You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST IN AP 10

IKALAWANG MARKAHAN

Panuto: Suriin at pag aralan ang mga sumusunod na pahayag.Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.

1. Tumutukoy ito sa pangmalawakang integrasyon o pagsanib ng ibat-ibang prosesong pandaigdig.


a. Globalisasyon b. Migrasyon c. Transisyon d. Urbanisasyon
2. Ang pangyayaring ito ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan.
a. Ekonomiya b. Globalisasyon c. Migrasyon d. Paggawa
3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa ibat-ibang anyo nito maliban sa…
a. Ekonomikal b. Sosyo- kultural c. Teknolohikal d. Sikolohikal
4. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa ibat-ibang panig ng mundo. Alin sa
mga sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino?
a. Jolibee b. Mc Donalds c. San Miguel Corporation d. Unilab
5. Ang mga sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo-kultural maliban
sa…
a. E-commerce b. paggamit ng mobile phones c. pagpapatayo ng JICA building d. pagsunod sa KPop
6. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang lugar ng
trabaho ng mangagagawang Pilipino?
a. Pag-angat ng kalidad ng manggagawang Plilipino b. Pagdagsa ng produktong dayuhan c. Pagdagsa ng
dayuhang namumuhunan sa buong bansa d. paggamit ng ATM sa pagdeposit,bayad,pagwiwithdraw.
7. Maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon dahil…..
a. Patuloy ang pagbabago sa pamumuhay ng mga mamamayan b. nagdudulot ito ng masamag epekto sa
lipunan c. naaapektuhan nito ang maliliit na industriya d. binabago nito ang mga “perennial” na
institusyong matagal ng naitatag.
8. Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.
a. mura at flexible labor b. Business Process Outsourcing c. job mismatch d. subcontracting
9. Tumutukoy ito sa pagkuha ng isang kumpanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad.
a. Offshoring b. Outsourcing c. Nearshoring d. Onshoring
10. Ito ay pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mabababang bayad.
a. Offshoring b. Outsourcing c. Nearshoring d. Onshoring
11. Ito ay tumutukoy sa isang kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi
tugma sa kakayahan o pinag -aralan.
a. Endo b. Unemployment c. Job-Mismatch c. Underemployment d. Job-seeker
12. Anong sector ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa?
a. Agrikultura b. Impormal na sector c. Industriya d. Paglilingkod
13. Alin sa mga sumusunod ang suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka?
a. Kawalan ng sapat na tulog b. kawalan ng kahalili sa pagtatanim at pag-aani ng mga pananim c.
kakulangan ng patubig o suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda d. pagkasira ng pamilya
14. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at
paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagagawa.
a. Kontraktuwalisasyon b. Mura at flexible labor c. Subcontracting scheme d. Uunderemployment
15. Tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang
trabaho o serbisyo sa takdang panahon.
a. Kontraktuwalisasyon b. Mura at flexible Labor c. Subcontracting scheme d. Underemployment
16. Anong sector ang may pinakamalaking bilang na nabigyan ng trabaho sa taong 2019?
a. Agrikultura b. Industriya c. Panlipunan d. Serbisyo
17. Alin sa mga sumusunod ang bumaba ang bilang na naempleyo sa taong 2019?
a. Agrikultura b. Industriya c. Panlipunan d. Serbisyo
18. Ito ay nakamamatay at nakahahawang sakit na nagmula sa bansang China.
a. Covid-19 b. MERS-COV C. SARS-COV D. SARS
19. Ang rehiyon na may pinakamaliit na bahagdan ng unemployment.
a. Cagayan Valley b. CAR C. c. Ilocos Region d. NCR

20. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng paglaganap ng pandemyang Covid-19?
a. Pagbaba ng Gross Domestic Product growth at pagtaas ng budget deficit b. paglaganap ng turismo sa
bansa c. patuloy na pagtaas ng ng bilang ng walang trabaho sa buong mudo d. pansamantalang
nagsara ang mga paaralan upang mapigilan ang paglaganap ng covid-19
21. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar patungo sa isang lugar na
pansamantala man o permanente.
a. Bakasyon b. Globalisasyon c. Migrasyon d. Interaksyon
22. Ang bansang ito ang may pinakamaraming migranteng Pilipino.
a. Canada b. Malaysia c. Saudi Arbia d. United States of America
23. Sila ang pangunahing naapektuhan kapag nangibang-bansa ang parehong mga magulang.
a. Mga anak b. Mga alagang hayop c. Mga kamag-anak d. Mga Kapitbahay
24. Ano ang katuturan ng akronim na OWWA?
a. Overseas Workers Welfare for All b. Overseas Workers Welfare Authority c. Overseas Workers
Welfare Administration d. Overseas Welfare of Workers Administration
25. Pangunahing dahilan ng mga tao sa pangingibang bansa.
a. Kahirapan b. Katiwalian c. Polusyon d. Prostitusyon
26. Ano ang maaring maging epekto kapag nagdagsaan ang mga tao sa mga lungsod?
a. Pagbaba ng populasyon sa mga lungsod b. Pagdomina ng mga taga probinsya sa mga lungsod c.
Paglobo ng populasyon sa mga lungsod d. walang pagbabago sa populasyon sa lungsod.
27. Sila ang mga binansagang “economic migrants” ?
a. Mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs. b. mga tumakas sa kanilang bansa dahil sa
karahasan c. mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang
kabuhayan d. mga nangibang bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansang pinagmulan
28. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting bunga ng migrasyon sa mga papaunlad na bansa gaya
ng Pilipinas?
a. Brain Drain b. Economic Migration c. Integration d. Multiculturalism
29. Ano ang maaring negatibong epekto sa mga anak kung ang parehong magulang ay nasa ibang bansa?
a. Mapapariwara ang mga anak b. mapahahalagahan ng mga anak ang sakripisyo ng magulang c.
makapagtatapos sila ng pag-aaral d. magkakaroon ng magandang kinabukasan ang mga anak.
30. Alin sa mga sumusunod ang maaring maranasan ng mga OFWs sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa?
a. Diskriminasyon b. Parehong a at c c. Sexual Exploitation d. Wala sa a at b
31. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pangingibang bansa ng mga Pilipino maliban sa….
a. Kawalan ng oportunidad sa Pilipinas b. makiuso sa mga kakilalang nangibang bansa c. manirahan sa
ibang bansa kasama ang pamilya d. magandang trabaho at mas mataas na sahod
32. Ito ay isang doktrinang naniniwala na maaaring magsama ang ibat-ibang kultura ng payapa at pantay-pantay
sa isang lugar o bansa.
a. Multiculturalism b. Brain Drain c. Integration d. Migrasyon
33. Ano ang kahulugan ng househusband?
a. Mag-asawa na parehong nagtatrabaho b. mga anak ang nagtatarabho sa bahay c. ang asawang
babae na naiiwan sa bahay habang nagtatrabaho ang asawang lalaki d. ang asawang lalaki na naiiwan
sa bahay habang ang asawang babae ang nagtatrabaho
34. Paano nagsimula ang migrasyon sa kulturang Pilipino?
a. Sa pagdating ng mga dayuhan b. sa pagdami ng mga OFWs c. sa pagdayo ng mga mamamayang taga
baryo sa mga lungsod d. sa mga batas na ginawa
35. Ito ang nagpalala sa kawalan ng trabaho na maaring humantong sa krisis pang ekonomiya sa kasalukuyan.
a. Sigalot sa pagitan ng Tsina at USA b. Pag-aagawan ng teritoryo sa West Phil Sea c. dahil sa Covid-19
d. paglaganap ng sistemang kapitalismo sa maraming bansa sa mundo.
36. Sila ang pangunahing naapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino.
a. Ang pamilya b. mga anak c. asawa d. ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
37. Ito ang kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga nagsipagtapos ng Engineering degree sa Pilipinas ay
hindi nagiging engineer sa mga bansang lumagda nito.
a. Bologna Accord b. K-12 Curriculum c. Monroe Doctrine d. Washington Accord
38. Ipinatupad ng ating pamahalaan noong 2010 upang maiakma ang kurikulum ng basic education ng bansa sa
pamantayang global.
b. Bologna Accord b. K-12 Curriculum c. Monroe Doctrine d. Washinton Accord
39. Alin sa mga sumusunod ang di nagpapakita ng mga dahilan ng migrasyon?
a. Digmaang sibil b. pagkawasak ng pamilya c. kawalan ng trabaho sa pamayanan d. mas magandang
oportunidad sa ibang bansa.
40. Isang anyo ng human trafficking kung saan ang mga tao ay pwersahang pinagtatrabaho.
a. Force Labor b. slavery c. drug trafficking d. maltreatment
41. Tawag sa ipinapadalang pera ng mga migranteng mangagawa na nakakatulong sa paglago ng ekonomiya.
a. Forced labor b. remittance c. subsidy d. tariff
42. Noong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas sa kanilang bansa.
Ano ang ipinapakita nito?
a. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya b. kahirapan ng buhay c. kakaunti ang oportunidad na
makukuha ng mga Asyano sa kanilang bansa d. masisipag ang mga Asyano
43. Si Maria ay nag aplay bilang isang domestic helper sa Malaysia. Ngunit pagdating dun ay hinarang siya sa
airport dahil sa bagahe niya na may lamang droga,dahil dito siya ay nahatulan ng kamatayan. Ano ang tawag
sa sitwasyon ni Lea?
a. Forced labor b. human trafficking c. sexual exploitation d. slavery
44. Marami sa pamilya ng OFW ay nakakaranas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humantong sa pagkawasak
ng pamilya. Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan upang sila ay matulungan?
a. Bigyan sila ng load na pantawag b. bigyan ng moral na suporta c. magtayo ng isang Samahan ng mga
pamilya ng ofw upang gumabay sa kanila d. makisimpatya sa kanila
45. Noong 1973, ang migrasyon ng mga manggagawa sa Asya patungo sa Gitnang Silangan ay mabilis na
umunlad. Ano ang dahilan nito?
a. Dahil sa covid-19 pandemic b. dahil gustong mamasyal ng mga Asyano c. dahil sa pagtaas ng presyo
ng langis d. mayaman ang mga bansa sa gitnang silangan
46. Ang mga sumusunod ay mga dahilan o sanhi ng migrasyon. Alin ang hindi?
a. Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar b. paglayo o pag-iwas sa kalamidad c. pamamasyal d.
upang makaahon sa kahirapan
47. Ang bansang pinakamataas na magbigay ng pasahod sa mga OFWs sa larangan ng Health Care.
a. Canada b. Macau c. Singapore d. United Arab Emirates
48. Siya ang kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Paggawa at Emleyo na umaalalay sa mga OFWs sa kanilang
mga suliraning nararanasan sa ibang bansa.
a. Francisco Duque b. Manny Pacquiao c. Panfilo Lacson d. Silvestre Bello
49. Alin sa mga sumusunod ang positibong epektong dulot ng migrasyon sa pamilya?
a. Magkaroon ng maginhawang buhay ang pamilya b. mahiwalay sa pamilya c. makapaglibang d.
pagtangkilik sa mga imported na kagamitan
50. Ito ay isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kinikita sa pamamagitan ng pagpapatupad
ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
a. ENDO B. Job-Mismatch c. Mababang pasahod d. Mura at Flexible Labor

Prepared by: Checked by:


ANNALYN C. OCAMPO STEPHALYN F. CLARAVAL
AP 10-Teacher Head Teacher III

Noted:

MARY ANN L. CATINDIG


Secondary School Principal IV

You might also like