You are on page 1of 1

Science III

Date: July 21, 2016 Teacher: Jeffrey L. Millena


Malaysia- 9:50-10:40, Egypt 10:40-11:30
China 11:30-12:20, Thailand 12:20- 1:10

Quarter I- Matter
Learning Competencies: Describe ways on the proper use and handling of solid, liquid and gas found at
home in school

I. Mga Layunin:
1. Ilarawan ang mga solid, liquid, at gas na natatagpuan sa bahay
2. Ibukod ang mga solid, liquid, at gas na natatagpuan sa bahay ayon sa gamit
3. Ipaliwanag ang wasto at responsableng paggamit ng mga solid, liquid, at bahay

II. A. Mga kakailanganing gamit


Mga may kulay na pira-piraso ng papel para sa gawain na Everyday Routines
B. Processes: paglarawan, pagbubukod/pag-uuri, pagsusuri
C. Values Integration: Wasto at responsableng paggamit ng mga solid, liquid, at bahay
D. References:
Science III Teachers Guide
Science III Learners Material, pages 19-20

III. Pamamaraan:
A. Engagement
Review ng nakaraang aralin: Mga karaniwang solid, liquid, at gas sa bahay.
1. G: Ano ang mga nailista ninyong solid, liquid, at gas?
2. Bawat grupo ay magbibigay ng sagot, isang miyembro kada grupo.
3. Isusulat ng guro ang mga maibibigay na sagot sa pisara.

B. Exploration
G: Ano ang ginagawa natin sa mga gamit na ito? Kung kukunin ni Mayor ang mga gamit na ito sa bahay nyo,
okay lang ba? A: Hindi po okay, kasi ginagamit at kailangan po namin yan.
Gawain: Everyday Routines
Ang lalagyan A ay naglalaman ng mga iba-ibang gawain sa araw-araw na nakasulat sa mga piraso ng papel.
Ang lalagyan B ay naglalaman ng mga gamit sa bahay para sa mga nasabing gawain. Bubunot ang
estudyante sa unang lalagyan at babasahin sa klase, saka bubunot sa pangalawa at babasahin din.

A B A B
Maliligo* Sabon Iinom^ Orange Juice
Magsisipilyo* Toothpaste Maglilinis ng sahig + Floor Wax
Maglilinis ng buhok* Shampoo Maghuhugas ng Pinggan+ Dishwashing liquid
Magpiprito^ Mantika Papatay ng insekto+ Insecticide

*Pangangalaga sa sarili ^pagluluto/pagkain +paglilinis

C. Explanation
Sa tuwing makakabunot ang estudyante ng maling kombinasyon (pagsesepilyo at dishwashing liquid),
ipaliwanag ang epekto ng hindi wastong paggamit ng mga gamit.
D. Elaboration
Ipapaliwanag sa mga estudyante ang kahalagahan ng wasto at responsableng paggamit.
- Epektibo at mabilis na paggawa ng mga gawain
- Kaligtasan ng mga miyembro sa bahay
- Pagtitipid o iwas-gastos
E. Evaluation
Maglista ng isang solid at isang liquid na ginagamit sa
Pagluluto/Pagkain Pangangalaga sa Sarili Paglilinis

IV. Assignment:
Magdala ng lalagyan ng isa sa mga sumusunod:
Bleach
Disinfectant
Pesticide/Insecticide
Toilet Freshener
Katol

You might also like