You are on page 1of 7

AUGUSTINIAN ABBEY SCHOOL

BILANG SA KLASE IKALAWANG TERMINONG PAGSUSULIT ISKOR


SY 2022-2023

ARALING PANLIPUNAN 10

PANGALAN: _____________________________________________ PETSA: ___________


BAITANG/SEKSYON _____________________________ Guro: Ginoong Danrex A. Barbaza

I. PAGPILI.
PANUTO: Basahin ang mga tanong. Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Ito ay tumutukoy sa paglalakbay, o pagtira sa ibang lugar sa kadahilanang gustong
makapagtrabaho at manirahan sa ibang bansa.

A. Asimilasyon
B. Imigrasyon
C. Migrasyon
D. Produksyon
_____ 2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapaliwanag sa konsepto ng migrasyon?
A. Si Grace ay dumalaw sa Amerika upang alagaan ang kaniyang titan a may sakit, siya ay
maglalagi doon ng halos kalahating taon.
B. Si Cecille ay nakapangasawa ng isang Arabo, nagdesisyon silang manirahan sa Saudi
Arabia.
C. Si Malou ay nagdesisyon ng manirahan sa Quezon Province kasama ng kanyang
kasintahan.
D. Lahat ng nabanggit.
_____ 3. Ano ang tawag sa mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay
hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip
dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship?
A. Irregular Migrants
B. Permanent Migrants
C. Temporary Migrants
D. Refugee Migrants
_____ 4. Si Gemma ay nagtratrabaho bilang singer sa isang kilalang resto sa Manila. Dahil sa
galing ay inimbitahan siyang magtrabaho sa ibang bansa ngunit lingid sa kanyang kaalaman na
hindi pala awtorisado ang agency na kumuha sa kanya. Umabot pa ang ilang buwan bago niya ito
nalaman, kaya bago pa siya madeport ay umuwi na siya pabalik sa bansa. Ano ang tawag sa
kanya?
A. Irregular Migrants
B. Permanent Migrants
C. Internally Displaced Person
D. Emmigrants
_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng migrasyon?
A. Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng
masaganang pamumuhay
B. Paghahanap ng ligtas na tirahan.
C. Upang mapromote sa trabaho.
D. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang
bansa.
_____ 6. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng isang Push Factor?
A. Kawalan ng Seguridad
B. Pagbagsak ng presyo ng bigas
C. Paglaki ng kita
D. Paglago ng negosyo sa bansa
_____ 7. Ano ang tawag sa mga taong umaalis sa isang lugar na may kaguluhan o sakuna
patungo sa isang lugar o pamayanan kung saan sila tatanggapin?

A. Internally Displaced Person


B. Stock
C. Irregular Migrants
D. Refugees

_____ 8. Ang migrasyon ay nakakaapekto sa kaunlarang pang-ekonomiya ng isang bansa. Alin


sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pang-ekonomiyang epekto ng migrasyon?
A. Paggawa ng mga polisiya at programa upang mabawasan ang pagtaas ng
pandarayuhan gaya ng paglimita sa pagpasok sa mga propesyunal.
B. Ang pagtanggap ng mga migrante ay maaaring makapag-ambag sa produksyon,
makabagong kaalaman at makalikha ng trabaho.
C. Nakatutulong ang pandarayuhan upang magkaroon ng matatag na ugnayan ang mga
bansa.
D. Ang pandarayuhan ay may kaakibat na social cost.

_____ 9. Ito ay tumutukoy sa pag-alis ng mga propesyunal sa isang bansa patungo sa ibang
bansa upang makapagtrabaho dahil sa mas malaking kita at magandang benepisyo.
A. Migration Displacement
B. Diaspora
C. Mobilization
D. Brain Drain
_____10. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng PSA noong 2017, Ano ang kadalasang edad ng mga
kalalakihang nangingibang-bansa?
A. 15-30
B. 25-40
C. 25-35
D. 15-35
_____ 11. Alin sa mga sumusunod ang kultural at panlipunang aspekto ng pandarayuhan ayon
kay Bosma (2011)?
A. Ang pandarayuhan ay nakatutulong upang mapatatag ang ugnayan ng mga bansa.
B. Ang pandarayuhan ay nakatutulong upang magkaroon ng kaalaman ang mga
mamamayan tungkol sa pamumuhay ng mga mamamayan sa ibang bansa.
C. Ang pagtanggap ng mga migrante sa isang bansa ay maaaring makapag-ambag sa
produksiyon, impormasyon at makalikha ng trabaho.
D. Ang pandarayuhan ng mga tao ay nakatutulong upang makapag-aral at mapagyaman
ng tao ang kanilang kaalaman at kasanayan.
_____ 12. Ano ang tawag sa paglipat na nakapaloob lamang sa iisang teritoryo ng isang estado?
A. Panlabas na Migrasyon
B. Panloob na Migrasyon
C. Emigrasyon
D. Imigrasyon
_____13. Si Anna Eder ay 20 anyos na, drop-out sa high school at hindi na nagpatuloy pa.
Naghihintay na lamang siya ng perang padala sa kanya ng inang nasa Singapore. Mag-isa na
lamang ang kanyang ina na nagtataguyod sa pag-aaral niya mula nang mamatay ang kanyang
ama. Naging pabaya siya sa pag-aaral at sa buhay niya simula ng makipagsapalaran ang kanyang
ina sa ibang bansa. Ginagastos niya ang mga padalang pera sa sugal, alak at iba pa.
Sa kasalukuyan, ay inaayos na niya ang kanyang buhay at bumalik na sa pag-aaral. Subalit,
nasayang na niya ang napakaraming lumipas na taon at perang nilustay. Nasayang mula sa
pagsasakripisyo ng kanyang ina.
Tanong: Kung ikaw si Anna at Eder, ano ang iyong gagawin upang mapaghandaan ang epekto ng
migrasyon?
A. Palalawakin ang kamalayan ukol sa mapanagutang mga gampaning pampamilya.
B. Natural na nagganap na ito dahil sa kahirapan kaya hahayaan na lamang.
C. Hindi ko papayagang mag-abroad ang aking mga magulang.
D. Hindi mahalaga ang presensya ng mga magulang, ang mahalaga ay ang pinansyal o
pera.
_____ 14. Ang migrasyon ay nagaganap hindi lamang sa mga bansang nasa iisang rehiyon dahil
nagpapatuloy din ang pagpapalitan ng mga tao ng produkto at kaalaman sa buong daigdig? Ano
ang pananaw ng International Labor Organization ukol dito?
A. Ang mahihirap na bansa ang siyang pinagmumulan ng mga mag-aaral. Manggagawa o
imigrante na maaaring naghahanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa.
B. Ang mga tao sa mayayamang bansa ang siyang may kakayahang lumipat patungo sa
ibang bansa o pamayanan.
C. Ang malakas na impluwensiya sa teknolohiya, kaalaman at kagamitan ang maaaring
magtulak sa mga mamamayan nito na maglakbay sa ibang bansa.
D. Ang kompetisyon sa trabaho ang nagiging sanhi ng kawalan ng oportunidad ng
pagkakakitaan para sa mga katutubong mamamayan ng isang bansa.
_____ 15. Nangyayari ang ganitong uri ng pandayuhan dahil nais ng mga manggagawa na
makakuha ng magagandang oportunidad na may malaking kita halimbawa nito ay ang mga
OFW.
A. Flow
B. Stock
C. Diaspora
D. Emmigrants
_____ 16. Madalas na sentro ng usaping pampolitika ay ang kahalagahan at katatagan ng
estado. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga elemento ng isang estado?
A. Soberanya
B. Geographical Entity
C. Teritoryo
D. Mamamayan
_____ 17. Alin sa mga sumusunod na dahilan ng pag-aagawan ng mga estado ng teritoryo ang
tumutukoy sa populasyon, likas na yaman, strategic value ng teritoryo?
A. Simboliko
B. Archipleagic Baseline
C. Lahi
D. Materyal
_____18. Sa anong aspekto makikita ang epekto ng usaping teritoryal sa sitwasyong mababasa
‘’Anomang oras ay maaaring sumiklab ang gulo o digmaan sa mga nag-aagawan ng teritoryo, gaya
sa pagitan ng Israel at Palestine, North and South Korea, Russia at Ukraine, at maging sa pagitan
ng Tsina at Amerika na nagtatalo sa umano’y panghihimasok ng Tsina sa mga teritoryo sa West
Philippine Sea’’?
A. Epektong Panlipunan
B. Epektong Pampulitika
C. Epektong Pangkabuhayan
D. Epektong Pangkapayapaan
_____19. Ang Pilipinas ay mayroon ding ilang dekadang kasaysayan ng sigalot sa teritoryo sa
bansang Indonesia. Anong isla ang kanilang pinag-agawan?

A. Spratly
B. Crimea
C. Benham Rise
D. Miangas

_____ 20. Ito ay tumutukoy sa mga anyong tubig na nakapaligid at nakapaloob sa teritoryo ng
isang bansa?
A. Integral Waters
B. Internal Waters
C. High Seas
D. Exclusive Economic Zone
_____ 21. Ito ay malaking isla ng Borneo na matatagpuan sa Timog-Kanlurang bahagi ng
Pilipinas na itinuturing din na pinakamahabang sigalot na kinakaharap ng Pilipinas ukol sa isyu
ng teritoryo.
A. Scarborough
B. Ayungin
C. Spratly
D. Sabah
_____ 22. Bukod sa Pilipinas at Tsina, Ang mga bansang ito ay nagka-interes din na makipag-
agawan sa mga isla sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas, maliban sa _______________ ?
A. Malaysia
B. Vietnam
C. Estados Unidos
D. Brunei
_____ 23. Isinasaad dito na ang pagkawala ng teritoryo sa isang tao ay sa pamamagitan ng
isang kasunduan?
A. Preskripsyon
B. Cession
C. Accretion
D. Arificial Accretion
_____ 24. Ito ay ang paggamit ng puwersang militar, panggigipit at dominasyon sa pakikipag-
ugnayan sa bansang kaagaw ng teritoryo. Halimbawa nito ay ang pagtatayo ng Tsina ng mga
pasilidad pang-militar sa mga islang pinag-aagawan sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas.
A. Anarkiko (Anarchic)
B. Teritorrial Dispute
C. Accretion
D. Economic Embargo
_____ 25. Ang pag-aagawan ng teritoryo ay madalas humahantong sa sigalot o digmaan na
nagdudulot ng pagkasawi ng mga tao, at pagkasira ng mga ari-arian. Alin sa mga sumusunod
anong kaganapan sa kasaysayan ang pinakakongkretong halimbawa ng pagkasira ng buhay ng
tao at ari-arian?
A. Ang panghihimasok ng Russia sa Crimea sa Ukraine.
B. Sigalot sa pag-aangkin ng teritoryo ng Palestine at Israel.
C. Labanan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naganap sa Asya at Europa.
D. Panggigipit ng Tsina sa ibang bansa sa pinag-aagawang teritoryo sa Kanlurang Dagat
ng Pilipinas.
_____ 26. Kilala rin ang batas na ito na ‘’Baseline law’’, na isang batas na muling nagbukas sa
usapin sa pag-angkin ng teritoryo ng Sabah
A. R.A. 10109
B. R.A. 6713
C. R.A. 5446
D. R.A. 3019
_____ 27. Ito ay nangyayari kung ang isang bansa ay may pisikal na panghihimasok sa isang
bahagi ng teritoryo, gaya ng isang isla o karagatang sakop ng isang bansa, at pagkuha ng likas
na yaman sa nasasakupan nito.
A. Geographical Entity
B. Okupasyong Pisikal
C. Hangganang Politikal
D. Third Party Settlement

_____ 28. Ang itinakdang batas pandaigdigan sa pagsukat ng kongkretog hangganan ng


teritoryo ng mga bansa ay napagkakasunduan ng mga bansa dahil sa UNCLOS. Ano ang ibig
sabihin ng UNCLOS?
A. United Nations Commission on the Law of the Sea
B. United Nation Convention on the Law of the Sovereignty
C. United Nation Commission on the Law of the Sovereignty
D. United Nations Convention on the Law of the Sea
_____ 29. Ayon kay Sumner (2015), paano mapangangalagaan ng bawat estado na sangkot sa
isang sigalot ang kanilang soberanya?
A. Sa pamamagitan ng gumamit ng dahas, diplomasya at third party settlement.
B. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng economic sanction sa kalakalan.
C. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng interes at kapakanan ng mga mamamayan nito.
D. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at kooperasyon ng mga bansa.
_____ 30. Ito ay isang talampas na nasa ilalim ng tubig na matatagpuan sa silangan ng Pilipinas
katabi ng malaking isla ng Luzon.
A. Sabah
B. Benham Rise
C. Scarborough
D. Spratly Island
_____ 31. Ito ay tumutukoy sa alinmang pamilya o grupo na nananatili na may hawak ng
kapangyarihan at iba’t ibang katungkulan sa pamahalaan.
A. Dinastiyang Politikal
B. Kryonismo
C. Nepotismo
D. People’s Paticipation
_____ 32. Upang matamo ang mabuting pamamahala na hindi nahahadlangan ng dinastiyang
politikal, maaaring pairalin ang ‘’transparency’’. Ano ang transparency?
A. Ito ay tumutukoy sa pananagutan ng pamahalaan sa mga mamamayan kaugnay ng
mga gawain at desisyon.
B. Ito ay katangian ng pamamahala kung saan ang mga gawain at desisyon ng
pamahalaan ay hayag at malayang naipapaalam sa mga mamamayan.
C. Ito ay tumutukoy sa pagtanggap ng mga mamamayan sa kapangyarihang mamuno ng
napiling lider.
D. Ito ay pamantayang tumutugon sa kapakanan at ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan.
_____ 33. Ang dinastiyang politikal ay isang mainit at mapanghamong usapin sa Pilipinas. Anong
batas ang nagbabawal sa anumang uri ng dinastiyang politikal sa iba’t ibang antas ng gobyerno?
A. Aricle I Section 26 ng 1987 Philippine Constitution
B. Aricle II Section 26 ng 1987 Philippine Constitution
C. Aricle I Section 6 ng 1987 Philippine Constitution
D. Aricle II Section 6 ng 1987 Philippine Constitution
_____ 34. Ito ay tumutukoy sa pagtanggap ng mga mamamayan sa kapangyarihang mamuno ng
napiling lider.
A. Accountability
B. Transparency
C. Legitimacy
D. People’s Participation
_____ 35. Anong anyo ng pamahalaan ang umiiral sa Pilipinas kung saan ang kapangyarihan ay
nahahati sa tatlong sangay; Ehekutibo, Lehislatibo at Hudikatura?
A. Republikang may parliamentaryong anyo
B. Konstitusyunal na may pampanguluhang anyo
C. Republikang may pampanguluhang anyo
D. Konstitusyunal na may parliamentaryong anyo
_____ 36. Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa mga kliyente sa pamamagitan
ng paghingi ng salapi, mahalagang mga bagay o mga serbisyo mula sa mga ordinaryong
mamamayan na nakikipagtranssaksiyon sa kanila o sa kanilang tanggapan.
A. Panunuhol
B. Nepotismo
C. Pangingikil
D. Influence Peddling
_____ 37 Ito ang paghirang sa mga kamag-anak sa mga posisyon sa pamahalaan sa pribadong
sektor na hindi kuwalipikado.
A. Kryonismo
B. Extortion
C. Bribery
D. Nepotismo
_____ 38. Ito ay uri ng korupsyon kung saan ang isang opisyal ng pamahalaan ay tumatanggap
ng halaga, salapi o pabor, panunuhol sa pamahalaan.
A. Petty Corruption
B. Grand Corruption
C. Public Corruption
D. Grand Corruption
_____ 39. Anong anyo o pamamaraan ng korupsiyon ang inilalarawan ng paggamit ng backer at
special privileges sa pag-aaplay sa trabaho?
A. Panlilinlang (Fraud)
B. Influence Peddling
C. Pangungupit (Embezzlement)
D. Pangingikil (Extortion)
_____ 40. Ito ay uri ng korupsyon, kung saan ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan ay
nang-aabuso sa kanyang posisyon upang makakuha ng pakinabang.
A. Administrative Corruption
B. Political Corruption
C. Grand Corruption
D. Public Corruption

II. PAGKILALA.
PANUTO: Alamin ang konsepto na tinutukoy sa mga pangungusap. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.
___________________ 41. Ito ay isang isyung pampolitika na nagaganap sa mga pagkakataong
ginagamit ng isang tao ang kanyang posisyon para sa pansarilng interes o kapakinabangan tulad
ng pagkuha ng material na benepisyo o financial gains.
___________________ 42. Ito ay paraan ng pagbuo ng ugnayan sa pagitan ng magkakaibigan o
ng mga maiimpluwensiyang tao sa pamamagitan ng pagiging padrino (ninong), sa kasal, binyag
o kumpil.
___________________ 43. Ito ay tumutukoy sa balwarte ng mga politikong pamilya kung saan
lubos ang impluwensiya nila.
___________________ 44. Ito ay tumutukoy sa pagkilala sa kabutihang ginawa at pagbalik nang
higit pa sa kabutihang tinanggap mula sa nagbigay nito.
___________________ 45. Ito ay uri ng korupsiyon na may kaugnayan sa pang-aabuso sa mga
tuntuning ipinapatupad ng mga sangay ng pamahalaan tulad ng paggagawad ng lisensya sa mga
hindi qualified kapalit ng kapakinabangan.
___________________ 46. Ito ay uri ng pagkawala ng teritoryo kung saan pinahihintulutan ang
ng isang bansa na ariin ang isang teritoryo.
___________________ 47. Ito ay isang representasyon ng mga lugar at heograpiya sa isang
patag na puwang.
___________________ 48. Ito ay tumutukoy sa mga negatibong salik na nagtutulak sa isang tao
upang umalis ng isang bansa gaya ng kakapusan sa pagkain, digmaan, kalamidad at pagkalat ng
sakit.
___________________ 49. Batay sa Corruption Perception Index ng mga bansa sa Asya-
Pasipiko, anong bansa ang may pinakamababang antas ng korupsyon?
___________________ 50. Batay sa Corruption Perception Index ng mga bansa sa Asya-
Pasipiko, anong bansa ang may pinakamataas na antas ng korupsyon?

----------------------------KATAPUSAN NG PAGSUSULIT------------------------

You might also like