You are on page 1of 3

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10 ( Weeks 5-6 )

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pag-alis o paglipat ng tao o pangkat ng tao sa isang bansa dala ng iba’t ibang salik
pulitikal, panlipunan at pangkabuhayan.
a. Brain drain b. Impeachment c. Migration d. Territorial dispute
2. Ang uri ng migrasyon kung saan pangmatagalan ang plano na manatili sa panibagong lugar.
a. Permanent Migration c. Seasonal Migration
b. Temporary Migration d. Return Migration
3. Ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa milyomn-milyong migrante ang walang
kaukulang papeles taon- taon. Maaaring mag resulta ito sa hindi magandang pangyayari katulad ng
sumusunod malban sa isa.
a. Mahaharap sa panganib na mga paglalakbay.
b. Pang-aabuso ng mga illegal na recruiter.
c. Paghihirap sa kondisyon ng pamumuhay at kawalan ng suporta sa pagtapak sa ibang bansa.
d. Ang ama at matututong mangalaga sa mga anak o ang mga nakatatandang miyembro ng pamilya.
4. Sanhi ng mograsyon na nagpapahayag ng paghahanap ng mas magandang pagkakataon upang
mapaunlad ang kabuhayn ng mga tao.
a. Economic Migrants c. Social Migrants
b. Political Migrants d, Environmental Migrants
5. Ito ang paggalaw ng tao sa loob ng sariling teritoryo o lugar.
a. Temporary Migration c. Internal Migration
b. External Migration d. Permanent Migration
6. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maituturing na “Halik na Humihila” sa aspeto ng Migrasyon?
a. Laganap ang krimen sa lungsod na tinitirahan ng isang pamilya kaya nagpasya sila na lumipat sa
ibang lungsod.
b. Maaaring maglipat-pook kung walang oportunidad na makapaghanap-buhay ang isang tao sa
kaniyang tinitirahang pamayanan.
c. Maaaring dahil sa madalas tamaan ng bagyo ang isang lugar kaya’t nagpasiya ang isang pamilya
na lumipat sa ibang lalawigan.
d. Payapa at tahimik sa lalawigan kaya doon lumipat ng tirahan ang isang pamilya.
7. Ito ang tawag sa negatibong salik na nagtutulak sa mga mamamayan na umalis sa dating tinitirahan.
a. Emigrants b. Immigrants c. Push Factor d. Pull Factor
8. Sa sitwasyon ng Pilipinas na maraming Pilipino ang nagkakaroon ng magandang trabaho na may
malaking sahod sa labas ng bansa ay maaari ring magdulot ng tiyak na suliranin sa bansa. Ito ay ang
isyung _________.
a. Debts o pagkalubog sa utang
b. Overpopulation o pagdami ng populasyon
c. Poverty o kahirapan
d. Unemployment o kawalan ng trabaho
9. Ito ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles
upang magtrabaho at manirahan ng may takdang panahon.
a. Permanent Migrants c. Regular Migrants
b. Irregular Migrants d. Temporary Migrants
10. Ito ang paggalaw ng tao patungo sa panibagong lugar na labas sa kanyang teritoryo.
a. External Migration c. Temporary Migration
b. Permanent Migration d. Internal Migration
11. Tumataas ang bilang ng mga bansang nakakaranas ng migrasyon. Ang mga sumusunod ay dahilan ng
pag-alis o paglipat ng isang tao maliban sa isa.
a. Hanap-buhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang
pamumuhay.
b. Paghahanap ng kasiyahan sa buhay.
c. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.
d. Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado,
12. Ito ang tawag sa mga overseas Filipino na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang
trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip nito angb
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
a. Irregular Migrants c. Regular Migrants
b. Permanent Migrants d. Temporary MIgrants
13. Ito ay isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay maaaring magsama-sama ng payapa at
pantay-pantay sa isang lugar o bansa.
a. Brain Drain c. Integration
b. Multiculturalism d. Economic Migrants
14. Ito ang tawag sa positibong salik dahil ito ang mga dahilan na humihila sa mga mamamayan na
lumipat.
a. Emigrants c. Push Factor
b. Immigrants d. Pull Factor
15. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa
pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon. Ito ay maituturing na bahagi ng isyung
a. Ekonomikal b. Kultural c. Political d. Sosyal
16. Ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit
para magtrabaho at sinasabing overstaying sa abansang pinuntahan.
a. Permanent Migrants c. Temporary Migrants
b. Irregular Migrants d. Regular Migrants
17. Ang resulta ng migrasyon ay naipapakita sa aspektong panlipuan, pampulitika at pangkabuhayan
maliban sa isa.
a. Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon
b. Ang pagkakaroon ng krisis sa ekonomiya ng bansa
c. Ang pagtaas ng buwis na ipinapataw sa mamamayan para sa imprastruktura
d. Ang pagkakaroon ng isang angkan na namumuno sa pamahalaan.
18. Isa ito sa epekto ng migrasyon na kung matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t
ibang larangan ay mas pinili nilang mangibang-bansa dahil sa mas magandang oportunidad na
naghihintay sa kanila.
a. Brain Drain c. Pag-unlad ng Ekonomiya
b. Integration at Multiculturalism d. Pagbabago ng Populasyon
19. Ang naitatalang 3.8 milyong Overseas Filipino Workers (OFW’s) na nagtatrabaho sa mga bansang
tulad ng Saudi Arabia, Kuwait, Hongkong, at iba pa ay patuloy pa ring tumataas kahit ang iba ay
sangkot sa mga walang legal na papeles. Ang sitwasyon na ito ay maiuugnay sa isyung _______
a. Graft and Corruption c. Migration
b. Political dynasty d. Territorial Dispute and Border Conflicts
20. Bahagi rin ng migrante sa buong mundo ay mga refugees na lumikas sa kanilang sariling bayan. Ang
nagging sanhi nito ay ang sumusunod maliban sa ___________.
a. Umiwas sa labanan
b. Malayo sa prosekusyon o karahasan
c. Matuguanan ang gutom na snahi ng mga kalamidad
d. Magkaroon ng magandang trabaho at mataas na sahod
21. Ito nag dahilan na may malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa na tinatawag na
Economic Migrants.
a. Paghahanap ng mas magandang pahkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan
b. Pagtanggi sa sahod na nakuha sa lokal na pamahalaan
c. Pagkakaroon ng political dynasty sa bansa
d. Pag-iwas sa graft and corruption ng bansa
22. Malaki ang naitulong ng mga OFWs sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas. Ito ay makikita sa
sumusunod na pangyayari maliban sa __________.
a. Ang kanilang remittance o ipinapadalang pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing puhunan para sa
negosyo.
b. Naiaahon ng mga OFWs ang kanilang pamilya mula sa kahirapan
c. Nakapagtapos ang kanilang mga anak sa pag-aaral sa kolehiyo
d. Naiuulat ding marami ang nakapag-asawa ng banyaga.
23. Ito ang nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
a. Migration Transition c. Migration Feminization
b. Multiculturalism d. migratory Explosion
24. Alin sa sumusunod ang higit na akma sa pakahulugan ng “Globalisayon ng Migrasyon”
a. Mga bansang nakaranas ng pagbabago sa bilang ng naninirahan
b. Mga bansang nagtataglay ng malaking bilang ng mga highly qualified specialist
c. Mga bansang naaapektuhan ang kultura sanhi ng pagdagsa ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar.
d. Mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon sanhi ng madalas na puntahan o
dayuhin ito.
25. Ito ang maituturing na mabuting epekto ng Migrasyong Panloob sa PIlipinas.
a. Labis na dami ng tao sa iisang lugar at nagsisikip ang mga tao sa lungsod
b. Pagkakaroon ng panustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng isang taong nakahanap ng
hanapbuhay sa kanyang paglipat ng lugar.
c. Kakulangan ng sapat na trabaho
d. Nahihirapan ang gobyerno na magbigay ng serbisyo sa dumaraming bilang ng mga tao sa lungsod.

Prepared by:

ANDRES TEODORO S. RIOSA


Teacher III

REBECCA V. BOBIER
MT II

Checked by:

VICTOR G. VARGAS
HT VI, AP Dep’t.

You might also like