binolosan Pequeño NHS CHARINA A. LAURESTA – Jayobo NHS

ALJIE MARIE S. OPERIO – Don Felix Serra NHS – Lomboyan Ext. REMO C. LAGARTO – Duenas General Comp. HS

NOEME M. NILLOS – Palaca Damilisan NHS ABSOLIA B. DLATA – Milan NHS

MAY F. CAṄUTO – Carvasana NHS IRENE D. BARROQUILLO - Miagao National HS


Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
Luna St. La Paz, Iloilo Ctiy

ARALING PANLIPUNAN 7
(Araling Asyano)
UNANG MARKAHAN
SY 2018-2019

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunann, pamahalaan
at ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tungo sa pagbubuo at pagkakakilanlang Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon ng Asya.

Unang Markahan HEOGRAPIYA SA ASYA

Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap : Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang
Asyano.

Pamantayan sa Pagkatuto Test Items (5 sample items following HOTS per learning Competency)
A. Katangiang Pisikal Ng Asya
1. Konsepto ng Asya
2. Katangiang Pisikal
1. Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran 1. Sa maraming bansa sa Timog Silangang Asya bakit itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil ang pananim
sa paghubog ng kabihasnang Asyano ang palay? (Understanding)
a. Maaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley
b. Palay ang pangunahing pagkain ng tao sa Timog Silangang Asya
c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya? (Understanding)
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon
b. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan
c. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
d. Introduksyon ng mga species na hindi likas sa particular na rehiyon

3. Ang Asya ay lupain ng mga tangway o anyong lupa na nakausli sa dagat. Ang mga sumusunod na bansa ay mga
tangway o peninsula na matatagpuan sa Asya MALIBAN sa isa: (Remembering)
a. Libya
b. Apan
c. Korea
d. Turkey

4. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig na may ibat-ibang kaanyuang pisikal tulad ng mga hangganang
mga bundok at kapatagan. Ano ang implikasyon nito sa pamumuhay ng mga tao? (Analyzing)
a. Industriyalisasyon
b. Pagtatrabaho sa pabrika
c. Natutunan ng mga tao ang komersyal na pagtotroso.
d. Pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang pangunahing kabuhayan ng mga tao.

5. Bilang pinakamalaking kontinente sa daigdig ang Asya ay napapaligiran ng mga dagat at karagatan. Ano ang
kahalagahan ng mga ito sa paghubog ng kabihasnang Asyano? (Evaluating)
a. Napadali at napabilis ang kalakalan.
b. Nakatulong sa pagkakitaan ng mga tao.
c. Napaigting ang seguridad ng isang bansa.
d. Naging daan sa pakikipag-ugnayan ng bansa sa ibang bansa.

2. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa 1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya; Hilaga/Gitna, Kanluran, Timog, Timog Silangan at Silangang Asya. Tinatawag
paghahating heograpiko: Silangang Asya, Timog- na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong
Silangang Asya,Timog Asya,Kanlurang Asya at pisikal, historikal at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang
Hilaga/Gitnang Asya tinitingnan na magkaugnay? (Analyzing)
a. Ang mga ito ay parehong napailalim sa halos parehong karanasan sa larangang historikal, kultural, agrikultural at
klima.
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal.
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
d. Apektado ng iisang uri ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.

2. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t-ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng
isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan, at hindi palagian ang klima at sa Hilagang Asya naman ay
mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
(Remembering)
a. Sobrang lamig sa rehiyobn at hindi kayang tirahan ng tao
b. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
c. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.
d. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng
isang taon.

3. Malaking bahagi ng hangganan ng Asya sa ibang kontinente ay mga anyong tubig tulad ng karagatan at dagat.
Anong anyong tubig ang nag-uugnay sa Hilagang Asya at Alaska? (Remembering)
a. Atlantic Ocean
b. Arctic Ocean
c. Bering Sea
d. Caspian Sea

4. Malaking bahagi ng Arabian Peninsula ay binubuo ng desyerto kaya’t salat sa tubig ang lugar na ito. Ano ang
pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan nga mga Arabo sa lugar na ito? (Analyzing)
a. Pagsasaka
b. Pag-aalaga ng baka
c. Pagtatanim ng sea weeds
d. Pagpapastol ng tupa at kambing

5. Ang hilagang bahagi ng Silangang Asya ay may mga pisikal na hangganan tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan
Plateau, at ang Himalayas. Ano naman ang hangganan ng Silanggang Asya sa Silangan? (Remembering)
a. Indian Ocean
b. Pacific Ocean
c. Ural Mountain
d. Indu-Gangetic Plain
3. Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang 1. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga/Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o
pisikal sa mga rehiyon ng Asya katulad ng grasslands. Tinatayang ang sangkapat (1/4) ng kalupaan sa mundo ay ganito ang uri. Alin sa mga uri ng grasslands
kinaroroonan, hugis, sukat,klima at “vegetation ang may damuhang mataas at malalalim ang ugat na nasa ilang bahagi ng Russia at Manchuria? (Remembering)
cover” (tundra, taiga, grasslands, dessert, tropical a. Prairie
forest, mountain lands) b. Savanna
c. Steppe
d. Tundra

2. Ang pagsasalungat ng Hanging Amihan at Hanging Habagat ay nakabubuo ng Inter tropical Convergence Zone. Ito
rin ang malaking salik na halos lahat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ay naging agrikultural dahil sa
phenomenon na ito. Ano ang tawag dito: (Remembering)
a. Monsoon
b. Tsunami
c. La Niña
d. Cyclone

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
(Understanding)
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang lupain ay maaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng ibat-ibang uri ng anyong lupa, tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas,
desyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
d. Ang ibat-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng isang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay
ng mga Asyano.

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa katangiang pisikal ng kontinente ng Asya? (Remebering)
a. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Silangang Asya.
b. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa Asya.
c. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ng Asya ay pare-pareho .
d. Ang mga ilog sa Asya tulad ng Tigris at Euphrates ay pinag-usbungan ng kauna-unahang kabihasnan.
5. Ang uri ng kapaligirang pisikal ng isang lugar ay epekto ng uri ng klima nito. Ang mga sumusunod ay mga salik na
nakaaapekto sa klima ng isang lugar, MALIBAN sa isa: (Analyzing)
a. Lokasyon
b. Temperature
c. Topograpiya
d. Distansya sa mga anyong tubig

4. Napaghahambing ang kalagayan ng kapaligiran sa 1. Aling suliraning pangkapaligiran ang tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang
iba-ibang bahagi ng Asya. tuyo na kung lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o productivity nito?
(Remembering)
a. Siltation
b. Salinization
c. Alkalinization
d. Desertification

2. Saan maiuugnay ang pagkawala ng maraming uri ng mga hayop, insekto, puno at halaman sa rehiyon ng Asya?
(Analyzing)
a. Pagbabago ng klima at panahon
b. Pagkaubos ng mga likas na yaman
c. Pagkamatay dahil sa mga kalamidad
d. Kawalan ng pagpapahalaga ng tao sa buhay at ekolohiya

3. Ang Asya ay binubuo ng iba’t ibang anyong lupa tulad ng kabundukan. Kung ang Himalayas ay matatagpuan sa
Timog Asya ano naman ang sa Hilagang Asya? (Remembering)
a. Hindu Kush
b. Ural Mountains
c. Tien Shan
d. Pamir

4. Alin dito ang hangganan ng Asya sa Kanluran? (Remembering)


a. Bering Strait, Pacific Ocean, Japan, Taiwan, Pilipinas
b. Hilagang Asya, Timor Sea, Indian Ocean, Arabian Sea
c. Ural Mountains, Aral Sea, Hilagang Siberia, Russia, Bering Strait
d. Arabian Sea, Red Sea, Mediterranean Sea, Aegean Sea, Caucasus Mt., Caspian Sea

5. Ang Asya ay biniyayaan ng malalawak at matatabang lupain. Alin ang nagpapatunay na ang pagpapastol ang
pangunahing kabuhayan sa Mongolia? (Evaluating )
a. Malawak na kapatagan sa Mongolia
b. Dahil sa matalampas at maburol na lugar
c. Dahil sa malawak na desyerto dito.
d. Dahil sa magandang klima nito.
5. Nakakagawa ng pangkalahatang profile ng 1. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay nahahati sa limang rehiyon na binubuo ng
heograpiya ng Asya ______________________________________________. (Remembering)
a. Hilaga, Kanluran, Silangan, Timog at Timog- Kanluran
b. Hilaga, Kanluran, Silangan, Timog at Timog- Silangan
c. Hilagang-Silangan, Kanluran, Silangan, Timog at Timog- Kanluran
d. Hilagang-Kanluran, Silangan, Timog- Silangan, Timog at Timog- Kanluran

2. Paano matutukoy ang lokasyon at kinaroroonan ng isang kontinente o ng isang lugar? (Evaluating)
a. Sa paraan ng pagsuri ng kabuuang sukat nito.
b. Sa paraan ng pagtukoy ng latitude at longitude nito.
c. Sa paraan ng pag-alam ng mga bansang sakop nito.
d. Sa paraan ng pag-alam ng ibat-ibang klima at topograpiya nito.

3. Ang Asya ay biniyayaan ng ibat-ibang anyong lupa at anyong tubig na siyang ating napakikinabangan. Ang mga
sumusunod ay nagsasaad nito MALIBAN sa isa: (Analyzing)
a. Ang anyong tubig ay likas na depensa sa mga sigalot at sigwa.
b. Ang anyong lupa ang pinakapangunahing lugar na pinaninirahan ng tao.
c. Ang anyong lupa ay nagsisilbing tanggulan, harang at depensa ng isang lugar.
d. Ang anyong tubig ay nagsisilbing rutang pangkalakalan at siyang pinagkukunang yaman.

4. Ang Asya ay halos 1/3 ng kabuuang lupain ng daigdig kaya hinati ito sa limang rehiyon. Ang paghahati ay binatay sa
katangiang pisikal, kultural at ________________ na katangian ng lugar.
a. Wika
b. Klima
c. Sosyal
d. Historikal

5. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Timog Asya? (Remembering)


a. Mongolia at Uzbekistan
b. Lebanon at Jordan
c. Afghanistan at Pakistan
d. Myanmar at Thailand
B. Mga Likas Na Yaman Ng Asya
6. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya; 1. Ang Asya ay nagtataglay ng ibat-ibang yamang likas tulad ng yamang lupa, yamang tubig, yamang gubat at iba pa.
Ano ang nararapat gawin upang pagyamanin ang mga likas na yamang ito. (Application)
a. Sumunod sa gusto ng iba.
b. Gamitin ng walang pakundangan.
c. Gumawa ng poster tungkol sa kalikasan.
d. Susunod sa mga programa ng pamahalaan tungkol sa kalikasan.

2. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit dapat nating pangalagaan ang ating pinagkukunang yaman
MALIBAN sa isa: (Analyzing)
a. Para maiwasan ang pinsala ng sakuna
b. Para mapigilan ang pagdami ng tao sa mundo
c. Para mapangalagaan ang ating sistemang ekolohikal
d. Para mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

3. Mayaman ang Asya sa ibat-ibang anyong tubig tulad ng karagatan, lawa at mga ilog na lubhang napakahalaga sa
pamumuhay ng tao. Ang mga ilog Tigres at Euphrates sa Iraq, Indus sa India, at Huang-ho sa China ay ilan lamang sa
mga ilog na may malaking bahagi sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang ginampanan nito? (Understanding)
a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig
b. Maraming mahalagang panngyayayri sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito
c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at sa pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing na may
naganap na pagbaha
d. Ang mga ilog na ito ay nagsilbing daanan ng mga barko paluob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa
kalakalan

4. Ang pagpapanatili ng tao sa maayos na paggamit ng likas na ayaman ay nakatutulong upang mapanatiling balance
ang kalagayang ekolohikal ng bansa. Ano ang kahalagahan ng ganitong hakbangin? (Evaluating)
a. Mapalakas nito ang torismo ng bansa
b. Napangangalagaan nito ang kapaligiran ng bansa
c. Nakatutuklas ng mga bagong species ng hayop sa bansa
d. Napananatili nito ang mataas na antas ng kabuhayan ng bansa

5. Pinakamayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa kanlurang Asya. Ano ang pangunahing yamanag mineral ng
rehiyong ito? (Remembering)
a. Ginto at tansa
b. Phosphate rock
c. Tingga at bakal
d. Langis at petrolyo
7. Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang 1. Karamihan sa mga bansang Asyano ay Agrikultural na bansa. Anong konklusyon ang iyong mabubuo kaugnay
pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa nito?(Understanding)
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa A. Maliit na bahagi ng lupain
larangan ng (1) agrikultura, (2) ekonomiya, (3) B. Karamihan sa mga Asyano ay minero
pananahanan, (4) kultura C. Industriya ang pangunahing hanapbuhay ng mga Asyano
D. Ang mga Asyano ay mga magsasaka

2. Ang kakulangan natin sa kaalamang teknikal ang nagpapanatili sa atin upang maging mahina ang ating ekonomiya sa
kabila ng maraming likas na yaman. Ano ang nais ipahiwatig nito? (Analyzing)
A. Ang mahinang ekonomiya ay resulta ng malaking populasyon
B. Nakatutulong ang kaalamang teknikal upang lalong mapakinabangan ang likas na yaman
C. Nakahihigit ang pakinabang mula sa kaalamang teknikal kaysa anumang likas na yaman
D. Nakasalalay sa mga tao ang pag-unlad ng ekonomiya

3.Ang pagkakaroon ng Asya ng iba’t-ibang kapaligirang pisikal ay may malaking implikasyo sa pamumuhay ng mga tao. Aling
sa mga sumusunod ang HIGIT na pinipili ng tao upang tirahan? (Application)
A. Malapit sa kanilang kabuhayan C. Malapit sa bayan
B. Mataong lugar D. Madali ang transportasyon

4.Kung iba-iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahulugang pinakamalaking hamon sa rehiyon ang
______________________. (Analyzing)
A. Ideolohiyong Politikal C. Modernisasyon
B. Pagkakilanlan D. Pagkakaisa

5.Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “ Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi”? (Analyzing)
A. Ang wika ay may iba- ibang layunin
B. Iba-iba ang wika ng iba’t-ibang tao
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi

8. Naipapahayag ang kahalaganah ng pangngalaga sa 1. Ang polusyon sa tubig ay nagdudulot ng di-timbang sa kalagayang ekolohikal. Halimbawa nito ay ang minetailing.
timbang ng kalagayang ekolohiko ng rehiyon. Alin ang naglalarawan sa gawaing ito? (Understanding)
A. Pagtatapon ng langis mula sa malalaking oil tanker
B. Paggamit ng mga pesticides sa mga pananim
C. Pagdaami ng banlik o sili ssa ilalim na bahagi ng ilog
D. Pagtaas ng dumi o latak mula sa malalaking minahan

2. Alin sa mga gawain ang nakakatulong upang mapanatili ang balanseng kalagayan ng ating kapaligiran? (Analyzing)
A. Pagbigay ng mga programa pangkabuhayan sa mga pook rural
B. Iwasan ang paggamit ng mga aparato at makinang gumagawa ng matinding ingay
C. Suportahan ang patakarang selektibong pagtotroso sa mga kagubatan
D. Paggamit ng mga pataba mula sa dumi ng hayop sa halip na commercial fertilizer

3. Napakahalaga na mapangalagaan ang ating ecological balance upang mapanatuli ang buhay ng iba’t- ibang uri ng
hayop at halaman. Dahil sa kapabayaan ng mga tao, maaraming uri ng hayop at halaman ang nasa proseso ng
extinction. Ano ang maaaring maging kahinatnan ng kapabayaang ito? (Application)
A. Lalago ang uri nila C. Magiging endangered species sila
B. Malaya sila makapagparami D. May mangyayaring mutation sa lahi nila

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng Bio-diversity? (Analyzing)
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
C. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
D. Introduksyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon

5. Alin ang sanhi ng pagkakaroon ng suliraning pangkapaligiran at ekolohikal sa Asya? (Analyzing)


A. Patuloy na lumalaking populasyon sa Asya
B. Pag-iiba-iba ng klima sa mga lugar na sakop nito
C. Pag-init ng tubig ng karagatang Pasipiko na malapit sa Asya
D. Pananalasa ng malalakas na bagyo at pagkakaroon ng lindol sa mga lugar na sakop nito
C. Yamang Tao
1. Yamang Tao at Kaunlaran
2. Mga Pangkat Etniko sa Asya at Kani-kanilang
Wika at Kultura
9. Napapahalagahan ang Yamang Tao ng Asya 1. Ang mga yamang tao ng bansa ay may mahalagang bahaging ginagampanan para sa pambansang kaunlaran. Aling
palagay ang HINDI nagpapatunay nito?
A. Nananaliksik ang mga tao ng makabagong agham
B. Nililinang ng tao ang mga makabagong teknolohiya
C. Ang tao ay nangangalaga ng likas ng yaman ng bansa
D. Pinababayaan ng tao maubos ang likas na yaman ng bansa

2. Alin sa mga sumusunod ang tunay na kahalagahan ng yamang tao sa pagpapaunlad ng isang bansa?
A. Sila ay gumagamit ng kaalaman sa pagyayari ng mga produkto para mapakinabangan ng bansa
B. Sila ay nakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng ibang bansa upang makipagkalakalan
C. Sila ay naglalantad ng katiwalian sa pamahalaan
D. Sila ay nangunguna sa pamamahala at pagpapatakbo ng bansa

3. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng yamang tao sa kaunlaran ng bansa?


A. Sila ay lumilinang ng mga likas na yaman
B. Sila ay nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang bansa
C. Sila ay umaasa sa pamahalaan para matugunan ang kanilang pangangailangan
D. Sila ay humihingi ng payo sa pamahalaann kapag may suliraning panloob

4. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang yaman ng bansa na siyang bumubuo ng lakas paggawa?
A. Yamang gubat C. Yamang tao
B. Yamang mineral D. Yamang tubig

5. Bakit mahalaga ang yamang tao sa bansa?


A. Sila ay bumubuo ng lipunan at estado
B. Sila ay tagapangalaga sa likas na yaman
C. Sila ay nagtutustos ng paglilingkod na kailangan ng bansa
D. Sila ay gumaganap sa lahat ng nabanggit
10. Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga 1. Ano ang mangyayari sa populasyon ng isang lugar kung higit na marami ang namamatay kaysa sa isinilang?
bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at A. Bababa ang lakas paggawa
lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa: (1) dami B. Sobra-sobra ang pagkain
ng tao,(2) komposisyon ayon sa gulang, (3) C. Bubuti ang serbisyong panlipunan
inaasahang haba ng buhay, (4) kasarian, (5) bilis ng D. Tatanda ang populasyon
paglaki ng populasyon, (6) uri ng hanapbuhay (7)
bilang ng may hanapbuhay, (8) kita ng bawat tao, 2. Ang bansang China ay may pinakamalaking populasyon sa buong mundo at pumapangalawa ang bansang India. Alin
(9) bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, at ang HINDI nagiging kahihinatnan ng mga nasabing bansa kung patuloy sa paglaki ang kanilang populasyon?
(10) migrasyon A. Dadami ang lakas-paggawa sa mga pabrika at pagawaan
B. Hihina ang serbisyong medikal at panlipunan
C. Madaling maubos ang mga yamang likas
D. Walang sapat na espasyo upang tirahan ang mga tao

3. Ang malalaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti-unti nang lumiliit. Bumababa ang bahagdan ng
bilis ng paglaki ng populasyon sa ilang bansa sa Asya gaya ng Japan at Sri Lanka. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang Kanluranin
B. Tumaas ang katayuan ng kababaihan sa lipunan
C. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan kaya ipinagpapaliban ang pagkaroon ng anak
D. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay.

4. Maraming Asyano ang nangingibang bansa. Alin ang karaniwang dahilan ng kanilang pandarayuhan?
A. Kaguluhan sa lugar na pinanggalingan
B. Para maging bagong bayani
C. Pagkakataon na maging maginhawa sa buhay
D. Para makapagliwaliw sa ibanag bansa

5. Ang literacy ay tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat. Ang Japan at South Korea
ay nangunguna sa tala ng mga bansang may mataas na literacy rate sa Silangang Asya. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Kapag mataas ang literacy rate ng isang bansa ay mabilis din ang pagsulong ng kaunlaran.
B. Ang mababang literacy rate ay resulta ng kakulangan sa hanapbuhay.
C. Kapag mataas ang populasyon isang bansa, mataas din ang literacy rate.
D. Matatalino ang ga tao sa Silangang Asya kaya mataas ang kanilang literacy rate.
11. Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga 1. Ang pangkat Etnolingguwistiko ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkaparehong wika,
rehiyon sa Asya. kultura at etnisidad. Alin sa mga sumusunod na pangkat etnolingguwistiko ang matatagpuan sa Timog Asya?
A. Arabs B. Balinese C. Ngalops D. Tajik

2. Ang mga pangkat etniko ay maaari ring kilalanin batay sa kanilang panirahan sa matataas na lugar o kabundukan.
Ang mga sumusunod na pangkat etniko ang maituturing na uplander MALIBAN
sa________________________________.
A. Dumagat sa Pilipinas C. Kinh sa Vietnam
B. Hmong sa Thailand D. Mangyan sa Pilipinas

3. Ano ang dalawang batayan sa pagkakahati ng grupong Etnolingguwistiko?


A. Etnisidad at wika B. Etnisidad at pamahalaan C. Relihiyon at lahi D. Wika at kaugalian
4. Ano ang tinutukoy sa grupong Etnolingguwistiko?
A. Pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura
B. Pagkakapareho ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura
C. Pagkakapareho at pagkakaiba ng mg atao sa isang bansa ayon sa wika
D. Pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura
5.Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t-ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan nito. Ano ang tawag sa
pagpapangkat na ito?
A. Etniko B. Nomad C. Katutubo D. Etnolingguwistiko

12. Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa 1. Ang wika ay isang batayaan ng pangkat etnolingguwistiko sa Asya. Alin ang HINDI totoo sa kahalagahan ng wika sa
paghubog ng kultura ng mga Asyano. pagpapapangkat ng tao sa Asya?
A. Nagbubuklod sa mga tao upang manatiling nagkakaisa
B. Nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat
C. Pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan
D. Batayan ng pagkakaiba ng kultura ng mga Asyano

2. Bakit itinaguyod ng bawat bansa sa Asya ang kani-kanilang wika?


A. Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi
B. Magkaroon lamang ng iisang wika ang buong Asya
C. Ang wika ang siyang susi sa pag-unlad ng isang bansa
D. Maibalik ang mga wikang nawala ayon sa kasaysayan ng Asya
3. Maliban sa Etnisidad at Kultura, ano ang isa pang batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya?
A. Populasyon B. Wika C. Likas na Yaman D. Klima

4. Anong kategorya ng wika ang Cham at Khmer?


A. Tonal B. Etnolingguwistiko C. Kolokyal D. Stress o Non- Tonal

5. Si Cardo Dalisay ay isang Pilipino. Nakatira siya sa Pilipinas, ang kaniyang wika ay Filipino. Si Muhamad Al-Naimi ay
isang Arabo, nakatira siya sa Saudi Arabia. Ang kaniyang wika ay __________________.
A. English B. French C. Arabic D. Thai

You might also like