You are on page 1of 3

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region IV-A CALABARZON


Division of Rizal
TAGUMPAY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Jose, Rodriguez, Rizal
SECOND PERIODICAL EXAM IN A.P-10
Name: ______________________ Score: ___________
Section: ____________ Date: ____________
Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isaulat ang titik ng tamang sagot
bago ang mga bilang.
1. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa,
maging ito man ay pansamantala o permanente.
A. OFW B. Migrasyon C. Economic Migrant D. Refugee Migrant
2. Tumutukoy ito sa paglipat ng isang tao o pamilya mula sa isang bayan,lalawigan, o rehiyon patungo sa
ibang bahagi ng bansa.
A. Panlabas na Migrasyon B. Panloob na Migrasyon C. Irregular Migrant D. Permanent Migrant
3. Ito ay isang uri ng migrasyon kung saan ang isang pamilya ay pumupunta sa ibang bansa upang doon
manirahan.
A. Panlabas na Migrasyon B. Panloob na Migrasyon C. Irregular Migrant D. Permanent Migrant
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga dahilan ng pagkakaroon ng migrasyon?
A. Edukasyon B. Paghihikayat ng pamilya C. Hanap buhay D. pamamasyal
5. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon
na kadalasan ay kada taon.
A. Stock B. Flow C. emigration D. Net Migration
6. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang hindi ginagamit sa mga taong lumalabas ng bansa.
A. Emigration B. Departures C. outflows. D. Inflow
7. Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok na tao sa bansa ay makukuha natin ang ano?
A. Inflow B. Outflow C. Net Migration D. Total Migration
8. Ito ay tumutukoy sa bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
A. Flow B. Migrants C. Stock D. Outflow
9. Sa huling pag-aaral ukol sa pandarayuhan, sa anong kontenente ang may pinakamaraming lumabas ng
kanilang bansa? A. Africa B. Asia C. Europe D. North America
10. Batay sa pag-aaral, anong bansa ang nangunguna sa pinakapinupuntahan ng mga Pilipino?
A. Hongkong B. Saudi C. USA D. Canada
11. Ano-anong pangkat ng manggagawa ang madalas na nangingibang-bansa upang humanap ng trabaho?
A. Seabased workers B. Landbased Workers C. Newly hires D. Re hires
12. Ito ay tumutukoy sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit
para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
A. Irregular Migrant B. Regular Migrant C. Permanent Migrant D. Temporary Migrant
13. Ito ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles
upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.
A. Irregular Migrant B. Regular Migrant C. Temporary Migrant D. Permanent Migrant
14. Tumutukoy sa mga OFW na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang
permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship.
A. Temporary Migrant B. Regular Migrant C. Permanent Migrant D. Irregular Migrant
15. Ito ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
A. Migration Transition B. Refugees migration C. Economic Migration D. Tourist Destination
16. Ito ay ang katawagan sa pagkakaroon ng alitan ng mga magkakaratig na bansa o estado ukol sa kani-
kanilang mga teritoryo.
A. Territorial Conflicts B. Maritime Dispute C. Line Demarcation D. Sea and Aerial Boundaries
17. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga sanhi ng territorial and border conflicts?
A. Natural Resources B. Religious Indifferences C. Ethnic Indifferences D. Cultural Indifferences
18. Alin sa mga sumusunod ang magiging epekto ng territorial and border conflicts?
A. Pagsisimula ng digmaan B. Migrasyon C. Trade Embargo D. Lahat ng nabangit
19. Ito ay isang internasyonalna kasunduan na dito ay nakasaad ang karapatan at responsibilidad ng mga
bansa at estado sa kani-kanilang teritoryo batay sa mga karagatan na nakapaligidsa kanila.
A. ASEAN B. UNCLOS C. WTO D. SEAFDEC
20. Ito ay isang sea zone na pinanukalang United Nations na ang isang estado ay may espesyal na karapatan
na gamitin ang mga likas na yaman nito at magsagawang eksplorasyon, ito ay my sukat na 200NM mula
dalampasigan ng isang bansa.
A. Teritorial sea B. Contagious Zone C. Exclusive Economic Zone D. Continental shelf
21. Ito ay isang underwater landmass na nagpatuloy mula sa dulo ng isang kontinente, ito ay may sukat na
hindi lalagpas ng 350NM.
A. Teritorial sea B. Contagious Zone C. Exclusive Economic Zone D. Continental shelf
22. Ang bawat estado ay may karapatan na angkininang kanilang territorial sea na hindi lalagpas
ng____________ na sang-ayon sa sukat mula sa baseline.
A. 12 NM B. 16 NM C. 200 NM D. 350 NM
23. Alin sa mga bansa ang hindi kasama sa mga umaangkin sa Spratly island at Scarborough Shoal?
A. Taiwan B. Malaysia C. Vietnam D. Indonesia
24. Ito ay pinaniniwalaan na dating bahagi ng sultanato ng Zulu na bahagi ng ating bansa ngunit nawala
saatin bunga ng pagaagawan sa teretoryo. Sakasalukuyan ito ay pag-aari na ng Malaysia, ano ito?
A. Sipadan Island B. Sabah C. Recto Bank D. Benham Rise
25. May karapatan ba ang China sa west Philippine sea, kagaya ng pagpapatayo nila ng artificial island at iba
pang mga straktura?
A. Meron dahil ito ay pasok sa kanilang mapa na mas kilala bilang nine-dash line.
B. Meron dahil sa kasalukuyan ay patuloy nila itong ginagawa at walang nakapipigil sa kanila.
C. Wala dahil ang Pilipinas ang tuwirang may karapatan na naaayon sa batas at pasok ito sa ating EEZ.
D. Wala dahil ito ay isang common area na pwedeng pangisdaan ng kahit na sinong bansa.
26. Ito ay tumutukoy sa pamilya ng mga politico na namamahala sa isang lugar at naipapasa sa kanilang
pamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan.
A. Political Dynasty B. Political Party C. Organisasyong political D. Partisan group
27. Kailan pinaniniwalang nagumpisa ang dinastiyang political sa bansa?
A. Sa panahon bago dumating ang mga mananakop B. sa panahon ng mga espanyol
B. C. Sa panahon ng mga Americano D. sa panahon ng mga hapones
28. batay sa pag-aaral, ilang porsyento sa kabuuang probinsya ng Pilipinas ang may political dynasty?
A. 74% B. 84% C. 94% D. 97%
29. Anong bahagi ng pamahalaan ang pinangungunahan ng pangulo at layunin nito ang pagpapatupad ng
batas. A. Judicial branch B. Legislative branch C. Executive branch D. house of representative
30. ito ay bahagi ng pamahalaan na ang pangunahing layunin ay gumawa ng batas.
A. Judicial branch B. Legislative branch C. Executive branch D. house of representative
31. Ito ay bahagi ng pamahalaan na ang pangunahing layunin ay bigyang interpretasyon ang batas.
A. Judicial branch B. Legislative branch C. Executive branch D. house of representative
32. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng political dynasty sa pamahalaan?
A. Napapahina nito ang sistema ng checks and balances
B. Nagdudulot ito ng pag-abuso sa kapangyarihan
C. Hindi ito kumakatawan sa interes ng karaniwang mamamayan
D. Lahat ng nabangit
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng mga kasapi sa political dynasty?
A. Mayaman at tanyag B. kahusayan C. May sapat na edukasyon D. Makabayan
34. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong pangunahing dahilan kung bakit nanatili ang Political
Dynasty. A. Kakulangan sa mapanuring pag-iisip. B. Patronage Politics
C. Limitadong pagkakataong makakalap ng impormasyon. D. Marami ang walang pakialam
35. Ano ang dapat gawin upang malutas ang suliranin ng political dynasties?
A. Dapat isulong ang edukasyon upang magkaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpili ng mga kandidato sa
halalan. B. Magkaroon ng paninindigan sa pagboto
C. Maging mulat sa mga nangyayari sa pamahalaan
D. Piliin ang mga kandidatong may busilak na puso at matulungin sa mamamayan lalo na sa panahon ng
kampanya.
36. Ito ay isang maling gawi o kasanayang kinasasangkutan ng opisyal ng isang institusyon, gawain nito ang
pang-aabuso sa hawak na posisyon upang magkaroon ng pakinabang.
A. Corruption B. Graft C. Bribery D. Embezzlement
37. Ito ay pagnanakaw ng pera ng isang taong pinagkatiwalaan nito, karaniwang ito ay ginagawa sa
pamamagitan ng maling paggamit (misappropriation) ng pondo ng pamahalaan.
A. Bribery B. Embezzlement C. Fraud D. Extortion
38. Ito ay ang pag-aalok, pagbibigay, pagtanggap, o paghingi ng ano mang bagay na may halaga upang
impluwensiyahan ang mga aksiyon ng isang opisyal o empleyado ng pamahalaan.
A. Corruption B. Graft C. Bribery D. Embezzlement
39. Ito ay isang anyo ng political na korapsiyon kung saan ang opisyal ng pamahalaan ay nagkakamal ng
pinansiyal na pakinabang sa hindi tapat o hindi legal na paraan
A. Corruption B. Graft C. Bribery D. Embezzlement
40. Ito ay tumutukoy sa pandaraya o panlilinlang (deception) sa layuning makalamang o makakuha ng salapi o
iba pang benepisyo. A. Bribery B. Embezzlement C. Fraud D. Extortion
41. Isang illegal na paggamit ng kapangyarihan. Ito ay tumutukoy sa panghuhuthot, panghihingi, o sapilitang
pagkuha ng salapi. A. Bribery B. Embezzlement C. Fraud D. Extortion
42. ito ay tumutukoy sa illegal at sadyang pagiwas sa pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng pag gawa ng
maling ulat tungkol sa halaga ng iyong tunay na sahod o kabuuang kita para hindi patawan ng malaking
buwis.A. Tax Exemption B. Tax incentives C. Tax Evasion D. Tax Falsification
43. ito ay tumutukoy sa kurapsyon sa pinakamataas na antas ng pamahalaan, nagagawang baliktarin ang
polisiya o Gawain ng estado upang makinabang ang nasa posisyon.
A. Petty Corruption B. Grand Corruption C. Systematic Corruption D. Influence Peddling
44. ito ay tumutukoy sa maliit na pabor at halaga ng mga kinauukulan mula sa mamamayan na kadalasang
gumagamit ng serbisyong pangpamahalaan.
A. Petty Corruption B. Grand Corruption C. Systematic Corruption D. Influence Peddling
45. tumutukoy ito sa kategorya ng corruption na halos lahat ng grupo ang kasabwat.
A. Petty Corruption B. Grand Corruption C. Systematic Corruption D. Influence Peddling
46. Ito ang tawag sa pagtanggap ng suhol ng mga opisyal o pagbenta ng impluwensya.
A. Petty Corruption B. Grand Corruption C. Systematic Corruption D. Influence Peddling
47. Ito ay tumutukoy sa pagtanggap ng politiko ng isang proyekto na pinondohan ng pamahalaan ngunit
kukuha sya ng kontraktor ng mas mababa para sa kick back.
A. Ghost project and Ghost payroll C. Contract
B. Passing of Contracts D. Nepotismo-Favoritism
48. Ito ay nangyayari kapag may kalapit na kamag-anak na maaaring magkaroon ng posisyon o proyekto sa
pamahalaan.
A. Ghost project and Ghost payroll C. Contract
B. Passing of Contracts D. Nepotismo-Favoritism
49. ito ay tumutukoy sa labis labis na mga regulasyon, mga dokumentong dapat isulat, at mga alituntunin na
dapat sundin na nagiging sagabal bago makakuha ng desisyon o aksyon.
A. Red Tape B. Bureaucracy C. regulation extension D. Regulation overload
50. Tumutukoy ito sa batas na naglalayong mawala ang graft and corruption sa bansa.
A. R.A 9485 B. R.A 8495 C. R.A 7495 D. R.A 8485

You might also like